CHAPTER 32
Napatayo sa inuupuan si Gin nang makitang dumilat si Thea.
"Kamusta pakiramdam mo?" tanong niya.
"Maayos na ko, salamat sayo."
"Walang anuman. Gagawin ko ang lahat para sayo."
Napayuko bigla si Thea.
"Nakakahiya, ako dapat ang magpoprotekta sayo. Bakit pa ako naging celestial guardian niyo kung sa huli ako ililigtas mo?"
Hinawakan siya sa ulo ni Gin.
"Wag mong isipin yun. Ano naman kung celestial guardian ka? Ang mahalaga sa akin ligtas ka. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nasamang mangyari sayo."
Hindi alam ni Thea ang sasabihin niya nang makita niya ang ngiti nito. Tuningin na lang siya sa gilid.
"Ano nangyari sayo? Paano ka nakuha ni Drake?"
Nanlaki ang mata ni Thea nang maalala niya ang nangyari.
"Sila Crystal!"
Napapupo siya subalit hinawakan ni Gin ang balikat niya at dahan-dahang siyang tinulak pahiga.
"Kailangan mo pa magpahinga. Ano ba nangyari kila Crystal?"
"Hawak pa rin sila ni Drake. Kailangan natin sila iligtas. Ayos na ako."
Nagkunot ang noo ni Gin.
"Huminahon ka muna. Ano ba nangyari? Kwento mo lahat."
Bumuntong hininga si Thea bago mag-umpisang magkwento.
"Ginamit nila si Zarah para makuha si Zaira. Sinubukan naming lumaban para sa huli natalo kami. Pagkatapos nun nagising na lang ako sa isang kwarto kasama sina Zarah, Crystal at Alyza."
Bago makipagkita si Drake kay Gin...
"Drake, pakawalan mo kami dito!" sigaw ni Zarah habang hinihila ang kadena sa paa.
Nagising si Thea sa ingay nito. Pagtingin niya sa tabi napahawak siya sa leeg niya.
"Aw!"
Kumirot ito na parang tinutusok.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Crystal habang nakatingin sa leeg ni Thea.
Nag-aalala siya na baka nalason ito dahil sa kagat nito sa leeg.
"Medyo nahihilo ako."
Nagkasalubong ang kilay ni Thea saka muling pumikit.
"May epekto na yan ng lason ng ahas."
"Wag ka mag-alala, siguradong may dahilan kung bakit siya dinala dito ni Drake. Hindi niya hahayaang mamatay si Thea," sabi ni Zarah.
"I know," tugon ni Crystal.
Hindi niya pa rin mapigilang mag-aalala sa kaibigan. Gustuhin man niya lapitan si Thea, hindi niya magawa dahil malayo ang higaan niya at dahil na rin sa kadenang nakalagay sa isang paa niya.
"Nasaan ba tayo?" tanong ni Thea habang hinihilot ang ulo.
"Hindi ko alam," sagot ni Crystal.
"Nasaan si Zai? Saka si Kim?"
Dahan-dahang umupo si Thea at tuwing kikirot ang leeg niya napapapikit siya.
"Kinuha ni Magnus si Athena habang naiwan si Kim sa Black Academy," tugon ni Zarah.
Natahimik sila nang bumukas ang pinto at pumasok si Drake.
Tinignan siya ng masama ni Zarah. Kung wala lang itong kadena sa paa baka kanina pa nito sinugod ang binata.
Napaatras si Thea nang makita niyang palapit ito sa kanya. Nang hawakan siya nito sa braso doon tumibok ng mabilis ang puso niya dahil sa kaba
"Ano gagawin mo sa akin?" tanong ni Thea habang hinila siya ni Drake.
Nag-umpisang mamanhid ang katawan ni Thea. Kahit igalaw niya ang daliri niya sa kamay wala siyang maramdaman.
"Sumunod ka na lang kung ayaw mo masaktan."
Tinanggal ni Drake ang pagkakadena ng paa ni Thea saka siya binuhat nito.
"Saan mo siya dadalhin?" tanong ni Crystal habang hindi pa rin inaalis ang masamang tingin.
"Kay Gin."
Natahimik sila sa sagot nito at pinanood na lang itong lumabas. Naisip nila na kung makikipagkita ito kay Gin may chance na mailigtas si Thea at malaman nila Liam kung ano nangyari sa kanila.
Kasalukuyan, pagkatapos marinig ni Gin ang buong pangyayari kinausap niya agad sila Liam.
Nagdilim ang mukha nila Blaize sa narinig.
"Papatayin ko silang lahat kapag may masama silang ginawa kay Athena," bulong ni Blaize.
Napatingin si Ivan sa kapatid. Wala siyang balak kontrahin ito dahil ganun din ang gusto niyang gawin. Nilingon niya si Liam. Sa kanilang lahat siya ang nahihirapan dahil tatlo sa kapatid niya ang nakuha ng kalaban.
Pero nanatili pa rin itong kalmado habang nag-iisip ng susunod nilang hakbang.
"Hindi ba alam ni Thea kung nasaan sila Crystal?" tanong ni Kayden.
Umiling si Gin bilang tugon.
"Mahihirapan tayo nito. Ang alam lang natin hawak sila ni Drake at si Athena naman hawak ni Magnus. Hindi natin alam kung saan mismo sila nakakulong," sabi ni Liam habang salubong ang kilay.
"Sa tingin ko nasa kaharian ng Phiria si Zaira. Kay Haring Linus nagtatarabaho si Magnus, may posibilidad na doon siya nito dinala," sabi ni Ivan.
Napahampas sa mesa si Max saka tumayo. Nakakuyom ang kamao nito habang seryoso ang mukha.
"Sorry, may naalala lang ako," aniya bago bumalik sa pagkakaupo.
Alam ni Ivan kung bakit ganun na lang ang reaksyon nito pero mas pinili na lang niyang manahimik.
***
Kung sila Liam nag-iiisip pa lang plano, ang ama naman nito ay mabilis na kumilos nang marinig niya ang pagkawala nila Zaira.
Walang maisip na ibang paraan sila Kim kundi sabihin sa magulang nila Zaira ang pagdukot nila Drake kila Crystal.
Ngayon palakad-lakad si Mr. Fiester habang nakatapat sa tenga niya ang cellphone.
"Pinuno, napatawag ka?" tugon ni Martin sa tawag niya.
Si Martin ang nagsisilbing leader ng White Legion sa Demesne.
"Kailangan ko ang tulong niyo. Gusto kong hanapin niyo diyan ang mga anak ko at iligtas kung may pagkakataon kayo."
Huminto siya sa tapat ng bintana saka tumingin sa labas ng bahay nila.
"O kaya kung may impormasyon kayo ipadala niyo sa akin agad--No! Pupunta na lang pala ako diyan."
Napalunok sila Kim nang maramdaman ang aura nito. Parang sundalo si Mr. Fiester na pupunta sa giyera.
"Ipapadala ko sayo ngayon ang larawan ng mga anak ko. Umpisahan niyo na ang paghahanap habang wala pa ako."
"Masusunod pinuno," tugon ni Martin.
Pagkapatay ng tawag, nilingon ni Mr. Fiester ang asawa niya.
Katulad niya umaalab din ang mata nito. Kahit na hinayaan nilang maglakbay ang mga anak nila, hindi ibig sabihin nun pababayaan na lang nila ito mapahamak.
"Saan tayo?" tanong ni Mrs. Fiester.
"Puntahan muna natin sila ama bago magtunggo sa Demesne."
Tumango si Mrs. Fiester saka lumikha ng portal patungo sa palasyo.
****
Sa Phiria kingdom,
Sa loob ng opisina ni Magnus, kasalukyang nakatayo sa harap niya Drake. Parehong seryoso ang mukha nila habang nakatingin sa mata ng isa't-isa.
Nakaupo si Magnus habang ang kanang siko niya nakapatong sa mesa at ang kamay niya nasa ilalim ng baba niya habang ang kaliwang kamay nakahawak sa isang maliit na itim na kahon. Hugis parihaba ito na kasya ang ballpen.
"Dala ko na ang dugo ni Gin," sabi ni Drake.
Pinakita ni Drake ang injection na may dugo.
Ngunit si Magnus.
"Magaling. Maasahan ka talaga."
Lumapit si Drake sa kanya.
"Tulad ng napag-usapan. Akin na si Alyza, oras na ibigay ito sayo."
"Okay. Sayong-sayo na siya. Bahala ka na sa kung ano gusto mong gawin sa kanya."
Tumango si Drake saka inabot ang hawak.
"Alis na ako."
Paglabas ni Drake, binuksan ni Magnus ang drawer sa ilalom ng office table niya. Kinuha niya doon ang isang kahon at nilapag sa mesa.
Pagbukas niya doon bumungad sa kanya ang tatlong maliit na bote na naglalaman ng dugo nina Zaira, Crystal at Alyza. Upang malaman niya kung ano sa tatlo ang dugo ni Zaira iniba niya ang kulay ng bote nito. Sa tatlong bote iyon lang ang kulay asul samantala ang tatlo kulay puti.
Kumuha siya ng tube saka doon pinagsama ang dugo nina Alyza, Gin at Crystal o ang tinatawag na trinity blood. Nang maghalo ang mga ito naging kulay purple ito.
Kumuha siya ng injection na pwedeng lagyan ng 2ml na dugo. Nilgayan niya iyon ng dugo ng trinity saka ito nilagay sa itim na kahon na kanina pa sa mesa niya.
Sunod na binuhos ni Magnus ang dugo ni Zaira sa natirang dugo. Hindi niya mapigilang langhapin ang dugo dahil sa amoy nito na katulad sa matamis na prutas.
Mula sa pagigung purple naging kulay bughaw ang dugo nila pagkatapos nito maghalo.
"Hahahaha."
Hindi mapigilang tumawa ni Magnus dahil sa wakas may eternal blood na siya. Nilagyan niya isa-isa ang tatlong 2ml injection niya habang ang natira binuhos niya sa pinaglagyan niya ng dugo ni Zaira. Binalik niya ito sa kahon kasama ang tatlong injection saka muling tinago sa drawer niya.
Bago siya lumabas kinuha niya ang itim na kahon at nagtunggo sa opisina ni Haring Linus.
"Mahal na hari, ito na po ang dugo ng trinity."
Yumuko siya saka inabot ang kahon. Abot tenga ang ngiti ni Haring Linus habang kinukuha ito.
"Nasaan ang infinity?"
Tukoy niya kay Zaira. Tumayo ng tuwid si Magnus bago sumagot.
"Sinama siya ni Prince Henry sa labas."
Nagkasalubong ang kilay ng haro.
"Saan sila nagpunta?"
"Paumanhin, hindi ko po alam mahal na hari."
"Sige, makaalis ka na."
Nagbow si Magnus bago umalis. Pagkasara niya ng pinto napangisi siya at makikita ang kislap sa mata niya. Walang ideya si Haring Linus na nakakuha na siya ng dugo ni Zaira.
Ngayon ang kailangan niya na lang maghintay sa susunod na mangyayari. Sigurado siya sa mga oras na yun hinahanap na si Zaira.
***
Samantala, nagmadaling bumalik si Drake sa lumang bahay kung saan nakakulong sila Alyza.
Nagising si Alyza nang madamdaman niya ang pagtali ni Drake sa kamay niya. Nagpumiglas siya pero sinamaan siya ng tingin ng binata.
"Ano nanaman gagawin mo?" tanong ni Alyza.
"Kukunin na kita."
Natigilan ang dalaga habang patanong na tinignan si Drake.
"Anong kukunin?"
Ngumiti si Drake.
"Nakalimutan mo na ba ang sinabinko sayo noon? Sa akin ka na ngayon kaya kukunin na kita. Aalis na tayo at magsasama sa malayong lugar."
Nag-umpisang manginig si Alyza kasabay ng mabilis na kabog ng puso niya.
"Saan mo ko dadalhin?"
Tinulak ni Drake ang likod niya dahilan para mapadapa siya lalo.
"Malalaman mo mamaya."
Hinigpitan ni Drake ang pagtali ng kamay ni Alyza sa likod. Pagkatanggal niya sa kadena sa paa, binuhat niya si Alyza at pinatong sa balikat niya.
Ngayon nakatapat sa likod ni Drake ang ulo ni Alyza. Habang palabas sila nagawa pang makipagtitigan ni Alyza kay Zarah.
Walang umimik sa kanila hanggang sa makalabas na si Drake. Para saan pa ang paghingi nila ng tulong? Wala rin naman mangyayari kaya mas pinili na lang nila manahimik. Sayang lang ang lakas nila kung sisigaw sila o lalaban.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" tanong ni Iron kay Drake pagkatapos niya buksan ang pinto ng sasakyan.
"Yeah. Ikaw? Anong balak mo? Hanggang kailan ka magtatrabaho kay Magnus?"
Binaba ni Drake si Alyza sa backseat bago tinignan si Iron. Simula nang magtrabaho sila kay Magnus, naging malapit ang dalawa. Si Iron ang kauna-unahang naging kaibigan niya maliban sa mga ahas na kasama niya sa gubat noon.
"Magpapakalayo na rin ako," sagot ni Iron.
Tumango si Drake saka pinasakay ang mga ahas na nakasunod sa kanya.
Nanlaki ang mata ni Alyza at agad na sumiksik sa dulo habang nakatingin sa mga ahas na gumagapang patungo sa inuupuan niya.
"Oh my god! Bakit pati sila kasama?"
Hindi niya mapigilang mapasigaw lalo na nang sumakay ang dalawang anaconda na kasama niya sa kwarto noon. Mas mahaba pa ang mga ito sa kanya at dahil sa dami ng mga ahas katabi niya sa upuan ang dalawang naglalakihang anaconda habang ang maliit nanatili sa ibaba. Sa huli napaligiran pa rin siya.
"Mga alaga ko sila kaya kung nasaan ako, nandoon din sila."
"Wag mong sabihin na makakasama ko rin sila sa pupuntahan natin?"
Namutla lalo si Alyza dahil wala pa rin siya takas sa mga ito.
"Babe, hanggang kasama mo ko, makakasama mo sila. Pamilya ang turing ko sila kaya masanay ka na sa kanila."
"Wag mo tawaging babe! Alyza ang pangalan ko."
Tinignan niya ng masama si Drake at napansin naman ito ng katabi niyang anaconda kaya nilapit nito ang ulo saka mukha ni Alyza.
"Hssh!"
"Ahhhh!"
Napapikit si Alyza nang nilabas ng ahas ang dila nito. Halos maluha siya sa takot.
Nakangiting sinara ni Drake ang pinto bago sumakay sa harapan. Nilingon muna ni Iron si Alyza at umiling bago magmaneho.
Tumingin na lang sa bintana si Alyza habang nasa biyahe.
"Mortal world yung sinasabi mong malayong lugar?" tanong niya nang makita ang dalawang malaking puno at buksan ni Iron ang daanan patungo sa mundo ng mga tao.
"Yeah! Mas mahihirapan silang matunton ka kung sa mortal world tayo magtatago." tugon ni Drake.
Muling natahimik si Alyza nang mapag-isip niya na nakaplano ang lahat ng gagawin ni Drake.
***
Dilat na dilat pa rin si Zaira sa kwarto niya kahit na madaling araw na. Tumatakbo pa rin sa isipan niya ang sinabi ni Beatriz.
Napaupo siya bigla nang bumukas ang pinto.
"Bakit gising ka pa?" tanong ni Henry habag salubong ang kilay.
Pagpasok nito naamoy ni Zaira ang amoy ng alak.
"Lasing ka ba?"
Tinignan ni Zaira ang mapulang mukha ni Henry habang pagewang-gewang itong naglakad. Dahil sa kilos nito hindi napansin ni Zaira na diretso pa rin ang tingin ni Henry.
"Mahal ko, akin ka lang diba?"
Umupo si Henry sa tabi niya at kusa siyang napaurong. Labis ang kabang nararamdaman niya dahil na rin sa gumugulo sa isipin niya. Hindi rin maganda ang kutob niya.
Gusto niya tumakbo pero wala siyang lakas na loob. Pakiramdam niya kapag tumakbo siya at hindi nakatakas mas matindi ang mararanasan niya kay Henry.
"Bumalik ka na sa kwarto mo at magpahinga. Mukhang nakainom ka."
Sinigurado ni Zaira na kalmado ang pananalita niya sa kabila ng nararamdaman niya.
"Sagutin mo muna ang tanong ko, akin ka lang diba?"
Hinawakan siya sa balikat ni Henry.
"Bakit ayaw mo ko sagutin?" tanong nito.
"Bukas na lang tayo mag-usap, gusto ko na rin matulog."
Humigpit ang pagkakahawak sa kanya ni Henry saka siya tinignan sa mga mata.
"Akin ka lang diba?"
Nagkunot ang noo ni Zaira saka sinubukang alisin ang kamay nito.
"Henry, lasing ka ngayon. Bukas na tayo mag-usap."
"Hindi ako lasing! Sagutin mo ko. Akin ka lang diba?"
Halos mapalundag si Zaira dahil sa malakas na boses ni Henry. Pahigpit nang pahigpit ang hawak nito sa kanya.
"Sabihin mo sakin na akin ka lang. Ako ang mahal mo, wala nang iba. Akin ka lang! Akin!"
Tinulak siya nito saka.
"Henry, nasasakta ako! Ano ba?!"
Napasigaw na rin si Zaira dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya.
Nanlisik ang mata ni Henry saka hinawakan ang kamay ni Zaira na nagtankang magtanggal sa pagkakahawak niya.
"Aww!"
Halos bumakat ang kamay ni Henry sa pulsuhan ni Zaira dahil sa sobrang gigil nito. Itinaas niya ito sa ibabaw ng ulo ni Zaira sala ito hinawakan gamit isang kaliwang kamay niya habang ang kanan niya pinanghawak niya sa panga ng dalagita.
Umurong ang dila ni Zaira nang makita niya ang matalim na tingin ni Henry.
"Wala kang karapatan na sigawan ako. Alipin ka lang, wag mo kong inuutusan! Naiintihan mo? Sagot?!"
Napatango na lang si Zaira sa sobrang takot. Ngumiti si Henry bago siya binitawan nito.
"Good. Akin ka lang Athena. Itatak mo yan sa isipan mo."
Bago pa makahinga ng maluwag si Zaira, nanlaki ang mata niya nang maghubad ng damit sa harapan niya si Henry.
"Henry, ano gagawin mo?"
Gusto niya tanungin kung bakit ito nagtanggal ng damit pero natatakot siyang marinig ang isasagot nito.
Isang salita ang pumasok sa isip niya.
'Takbo.'
Kailangan niya tumakbo. Sinubukan niya tumayo pero hinawakan siya sa paa ni Henry.
"Saan ka pupunta? Hindi ka makaalis sa kwartong ito hanggang hindi kita naangkin."
Parang binuhasan ng yelo si Zaira sa narinig.
Dumating na kinatatakutan niya.
"Henry..."
Nagmamakaawang tumingin siya sa binata pero isang malamig na tingin lang ang tinugon nito.
"Henry!"
Napayakap sa sarili si Zaira nang biglang hilain nito ang damit niya. Hinawakan ni Henry ang kamay niya at muli itong tinaas.
"Wag please!"
Sinubukan siyang halikan nito pero tinagilid niya ang ulo niya. Sa huli sa pisngi siya nito nahalikan.
"Tsk."
Hinawakan siya nito sa baba at sapilitang hinarap ang ulo niya.
"Henry maawa ka. Wa--hmmmp."
Marahas niyang hinalikan nito sa labi.
"Hmmpp."
Hinampas ni Zaira ang likod nito pero tuloy pa rin ito sa paghalik sa kanya. Sinubukan pa nito ipasok ang dila sa loob ng bibig niya kaya pilit itong tiniklop ni Zaira.
"Alam mo bang maraming paraan ang mga bampira para mapasunod nag mga katulad mo? Tignan na lang natin kung hanggang kailan ka maglalaban
Bumaba ang halik nito sa leeg niya at nang kagatin siya nito napasigaw si Zaira.
"Aaahhhhhh! Tumigil ka! Masakit! Henry!"
Habang tumatagal ang pagsipsip ni Henry sa dugo niya nag-umpisang mag-init ang katawan niya.
Napakunot ang noo ni Zaira dahil sa biglaang pag-init ng pakiramdam niya. Nag-umpisang tumulo ang luha niya dahil alam niya kung ano nangyayari sa kanya.
"Tama na please!"
Napahagulgol na lang siya bigla sa takot na mawalan siya bigla ng kontrol sa sarili sa kabila nang pagpigil niya.
Natigilan si Henry nang marinig niya ito. Nag-umpisang manginig ang katawan ni Zaira dahil sa pag-iyak.
"Sh*t! Sorry."
Hinila siya paupo ni Henry saka niyakap pero tuloy pa rin ito sa pag-iyak.
Para naman tinutusok ng kutsilyo ang puso ni Henry tuwing maririnig niya si Zaira.
Naiinis siya sa sarili niya. Lagi niya sinasabi sa sarili na hindi siya gagaya sa ama niya at kay Dominic na walang ibang ginawa kundi magpaiyak ng babae.
"Hindi ko sinasadya. Wag ka na umiyak."
Tinulak siya ni Zaira pero mahigpit niya itong niyakap.
"Bitawan mo ko," sambit ni Zaira.
Medyo kumalma na siya sa pagyakap nito pero naiinis pa rin siya sa ginawa nito.
"Patawarin mo ko. Nadala lang ako ng galit."
"Henry, kapag hindi mo ko binitawan lalo kitang hindi mapapatawad."
Napabitaw agad si Henry saka lumayo kay Zaira.
"Umalis ka na!"
Tinuro ni Zaira ang pinto habang masamang nakatingin kay Henry.
"Zai..."
Nang subukang lumapit ni Henry kusang napaurong si Zaira hanggang sa mapasandal siya sa headboard ng kama. Niyakap niya ang sarili habang matalim na tinignan si Henry.
Takot pa rin siya dito kahit na mukhang kumalma na ito. Kundi ito kakambal ni Stephanie hindi niya ito pakikisamahan.
"Alis na! Ayoko sayo. Akala ko iba ka kila Magnus pero katulad rin sila."
Napayuko si Henry sa narinig. Yung ayaw niya marinig lumabas sa bibig ng babaeng gusto niya. Naiiinis siya sa sarili niya. Nangako pa naman siya kay Stephanie na hindi siya kila Magnus at sa ama nila.
"Sorry."
Mabigat ang naging hakbang ni Henry habang palabas ito.
Bumuntong hininga si Zaira saka napahawak sa leeg niya. May nahawakan siyang basa dito. Pagtingin niya sa kamay niya may pahid na ito ng dugo.
Tumingin siya sa salamin at doon nakita niya ang dalawang bagat ng ngipin ni Henry.
"Hindi man lang niya pinagaling yung kagat niya. Paano kung maamoy ng ibang bampira ang sugat ko at sugurin ako bigla dito?"
Kinilibutan bigla si Zaira at napayakap sa sarili bago humiga. Inisip na lang niya na nakakandado ang pinto kaya walang ibang makakapasok sa loob maliban kay Henry at sa katulong na nagdadala ng pagkain niya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro