CHAPTER 29
"Ano na gagawin natin kuya? Baka kung ano gawin nila kay Zarah," sabi ni Zaira pagkatapos nila mapanood ang kuha ng cctv.
Wala sila ideya sa kung sino ang nasa likod ng pagdukot sa kanya. Hindi nila ito kilala kahit nakita nila ang mukha nito.
Hinawakan ni Liam ang balikat ni Zaira saka tinignan siya mula ulo hanggang paa.
"May nararamdaman ka bang kakaiba? May masakit ba sayo?"
"Wala kuya. Bakit?"
"Good. Ibig sabihin wala pa silang masamang ginagawa kay Zarah."
Tumango siya saka ttumingin kila Ivan.
"Kailangan natin malaman kung sino ba ang dumukot kay Zarah."
"Sa tingin ko mga bampira sila. Parang minsan ko na sila nakita sa Demesne kasama ni Magnus," sambit ni Ivan.
Napalibutan ng itim na aura si Liam, napakuyom siya ng kamao.
"Pupunta tayo ngayon sa Demesne."
Sa pangalawang pagkakataon nakuha nanaman ang kapatid niya. Nagtataka man siya kung paano nagagawa ng kalaban na makalusot sa kanila, inalis niya muna ito sa isipin niya at isang plano ang binuo.
"Delikado ang lugar na yun para sa mga babae, kami na lang mga lalaki ang pupunta. Bumalik na muna kayo sa Occult kasama ni Heidi."
"Okay. Mag-iingat kayo," tugon ni Naomi.
Hinawakan ni Zaira sa kamay si Blaize habang nakasimangot.
"Babymine, mamimiss kita. Mag-iingat kayo doon."
Gusto niya sumama pero alam niyang hindi niya mababago ang napagdesisyunan ni Liam. Alam niya rin na sa kanilang lahat, isa siya sa posibilidad na susunod madudukot. Una si Alyza, sunod si Zarah, hindi na siya magtataka kung pati silang tatlo nila Crystal dukutin.
Wala siyang ibang maisip na dahilan para gawin nila yun maliban sa eternal blood.
Niyakap ng mahigpit ni Blaize si Zaira saka nilapit ang bibig sa tenga nito.
"Mamimiss din kita."
Napataas ang labi ni Zaira na kanina nakasimangot.
"Ahem. Tama na yan. Kailangan na natin magmadali," sabi ni Asher.
Pinaghiwalay niya ang dalawa saka tumayo sa pagitan nila habang matalim na nakatingin kay Blaize. Hindi niya pa rin ito mapapatawad sa pag-inom nito sa dugo ng pinakamamahal niyang kapatid.
Tinaas ni Liam ang kamay sa harapan niya at isang hugis oblong na puting liwanag ang lumabas sa tapat niya.
"Vinz, sumama ka na sa kanila. Balitaan mo na lang ako kung may masamang nangyari," utos niya habang pumapasok sila Zaira sa portal.
***
Sa gitna ng mapunong gubat, nakatayo si Magnus habang masamang nakatingin sa dalawang bampirang lalaki.
"Mga tanga! Si Zaira ang pinapakuha ko, hindi si Zarah," sigaw niya sabay sipa sa sikmura ng isa sa kanila.
Napahawak ito sa sikmura habang nakahiga sa damuhan at namimilipit sa sakit. Nanlaki ang mata ng kasama nito saka nanginginig na yumuko.
"H-hindi po namin alam. Patawarin mo po kami," utal na sabi nito.
Hinila ni Magnus ang kwelyo nito saka sinuntok sa mukha.
"Wala talaga kayong silbi!"
Sinipa niya ito bago nilingon si Zarah. Nakahiga ito sa damuhan habang nakatali ang mga kamay at paa. Tulog na tulog ito na parang nasa malambot siyang kama.
Bumuntong hininga si Magnus saka binuhat si Zarah.
"Mauna na kayo bumalik sa Phiria. Ako na bahalang kumuha kay Zaira," utos niya bago mawala sa pagitan ng dalawang malaking puno.
Kapag nakita nila Zaira ito malalaman agad nila na nasa lagusan sila papuntang Outlandish.
Paglabas niyas sa lagusan, napatingin sa kanya sila Iron.
Tumalon mula sa taas ng puno si Drake.
"Boss, saan tayo?"
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan.
Ibinaba ni Magnus sa tabi niya si Zarah saka nilingon si Iron sa driver seat.
"Sa Occult tayo."
***
Kasalukuyang nagbabasa ng mga papeles si Headmaster Black nang dumating sila Zaira sa opisina niya.
Nagkatingnan sila Zaira nang makitang nakatutok pa rin ito sa hawak nitong folder na tila ba may malalim na iniisip.
"Hello Headmaster!" sigaw ni Kim.
Napaayos ito ng upo at nang makita ang mukha nila Kim napakunot ang noo nito..
"Ano ba kayong mga bata kayo? Ginulat niyo ko. Bakit kayo nandito?" tanong nito sabay tingin ng masama kay Kim.
Ningitian lang siya nito saka nagtago sa likod ni Crystal.
Napabuntong hininga si Headmaster Black.
"Kamusta lakad niyo?"
"Pwede pong okay, pwede ding hindi," tugon ni Kim.
"May problema ba?"
"Hawak po ngayon ni Magnus si Zarah at si Alyza naman hawak nila Drake," paliwanag ni Naomi.
Nagdilim ang mukha ni Headmaster Black.
"Pero nagpunta na ang mga lalaki sa Demesne para iligtas sila," dugtong ni Crystal.
Tumango si Headmaster Black subalit hindi pa rin nagbago ang masamang aura nito. Iniisip niya sa kung paanong paraan niya susugurin ang Demesne oras na may masamang mangyari kay Alyza.
"Labas na po kami headmaster."
Paalam ni Naomi saka sila dahan-dahang naglakad palabas. Dumiretso sila sa mansion at doon nagkanya-kanya silang hanap ng pwesto.
Pumunta si Zaira sa kwarto ni Blaize at doon nahiga. Humiga siya sa kama at doon naamoy niya ang binata.
Pinikit niya ang mata niya subalit makalipas ang labing dalawang minuto muli siyan dumilat. Gustuhin man niya makatulog hindi pa rin niya mapigilang mag-aalala kay Zarah.
"Sana ayos lang sila."
Bumangon na siya at naglakad-lakad.
Nakita niya sila Crystal, Thea, at Kim na na nakatulala sa sala.
"Hindi rin kayo makatulog?" tanong niya.
Tumingin siya sa bintana. Madilim na ang kalangitan at malamig na ang simoy ng hangin. Akmang isasara niya ito nang matanaw niya ang isang puno.
"Zarah!"
Nanlaki ang mata niya habang nakatingin kay Zarah. Nakatali ito sa may puno.
Kailangan ko siya iligtas.
Lumabas siya ng mansion at patakbong nagtunggo sa may puno.
"Athena!" tawag sa kanya ni Crystal subalit walang ibang naisip si Zaira kundi iligtas si Zarah.
Nanlaki ang mata ni Zarah nang makita niyang palapit si Zaira. Mabilis siyang umiling habang sinusubukang makaalis sa pagkatali.
"Hmmpp!"
Gusto siya patigilin ni Zarah subalit hindi siya makapagsalita gawa ng nakataling tela sa bibig niya.
"Tutulungan kita. Hintayin mo ko," sabi ni Zaira.
"Sandali!"
Hinawakan siya ni Crystal upang pigilan subalit isang masamang tingin ang tinugon niya.
"Crystal, bitawan mo ko!"
Umiling si Crystal. Kahit magalit pa ito sa kanya hindi niya ito bibitawan.
"Baka patibong lang yan."
"Pero kailangan niya ng tulong."
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit nandyan si Zarah? Tingin mo ba basta-basta na lang siya ilalagay diyan?"
Natigilin si Zaira sa lakas ng boses nito. Tumingin siya sa paligid kung may kalaban ba habang nakikiramdam.
Nanlamig siya bigla at naging alerto nang maramdaman niyang may matang nakatingin sa kanya.
"Sino nandyan? Lumabas kayo! Magpakita kayo sa amin!"
Isang kaluskos mula sa mga halaman malapit sa punong kinalalagyan ni Zaira. Dahil sa mga mataas at madaming dahon hindi nila kita ang nasa likod nito.
"Hsssh."
Isang pamilyar na tunog ang nagpabilis ng tibok ng puso ni Zaira. Nag-umpisang manginig ang paa at kamay niya saka pinagpawisan.
Gusto niya tumakbo pero hindi siya makakilos dahil sa takot.
"Ahas!" sigaw ni Kim sabay turo sa mga ahas na nagsisilabasan.
Namutla lalo si Zaira nang makitang gumagapang ang mga ito palapit sa kanila.
"Athena!" sigaw ni Crsytal sabay hila sa kanya pabalik ng mansion.
Subalit nakakatatlong hakbang pa lang siya may humarang agad sa kanila
"Saan kayo pupunta mga binibini?" tanong ni Magnus sabay ngiti hanggang sa lumitaw ang mga pangil nito.
Napakapit ng mahigpit si Zaira sa balikat ni Crystal.
"Malapit na sila..." bulong niya habang palakas nang palakas ang huni ng mga ahas na para bang nagsisigawan sa sobrang saya.
Ramdam ni Crystal ang panginginig ng kamay ni Zaira.
Nang gumalaw si Magnus, mabilis na lumikha ng fireball si Crystal at hindi siya nagdalawang isip na ibato ito.
Niligis ni Magnus ang ulo niya upang iwasan ito saka ngumisi.
"Weak," aniya habang nakatingin sa dalawa.
Tumalim ang tingin ni Zaira at dali-daling ginawang baril ang alter necklace.
Bang!
Nanlaki ang mata nila nang mawala ito bigla sa harapan nila bago tamaan.
"Hssh. Long time no see," bulong ni Drake sa kanang tenga ni Zaira.
Nagsitaasan ang buhok niya sa batok at nanginig muli ang mga kamay niya. Nawala bigla ang lakas ng loob niya na lumaban.
"Crystal..." sambit niya nang subukan siyang hilain nito pero nahawakan siya agad sa balikat ni Drake.
Tinignan niya sa mata si Crystal.
'Tumakas ka na, hayaan mo na ako.'
Naiintindihan naman ni Crystal ang ibig sabihin nito kaya umiling siya bilang tugon at mahigpit na hinawakan ang kamay niya.
Pumikit si Zaira saka huminga ng malalim. Alam niyang kailangan niyang harapin ang takot niya, ngyong wala ang kuya niya. Wala rin sila Blaize at iba pa.
Pagkadilat niya siniko niya sa mukha si Drake pero naapaatras ito agad. Subalit sapat na iyon para makalayo siya. Nanginig na tinutok niya ang hawak na baril habang matalim na tinignan ang taong ahas.
Tumatawang tinaas ni Drake ang dalawang kamay niya.
"Tumingin ka sa likod ko," aniya sabay lakad pakanan upang makita nila ang nangyayari.
"Bitawan mo ko!" sigaw ni Zarah habang nagpupumiglas kay Iron.
"Zarah! Aahh!" sigaw ni Zaira.
Nabitawan niya ang hawak na baril nang sipain ni Drake ang kamay niya.
"Stupid!" aniya sabay tawa.
Binato siyang ng fireball ni Crystal kaya muli itong napaatras.
"Kami na bahala sa kanya kunin mo na ang baril. Thea!" sambit ni Crystal habang walang tigil sa pagbato ng fireball.
Lumikha ng water whip si Thea saka inatake si Drake.
Nang makita niyang na sa kanila na ang atensyon ni Drake, nilapitan ni Zaira ang baril saka yumuko para pulutin ito. Subalit isang paa ang sumipa dito bago pa niya makuha.
Napaangat ang ulo niya at nasilayan niya ang ngiti ni Magnus.
"Paano ba yan? Wala kang sandata laban sa akin," aniya.
"Ahhhh!"
Napahawak sa bigla sa balikat si Zaira nang kumirot ito kahit na wala pang ginagawa si Magnus. Pagtingin niya kay Zarah, isang matalim na bakal na katulad sa kutsilyo ang nakatusok sa balikat nito.
Nagkasalubong ang mata nilang dalawa ni Iron saka lalong hinugot ang tinusok nito saka nawala ang hawak niya. Ngumisi siya saka pinisip ang sugat na ginwa nita.
Sabay silang napasigaw ni Zarah sa sobrang sakit. Wala man dugo sa balikat ni Zaira ramdam niya ang sakit na nararamdaman ni Zarah.
Himigpit lalo ang pagpisip ni Iron.
"Aahhhhhhhh!!"
Napaluhod si Zaira habang hinihingal.
"Athena!"
"Zai!"
"Tapusin na natin ito," sambit ni Magnus bago ito mawala sa tabi ni Zaira.
Lumitaw ito sa tabi ni Kim habang may kumikidlat sa kamay nito. Nang hawakan niya ang dalagita nakuryente ito at nanginig.
"Kim!" sigaw ni Zaira habang sinusubukan tumayo ngunit tuwing kikilos siya kikirot bigla ang sugat niya.
Tinignan niya ng masama si Iron.
"Next!" sambit ni Magnus bago muling mawala.
Nakita na lang nilang bumagsak si Kim habang napapalibutan ng kidlat.
"Crystal, takbo!" sigaw ni Zaira pero huli na ang lahat.
Sumulpot sa likod niya si Magnus saka siya hinawakan sa batok. Nangisay si Crystal at katulad ni Kim bumagsak ito.
"Aahhhh!" sigaw ni Thea habang kagat-kagat siya ni Drake sa leeg.
Para itong bampira na sabik sa dugo kung hindi lang katulad sa ahas ang mata nito maiisip nilang bampira ito.
"Drake, tama na yan bago mo pa siya mapatay. Kailan pa natin siya para sa sunod na plano," sabi ni Magnus.
Napaupo ng tuwid si Zaira nang marinig niya ito sa likod niya.
Wala na ibang naisip si Zaira kundi ang tumakbo kaya pinilit niyang tumayo. Isang kamay ang pumulupot sa bewang niya.
"Saan ka pupunta?" bulong ni Magnus.
Hinawakan siya nito ng mahigpit sa baba at sapilitang tinaas ang ulo niya. Napapikit na lang siya nang maramdamang niya ang pagbaon ng pangil nito.
***
Sa isang lumang bahay sa Demesne. Nakatulala sa kisame si Alyza habang nakahiga sa kama.
"Gusto ko na makalabas dito."
Matagal na niyang gustong tumakas pero hindi niya magawa dahil sa mga ahas na nagkalat sa sahig.
Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Drake. Napaupo si Alyza nang maamoy niya mula dito ang dugo ni Thea.
"Hi Babe," bati sa kanya ni Drake habang papalapit ito.
Napakunot ang noo ni Alyza nang makitang may patak ng dugo sa kwelyo nito. Tinignan niya ito ng masama pero ningitian lang siya nito.
"Miss me?"
Tinaasan niya ito ng isang kilay
"Mukha bang namiss kita?"
Tumawa lang si Drake saka muling nagsalita.
"Nandito ako para sunduin ka."
Lumapit siya kay Alyza saka niya ito nilagyan ng handcuff. Tinalian niya rin ang mga paa nito. Sinubukan pa siyang sipain ni Alyza pero nang makita niya ang ulo ng ahas na sumilip sa long sleeve niya, hindi na siya nakakilos.
"Good! Mahimik ka na lang at wag na lumaban. Ayaw nang ayaw ng mga alag ko na nahihirapan ako," sabi ni Drake.
Napalunok si Alyza nang umakyat sa kama ang malaking ahas na nakabantay sa kanya sa kwarto.
"Let's go!"
Binuhat ni Drake si Alyza saka lumabas ng kwarto.
"Saan mo ako dadalhin?" tanong ni Alyza sabay silip sa mga ahas na nakasunod kay Drake.
"Sa lugar kung saan tayong dalawa lang ang magkasama. Siyempre kasama ang rin ang mga alaga ko. Paliligayahin kita doon at bubuo tayo ng isang pamilya. Magkakaroon tayo ng mga anak na ahas at bampi--"
Tinignan siya ng masama ni Alyza habang nakakurot sa tagiliran niya.
"Wala akong balak bumuo ng pamilya kasama ka," sabi ni Alyza.
Hindi maintindihan ni Alyza kung bakit bigla na lang siya nagustuhan ni Drake. Wala naman siya ibang ginawa kundi ituring siya kalaban.
Hirap siyang paniwalaan ang mga sinasabi nito. Idagdag pa na matindi ang galit ni Drake sa magulang niya at gusto niya kainin si Zaira. Paano niya ito paniniwalaan?
"Why not?"
"Mahal mo ba ako?"
Napurong ang dila ni Drake sa tanong nito. Kahit siya hindi niya alam ang sagot sa tanong nito.
"Kita mo na? Hindi ka nga sigurado sa nararamdaman mo. Tingin mo ba gugustuhin kong makasama ka?"
Inirapan siya ni Alyza bago tumingin sa harapan nila.
"Pffft. Hindi mahalaga kung mahal ba kita o hindi. Ang importante sa akin makasama kita. Sigurado ako sa gusto kong gawin sayo."
Kinilabutan si Alyza sa pagtawa nito. Gusto niya sana tanungin kung ano balak gawin nito sa kanya pero hindi na niya ito nagawa dahil sa bumungad sa harapan niya.
Pumasok sila sa isang madilim na kwarto kung saan tanging kandila lang ang nagsisilbing ilaw. May apat na kama na magkakahiwalay at sa tatlong kama na magkakasunod nakahiga sina Zarah, Thea at Crystal. Lahat sila walang malay at may nakalagay na kadena sa isang paa nila na nakalock sa hinihigaan nila.
"Bakit sila nandito?" tanong ni Alyza.
"Bihag na rin namin," tugon ni Drake sabay tawa.
Binaba siya ni Drake sa bakanteng higaan at saka nilagay ang kadena sa kanang paa niya bago tinanggal ang tali at handcuff nito.
"Napakasama niyo talaga! Ano ba kailangan niyo sa amin?"
"Hindi ko alam kay boss pero wag ka mag-alala ligtas ka hanggang nandito ako. Tulad ng sinabi ko sayo dadalhin kita sa lugar na tayo lang."
Nilapit ni Drake ang mukha niya sa teng ni Alyza saka bumulong..
"Kaya sulitin mo na ang araw na kasama mo sila. Oras na mapasakamay kita hinding-hindi mo na sila makikita kailanman."
Bago ito lumayo hinalikan muna nito ang buhok ni Alyza saka ngumiti. Napakuyom ng kamao ang dalagita at akmang susuntukin niya ito nang biglang may ahas na pumulupot sa braso niya.
Nanginig si Alyza habang nalalaki ang mata na nakatingin sa ahas. Tumawa ng mahina si Drake bago lumayo sa kanya.
"Bantayan niyo ang mga bihag."
Utos ni Drake sa mga ahas na nakasunod sa kanila bago siya iwanan nito.
"S-sandali!"
Utal na sabi ni Alyza. Gusto niya sana sabihin na alisin muna nito ang ahas sa kamay niya bago umalis pero hindi na ito lumingon.
Napakagat na lang siya ng labi habang nakikipagtitigan sa maliit na ahas sa kamay niya.
"Hsssh."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro