Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28


"Nasa Vendon na ba tayo?" tanong ni Zaira pagpasok nila sa pintuang nagdudugtong sa Bizarre at Vendon.

Pinto ito na kapag binuksan may puting portal. Pagpasok nila doon napapad sila sa loob ng isang maliit na bahay.

"Maligayang pagdating sa Vendon City."

"Ay kabayo!"

Napalundag si Zaira at napahawak sa dibdib nang may magsalitang matandang babae sa likod niya.

Ngumiti lang ito saka muling nagsalita.

"Ilista niyo muna ang pangalan niyo sa log book bago kayo lumabas."

Tinuro nito ang malaking notebook sa lamesa. Isa-isa nilang sinulatbang pangalan nila at pumirma. Binigyan sila nito ng visitor ID na automatic na magkakaroon ng pangalan nila oras na hawakan nila ito.

"Lagi niyong tatandaan na bawal kayo gumamit ng kapangyarahan niyo sa Vendon. May parusa ang sinumang hindi sumunod. Maari na kayo lumabas," sabi nito.

Paglabas nila bumungad sa kanila ang nagkalat na sasakyan at tao. Mga building na umabot hanggang tatlong palapag.

Naglakad sila hanggang sa tunigil si Hestia sa tapat ng kulay gintong gate at sa taas nito may nakalagay na Olypian Academy.

"May ganito rin pala sa Vendon City," sabi ni Zaira nang makita niya ang pangalan ng school.

"Konektado ang school na yan sa Olympian Academy sa mortal world. Kaya mas malawak ang modern technology dito dahil sa mas mabilis ang pagdating ng information dito galing sa mottal world."

Paliwanag ni Liam.

"Ibig-sabihin ang school na ito..."

Tinignan ni Zaira si Max.

"Oo. Pagmamay-ari rin ito ng magulang ni Max," tugon ni Liam.

Binigyan ng nagtatanong na tingin ni Max si Liam.

"Sa ngayon si papa ang nagpapatakbo ng business ng mga magulang mo habang nag-aaral ka pa."

Hindi umimik si Max at pinagmasdan ang paaralan. Para sa kanya isa ang paaralan sa mga naiwan sa kanya ng magulang niya. Pinangako niya sa sarili na poprotektahan niya ito.

"Pasok tayo sa loob?" tanong ni Naomi.

Inakbayan ni Liam si Max.

"Samahan mo ko, kausapin natin yung guard."

Pinanood nila Zaira sila Liam habang kinakausap ang guard, wala silang ideya sa kung ano sinasabi nila dahil sa ingay na gawa ng mga tao.

"Tara na!" sigaw ni Liam.

Humakbang si Zaira patunggo kila Liam at sumunod naman sa kanya si Blaize. Hinawakan siya nito sa kamay saka hinila palapit hanggang sa magdikit sila.

"Hestia!" sigaw ni Naomi nang tumakbo si Hestia.

Hinabol ito ni Naomi kaya napatakbo na rin sila Liam. Huminto sila sa tapat ng isang pinto at sa gilid nito may poster na nakadikit.

Isang kulay pulang ibon ang nakaguhit at sa ibaba nakasulat ang "Red Phoenix Archer."

Bumukas ang pinto at sumilip ang isang babaeng matangkad na may suot na salamin. Sa unang tingin makikitang kasing edad lang ito nila Naomi.

"Ano kailangan niyo?" tanong nito sabay ayos ng salamin.

"Good morning. May hinahanap kaming pana meron po ba kayong pinaglumaan na?" tanong ni Naomi.

Isa-isa silang binigyan ng mapanuring tingin ng babae bago sumagot.

"Meron, pasok kayo."

Dinala sila nito sa isang kwarto kung saan may mga nakatambak na iba't-ibang klaseng pana at iba pang kagamitan; nakalagay ito sa kahon at dahil sobrang dami hindi na ito naisara.

"Dito namin nilalagay ang mga lumang gamit. Pasensya na kung medyo maalikabok," aniya.

"Kami na lang ang maghahanap sa loob," sabi ni Liam bago sila pumasok nina Naomi at Hestia.

"Kung gusto niyo maari kayo manood sa practice habang naghihintay," sabi ng babae.

"Saan po?" tanong ni Zaira.

Naglakad ito patunggo sa pangalawang pinto at nang buksan niya ito may isang babae at dalawang lalaki ang tumitira ng pana sa target points na hugis bilog at may mga numero.

"Ang galing!" sigaw ni Heidi nang makitang nasa pinakagitna tumama ang pana ng lalaking nakatayo sa pagitan ng babae at isa pang lalaking archer.

"Gusto ko subukan pero hindi ako marunong."

Napasimangot si Heidi habang nakatingin sa mga nagpaparaktis tumira.

"Turuan kita, gusto mo?" tanong ni Zaira.

Nabuhayan si Heidi at lumawak ang ngiti.

"Marunong ka ate?"

Tumango si Zaira at sinabing,

"Tinuruan ako ng lola ko."

"Sige ate. Turuan mo rin ako."

Hinawakan siya sa kamay ni Heidi at dinala sa mga nakaupong archer upang manghiram ng pana.

"Salamat," sabi ni Zaira pagkakuha ng pana saka naglakad patunggo sa pinakadulong target area.

"Dito tayo," tawag niya kay Heidi.

Tinaas niya ang pana at tinutok sa target hinila niya ang pisi nito saka binitawan. Mabilis na lumipad ang arrow patunggo sa target hanggang sa tumusok ito sa pinakagitna.

Nanlaki ang mga mata nang nanonood sa kanila na miyembro ng club. Akala nila katulad ito ng iba na gusto lang maglaro.

"Ikaw naman," sabi ni Zaira habang nakangiti pagkatapos bunutin ang arrow.

Inabot niya kay Heidi ang pana. Ginaya ni Heidi ang ginawa ni Zaira.

"Taas mo ng kaunti ang kamay mo," sabi ni Zaira sa kanya sabay hawak sa kamay niya at tinaas ito.

"Ayan. Subukan mo itira."

Humakbang ng tatlong beses si Zaira habang hindi inaalis ang tingin kay Heidi .

Nanginginig na binitawan ni Heidi ang arrow. Tumama ito sa pangatlong guhit mula sa gitna.

"Isa pa!" sabi ni Heidi saka inulit ang ginawa niya.

***

Samantala, isa-isang tinignan nila Liam at Naomi ang mga pana sa kahon at habang abala sila, napansin ni Hestia ang malaking picture frame na nakasabit sa pader sa tapat ng pinto.

Isang babaeng may mahabang brown na buhok at kasing puti ng perlas ang balat nito. May mapula itong labi na nakangiti at mata na para bang kinikinang katulad ng bituin. Nakatayo ito na para bang titira ng pana.

Tinignan niya ang panang hawak nito. Sa  unang tingin iisipin na totoo ito pero kapag pinagmasdan ang buong larawan nakikitang kasama itong nakapinta. Subalit may halong duda pa rin si Hestia.

"Naomi, tignan mo ito," aniya.

Binitawan ni Naomi ang hawak na pana saka naglakad sa tabi ni Hestia.

"Tignan mo yung pana. Katulad ito ng hinahanap natin. Kanina ko pa nararamdaman na may kakaiba sa painting," sabi ni Hestia.

Pagkatingin ni Naomi sa nakapinta yung pana agad ang napansin niya.

"Totoong pana ba ito?" tanong niya saka ito tinitigan.

May kutob siya na totoo ito subalit naisip niya na baka sa ganung paraan lang iyon pininta.

"Liam, tignan mo itong painting."

Huminto si Liam sa ginagawa niya saka lumapit sa dalawa.

"Tulungan niyo ko ibaba ung painting," aniya pagkakita dito.

Dahil may kalakihan ito at pinagtulungan nilang tanggalin ang painting saka dahan-dahang nilapag sa sahig.

Binuksan ni Liam ang frame sa likod at nang mailabas nila ang larawan ng babae doon nila nakitang totoo ang pana.

Kinuha ito Naomi saka nilagay ang crystal sa may gitnang bahagi ng bow. Katulad sa ibang sandata nagmukha itong bago.

Nang subukan ni Naomi gamitin ito may lumabas na korteng arrow na dilaw na para bang umiilaw.

Bago sila lumabas, binalik muna nila ang painting at inayos ang mga kahong nakalkal nila.

"Nakita niyo?" tanong ni Ivan sa kanila.

Nakangiting tumango si Liam kaya nagpaalam na sila at nagpasalamat.

"Kuya, bago tayo umalis may titignan muna ako saglit," sabi ni Heidi.

"Ano titignan mo?" tanong ni Liam.

Binilisan ni Heidi ang paglalakad at lumabas sa gate sa likod ng Olympian Academy.

Tumingin muna siya kaliwa't kanan bago tumawid saka huminto sa tapat isang mataba at mataas na puno na may nagsasayawang dahon at sa sanga nito may nag-aawitang ibon.

"Tama ako. Buhay na ang puno sa panahon na ito," nakangiting sabi ni Heidi sabay hawak sa katawan ng puno.

"Ano meron sa punong yan?" tanong ni Kim.

"Sa panahon namin, dito kami madalas tumambay ni Zeki,"

Nawala ang ningning sa mata ni Heidi nang maalala niya ang matalik niyang kaibigan.

"Bakit hindi ka na lang mag-iwan ng mensahe diyan? Malay mo makita niya," sabi ni Zaira nang mapansin niyang tumamlay ito.

Nanghiram siya ng dagger kay Zarah saka nag-umpisang umikit.

"May palatandaan tayo dito babymine," nakangiting sabi ni Zaira pagkatapos niya mag-ukit ng pangalang Athena at Ian, sa pagitan nito may nakaguhit na puso.

"Ikaw naman Heidi."

Binigay ni Zaira ang dagger kay Heidi. Napahawak sa baba si Heidi bago ito umukit ng mensahe.

"Okay na. Salamat ate."

Binalik na ni Heidi ang dagger saka tumingin kay Liam.

"Punta na muna tayo sa mortal world bago ka namin ihatid kila Mama," sabi ni Liam sa kanya bago naglakad pabalik sa Olympian Academy.

"Bakit tayo papasok ulit?" tanong ni Zaira.

"May nakatagong lagusan dito katulad ng pinto sa Bizarre," tugin ni Liam.

Pumasok sila sa main building at naglakad sa dulo kung saan may hagdan pababa, sa dulo nito may pinto na may nakadikit na paalala na Do not Enter, Authorized Personnel Only.

Tumingin muna sa paligid si Liam bago ito bumaba.

"Sumunod kayo agad sa akin," mahinang sabi niya.

Binuksan niya ang pinto saka pumasok sa loob.

"Ha? Kuya, bumalik lang tayo sa pinanggalingan natin," sabi ni Zaira nang makita ang hagdanan sa harapan niya.

"Wala na tayo sa Vendon. Nasa Olympian Academy ng mortal world."

Nanlaki ang mata ni Zaira.

"Hindi nga kuya?"

Patakbo siyang umakyat sa hagdan at pinagmasdan ang paligid. Wala siyang nakikitang kakaiba, katulad sa Verdon may kulay puting pintura ang pader. Pati pinto, bintana at posisyon ng classroom pareho.

Pagkalabas nila ng Olympian Academy doon lamang niya nakita ang pinagkaiba ng dalawa. Iba na ang mga tindahan , bahay, building ang sumalubong sa kanya.

"Nasa mortal world nga tayo," sabi ni Zaira sabay lundag habang abot tenga ang ngiti at nakataas ang dalawang kamay.

Hindi niya makakalimutan ang pamilyar na mga lugar sa harapan niya. Tumkbo siya sa gilid ng daan habang hindi nawawala ang ngiti.

Isang busina ang nagpahinto sa kanya. Isang jeep ang huminto sa tabi niya.

"Manong driver!" sigaw niya sabay lapit sa harapan ng jeep kung saan nakaupo ang driver.

"Kamusta?" tanong nito.

"Okay naman po. Ka--

Nanlaki ang mga mata ni Zaira nang mapamsin niya ang kulay berde nitong mata.

"Kayo po kamusta?"

"Ayos naman. Saan ang punta niyo?"

Tumingin si Zaira kay Liam dahil wala itong ideya sa sunod na hakbang nila.

"Sa Unusual Subdivision po," tugon ni Liam.

"Tamang-tama pauwi na ako. Sumabay na kayo sa akin."

Tinuro nito ang likod niya kung saan walang kalaman-laman ang loob ng jeep.

"Sige po. Salamat," tugon ni Liam saka niyaya ang iba na sumakay.

"Gaano na po kayo katagal dito sa mortal world?" tanong ni Naomi sa driver.

"15 years. Mas gusto kong manirahan dito kahit mahirap. Mas payapa dito kumpara sa Outlandish," tugon ng driver.

"Saka nandito rin ako para tulungan ang nga kagaya niyo na nagmula sa Outlandish."

***

Nag-umpisang mamuo ang kulay abong ulap sa kalangitan. Umihip ang hangin at nag-umpisang pumatak ng paunti-unti ang tubig mula sa mga ulap hanggang marinig na nila ang pagpatak nito sa bubong ng jeep.

Isa-isang nagbukas ng payong ang mga nasa labas.

"Nararamdaman ko yung parasol. Malapit lang tayo," sabi ni Sora.

"Lakas ng ulan. Bababa ba tayo?" tanong ni Thea.

"Maligo na lang tayo sa ulan," sabi ni Zarah.

Nang huminto ang jeep dahil sa traffic, bumaba siya agad.

"Zarah bumalik ka dito!" sigaw ni Liam pero hindi siya nito pinansin.

Tumakbo ito sa ilalim ng ulam saka kumaway sa kanila nang malayo na ito. Abot tenga ang ngiti nito na para bang bata na ngayon lang nakaligo sa ulan.

Bumaba si Sora saka tumingin-tingin sa paligid na parang may hinahanap.

"Manong dito na lang po kami. Salamat po," sabi ni Liam bago bumaba.

Nagsisunuran na rin ang lahat at nagtakbuhan papunta sa gilid ng kalsada.

"Sorry," sabi ni Zaira nang may matamaan siyang babae habang tumatakbo.

"Okay lang," nakangiting sabi nito saka tinuloy ang paglalakad.

Sinundan ito ng tingin ni Zaira.

"Ah! Yung parasol," sigaw ni Sora sabay turo sa gamit na payong ng babae.

Tumakbo agad si Thea palapit sa babae.

"Miss sandali," sigaw niya pero nakatawaid na ito.

Huminto sa pagtakbo si Thea nang may sasakyang dumaan. Hinintay na muna nilang patawirin sila ng traffic enforcer bago sila tumakbo upang habulin ang babae.

Nakita nila itong lumabas sa isang convenience store.

"Miss," sigaw ni Gin habang tumatakbo.

Napatingin sa kanya ang babae saka tinuro ang sasarili.

"Ako na tinatawag mo?" tanong niya.

Tumango si Gin bilang tugon habang palapit.

"Pwede ka ba naming makausap saglit?" tanong ni Thea.

"Sure."

"Ano kasi..."

Natigilan si Thea saka napakamot sa ulo.

"Paano ko ba ito sasabihin?" bulong niya.

"Miss, ang ganda ng payong mo. Saan mo nabili?" tanong ni Zaira.

"Nabili ko ito sa matandang nagtitinda ng mga pinaglumaang gamit," tugon nito.

"Pwedeng sa amin na lang yang payong? Bibilhin namin ng 1000," sabi ni Zaira.

"1000?!"

Napanganga ang babae at nanlaki ang mata.

"Oo. Ano? Deal?"

"Gusto ko sana kaso wala akong gagamiting payong pauwi.*

"Ako na bahala diyan. Sandali lang ibibili kita ng bago," sabi ni Asher saka tumabo paalis.

"Bakit nga pala gusto niyo bilhin yung payong?" tanong ng babae.

"Mahilig ako mangolekta ng iba't- ibang klaseng payong," sabi ni Zaira sabay tingin kila Thea.

Pagbalik ni Asher may gamit na itong kulay asul na payong.

"Ito..." aniya sabay abot ng  payong.

"Sayo na yan."

"Salamat," sabi ng babae saka ito kinuha at ibinigay kay Zaira ang hawak na parasol.

"Kuya, yung 1000," sabi ni Zaira kay Liam.

Naglabas ng pitaka si Liam saka kumuha doon ng isang libo at binigay ito sa babae.

"Salamat," sabi ng babae.

"Salamat din. Ingat ka," tugon ni Zaira habang nakangiti.

"Naligo na rin naman tayo sa ulan, maglakad  na lang tayo papuntang Unusual subdivision. Malapit na rin naman tayo," sabi ni Liam.

"Teka! Nasaan si Zarah?" tanong ni Max.

"Nandito lang yun kanina," tugon ni Zaira sabay tingin sa likod niya.

Nang hindi niya ito nakita, tinignan niya lahat ng kasama niya at wala nga ito.

"Wala man lang ba nakapansin sa inyo nung umalis siya?" tanong ni Kuya Liam.

Natahimik sila at nagkatinginan.

"Nakatayo lang siya doon sa may tabi ng poste," sabi ni Rhys sabay turo sa poste sa likod ni Zaira.

"Magtanong-tanong tayo," sabi ni Max sabay lakad patunggo sa napadaan sa tabi nila.

"May nakita po ba kayong babae na. matangkad, itim ang buhok, maganda at kamukha niya?" tanong ni Max sabay turo kay Zaira.

Tumingin ang babaeng pinagtanungan nito kay Zaira saka umiling.

May humila bigla sa pantalon ni Max. Pagbaba ng tingin niya bumungad sa kanya ang isang batang lalaki na may suot na sirang damit at puro putik ang paa nito.

"Kuya, hinahanap niyo po ba yung babaeng nakatayo sa tabi ng poste kanina?" tanong nito.

"Oo. Nakita mo ba siya? Ito pera, pambili mo ng pagkain," sagot ni Max sabay bigay ng 100 pesos.

"Salamat po. Buti po kayo mabait. Siya po hindi. Pinagtabuyan niya ako nung lumapit ako sa kanya para magpalimos."

Kwento ng bata.

"Kanina po may kumuha sa kanya na lalaki na nakasakay sa taxi."

Nanlaki ang mata ni Zaira saka napatakip ng bibig habang napakuyom ng kamao si Max. Bumilis bigla ang tibok ng puso niya.

"Totoo ba yang sinasabi mo?"

Paninigurado ni Max.

"Opo. Tinakpan po yung bibig niya tapos sapilitan siyang sinakay sa taxi. Tanungin niyo pa po si Kuyang nagtitinda ng fishball."

Tinuro ng bata ang lalaking naglalako ng fishball.

"Sige salamat," sabi ni Max sabay hawak sa ulo ng bata bago lumapit sa nagtitinda ng fishball at tinanong ito.

"May nakita po ba kayong babaeng sinakay sa taxi? Kamukha po ba niya?" tanong ni Max at muling tinuro si Zaira.

"Oo, nakita ko nga siya. May lalaking kumuha sa kanya."

Bumagsak ang balikat ni Max.

"Sige po, salamat."

"Kung gusto niyo makasigurado, may cctv diyan? Pwede niyo tignan," tinuro nito ang isangg cctv sa taas ng posteng katabi niya.

Nakatutok ito sa daanan, tamang-tama ito sa lugar kung saan kinuha si Zarah.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro