Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24

"Oh my god! Bakit ko ba sinabi yun? Waaahhh! Nakakahiya," sambit ni Zaira sabay takip ng mukha.

Halos maging katulad ng kamatis ang mukha nito habang inaalala ang mga nangyari kabapon.

"Sinabi ko ba talaga kay Ian yun? Baka panaginip lang ang lahat?" bulong niya.

Malinaw pa sa kanyang alaala ang mga sinabi niya kay Blaize at ang mga sinabi nito sa kanya. Pero pakiramdam niya panaginip lang ang lahat dahil kung nasa tamang katinuan siya noong oras na yun hindi siya magtatapat sa lalaki.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking hindi ko gugustuhin makita ngayon.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang lalaking tumatakbo sa isipan niya hanggang sa panaginip. Nag-init lalo ang pakiramdam niya at dali-dali niyang binuksan ang bintana.

Sumalubong sa kanya ang hangin na nagdulot ng pagtaas ng buhok niya sa braso.

Nakarinig siya nang hakbang palapit sa kanya hanggang sa tumigil ito sa tabi niya.

"Kagagaling mo pa lang sa lagnat, bakit nakatayo ka diyan? Gusto mo ba magkasakit ulit?" tanong ni Blaize habang salubong ang kilay at lalo itong nagkasalubong nang mapansin niya ang mukha ni Zaira.

"Bakit namumula ka? Nilalagnat ka pa rin ba?" tanong niya sabay hawak sa noo ni Zaira.

Nag-umpisang the tumibok ng mabilis ang puso niya. Napaatras siya bigla at tinapik ang kamay ni Blaize.

"Sorry," aniya sabay takip ng mukha habang sumisilip sa pagitan ng daliri.

"Hindi ka naman mainit."

Nang makita ni Zaira ang mag-aalala itsura ni Blaize, binaba na niya ang kamay niya.

"Ian..."

"Hmmm?"

'Tatanungin ko ba sa kanya? Paano kung panaginip lang pala yun? Edi pahiya ako. Wag na lang kaya.' sa isip ni Zaira.

"Ano itatanong mo?" tanong ni Blaize.

Hindi alam ni Zaira kung matutuwa ba siya o maiiyak sa sitwasyon niya. Ano pa silbi ng pag-iisip niya kung nababasa rin naman nito ang isip niya? Hindi na siya magtataka kung alam na nito ang problema niya kahit hindi niya sabihin pero kinakabahan pa rin siya.

"Ano kasi... Um... Ian, tayo na ba?" tanong ni Zaira sabay iwas ng tingin at takip ng mukha.

Gumalaw pataas ang labi ni Blaize habang pinagmamasdan ang dalaga.

"Bakit ka nagtatago diyan?" tanong niya kahit alam na niya kasagutan.

Natutuwa siya makita ang pamumula nito.

"Wala. Kalimutan mo na yung tanong ko. Bye!"

Tumakbo papuntang pinto si Zaira subalit bago pa niya ito maabot humarang sa harapan niya si Blaize.

Pagtama niya sa katawan nito, pinulupot nito ang kamay niya sa bewang.

Walang nagawa si Zaira kundi magtago na sa dibdib ng binata dahil nahihiya siyang tumingin dito.

"Nahihiya kang tumingin sa akin pero hindi ka nahihiyang hawakan ang katawan ko," sambit ni Blaize.

Napatingin si Zaira sa kamay niya nakahawak sa dibdib ni Blaize. Tinulak niya ito pero dahil nakayakap pa rin si Blaize sa kanya hindi niya nagawang makaalis.

"Doon lang napunta ang ka--"

Nanlaki ang mata ni Zaira nang maramdamang niyang may malambot na nakadikit sa labi niya. Nagkasalubong ang mata nila Blaize at nang nag-umpisang gumalaw ang labi nito, napapikit na lang si Zaira saka sinabayan ito.

"Babymine, I'm officially yours and you're mine," bulong ni Blaize.

Napatayo ng tuwid si Zaira nang maalala ang pingmulan ng babymine. Malabong si Blaize ang makaisip nito kaya walang ibang sisihin kundi siya.

Pagkatapos ni Zaira magtapat kahapon,

"Edi tayo na?" tanong ni Zaira kay Blaize.

"Yeah."

Tumawa ng mahina si Zaira saka inangat ang ulo.

"Ano tawagan natin?"

"Tawagan?"

Nagkasalubong ang kilay ni Blaize dahil hindi niya alam kung ano ibig sabihin nito.

"Oo. Tawagan tulad ng babe, baby, sweetheart, honey, darling. Ano sa atin? Alam ko na!"

"Ano?"

"Babymine."

"Babymine?"

"Oo. Babymine kasi you're my baby and mine only."

"Tsk. Matulog ka na."

"Ayaw mo ba?"

Napasimangot si Zaira sa reaksyon nito.

"Matulog ka na."

Umiling si Zaira.

"Ayaw! Tawagin mo muna akong babymine."

"Tsk. Babymine, matulog ka na," sabi ni Blaize.

Nakangiting pumikit si Zaira habang nakayakap pa rin at bago siya makatulog naramdaman pa niya ang paghalik ni Blaize sa noo niya.

Sa kasalukuyan, napasampal sa sarilu si Zaira dahil sa kahihiyan. Kung maibabalik lang niya ang oras hindi sana siya nagbigay ng suhestiyon tungkol doon.

"Pwede bang iba na lang tawagan natin?" tanong niya at seryosong mukha ang sumalubong sa kanya.

"Bakit?"

"Basta! Iba na lang. Ano ba gusto mo? Babe? Love? Mahal? Sweetie? Ano?"

Hindi pa rin nagbago ang reaksyon ni Blaize.

"Babymine."

"Wag yan! Ayoko niyan! Ang pa--"

"I like it," sabi ni Blaize sabay ngiti.

Matutuwa na sana si Zaira sa sinabi nito kung walang kasunod.

"Basta galing sayo kahit corny gusto ko."

Dugtong ni Blaize. Muling nagsitaasan ang dugo ni Zaira sa mukha at sobrang hiya niya, hinampas niya sa balikat si Blaize saka muling sinubsob ang mukha nito.

'Cute,' sa isip ni Blaize saka hinigpitan ang pagkakayakap dito.

Next day,

Napagdesisyunan nila Crystal na hanapin na ang legendary weapon na para kay Blaize bago sila makipagkita kila Liam.

Nagtunggo sila sa Grambell.

Ayon kay Zeque doon nakatira ang huling celestial guardian na pinili ni Aries.

Kasalukuyan silang naglalakad sa pangunguna ni Zeque nang mapatingin si Red sa isang tindahan ng mga antigong kagamitan. Pumasok siya dito at bumungad sa kanya ang isang matandang lalaking nakaupo habang nagsisigarilyo.

"Red, bakit ka pumasok dito?" tanong ni Zaira pagkapasok niya.

Hindi sumagot si Red; nag-ikot lang ito sa tindahan habang sinusuri ang mga kagamitang nandoon. Nang hindi nito makita ang hinahanap, nagtungo ito sa matandang lalaki.

"Meron po ba kayong baril?" tanong niya sa matanda.

Tinignan sila ng matanda saglit saka tinanggal ang sigarilyo sa bibig at binuga ang usok.

"Meron."

Pinatay niya ang sigarilyo sa lumang ashtray. May kinuha siyang itim na kahon sa ilalim ng counter; tinanggal niya muna ang alikabok nito bago binuksan.

Bumungad sa kanila ang dalawang silver na baril. Unang kita pa lang nila dito alam na nila na ayun ang hinahanap nila.

"Nagmula pa yan sa isang kilalang hunter na si Robin."

Pagkukwento ng matanda.

Kinuha ni Blaize ang isa sa baril at tinignan ang bawat larte nito. Napansin niya sa ilalim ng hawakan kung saan dapat nilalagay ang bala ang lalagyan ng crystal.

"Kasya ba diyan yung crystal?" tanong ni Zaira nang mapansin na medyo maliit ito para sa crystal na meron sila.

Pagkalabas ni Blaize sa crystal bukod aa naging pula ito naging dalawang maliit na cystal ito.

Nilagay ito ni Blaize sa dalawang baril.

"Kukunin niyo ba?" tanong ng matanda sa kanila.

"Magkano po ba?" tanong ni Ivan.

"Tatlong libo na lang. Matagal-tagal na rin yan nakatambak dito. Walang gustong kumuha dahil hindi nila alam kung paano gagamitin. Mukhang para sa inyo talaga yang baril."

"Kukunin po namin. Ito bayad," naglabas ng tatlong libo si Ivan saka ito ibinigay sa matanda.

"Salamat."

Paglabas nila, naghanap agad sila ng lugar kung saan pwede nila subukan ang baril.

"Pwede na siguro dito, sa may puno mo itira," sabi ni Ivan.

Tinutok ni Blaize ang baril sa may puno saka ito pinutok.

Bang!

Nilapitan nila ang puno; nakita nilang may nakabaon na balang bilog dito at sa palibot nito nagkaroon ng lamat.

***

Samantala, sa Dark kingdom.

Sa isang lumang gusali, kasalukuyang nakikipaglaban sila Liam kila Drake nang muling pagtangkaan nitong kunin ang magic staff na para kay Kim.

Kumpara noong unang pagkikita nila, may mga kasama na itong class A demon at isang witch.

"Kim, kunin mo na," sigaw ni Liam sabay gawa ng barrier upang hindi majalapit ang kalaban sa pinaglalagyan ng magic staff.

Tumakbo si Kim at saka kinuha ang magic staff. Pagkaangat niya dito nag-umpisang magyanig ng lupa at nagkaroon ng crack ang lupa paakyat sa pader ng gusali.

Nag-umpisang mahulog ang ilang bahagi ng kisame hanggang sa padami ito nang padami.

"Kim!" sigaw ni Adrian sabay takbo nang  makitang mababagsakan ang dalaga.

Boom! Napaubo si Adrian gawa ng alikabok na dulot nito saka tinignan ang babaeng yakap niya.

"Ayos ka lang?" tanong niya saka umupo sa sahig.

Subalit nakatulala lang ang dalaga habang nakahawak sa parte ng puso niya kung saan walang tigil sa pagtibok. Hindi niya alam kung dahil ba ito kamuntik na siya mabagsakan o dahil sa pagyakap sa kanya ni Adrian.

"Kim, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" tanong ni Adrian habang tinitignan kung may sugat ba ito nang matumba sila.

Tinitigan ni Adrian si Kim subalit wala pa rin itong reaskyon.

'Ano ba nangyayari sa babaeng ito? Nainlove na ba siya sa akin kaya siya natulala?' sa isip ni Adrian saka ngumiti.

'Maasar nga siya!'

Itinapat niya ang mukha niya sa mukha ni dalaga saka tumingin sa mga mata nito.

"Hoy mangkukulam! Ano? Tutulala ka na lang ba diyan? Nahulog ka na ba sa kagwapuhan ko? Tsk. Sabi na nga ba may lihim kang pagtingin sa akin," sambit niya.

Nanlaki ang mata ni Kim at agad na tinulak ang mukha ni Adrian upang bumangon.

"Ang kapal mo! Bakit naman ako sayo makakagusto? Ang pangit pangit mong bampira. N-natakot lang ako sa nangyari."

Paliwanag ni Kim saka tumalikod.

"Salamat sa pagligtas."

Abot tenga ang ngiti ni Adrian habang nakatingin kay Kim.

"Lumabas na tayo dito," sigaw ni Naomi.

Hinawakan ni Adrian ang kamay ni Kim.

"Bilisan na nating lumabas," aniya.

Hindi na nagawang makapagsalita ni Kim dahil sa pagtakbo nito. Ayaw naman niya makaladkad kaya sinabayan niya ito.

"Ayos lang ba ang lahat?" tanong ni Liam.

Nagsitanguan sila Gin pagkatapos nila suriin ang bawat isa.

"Rhys, Adrian," tawag ni Levi sa dalawa.

"Kailangan na namin umalis. Ingat ka palagi. Tanga ka pa naman," sabi ni Adrian kay Kim bago lumapit kay Levi.

Napatingin na lang si Kim sa kamay niya pagkabitaw ng binata.

Habang lihim namang sinundan nila Level sila Drake upang alamin kumuha ng impormasyon tungkol kay Alyza. Wala silang balak tanungin ito ng direkta kaya mas pinili nilang obserbahan ito sa tulong ng eye ability ni Rhys at hearing ability ni Adrian.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro