Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23

"Athena," sigaw ni Blaize nang biglang tumumba ang dalaga.

Nakapikit ito habang nanginginig ang katawan. Nang hawakan siya sa noo ni Blaize, sobrang init nito.

Nilapitan sila ni Naomi saka hinawakan din ang noo ni Zaira.

"Ang taas ng lagnat niya. Dalhin mo muna siya kwarto. Magpapakulo lang ako ng mainit na tubig," sabi niya kay  Blaize.

Binuhat ni Blaize si Zaira saka dinala sa isang kwarto. Ibinaba niya ito sa kama at agad na kinimutan. Subalit tila ba kulang ang kumot na nilagay niya dahil nanginig  pa rin ito.

"Bakit hindi mo agad sinabi na masama na pala ang pakiramdam mo?" sabi ni Blaize.

Hindi niya alam kung gising ba ito o hindi pero sa sobrang inis niya hindi mapigilang pagsabihan ito. Ilang beses niya ito tinanong pero puro 'ayos lang' ang sagot nito.

Dumilat bigla si Zaira saka pilit na bumangon.

"Ayos lang ako," aniya dahilan para lalong magkasalubong ang kilay ni Blaize.

Tinulak siya ni Blaize pahiga.

"Humiga ka lang. Kailangan mo magpahinga."

"Pero ayos lang ako. Nahilo lang ako kanina kaya natumba ako."

Pagdadahilan ni Zaira. Ayaw niya maging pabigat sa mga kasamahan niya dahil lang sa masama ang pakiramdam niya.

Tumalim ang tingin ni Blaize sa kanya ni Blaize nang subukan nanaman niyang tumayo.

"Tsk! Humiga ka lang sabi," sabi ni Blaize na may malakas na tono.

Muli niya tinulak si Zaira pahiga saka siya tumabi dito.

"Dito ka lang sa tabi ko," aniya sabay yakap kay Zaira nang mahigpit.

Nanlalaking matang tinignan siya ni Zaira.

"Ian, baka magkasakit ka rin. Wag kang tatabi sa akin," sabi niya habang tinutulak palayo si Blaize.

Ngunit lalo lang sumiksik sa kanya Blaize

"Dibale ng lagnatin, basta gumaling ka lang. Kung pwede ko nga lang kuhain ang sakit mo, kinuha ko na."

Nag-init bigla ang pakiramdam ni Zaira. Kung kanina nanginginig siya ngayon mag-uumpisa na siyang pawisan habang namumula ang mukha.

"Ian..."

"Matulog ka na."

"Ian..."

"Magpahinga ka na. Wag ka na magsalita."

"Ian..."

Tinignan siya ng masama ni Blaize pero ningitian lang siya ng dalaga saka ito humarap sa kanya at yumkap.

"Mahal kita," aniya.

"Saka mo na sabihin sa akin yan, kapag wala ka ng sakit. Magpahinga ka na muna."

Napasimangot si Zaira sa sagot nito.

"Wala man lang mahal din kita? Hindi mo ba ko mahal? Kung alam ko lang sana si Ken pinili ko."

Pagdadrama ni Zaira sabay tulak kay Blaize pero hinigpitan lang nito ang yakap saka bumulong.

"Tsk. Akin ka lang "

Tumingin si Blaize sa mata niya saka siya mabilis na hinalikan sa labi.

"Mahal na mahal kita."

Ngumiti si Zaira saka hinalikan si Blaize sa labi.

"Edi tayo na," sabi nito saka sinubsob ang mukha sa dibdib ng lalaki at pumikit ng nakangiti.

Samantala, wala sa sariling naglakad si Max palabas ng apartment. Tulala lang siya sa hangin habang paulit-ulit tumatakbo sa isip niya ang salitang binigkas ni Zaira.

'Mahal kita.'

Kung siya sana ang sinabihan nito labis ang kaligayahan niya subalit hindi para sa kanya ang salitang yun.

Pakiramdam niya pinipiga ang puso niya o paulit-ulit na sinasaksak sa sakit ng nararamdan niya.

Bakit hindi siya? Bakit si Blaize?

Paulit-ulit na tanong niya sa sarili. Pilitin man niya ang sarili na tanggapin ang lahat, wala pa rin. Narinig lang niyang nagtapat ang babaeng mahal niya sa iba, bumalik ang lahat ng sakit.

'Kailan ba mawawala itong nararamdaman ko?' sa isip niya.

"Max, saan ka pupunta?" tanong ni Zarah ngunit tila wala itong narinig si Max.

Pinagmasdan niya ang likod nito habang papalayo. Nang mapansin niyang wala itong balak sumagot, sinundan niya ito palabas.

Sa una, mabagal lang ang lakad ni Zarah habang nakayakap sa sarili. Napakunot ang noo niya at napahawak sa ulo. Pakiramdam niya mabibiyak ito sa sakit pero tiniis niya ito.

Binilisan na lang niya ang lakad hanggang sa maabutan niya si Max. Hinawakan niya ang laylayan ng damit nito upang mapansin siya nito.

Nang lingunin siya nito, ningitian niya ito.

"Naabutan din kita sa wakas," aniya.

Nawala bigla ang ngiti ni Zarah nang
maging dalawa si Max sa paningin niya kasabay ng pagsakit ng ulo hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.

Mabuti na lang sa harapan siya mismo ni Max natumba. Natauhan bigla ang binata at biglang naalala niya ang sinabi sa kanila ni Zeque noon tungkol sa katawan nina Zarah at Zaira.

"Zarah?" tawag niya dito subalit wala siyang nakuhang reaksyon.

Binuhat niya ito at patakbong bumalik sa apartment. Saktong pabalik na rin sila Liam nang masalubong niya ito.

"Saan kayo galing? Ano nangyari kay Zarah?" tanong ni Liam.

"Nilalagnat siya," sagot ni Max sabay pasok sa loob.

"Nilalagnat din siya?" tanong ni Naomi pagkakita niya kay Max.

Tumango si Max bilang tugon.

"Ihiga mo na lang siya sa tabi ni Zaira,sabi nito saka umalis para kumuha ng isa  pangmaligamgam na tubig at towel para kay Zarah.

Naabutan ni Max na nilalagay ni Blaize ng bimpo ang noo ni Zaira habang nakaupo ito sa tabi.

"..."

Umiwas ng tingin si Max saka tinuon kay Zarah ang atensyon. Binaba niya ito sa tabi ni Zaira saka kukumuha ng upuan at  dinala sa gilid ng higaan nila para doon maupo.

"Ipainom niyo ito sa kanila mamaya," sabi ni Liam habang inaabot ang dalawang maliit na bote.

Kinuha ito ni Max saka binigay kay Blaize ang isang bote.

Pagpasok ni Naomi, kinuha agad ni Liam ang dala nito saka binigay kay Max.

"Hayaan mo na silang dalawa mag-alaga kila Zaira. May importante tayong pag-uusapan," sabi ni Liam kay Naomi.

"May problema ba?" tanong ni Ate Naomi.

Tumango si Liam saka niya sinama palabas si Naomi.

***

Nag-umpisang magtipon sila Liam sa sala at doon sinabi niya ang natuklasan nila.

"Para saan? Hindi naman nila magagamit yun," naguguluhang tanong ni Kim pagkarinig niya sa kwento nito.

Biglang sumulpot si Zeque sa tabi ni Liam.

"Kung tama ako ginagawa nila iyon para mapigilan ang paglakas niyo. Kung wala ang mga legendary weapon, mas mahihirapan kayo na protektahan sila Zaira," aniya habang salubong ang kilay dahil hindi lang yun ang problema nila.

Hindi nila alam kung sino ang nag-utos kila Drake at kung sino man siya siguradong si Zeque na marami itong alam tungkol sa eternal child.

"Sino nakaharap niyo?" tanong ni Naomi.

"Sina Iron at Drake," tugon ni Liam.

"Drake? Yung taong ahas?! Siya yung kumuha kay Alyza," sigaw ni Tyler sabay hampas sa mesa.

"Kung siya nga yun kailangan natin sila makita para malaman natin kung nasaan si Alyza," sambit ni Levi.

"May plano ako."

Napatingin sila kay Zeque nang magsalita ito.

Samantala, sa isang madilim na kwarto ng mansion kung saan nakakulong si Alyza.

Nakabantay sa kanya ang dalawang malalaking ahas.

Sa takot ni Alyza mas pinili na lang niyang manatili sa kama kaysa bumaba.

Pakiramdam niya aatakahin siya ng mga ahas oras na tumayo siya.

Pero hindi pa rin nawawala ang kagustuhan niyang makatakas. Wala siyang ibang ginawa kundi mag-isip ng plano kung paano siya makakaalis sa kinaroonan niya.

Tinignan niya ang bracelet na nakuha niya sa Terrain noon saka napabuntong hininga.

'Akala ko ba kaya nito magbigay ng elemental power sa nagsuot? Bakit wala naman?' reklamo niya sa kanyang isipan.

Matagal na sa kanya ang bracelet pero hanggang ngayon wala siyang ideya kung paano ito gamiti.


"Bigyan mo naman ako ng kapangyarihan. Kahit apoy lang," aniya habang nakatingin sa bracelet, umaasa na magagamit niya ito.

Sinubukan niya itutok ang kamay niya sa mga ahas at paulit-ulit na inisip na magkaroon ng apoy sa kamay niya subalit walang nangyari.

"Kainis naman!"

Pagkasuntok niya sa higaan nanlaki ant mata niya nang biglang mag-apoy ito.

"Oh my god!"

Natatarantang kinuha niya ang unan saka ito hinamaps sa apoy ng paulit-ulit hanggang  sa mamatay ito.

Nakahinga siya ng maluwag saka muling napatingin sa bracelet.

'Paano nangyari yun?'

***

Paggising ni Zaira inabutan siya agad ng gamot ni Blaize.

"Inumin mo itong gamot," aniya saka niya itinapat sa bibig nito ang potion na binigay sa kanila ni Liam.

Tahimik na nilunok ito agad ni Zaira ngunit mababakas sa mukha nito na hindi niya gusto ang lasa.

"Ayoko niyan," sigaw ni Zarah sabay tulak sa kamau ni Max na may hawak na potion.

"Kailangan mo ito inumin para gumaling ka agad," sambit ni Max.

"Ayoko. Ang pait ng lasa niyan."

Nagtago sa ilalim ng kumot si Zarah.

"Wag ka na matigas ang ulo. Paano ka gagaling niyan, kung ganyan ka?"

Hinila ni Max ang kumot saka tinignan ng masama si Zarah.

"Inumin mo na ito," aniya.

"Ayoko! Bahala ka diyan."

Tinalikuran siya ni Zarah saka pumikit at yumakap kay Zaira.

"Zarah."

Nagpanggap siyang natutulog pero hindi naniwala si Max.

"Mamaya ka na matulog. Inumin mo muna ito."

Hindi umimik si Zarah habang sila Blaize tahimik na pinapanood sila.

"Ano ba dapat kong gawin para mapainom ka ng gamot?" tanong ni Max.

Dumilat bigla si Zarah saka sumagot.

"Gusto ko galing sa bunganga mo yung gamot para naman malasahan mo rin. Ano kaya mo?"

Napasimangot si Max sa sagot nito.

"Hindi ako nakikipaglokohan sayo Zarah. Inumin mo na ito!"

Umupo si Zarah saka siya tinignan ng seryoso.

"Gawin mo muna yung sinabi ko."

"Bahala ka nga diyan!"

Pinatong ni Max ang potion sa maliit na table sa tabi ng kama saka lumabas.

"Okay," walang ganang sagot ni Zarah habang nakatingin sa likod nito.

Napabuntong hininga na lang siya nang tuluyan na itong mawala.

'Ano ba itong iniisip ko? Malamang hindi niya iyon gagawin. Ano ba ako sa kanya para gawin niya yun?' sa isip ni Zarah na saktong nabasa ni Blaize.

"Ian," tawag ni Ivan habang nakasilip sa may pinto.

"Labas ka muna dito saglit," sabi nito.

Paglabas ni Blaize naabutan niyang nakatayo doon sina Max at Liam.

"Blaize, Max, maasahan ko ba kayong dalawa?" tanong ni Liam sa kanila.

"Kayo na muna bahala sa kapatid ko. Mauuna na kaming aalis para hanapin ang iba pang legendary weapon. Mahalaga ang oras ngayon lalo na hindi lang tayo ang naghahanap ng mga legendary weapon."

"Makakaasa ka. Gagawin ko ang lahat para mapoprotektahan si Athena kahit buhay ko pa ang kapalit," tugon ni Blaize.

Ngumiti si Liam saka tumango.

"Good. Maiiwan kayo nina Crystal, Ivan, Finn at Piers."

Hindi na nagsayang ng oras sila Liam at agad na umalis.

Maayos ang lahat nang biglang sumigaw si Crystal.

"Nawawala si Zarah!"

Napatakbo sa kwarto si Max at nakita niyang nakabukas ang bintana na kanina nakasara.

"Hahanapin ko siya."

Paalam niya saka lumabas ng apartment.

***

Sa kwarto pagkatapos lumabas ni Blaize,
nagmadaling bumangon si Zarah saka tinignan ang natutulog na si Zaira.

"Sorry," aniya.

Pakiramdam niya pabigat lang siya kung mananatili pa siya kasama nila. Lalo na kay Max.

"Mas mabuti pa sigurong umalis ako para walang poproblemahin si Max," bulong niya sa sarili saka sinuot ang jacket.

Umakyat siya sa bintana at doon tumalon. Pagkababa niya isang malamig na hangin ang sumalubong sa kanya.

Nilagay niya ang hood sa ulo niya saka binulsa ang kamay habang naglalakad.

Bawat hakbang niya pabigat nang pabigat ang nararamdaman niya. Marahil dala ng lagnat niya kaya unstable ang emosyon niya ngayon.

Hinawakan niya ng mahigpit ang hood para hindi matanggal dahil sa lakas ng hangin kasabay ng pag-ulan ng nyebe.

Hahakbang na sana siya nang may humila sa kanya at sinandal siya sa pader.


"Tama nga ako, ikaw ang naamoy ko," sabi nito habang nakangisi.

Nagkasalubong ang kilay ni Zarah saka matalim na tinignan ang lalaking nasa harapan niya.

"Sino ka?" tanong niya sanay tulak dito pero tumawa lang ito.

"Drake. Hssh. Tamang-tama ang pagdating mo. Gutom na ako," sabi nito.

May nagsila

May nagsilabasan na mga ahas sa paligid at napalundag sa gulat si Zarah nang may mahulog sa kanya.

Hinugot niya ang dagger niya saka ito to tinutok kay Drake sa mga ahas.

"Wag kayong lalapit sa akin, kundi papatayin ko kayo," sigaw niya habang nanginig ang kamay; kabilagtaran ito ng nararamdaman niya.

Hindi siya takot sa ahas pero tila bang may sariling buhay ang katawan niya. Kung makakilos ito parang si Zaira tuwing nakakakita ng ahas.

Isang presensya ang naramdaman ni Zarah sa likod niya. Inatake niya ito gamit ang dagger subalit umatras ito para maiwasan.

"Magaling ka. Naramdaman mo ko agad," sabi nito.

"Ano kailangan niyo sa akin?"

"Dugo mo," sagot ni Iron saka gumawa ng dagger.

Naglaban ang dalawa at dahil mahina pa ang katawan ni Zarah natamaan siya sa balikat.

"Sh*t!"

Napahawak siya sa balikat kung saan may sugat. Ngumisi sila Drake saka sabay silang umatake pero bago sila makalapit may pader na yelo ang humarang sa kanila.

"Zarah!" sigaw ni Max habang tumatakbo palapit sa kanya.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya.

Natulala na lang sa kanya si Zarah habang gulong-gulo ang isip at halo-halo ang emosyong nararamdaman.

'Bakit ba siya ganito sa akin? Bakit lagi niya pinaparamdam sa akin na mahalaga ako sa kanya?' tanomg kiya sa sarili.

"Bakit ka umiiyak? May masakit  ba sugat mo? May masama ba silang ginawa sayo?" tanong ni Max habang sobrang bilis ng tibok ng puso.

Napahawak sa gilid ng mata si Zarah. Hindi siya makapaniwalang mararanasan niya ang unang beses na umiyak siya.

Niyakap siya ni Max.

"Wag ka na aalis ulit ng mag-isa. Pinag-alala mo ko,"  bulong nito.

"Ehem."

Napatingin sila kay Peirs at nakita nilang wala na ang kalaban.

Pinunasan ni Max ang luha ni Zarah.

"Umuwi na tayo," sabi niya saka hinawakan sa kamay.

"Nasaan sila kuya?" tanong ni Zarah pagdating nila sa apartment.

Inaasahan niyang isang sermon mula sa kanila ang makukuha niya .

"Nauna na silang umalis," tugon ni Crystal habang ginagamot ang sugat ni Zarah.

"Pasalamat ka wala sila. Kundi sermon ang aabutin mo," sambit ni Max.

Napanguso si Zarah dahilan para matigilan ang lahat. Sa pagnguso nito nakikita nila si Zaira dito.

"What?" sigaw ni Zarah.

"Wala," sagot ni Crystal sabay iwas ng tingin.

"Weird. Epekto siguro ng lagnat niya," bulong ni Finn.

"Balik ka na sa kwarto niyo at magpahinga," sabi ni Max saka pinagdikit ang noo nila.

"Mainit ka pa rin," aniya bago humiwalay.

Hindi na umangal si Zaira dahil wala na rin siyang lakas para makipagtalo dito.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro