CHAPTER 21
"Saan na tayo ngayon?" tanong ni Gin.
"Occult muna tayo, unahin natin sa mga probinsya," sagot ni Liam.
Umilaw ang kwintas ni Zaira saka lumabas si Zeque.
"Sa Howland tayo, doon nakatira si Victor na isa ding celestial guardian noon," aniya.
"Okay."
"Sasamahan ko kayo."
Gumawa ng portal si Zeque patungo sa Howland. Napadpad sila sa isang burol na matatagpuan dito.
"Sumunod kayo sa akin," sabi ni Zeque bago maglakad.
"Hoy babae! Bitawan mo siya," sigaw ni Zarah kay Kaycie.
'Nag-umpisa nanaman sila,' sa isip ni Max sabay tingin sa dalawang babae.
"Bakit ko naman siya bibitawan? Sino ka ba para utusan ako?" tugon ni Kaycie saka lalong pinulupot ang kamay sa braso ni Max.
"Sino ako? Eh kung kalbuhin kaya kita diyan para malaman mo kung sino ako."
Tumawa ng mahina si Kaycie bago sumagot.
"Ako pa ang tinatakot mo? Baka ikaw kalbuhin ko diyan? Kapag ginawa ko yun siguradong mas lalo kang hindi magugustuhan ni Max."
Lalong sumama ang mukha ni Zarah. Tumalim lalo ang tingin niya kay Kaycie na parang black panther na anumang mangangagat.
"Tumigil na kayo!" sambit ni Max nang mapansin na tumaas lalo ang tensyon sa pagitan ng dalawa.
Para hindi na sila magtalo siya na mismo nag-alis ng kamay ni Kaycie. Dahil iyon ang unang beses na pinagsabihan sila ni Max at unang beses na siya mismo ang nag-alis ng kamay ni Kaycie, natulala na lang dalawa sa pangyayari.
Walang pasabing iniwan ni Max ang dalawa.
Sinabayan siya maglakad ni Asher saka umakbay sa binata.
"Nice, pinag-aagawan ng chicks. Iba talaga kapag gwapo katulad ko," sabi niya kay Max.
"Yeah! Pero yung kaisa-isang minahal ko hindi ako gusto," bulong ni Max sabay sulyap kila Zaira at Blaize na magkahawak kamay.
"Bagal mo kasi, naunahan ka tuloy. Kung nilagawan mo na siya noon pa lang bago pa ang acquaintance party, baka ikaw ang kaholding hands niya ngayon."
"Malay ko ba na susugurin tayo ng zombie at bampira? Sa totoo lang balak ko magtapat noong panahong na yun. Baka hindi talaga kami para sa isa't-isa kaya hindi natuloy."
Lahat ng plano niya nasira noong gabing sinugod sila ng zombie at bampira sa acquaintance party. Kung alam lang niya na ayun ang umpisa ng pagkawala ng mahal niya, sana sinabi na niya agad ang nararamdaman niya.
Napabuntong hininga si Max nang maalala ang mga nangyari sa kanya noong panahon na yun.
"Kasalanan ni Haring Linus ang lahat," aniya habang inaalala amg bampirang nasa likod ng mga zombie.
Si Haring Linus ang isa sa mga hari ng Demesne. Kilala ito bilang pinakasakim na hari sa buong Outlandish dahil lahat gagawin niya para lang makuha niya ang gusto niya; tao man ito, bagay, hayop at lugar basta makuha ang atensyon niya kukunin niya ito. Oras na hindi niya ito makamit sisiguraduhin niyang walang ibang makikinabang doon kahit na pumatay man siya.
"Hindi ko siya mapapatawad sa mga ginawa, lalo na sa mga magulang ko."
Galit na sabi ni Max sabay kuyom ng kamao. Naramdaman ni Asher ang kagustuhan nitong pumatay base na din sa aura nito kaya dahan-dahan siyang lumayo dito.
Narinig naman ni Ivan ang sinabi nito kaya siya naman ang pumalit kay Asher. Tinapik niya sa balikat ang binata.
"Chill lang dude. May isang babaeng nakapagsabi sa akin na wag magpapadala sa galit dahil ayan minsan ang nagiging dahilan kung bakit nagiging masama ang tao," aniya.
"Bakit ka ngumingiti bigla?" tanong ni Blaize kay Zaira nang mapansin niyang nakangiti ito habang nakatingin kila Max.
"Wala, may naalala lang ako," tugon nito.
Pagkarinig niya sa sinabi ni Ivan, naalala niya noong araw na nagkita sila. Hindi niya akalaing naalala pa nito ang mga sinabi niya.
"Nandito na tayo," sabi ni Zeque sabay tigil sa paglalakad.
"Dito siya sa bayan na ito nakatira. Malaki na ang pinagbago ng lugar kaya hindi ko na kayo maihahatid sa mismong tinitirahan niya."
Paliwanag ni Zeque bago mawala sa harapan nila. Nang tignan ni Zaira ang leeg niya, nandoon na ulit ang alter necklace.
Tinuloy nila ang paglalakad sa pangunguna ni Liam.
Nagkalat ang mga tao sa paligid, maraming bata ang nagtatakbuan at may mga nagtintinda sa gilid ng kalye.
"Bata bumalik ka dito! Lagot kang magnanakaw ka kapag nahuli kita!" sigaw ng isang middle age na lalaki sa bata habang hinabol ito.
Napatingin si Peirs sa bata at nang malapit na ito hinarangan niya ang bata.
"Tabi!" sigaw ng bata nang hindi ito makadaan.
Hinawakan ni Liam sa kamay ang bata habang na kay Peirs ang atensyon nito.
"Bata hindi maganda yang ginagawa mo. Masama magnakaw," sabi ni Liam.
"Paki niyo ba? Sino ba kayo? Bitawan niyo nga ako!" sigaw ng bata habang nagpupumiglas.
"Naabutan din kita!" sabi ng humahabol sa bata.
"Salamat sa inyo," sabi nito kila Liam at akmang kukunin ang bata nang magsalita si Peirs.
"Sandali," pigil ni Peirs saka binalik ang mga nakuha nito sa bata.
"Ito na yung mga ninanakaw niya. Kami na bahala sa kanya. Pagpasensyahan niyo na siya."
"Hiumingi ka ng tawad sa kanya," utos ni Liam sa bata.
"Ayoko nga! Bitawan mo ko!"
"Aba! Wala ka talagang modo. Manang-mana ka sa tatay mo na lasinggero!" sabi ng middle age na lalaki.
"Wag mo idamay ang tatay ko dito," sigaw ng bata saka galit na tinignan ang lalaki.
"Ako na lang hihingi ng paumanhin sa ginawa niya," sabi ni Liam.
"Hindi kayo taga-rito no? Nagkamali kayo ng tinutulungan. Magnanakaw ang batang yan. Dapat diyan kinukulong para matuto."
Naiinis na sabi ng lalaki. Nilayo ni Liam ang bata sa lalaki sa takot na baka saktan nito ang bata.
"Kami na bahala sa kanya."
"Bahala kayo. Paalala ko lang sa inyo, mag-iingat kayo sa kanya baka nakawan niya rin kayo."
Umalis na ang lalaki bitbit ang binigay sa kanya ni Peirs.
"Bata, anong pangalan mo?" tanong ni Liam.
"Bakit ko sasabihin sayo? Sino ka ba?"
Walang galang na tugon ng bata kaya agad ito binatukan ni Peirs.
"Aray!"
Napahawak ito sa ulo niya.
"Wag kang bastos kapag kinakausap ka ng maayos. Sumagot ka ng maayos. Ano pangalan mo?"
Sermon sa kanya ni Peirs na para bang pinagsasabihan nito ang nakakabatang kapatid.
"Jun," pabulong na sagot ng bata.
"Saan ka nakatira?"
"Sa bahay," pilosopong sagot ng bata.
"Gusto mo mabatukan ulit?"
Umarte si Peirs na babatukan si Jun kaya napahawak ito ulit sa ulo upang protektahan ito.
"Bata sumagot ka ng maayos. Minsan lang maging mabait yan," sabi ni Tyler habang nagpipigil ng tawa.
"Samahan mo na lang kami sa bahay niyo."
Utos ni Peirs kay Jun.
"Bakit?"
"Basta sumunod ka na lang."
Hindi umimik ang bata; naglakad na lang ito habang pasulyap-sulyap kila Piers.
'Kailangan ko makatakas dito,' sa isip niya.
Saktong may nadaanan silang nakahintong jeep sa tabi nila at dali-daling sumakay doon ang bata.
"Sh*t!" sigaw ni Peirs nang umandar ang jeep bago pa nila mahabol si Jun.
"Susundan ko," sabi ni Asher sabay takbo upang habulin ang jeep.
Sumunod na rin ang iba. Gainamit ni Rhys ang ability niya upang makita niya ang lokasyon ng jeep.
"Akala nila maiisahan nila ako? Hahaha. Bakit ko naman sila sasamahan sa bahay namin?" sabi ni Jun pagkababa niya ng jeep.
Naglakad ito papasok sa isang eskinita kung saan maraming maliit na bahay ang nakatayo. Huminto siya sa tapat ng isang sira-sirang bahay na gawa sa kahoy.
"Nandito na ako!" sigaw niya.
"Dito pala bahay mo," sabi ni Asher habang nakatayo sa likod niya.
Natigilan sa pagpasok si Jun habang nanlalaking matang nilingon si Asher.
"Paano mo ko nasundan dito?" tanong nito.
"Kuya!" sigaw ng dalawang bata na nangangalang Jia, may edad limang taon at Jena, may edad tatlong taong gulang.
"Kuya, sino siya?" tanong ni Jia habang nakaturo kay Asher.
"Hello, kaibigan ako ng kuya mo," nakangiting sabi ni Asher.
"Hello po kuya, ako po si Jia," sabi ng batang babae sabay ngiti.
Kumpara sa kapatid nito magalang itong magsalita.
"Hindi ko siya kaibigan. Wag ka makipag-usap sa kanya," sabi ni Jun.
"Nandito sila," sabi ni Rhys nang makita na niya sila Asher.
Nag-umpisang matakot si Jun nang makita sila Peirs. Hinila niya palayo sila Jia saka humarang sa harap nila.
"Ano ba kailangan niyo?" tanong ni Jun habang masamang nakatingin kila Piers.
Mahinahong sumagot si Liam upan magpaliwanag.
"Nandito kami para tulungan ka. Wala kaming gagawing masama sa inyo."
"Bakit niyo naman kami tutulungan? Sino ba talaga kayo?"
Hindi maiwasang magdududa ni Jun dahil unang beses pa lang niya makita sila Liam. Alam niya rin na mga dayo ang mga ito sa lugar nila.
"Ano nangyayari dito?"
Isang lalaking may hawak na bote ng alak. Tinignan nito si Jun.
"Jun, sino sila?"
"Wala po tay. May tinatanong lang sila."
Pagsisinungaling ng bata.
"Ano kailangan niyo?" tanong ng ama ni Jun kay Liam.
"Alam niyo po ba ang ginagawa ng anak niyo?" tanong ni Peirs dito.
"Ano ginagawa ng anak ko?" tanong nito habang salubong ang kilay.
"Nagnanakaw siya para may makain silang magkakapatid."
"Totoo ba yun Jun?" galit na tanong nito sa bata.
Alam niyang may inuuwing pagkain ito pero hindi niya akalaing nakuha niya ito sa pagnanakaw.
"Oo tay. Nagnanakaw ako para lang may makain kami. Kasalanan niyo ito! Wala na kayong ibang ginawa kundi ang uminom at makipag-away. Simula nung nawala si Mama lagi na lang kayo wala. Pinabayaan mo na kami," tugon ng bata saka nag-umpisang umiyak bago tumakbo.
Para namang binuhasan ng malamig na tubig ang ama nito. Nabitawan niya ang hawak na bote habang tulalang nakatingin sa papalayong bata.
"Jun!" sigaw nito upang tawagin ang bata.
"Alam kong wala kaming karapatang maghimasok sa pamilya niyo pero sana po tugunan mo ang pangangailangan ng mga anak mo bilang ama nila," sabi ni Peirs.
Napayuko ang lalaki. Puno ng pagsisi ang mukha niya.
"Simula ng mawala ang kanilang ina, wala na akong ibang ginawa kundi ang magpakalasing. Hindi ko naisip na napapabayaan ko na pala ang mga anak ko. Wala akong kwentang ama sa kanila, kung makikita ito ng asawa ko siguradong malulungkot siya," aniya sabay sabunot sa sarili.
Samantala, nag-aalalang tinignan ni Zaira si Jun habang papalayo ito.
"Susundan ko siya."
Paalam niya kay Blaize nang hindi siya makatiis.
"Samahan na kita," tugon nito saka hinila si Zaira para sundan si Jun.
Napadpad sila sa may burol kung saan sila nanggaling kanina. Doon naabutan nilang nakayuko sa ilalalim ng puno si Jun habang umiiyak.
"Jun," tawag sa kanya ni Zaira habang papalapit.
Napaangat ang ulo ng bata saka pinunasan ang luha.
"Ano ginawa niyo dito?"
"Sinundan ka."
Ngumiti si Zaira pero tinignan lang siya nito ng masama.
"Tsk."
"Sungit para kang si Ian," sabi ni Zaira sabay tawa.
"Tsk. Hindi ako masungit," sabay na sabi ng dalawang lalaki.
"See? Parehas na parehas kayo."
Pang-aasar ni Zaira.
"Kayo kaya ang magkapareho. Parehas kayong matigas ang ulo," sabi ni Blaize.
"Hindi matigas ulo ko," sabay naman na sabi ng dalawa.
Nagkatinginan sina Jun at Zaira saka sabay na tumawa. Umupo si Zaira sa tabi ni Jun saka ito kinausap habang tahimik na nakinig si Blaize.
"Zai! Blaize!" sigaw ni Tyler mula sa ibaba ng burol.
Nang makita ni Zaira na kasama nito ang ama ng bata agad siyang nagpaalam.
"Jun, maiwan ka na muna namin. Kailangan niyo mag-usap ng tatay mo," sabi ni Zaira saka sila bumaba sa burol.
"Salamat sa inyo," sabi sa kanila ng tatay ni Jun.
"Walang anuman po," sagot ni Zaira.
Hindi na nila hinintay sila Jun na bumaba. Bumalik na sila sa bahay ng mag-ama.
"Saan kayo pupunta?" tanong ni Zaira nang maabutan nalang palabas ng bahay sila Liam.
"Bibili lang kami ng makakain," tugon ni Liam.
Tumango si Zaira bilang tugon.
Kasamang umalis ni Liam sina Ivan, Asher at Naomi habang naiwan ang iba para magbantay sa mga bata.
"Waaahhhh!! Anong ginawa mo sa mukha ko?" sigaw ni Adrian.
Napatingin sa kanya sila Zaira at hindi mapigilang matawa ng dalaga nang makita niya ang itsura nito. Mukha itong clown dahil sa kapal ng make up.
Tinignan sila ng masama ni Adrian saka ito sumigaw.
"Adeline Kim!"
"Pffft! What? Okay naman ha? Diba Jia?" sabi ni Kim habang nagpipigil ng tawa.
"Opo," sagot ni Jia sabay tawa.
"Kuya Clown!" sabi naman ni Jena habang nakaturo kay Adrian kaya tuluyan ng natawa sila Kim.
***
"Wow! Salamat po sa pagkain," sabi ni Jia habang nakatingin sa pagkain sa mesa.
"Kain lang kayo," sabi ni Liam.
"Salamat sa lahat ng tulong niyo," sabi ng ama nila Jun.
"Ano nga pala pinunta niyo dito?"
"May hinahanap po kaming battleaxe," tugon ni Liam.
"Wag niyong sabihin isa rin kayo sa mga gustong sumubok na makuha yung legendary battleaxe sa may Horton Park?"
Nagkatinginan sila Liam. Lahat sila iisa lang ang naisip na maaring ayun na nga ang hinahanap nila.
'Tanungin mo kung kilala niya si Victor Horton,' sabi ni Zeque kay Zaira.
"Victor Horton, kilala niyo ba siya?" tanong ni Zaira.
"Kahit sino kilala siya dito. Bayani ang turing namin sa kanya dahil sa pagprotekta niya sa Howland mula sa mananakop noon. Siya rin ang nagpatayo ng Horton Park."
"Ayun na nga po ang hinahanap namin. Saan po ba yun?" tanong ni Liam.
"Mamaya sasamahan ko kayo."
"Maraming salamat po.
Pagkatapos nila kumain, nagpunta sila sa Horton Park at doon nakita nila ang kanilang hinahanap.
"Marami na ang nagtangkang kumuha niyan, subalit wala pa ni isa ang nakagawa," sabi ng ama nila Jun.
"Peirs, subukan mo kunin," sambit ni Liam.
Naglakad palapit sa battleaxe na nakalagay sa gitna ng horton park si Peirs.
Hinawakan niya ang malaking battleaxe gamit ang dalawang kamay saka niya inangat ng walang kahirap-hirap.
Lahat ng nanonood nagulat sa nasaksihan maliban sa grupo nila Zaira.
"Yun!" masayang sabi ni Asher.
Pinatong ni Peirs sa balikat niya ang battleaxe saka ito lumapit kila Liam.
"Yung crystal," sabi ni Max na agad naman naunawaan ni Peirs ang ibig sabihin nito.
Nilabas niya ang crystal at nilagay ito sa sandata. Katulad ng nangyari sa espada ni Max, nagliwanag ito saka nagmukhang bago.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro