Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2

"Galingan mo,sabi ni Max kay Zaira bago ito pumasok sa battlefield.

Huling laban na niya ito at kailangan niya manalo upang makapasok sa Elites class.

"Ikaw pala makakalaban ko? Wag mong asahan na mananalo ka sa akin," sabi ni Kaycie habang nakangiti.

Isang ngiti lamang ang tinugon ni Zaira saka siya pumikit.

'Zeque...' tawag ni Zaira kay Zeque.

Nabalutan ng malakas na aurq si Zaira at unti-unting nagbago ang anyo niya, dahil sa hirap siya gamitin ang alter necklace mas sinanay ni Zaira ang sarili na humiram ng kapangyarihan kay Zeque. Ngunit ginagamit niya lamang ito kapag wizard ang makakalaban niya.

Naghagis ng wind blade si Kaycie. Tinignan lang ito ni Zaira saka ito nawala bago siya tamaan.

Nanlaki ang mata ni Kaycie sa nasaksihan. Wala siya ideya kung paano iyon nagawa ni Zaira.

Gumawa ng fireball si Zaira at ibinato ito kay Kaycie. Umiwas si Kaycie ngunit hinabol siya ng dalaga.

"What the hell!" sigaw ni Kaycie nang maging yelo ang paa niya. Napahinto siya sa pagtakbo at sinubukang igalaw ang mga paa.

Habang inaatake siya ni Zaira, lihim itong naglagay ng yelo sa sahig

"Ngayon, sino ang talo sa atin dalawa?" tanong ni Zaira.

"Hindi pa tapos ang laban."

Tinignan siya ng masama ni Kaycie saka gumawa ng wind tornado upang hindi makalapit si Zaira.

Inangat ni Zaira ang kanyang kamay lumikha rin wind tornado.

"Talo ka ka na," sambit ni Zaira nang makitang mas malakas ang wind tornado niya; unti-unting hinihigop nito hangin sa wind tornado na nilikha ni Kaycie hanggang sa maging isa na lang ito.

"Ahhhh!" sigaw ni Kaycie nang higupin siya ng windi tornado at nagpaikot-ikot sa gitna nito.

Pumitik sa ere si Zaira at biglang nawala ang wind tornado na gawa niya. Bumagsak si Kaycie sa stage at bago pa ito makatayo naghagis ng fireball si Zaira. Namutla si Kaycie nang makita ito dahil hirap siya makakilos.

"Wait!" natarantang sabi ni Kaycie pero binigyan lang siya ng malamig na tingin ni Zaira.

Nang malapit ba sa mukha ni Kaycie ang fireball, muling pumitik sa ere si Zaira upang pasabugin ito sa harap ng kalaban. Sa takot ni Kaycie nawalan ito ng malay kahit na hindi ito direktang natamaan.

Tinignan lang siya ni Zaira bago lumabas ng battlefield.

"Nagawa mo anak, ang galing mo," sabi  ng kanyang ina.

"Magaling po ang mga nagturo sa akin," nakangiting sabi ni Zaira dahil isa ang kanyang ina sa nagturo sa kanya.

Wind, Fire at Ice pa lang ang alam niyang gamitin tuwing makikipagsanib siya kay Zeque. Bukod kila Zeque, tinuruan din siya ni Finn ng ice element. Ngunit kahit ganun basic pa lang ang alam niyang gamitin. Kundi lang siya lamang sa experience pagdating sa pakikipaglaban baka natalo na siya kay Kaycie.

"Oh!" sabi ni Max sabay abot ng isang lollipop kay Zaira.

Isang gamot ang lollipop na binigay sa kanya, makakatulong ito para bumalik agad ang lakas niya. Isa itong special potion na inimbento ni Lolo Gus upang hindi maubusan ng stamina sila Zaira tuwing makikipaglaban sila.

Simula noon napadali na ang paghiram ni Zaira ng kapangyarihan kay Zeque dahil hindi na siya hinihimatay basta kumain siya ng candy bago bumalik sa dati.

"Salamat. Ikaw na susunod, galingan mo para magkasama tayo ng klase," tugon ni Zaira.

Tinanguan siya ni Max sa nag-umpisang kumain ng lollipop bago pumasok sa battlefield. Sinundan siya ng tingin ni Zaira.

"Si Blaize makakalaban niya?!" tanong ni Zaira.

"Oo. Magaling si Max siguradong maganda magiging laban nila," nakangiting sagot ni Asher.

"Alam ko pero hindi basta-basta magpapatalo si Blaize."

"Kanino ka susuporta?"

"Kay Ken siyempre kapag natalo siya hindi ko siya makakasama sa klase," sagot agad ni Zaira.

"Good," nakangiting sabi ni Asher.

Napansin ni Liam si Ivan na palabas ng pinto.

"Saan ka pupunta?" tanong niya dito.

"Magpapahangin lang," sagot ni Ivan.

"Bakit ka kasi balot na balot diyan?" tanong ni Zaira dahil nakasuot ito ng hood at scarf sa leeg.

Natawa sila Liam sa sinabi nito. Kung hindi nila kasama si Ivan hindi nila ito makilala dahil sa suot nito.

"Hindi ka manonood?" tanong ni Liam.

Tumingin si Ivan sa battlefield.

"Hindi na, alam ko na magiging resulta. Doon muna ako sa Dark Forest," paalam niya.

"Sabay na ako sayo, may kailangan ako puntahan doon," sabi ng ina nila Zaira.

"Samahan na kita. Pagkatapos ng laban ni Max, puntahan niyo na lang kami doon kapag wala pa kami," sabi naman ng asawa nito.

"Sige po," tugon nila Zaira.

Nang mag-umpisa na ang laban, hinawakan ni Max ang pendant na korteng espada. Naging isang mahabang espada ito na may kulay gintong hawakan at may nakasabit na kulay gintong token na may nakaukit na dalawang espada na naka-ekis at may nakapulupot na ahas dito.

Tumakbo palapit si Max kay Blaize at saka inatake ng espada ngunit iniwasan ito ng binata. Pagkaiwas nito sumuntok si Blaize na agad naman hinarangan ng isang braso ni Max. Napakunot ang noo ni Max kasabay ng pag-atras nang mamanhid ang mga braso niya dahil sa sakit.

Umiling si Max saka muling umatake na para bang wala itong nararamdamang sakit. Sunod-sunod ang atake niya hanggang sa madaplisan sa pisngi si Blaize at naputol ang ilang hibla ng bangs niya. Sumama ang mukha ni Blaize nang mapansing hindi gumaling ang hiwa; senyales ito na hindi pangkaraniwang espada ang gamit ng kalaban.

Tinignan niya ng masama si Max saka ito  umatake. Sa sobrang bilis na kilos niya para itong nawala at sumulpot sa harapan ng binata. Ngunit agad rin nasabayan ni Max ang kilos nito dahil sa sanay ito makipaglaban ng mabilis.

"Not bad," sambit ni Blaize habang tuloy sa pag-atake.

Hindi makapaniwala ang mga nanood sa nakikita.

"Tao ba talaga siya? Paano niya nagagagawang sabayan si Blaize?" komento ng isa sa mga nanonood.

Inaasahan na nila na matatalo ito agad dahil isa magaling makipaglaban si Blaize dahil sa bilis nito kumilos at idagdag pa na nababasa nito ang bawat galaw ng kalaban.

Nagpalitan ng atake ang dalawa at lahat nakatutok sa dalawa. Nabitawan ni Max ang espada nang matasuntok ito ni Blaze ngunit sa halip pulutin ito ay gumanti ng sipa si Max. Umatras si Blaize upang iwasan ito.

Hindi tumigil si Max sa pag-atake at sa tagal nila magpalitan ng suntok pansin niya na hindi ito gaano kaapektado habang siya pagod na at masakit ang katawan. Lalo nag-init ang ulo niya mas nilakasan ang atake ngunit iniwasan lang ito ni Blaize hanggang sa matapos ang oras na walang nanalo sa kanila.

Tumigil ang dalawa sa pagkilos saka nagpalitan ng masamang tingin.

"Sa susunod matatalo na kita," inis na sabi ni Max habang sinasabi niya na mas magsasanay pa siya.

Paano niya mapaghihiganti ang mga magulang niya kung hindi niya magagawang talunin ang isang bampira?

Nakasimangot na lumabas si Max dahil pakiramdam niya talo siya kahit na tabla ang laban.

"Ken."

Napatingin siya kay Athena na kasalukuyang tumatakbo palapit sa kanya. Napangiti siya bigla nang yakapin siya nito at masayang binati.

"Congrats. Magkaklase tayo," aniya habang nakangiti sa binata.

Gumaan ang pakiramdam ni Max nang makitang masaya ang kaibigan.

"Tsk."

Isang nakakamatay na tingin ang naramdaman niya mula sa likuran niya. Pagtingin niya kay Blaize tinignan siya nito ng masama bago lumabas ng battlefield.

"Tara na kila kuya para magamot sugat mo," nag-aalalang sabi ni Zaira.

Kahit na kayang makipagsabayan ni Max kay Blaize, tao pa rin siya. Wala itong kakayahan na pagalingin ang katawan.

Tahimik na sumunod si Max kay Zaira at hinayaan itong hilain siya papunta kila Liam.

Tahimik na nakatulala si Alyza sa paro-paro na nasa harapan niya habang nakaupo ito sa damuhan. Walang masyadong tao sa labas dahil halos lahat nanonood sa laban nila Max.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Levi.

Natauhan si Alyza saka tinignan ang tinuturing niyang kapatid.

"Kuya..." malungkot na sabi ni Alyza dahil hindi niya matanggap na hindi sila magkapatid.

Umupo sa tabi niya si Levi.

"Bakit hindi mo sila bigyan chance? Alam mo naman kung bakit nila nagawa yun."

"Ganun na lang ba yun? Pagkatapos nila ako iwan, basta-basta na lang nila ako kukunin?"

Pinagmamasdan siya ni Levi saka napangisi nang mapansin niya walang bakas na galit sa mukha nito.

"Ayan ba talaga ang problema? O hindi mo lang alam kung ano gagawin mo?"

Napaiwas ng tingin si Alyza sa tanong nito.

"Bakit hindi mo subukang tumira sa kanila para malaman mo kung anong klaseng magulang sila?" suhestiyon ni Levi.

Napabuntong hininga si Alyza sa sinabi nito.

"Hindi ganun kadali yun kuya. Alam mo naman na--"

"Pamilya mo sila, hindi mo kailangan magpanggap, magpakatotoo ka. Ipakita mo sa kanila kung sino ka talaga. Ipakita mo yung kilala kong Alyza. Yung Alyza na mabait, masayahin at malambing."

"Matagal na wala ang Alyza na yun."

"Wala na nga ba? O pinipigilan mo lang na ipakita? Pero tingin ko kahit ano ipakita mo sa kanila matatanggap ka nila."

Tumayo na si Levi saka pinagpagan ang dumi sa pantalon.

"Balita ko doon na ulit sila nakatira sa bahay nila sa gitna ng gubat," aniya bago umalis.

"Diba delikado sa lugar na yun? Paano kung mapahamak ulit si Za--" sambit ni Alyza ngunit natigilan siya agad nang mapangiti si Levi.

Namula si Alyza.

"Ehem. Kaibigan ko si Zaira. Alam naman natin kung ano nangyari sa kanila sa lugar na yun," paliwanag agad ni Alyza.

"Hindi naman sila babalik doon kung alam nilang delikado saka kasama na nila magulang niyo."

Natahimik si Alyza nang marinig ang huling salita ni Levi.

Pagkatapos ng exam nila Zaira naayos na nila ang lahat ng kailangan para makapag-aral. Nagtunggo sila sa harapan ng dark forest upang hintayin sila Mrs. Fiester (Mrs. Lundberg)

"Yes! Elite na din ako," masayang sabi ni Zaira habang tinitignan ang badge na binigay sa kanya.

"Kamusta ang resulta?" tanong ng mama niya habang palabas ito ng Dark Forest.

"Nakapasok kaming lahat sa Elites," tugon ko ni Zaira saka napatingin sa oso na nakasunod kila Mrs. Fiester.

"Bakit niyo kasama si Geoff?" tanong niya.

"Sa atin na siya titira," nakangiting sagot ng mama nila.

"Hindi ba yan delikado?" tanong ni Asher dahil narinig na niya ang tungkol kay Geoff noon.

"Alaga ko si Geoff kaya wala kayong dapat ipag-alala."

"Tita, yung pangalan niya po ba kinuha niyo sa pangalan ni tito?" tanong ni Max.

Napasimangot si Mr. Fiester at natawa naman ang asawa nito bago sumagot sa tanong ng binata.

"Oo Max."

"Umuwi na tayo," sabi ni Mr. Fiester.

"Magpoportal na lang kami ni Geoff. Ingat kayo," paalam ni Mrs. Fiester bago umalis.

"Kami rin," sabi ni Liam saka niyaya sina Ivan at Asher na umalis.

Kinagabihan,

"Umuwi agad kayo pagkatapos ng trabaho niyo. Mag-iingat ka Athena," sabi ni Mrs. Fiester.

"Opo. Alis na kami," tugon nila Zaira.

Gamit ang portal nagpunta sa headquarters ng White Legion sa Occult.

Ang White Legion ay isang organization na binubuo ng mga hunter. Tungkulin nilang protektahan ang mamayan ng Outlandish. Ito ay binuo ng mga magulang ni Queen Eliza na ngayon ay pinamumuan ng ama nila Zaira. Bawat miyembro ay may kanya-kanyang sandata na nilikha para kalabanin ang mga kakaibang nilalang katulad ng espada ni Ken na isang magic artifact.

"Maligayang pagdating sa inyo," bati kanila ng mga bago nilang makakasama sa trabaho. Unang beses nila magtatrabaho sa Occult.

"Maraming salamat sa pagtanggap niyo sa amin," tugon ni Liam.

Tinignan ni Zaira ang uniform nila na kulay puti at itim. Kapag ordinaryong miyembro kulay puti ang uniform nila na leather jacket at sa likod nito ang isamg simbolong hugis puso na parang may nakapulupot na rosas at sa kabilaang gilid nito ay may pakpak na katulad sa isang anghel.

Sa harap ng jacket na nasa kaliwang bahaging dibdib makikita ang code name nila. Lahat natatakpan ang bibig at ilong ng mask upang hindi sila makilala.

"Mag-umpisa na tayo. Siguraduhin niyong kasama niyo palagi ang mga kagrupo niyo. Kapag kailangan niyo ng back up pindutin niyo lang ang suot niyong bracelet," sabi ni Kuya Greg na isa ring miyembro ng white legion at ang kanang kamay ni Mr. Fiester.

Nag-umpisa nang maglibot sina Zaira, Max, Finn at Shiro. Noong una wala silang makitang kalaban hanggang sa isang sigaw ang narinig nila.

"Aaaaaaahhhhhhhhh! Tulong!"

Napatakbo sila agad upang hanapin ang hanapin ang pinagmulan ng tinig.

"Ayun!" sigaw ni Finn sabay turo sa isang babae na hinahabol ng limang bampira.

"Shiro!" sambit ni Zaira.

Naging isang malaking lion si Shiro at agad na sumakay dito ang dalaga.

"Humawak kang mabuti," paalala ni Shiro bago tumakbo ng matulin.

Tumawid ito sa kabilang kalsada at hinarangan ang limang bampira. Ginawang bow and arrow ni Zaira ang kwintas at saka inatake ang mga bampira. Tinamaan sa binti ang isa sa kanila.

Lumundag patungo kay Zaira ang isa sa kanila ngunit isang matutulis na yelo ang sumulpot sa harapan niya. Tumusok ito  sa bampira at namatay.

"Thanks," sabi ni Zaira kay Finn saka inatake ang mga natitirang kalaban.

Tinulungan siya agad ni Max nang makahabol ito sa kaniya. Dalawa sa kalaban ang naging abo pagkatapos tamaan ni Zaira.

"Maawa kayo sa akin. Wag niyo kong patayin," sabi ng natitirang kalaban.

Tinutukan ito ng espada ni Max sa leeg.


"Ako na diyan," sabi ni Zaira saka ginawang puting gems ang kaninang pulang gems sa bow.

Balak niya itong gamitin upang husgahan ang bampirang nasaharapan. Maari itong mamatay o mabuhay oras na tamaan ito.

Napapikit si Zaira nang makita ang mga kasalanan nitong nagawa pagkatapos tamaan sa dibdib. Kahit hindi pa siya dimidilat alam na niyang nasusunog ito dahil sa kasamaang nagawa. Padilat ni Zaira abo na lang ito.

"Salamat sa pagligtas niyo sa akin," sabi ng babaeng tinulungan nila.

"Mag-iingat ka na sa susunod. Kung maari iwasan mong lumabas ng ganitong oras," tugon ni Max saka nila niyayang ihatid ang dalaga upang masiguradong nakakauwi ito ng ligtas.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro