CHAPTER 17
"Kailangan ko mailigtas si Zaira sa lalong madaling panahon," sabi ni Zeque habang naglalakad.
Kung hindi lang siya pinakiusapan ni Zaira, hindi siya babalik sa katawan niya habang hinihila papasok sa black hole si Zaira.
'Zeque, naririnig mo ko? Nakikiusap ako sayo, umalis ka muna sa katawan ko at iligtas sila Heidi,' pakiusap ni Zaira sa kanya.
'Paano ka?'
'Wag mo kong alalahanin. Ayos lang ako.'
'Hindi kita pababayaan!'
'Kaya ko ang sarili ko,'
Napabuntong hininga si Zeque. Ayaw man niya ito iwanan, sinunod na lang niya ang kagustuhan nito. Sigurado siyang hindi ito matatahimik hanggang hindi nasisiguradong ligtas sila Heidi.
'Mag-iingat ka habang wala ako. Hahanapin kita agad pagkatapos ko masiguradong ligtas na nakabalik sa Outlandish sila Greg,' sabi ni Zeque bago ito patagong umalis sa katawan ni Zaira.
Pero sa halip na umalis siya, ginawa niyang invisible ang katawan niya at sinundan sila Zaira.
Nang malaman na niya ang lugar kung saan dinala si Zaira, umalis na siya para tulungan sila Greg.
Ngayon, naglalakad si Zeque patungo na siya sa kinaroroonan ni Zaira habang nag-iisip ng plano.
Hindi siya pwedeng basta na lang sumugod dahil puro class A and S ang mga nakabantay kay Zaira. Kahit kaya niyang tapatan ang isang class S demon, talo pa rin siya kung madami sila.
"Kailangan ko ng makakasama," bulong ni Zeque.
Walang nakakapansin sa kanya gawa ng invisibility magic at sound proof magic.
"Hanggang kailan ba natin sila tatakbuhan?" tanong ni Max.
Tumigil si Zeque sa paglalakad at tinignan sila Max; kasalukuyan silang hinahabol ng mga demon.
Napangiti si Zeque saka pinalutang ang mga demon na humahabol sa kanila sa pamagitan ng pagtaas ng kamay at nang ibaba niya ito marahas na bumagsak ang mga demon. Pakiramdam nila may malaking kamay ang humampas sila.
Natigilan sa pagtakbo sila Max habang gulat na nakatingin sa mga walang malay na demon.
Halos bumaon sa lupa ang mga ito dahil sa lakas ng pwersang ginamit ni Zeque.
Tumingin si Blaize sa direskyon ni Zeque. Kahit hindi niya ito nakikita, nararadaman niya ang aura nito.
"Sino ka? Magpakita ka!" tanong niya.
Nagteleport sa kinatatayuan nila si Zeque bago ito magpakita sa kanila.
"Zeque," sambit ni Max.
Seryosong tinignan sila ni Zeque saka nagsalita.
"Kailangan ko tulong niyo."
*****
Sa Dark Chamber,
"Isa, dalawa, tatlo..."
Bilang ni Zaira at nang tamarin na siya sa isip na lang niya ito tinuloy.
'...apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu, labing-isa, labin dalawa, labin tatlo...'
"Labin tatlong araw na akong nakakulong sa madilim na kwartong ito," bulong niya habang bakatingin sa stick na ginuguhit niya araw-araw.
Hinawakan niya ang kadenang nakalagay sa mga paa niya.
'Gusto ko na makaalis dito.'
Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang class C demon; may bitbit itong pagkain.
"Ito na ang pagkain mo," sabi nito saka nilapag ang tray na naglalaman ng pagkain.
Hinintay muna itong makaalis ni Zaira bago nag-umpisang kumain. Sa pagkain lang siya natutuwa sa sitwasyon niya ngayon. Nagpapasalamat siya na pagkaing tao ang binibigay sa kanya.
Lumipas ang oras na nakatunganga lang si Zaira pagkatapos niya kumain hanggang sa bumukas mulo ang pinto.
Iniluwa nito ang lalaking nakamaskara at dalawang Class A demon. Pinagmasdan ni Zaira ang dalawang demon dahil nakaanyong tao ito pero alam niyang demon sila dahil may sungay at buntot pa rin sila.
Katulad ng mga werewolf kaya rin magpalit ng anyo ang mga demon. Pwedeng human form kung saan walang bakas ng pagiging demon nila, pwede ring half demon form tulad ng nakikita niya ngayon at demon form kung saan makikita ang totoong anyo nila.
Pero mga class A pataas lang na demon ang nagagawa nito. Sa madaling salita mga malalakas lang ang pwedeng magkaroon ng human form.
"Saan niyo ko dadalhin?" tanong ni Zaira nang hawakan siya sa kabilaang kamay at hilain ng dalawang demon.
Nagpumiglas siya pero nahila pa rin siya nito at dinala siya sa isang kwarto kung saan may magic circle na nakaguhit; bilog ito na may buwan at araw, sa paligid nito may ancient word na nakasulat.
Kinadena si Zaira sa gitna ng magic circle at doon iniwan siyang nakaupo. Subukan man niya tumakas hindi siya makaalis gawa ng kadena sa paa niya.
Nang titigan ni Zaira ang kulay pulang ginamit sa pag-guhit, napag-alaman niyang dugo ito.
Naalala niya bigla ang mga napanood niya nood na tuwing may magic circle na gawa sa dugo madalas sacrificial spell o forbidden spell ang ginagawa.
"Ano ito? Ano gagawin niyo sa akin?" sigaw niya sa kabila ng takot na nararamdaman.
Tinignan niya ng masama ang lalaking nakamaskara.
"Lalaking nakamaskara, sumagot ka! Alam kong nakakapagsalita ka. Ikaw ang nag-uutos sa kanila diba? Ano gagawin niyo sa akin?"
Tulad nang unang beses sila nagkita, malamig na tingin lang ang binigay nito sa kanya.
"Umpisahan muna," utos niya kay Patricia.
Nag-umpisang mabigkas ng ancient spell si Patricia.
Kahit naiintindihan ni Zaira ang salita natin alam niyang inuumpisahan na nito ang magic spell.
Umilaw ang magic circle at nang matapos magbigkas si Patricia nakaramdam ng sakit sa katawan si Zaira.
Sa una nakakayanan niya pa ito pero katagalan pinapawisan na niya hanggang sa napasigaw na siya.
"Aaahhhhhhhh!!!"
Pakiramdam niya nahahati ang katawan niya at nabibiyak ang puso niya.
'Hindi ko na kaya. Ang sakit! Kailangan ko makaalis dito,' sa isip ni Zaira.
Sinubukan niyang gumapang paalis sa magic circle ngunit napilan siya ng kadena sa paa niya.
"Tulong! Tulungan niyo ko... nakikiusap ako," sambit niyo.
Muli nanaman siya nakaramdam ng sakit. Pakiramdam niya may hihila palabas ng katawan niya.
"Aahhhhh!"
Namilipit na siya sa sakit. Unti-unti siyang nanghihina, gustuhin man niya magpahinga hindi siya pinagbibigyan ng katawan niya. Pumikit man siya, gising na gising pa rin siya at ramdam niya ang sakit sa buong katawan niya.
Hindi lang physical ang masakit sa kanya pati spiritual kaya hindi pangkaraniwang sakit ang nararamdaman niya.
*****
Sa labas ng Stygian Kingdom, kasalukuyang nakikipaglaban sila Blaize at Max sa mga demon na pumipigil sa kanila makapasok sa loob ng gate, katulong nila sina Tora, Red at Shiro sa pakikipaglaban.
Inatake ni Max ang mga demon gamit ang espada niya habang si Blaize pinagsusuntok at pinagsisipa ang mga ito. Kahit na payat ang katawan nito, alam ni Max na malakas ang mga suntok nito.
Ginamit naman nina Tora, Red at Shiro ang elemental power nila laban sa mga demon.
"Ah!"
Napahawak si Blaize sa tagiliran ng masaksak siya ng isa sa mga kalaban nilang demon. Sinipa niya ito at tinuloy ang pag-atake.
Dahil sa tagal na hindi umiinom ng dugo si Blaize, mas matagal gumaling ang sugat niya. Bumabagal rin ang kilos niya kaya nagawa siyang palibutan ng kalaban. Pero wala siyang balak magpatalo.
Nang mapansin ni Max na hindi maganda ang sitwasyon ng katawan niyo, inatake niya ang mga nakapaligid sa binata hanggang sa makalapit siya dito.
"Kaya mo pa ba?" tanong ni Max kay Blaize.
"Tsk! Hindi ko kailangan ng tulong mo."
Tinignan ni Max ang kamay ni Blaize na nakahawak sa tagiliran saka bumuntong hininga.
"Kung kaya ko lang mag-isang lumaban, hindi kita tutulungan kahit mamatay ka pa sa harapan ko. Para kay Athena ang lahat ng ginagawa ko."
Sinugatan ni Max ang kanyamg kamay saka ito nilapit kay Blaize habang tumutulo ang dugo nita.
"Alam ko kailangan mo ng dugo ng tao. Sa ngayon pagbibigyan kita na inumin yung sa akin."
Natulala si Blaize sa dugong nasa harapan niya saka napalunok. Gusto niya itong inumin pero kapag naiisip niyang dugo ito ng karibal niya, naiinis siya.
"Ano pa hihintay mo? Sayang yung tumutulong dugo ko," naiinis na sabi ni Max.
"Tsk! Ayoko ng dugo mo... Pero para kay Athena iinumin ko ito," sambit ni Blaize saka hinila ang kamay ni Max at kinagat.
Habang pinapanood ni Max si Blaize, pakiramdam niya may mali sa sitwasyon nila. Umiwas na lang siya ng tingin at humiwa sa hangin para hindi sila lapitan. Tinulungan din sila nila Shiro para masiguradong ligtas sila hanggang hindi natatapos si Blaize.
"Salamat," sabi ni Blaize sabay punas ng bibig niya.
Pagtingin ni Max sa kamay niya, wala na itong sugat. Alam niyang si Blaize nagpagaling ng sugat niya pero ayaw niyang isipin kung paano niya ito pinagaling.
Pinagpatuloy na nila ang pakikipaglaban hanggang sa makapasok sila sa gate pero madami pa rin ang nakaharang sa kanila kaya mabagal ang pag-usad nila. Maswerte na lang sila na hindi pa sila patay hanggang ngayon kahit na may Class A demon silang kaharap.
Boom! Isang pagsabog ang kumuha ng atensyon nila. Pagtingin nila sa direksyon ng pinagmlan ng pagsabog, nakita nila sila Liam.
"Sorry ngayon lang kami. Kami na bahala dito, hanapin niyo na si Zaira. Tandaan niyo na sa loob siya ng kweba," sabi ni Zeque kila Max saka intake ang mga kalabang nakaharang sa harapan nila.
Tumakbo agad ang dalawa sa daanang binigay sa kanila ni Zeque.
Malapit na sila sa may pintuan ng mismong palasyo nang may humarang sa kanila.
"Diyan lang kayo," sabi ng isang demon habang nakaharang sa harapan nila.
Hinagisan ito ng dark fireball ni Liam.
"Kami ang kalaban niyo," sabi niya saka tumingin kila Max.
"Pumasok na kayo sa loob."
Sa tulong ni Naomi kinalaban nila ang mga demon na nagtatangkang humarang sa pintuan.
Mabilis na pumasok si Blaize habang nakasunod sa kanya si Max. May nasalubong silang Class C na demon.
Nnag makita sila nito, nagtangka itong tumakas pero nahuli siya ni Blaize. Sinakal niya ito saka sinandal sa pader habang nakaangat sa lupa.
"Nasaan si Athena?" tanong ni Blaize.
"Hindi ko ala--aackk!"
Hinigpitan ni Blaize ang pagkakasakal dito habang nakatingin ng masama. Nanginig sa takot ang demon.
"Yung babaeng dinala niyo dito. Nasaan?"
"Sa Morbid!"
"Saan makikita?" tanong ni Max.
"Sa likod ng palasyo maglakad lang kayo ng diretso may makikita kayong kweba."
Sinuntok ni Blaize ang demon bago niya ito binitawan. Patakbo nilang hinanap ang pinto papunta sa likod ng palasyo. Sa laki nito halos maligaw sila hanggang sa may mabuksan silang pinto kung saan itim na rosas ang bumungad sa kanila.
Lumabas sila agad at tumakbo sa gitna ng mga tanim na bulaklak. Iniwasan pa nilang dikitan ang ibang halaman dahil nakakalason ang mga ito.
May pagkakataon na may carnivores plants ang nagtangkang kainin si Max pero mabilis niya itong hiniwa.
****
Sa Morbid,
"Aaahhhh! Hah..." sigaw ni Zaira habang nakahawak sa puso at hinihingal.
'Aaahh!' sigaw rin ni Zarah habang may pwersang humihila sa kanya palabas ng katawan ni Zaira.
Nagdudulot ito ng sakit sa kanilang dalawa dahil konektado ang katawan nila.
'Anong nangyyari? Ahhh!'
Hindi alam ni Zarah kung ano ba ang nangyayari sa katawan nila.
Pero ramdam niyang unti-unting napuputol ang koneksyon niya sa katawan ni Zaira habang pwersahan siyang hinihila palabas.
'No! Hindi ako pwede umalis ng katawan niya, mamatay ako!'
Natatakot si Zarah na oras na mahila siya palabas ng katawan ni Zaira, mamatay siya. Kahit na wala siya ideya sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya mas mabuting isipin niya ang pinakamasamang pwedeng mangyayari.
Pilit niyang pinipigalan ang sarili niya na magpadala sa pwersang humihila sa kanya pero masyadong malakas ito.
'Noooo!'
Napapikit si Zarah nang may liwanag ang sumalubong sa kanya.
"Aaahhhhhh!" sigaw nilang dalawa nang tuluyang maghiwalay ang katawan nila.
"Nagtagumpay tayo," sabi ni Patricia habang nakangiti.
Tinignan niya ang dalawang babaeng magkamukha; pareho itong walang malay na nakahiga sa loob ng magic circle.
****
Samantala, mas binilisan ni Blaize ang pagtakbo nang marinig nila ang sigaw nila Zarah.
Labis ang kabang nararamdaman niya at wala siyang ibang naiisip kundi patayin ang nasa likod ng lahat. Lalo na kapag may masamang nangyari kay Zaira.
Pagkakita niya kay Zaira saktong tapos na ang forbidden spell na sinagawa nila Patricia.
"Nagtagumpay tayo."
Galit na tinignan ni Blaize si Patricia nang marinig niya ang sinabi nito .
"Ano ginawa niyo kay Athena?" tanong niya kaya napatingin sa kanya ang mga demon na nakamasid kila Zaira.
"Kalaban!" sigaw ng isa sa kanila.
Akmang susugod sila subalit pinigilan sila ng lalaking nakamaskara.
"Umalis na tayo dito," aniya saka nagbukas ng black hole.
Naguguluhan man ang mga demon kung bakit sila aalis pero sumunod pa rin sila.
Nagtaka rin si Blaize kung bakit bigla silang umalis at iniwan sila Zaira. Pero alam niyang hindi iyon ang oras para pag-isipan yun.
"Athena!" sigaw niya sabay takbo sa babaeng may kadena sa paa.
Binuhat niya ito saka sinandal sa braso niya saka ginising
Dumilat si Zaira nang maramdaman niya ang pagtapik nito.
"Ian..." mahinang sabi niya habang pilit na dumidilat subalit hindi niya malabanan ang panghihina niya.
"Ligtas ka na. Nandito na ako," bulong sa kanya ni Blaize sabay yakap sa kanya.
Naging komportable ang pakiramdam ni Zaira sa yakap nito kaya tuluyan na siyang nagpaubaya sa antok na nararamdaman.
"Blaize, bakit mo ko iniwan?" tanong ni Max habang hinihingal.
Napagod siya sa kakahabol sa binata at sa sobrang pagod niya hindi niya mapigilang mainis dito.
Naabutan niya ang binata habang nakayakap kay Zaira pero mas umagaw ng atwnsyon niya ang babaeng walang malay sa tabi nila.
Hindi niya kita ang mukha nito pero pamilyar sa kanya ang aura ng katawan nito kaya nilapitan niya ito saka nilihis itim na buhok na nakatakip sa mukha nito.
"Zarah?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro