Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 15

Alas dose ng hating gabi nagising si Zaira, nakaramdam siya ng pagkalam ng sikmura. Hindi na siya nakapaghapunan dahil sa pagod, nakatulog siya.

Naghanap siya ng makakain. Kumuha siya ng ham at nag-umpisang magluto.

"Ano niluluto mo?"

Napalundag sa gulat si Zaira nang may magsalita sa likod niya.

"Ay multo! Jusko Ian. Bakit ka ba bigla bigla na lang sumusulpot?" aniya habang nakahawak sa dibdib niya.

"Sorry, ano niluluto mo?"

"Fried rice."

Pinatay ni Zaira ang apoy saka nilagay sa plato ang fried rice. Kinuha niya ang niluto niyang ham saka dinala sa mesa.

Sinundan siya ni Blaize saka umupo sa tabi niya.

"Pahingi ako," aniya habang nakatingin sa niluto ni Zaira. Gusto niya matikman ang luto nito.

Nilayo ni Zaira ang plato niya.

"Ayoko, magluto ka ng sayo."

Pang-isang tao lang ang niluto niya. Kung  alam niyang makikikain din ito, nagluto sana siya ng madami.

Nabasa ni Blaize ang iniisip nito kaya lumapit siya sa dalaga saka inamoy ang leeg niya.

"Pwede naman ikaw ang kainin ko," bulong niya.

Nagsitayuan ang balahibo ni Zaira sa batok lalo na nang halikan siya nito sa leeg.

"Sandali! Wag kang ganyan. Ito na nga. Gusto mo subuan pa kita?"

Nakangiting lumayo sa kanya si Blaize saka sumagot.

"Okay."

Sinubuan siya ni Zaira saka kumain.

"Pahingi pa," sabi ni Blaize.

"No, tama na yung kanina."

Alam ni Zaira na gusto lang nito makikain. Bampira si Blaize, imposibleng mabusog ito sa pagkain ng tao.

"Konti lang ng sinubo mo."

Reklamo ni Blaize sabay nguso na parang bata.

Nabitawan ni Zaira ang kutsara nang makita niya ito.  Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.

Napatakip siya ng bibig.

'Ang cute niya.'

Ngayon niya lang ito nakitang umarte na parang bata.

"Ian, ikaw ba talaga yan? O panaginip lang ito?"

Sinampal ni Zaira ang sarili para masiguradong totoo ang lahat.

Nagulat naman si Blaize sa ginawa nito at agad na hinawakan ang kamay niya.

"What the hell! Bakit mo sinasampal sarili mo?" tanong nito habang salubong ang kilay.

"Ah! Totoo ka," sambit ni Zaira.

Sigurado na siya na si Blaize ang nasa harapan niya nang makita niya ang mukha nito. Tatlong expression lang ang madalas niyang makita sa binata: Salubong ang kilay, death glare at serious look.

"Yeah! Gusto mo proof?" tugon ni Blaize.

"Proof?"

Nagtatakang tinignan ni Zaira si Blaize.

'Anong klaseng proof ipapakita niya?'

Walang sabi-sabing hinalikan siya ng binata. Sa una natulala si Zaira pero nang maramdaman niya ang paggalaw ng labi nito, napasabay na lang siya dito saka napahawak sa balikat ni Blaize.

Hinawakan siya sa batok ni Blaize at lalong lumalim ang paghalik nito. Hindi sanay si Zaira na makipaghalikan kaya halos kapusin siya ng hininga bago tumigil ang binata.

"Ehem. Kumain ka na," sabi ni Blaize saka tumayo.

"Ha? Akala ko gusto mo pa kumain?"

Gulat na tanong ni Zaira.

"Busog na ako sa halik mo."

Namula si Zaira sa sinabi nito.

"Ah!" sambit ni Zaira.

'Hindi na lang sana ako nagtanong,' sa isip niya. Nakalimutan niyang hindi ito gutom at kung gutom man siya dugo ang kailangan niya hindi pagkain ng tao.

"Pero bitin ako. Pwedeng isa pa?" sabi ni Blaize sabay lapit ng mukha niya.

Napaatras bigla si Zaira saka nagsandok ng pagkain para isubo kay Blaize.

"Ikain mo na lang yan."

Kinain ito ni Blaize saka muling nagsalita.

"Bitin pa rin. Ikaw ang kailangan ko," aniya saka bumulong.

"Kung pwede nga lang kiss ang gawin natin."

Nag-init lalo ang mukha ni Zaira nang marinig niya ito.

"Manyak!" sigaw niya sa binata sabay tayo.

Ngayon alam na niya kung bakit bigla itong nagbalak umalis. Kung alam lang niya hindi sana niya ito pinigilan.

"Hey! Where are you going?"

Pigil sa kanya ni Blaize bago ito makaalis.

"Nagbibiro lang ako. Gutom ka pa diba? Ubusin mo pagkain mo kung ayaw mong..."

Tinignan siya ng masama ni Zaira.

"Kung ayaw kong? Ano?"

"Totohanin ko ang biro ko. Sakto tayo lang gising ngayon. Tamang-tama lang para gawin yu---"

"Stop! Kakain na ako. Wag ka na magsalita. Nakakamimiss yung pagiging tahimik mo," sabi ni Zaira.

Kinuha ni Blaize ang kutsara.

"Subuan na kita," aniya habang nakangiti.

"May kamay ako saka hindi na ako bata."

Kinilabutan bigla si Zaira nang sumeryoso ang mukha ni Blaize.

"Magpapasubo ka o totohanin ko ang biro ko?"

Napalunok si Zaira sa takot. Pakiramdam niya kapag si Blaize ang nagsabi, totohanin talaga nito.

"Magpapasubo na po."

"Tsk. Papayag ka rin pala eh."

Wala na nagawa si Zaira kundi magpasubo hanggang sa maubos ang pagkain niya.

Pagsapit ng umaga, umalis sila Liam para hanapin ang iba pang mythical animal. Katulad ng napag-usapan nila, naiwan ang iba sa sasakyan.

"Ang boring dito," sabi ni Zaira.

Gusto niya sana sumama kila Liam pero hindi siya pinayagan sa takot na baka siya naman ang susunod na mawala.

"Gusto mo lumabas? Doon lang tayo sa may talampas," tanong ni Gin.

Tumango si Zaira saka tinignan si Greg para magpaalam.

"Okay. Basta doon lang kayo saka wag kayo lalayo sa sasakyan," tugon nito.

Nagmadaling lumabas si Zaira.

"Salamat nakalanghap din ng sariwang hangin," aniya habang naglalakad.

Pagtingin niya sa langit may napansin siyang kulay itim. Sa una maliit lang ito hanggang sa palaki ng palaki.

"Zai!" sigaw ni Rhys sabay hila kay Zaira bago dumapa, sa kanilang lahat siya lang ang nakakita ng demon kahit malayo pa lang ito.

Gumawa ng light arrow si Naomi saka ito   tinira sa demon habang palapit ito kila Zaira. Umiwas ito saka lumipad paitaas.

"Zai, Heidi, balik na muna kayo sa loob," sabi ni Naomi nang mapansin niyang nakatingin sa kanila ang demon.

Pabalik-balik ang tingin nito sa dalawa na tila ba nag-iisip kung sino unang aatakihin niya.

Hinila ni Rhys si Zaira pabalik sa sasakyan habang tinulungan naman ni Shiro si Heidi na makasakay agad. Mabuti na lang malapit lang sipa sa sasakyan.

"Class A demon ang kalaban. Maghanda kayo!" sabi ni Naomi.

Lumikha ng dark ball ang kalabam saka hinagis ito sa sasakyan.

"Barrier!" sigaw ni Crystal upang protektahan ang sasakyan.

Muling inatake ni Naomi ng arrow ang kalaban. Lumikha rin ng fireball si Crystal para tulungan sa pag-atake subalit lumipad lang paitaas ang demon.

"No way! Wag niyo sabihing nagtawag siya ng kasamahan?" sambit ni Asher.

Nagkaroon ng malaking black hole sa kalagitnaan habang ang demon na kaharap nila palipad-lipad sa harap nito habang naglalabas ng kakaibang tunog.

"F*ck! Ang dami nila," sambit ni Gin.

Handa na sila makipaglaban ngunit hindi sila pinansin ng mga demon. Dumiretso ang mga ito sa sasakyan saka ito pinagtulungan na atakihin.

"Ngayon sigurado na akong sila Zaira ang pakay nila," sambit ni Naomi.

Samantala, huminto sa paglalakad si Liam nang maramdaman niya ang pagbukas ng black hole. Bilang isang dark wizard sensitive siya sa dark magic.

"Anong nangyayari? Bakit ang dumilim? Uulan ba?" tanong ni Kim habang nakatingin sa langit.

Kapansin-pansin ang pagkakaroon ng itim na ulap sa kalagitnaan.

"May nagbukas ng black hole," sabi ni Liam.

Nag-umpisang siyang kabahan. Kung may black hole ibig sabihin may demon. Bukod doon nararamdaman niyang may malakas na dark aura sa direksyon kung saan ang sasakyan nila.

"Hindi maganda ang kutob ko. Bumalik muna tayo sa sasakyan."

Dugtong niya sabay takbo pabalik sa sasakyan.

Nagpatuloy ang pag-atake ng mga demon sa sasakyan na tinatawag na constantine.

"Aaahhhh!!" sigaw ni Heidi sabay yakap kay Zaira nang umalog ang sasakyan.

Isang malakas na pagsabog ang narinig nila mula sa labas

"Ano nangyayari?" tanong ni Greg.

"May demon sa labas," sagot ni Zaira.

Umilaw bigla ang emergency light; ilaw ito na kulay pula na makikita sa iba't-ibang parte ng sasakyan.

"Emergency! We are under attack!" sabi ni Hiro habang tumatakbo palapit kay Greg.

"Sumunod kayo sa akin," sabi ni Greg kila Zaira bago magpunta sa control room.

Binuksan niya ang monito at doon nakita nila ang napakaraming demon; nakapalibot ang mga ito sa constantine habang umaatake.

"Hiro, gamitin mo ang laser beam," utos ni Greg saka pinaandar ang sasakyan upang iwasan ang mga atake at  makaalis sila.

Boom! Napahawak sila Zaira sa upuan ni Greg nang umalog ang sasakyan.

Isang warning alarm ang tumunog.

"Nasira ang kanang bahagi constantine, kailangan ito ayusin as soon as possible," sabi ni Hiro habang nagpipindot sa kayboard.

May lumabas na hologram ng constantine at sa kanang bahagi nito may  kulay pulang tuldok na pakurap-kurap.

Boom! Boom! Boom!

"Kumapit kayo mabuti!"

Paalala ni Greg nang madagdagan ang pulang bilog sa hologram.

Boom! May lumabas na warning sa taas ng hologram at muling nadagdagan ang warning.

"Para saan yung warning?" tanong ni Zaira.

Tuluyan na siya nakaramdam ng takot sa nangyayari lalo na nang marinig niya ang paalala ni Greg.

"Babagsak tayo nasira ang engine. Kumapit kayo."

Humigpit ang pagkakapit ni Heidi kay Zaira.

Nag-umpisang umuga ang sasakyan na para bang lumilindol.

"Aaahh! Kuya!" sigaw ni Zaira nang mapabitaw siya at mawalan ng balanse.

Hinawakan siya agad ni Greg sa kamay saka hinila palapit sa upuan.

"Salamat. Bakit naging itim yung screen?" sabi ni Zaira sabay turo sa monitor.

"Hindi naging itim ang monitor. Nagkaroon ng black hole sa harapan natin. Hiro, iatras mo ang sasakyan!" sabi ni Greg pero huli na ang lahat dahil tuluyan na silang nahigop papasok ng black hole.

Nagpaikot-ikot ang sasakyan at sobrang hilo ni Zaira nawalan siya ng malay.

"Naayon ang lahat sa plano ko," bulong ng isang lalaking nakasuot ng itim na hood nang tuluyan na mawala ang constantine sa harapan nila.

Ngumiti ito ng katulad sa isang demon bago umalis gamit ang black hole.

"Athena!" sigaw ni Asher nang tuluyang mawala ang black hole na humigop sa constantine.

"Ano nangyari? Sino-sino ang nasa loob ng sasakyan?" tanong ni Liam.

Pagkadating nila, nakita nilang papasok sa loob ng black hole ang sasakyan.

Sumama ang aura nila Asher. Pakiramdam nila naisahan sila ng mga demon dahil sa huli nakuha sila Zaira.

Nag-umpisang magsialisan ang mga demon sa paligid.

"Sh*t!" sigaw ni Blaize sabay suntok sa puno at tingin ng masama sa mga demon na paalis.

Hindi na kailangan marinig ni Liam kung sino ang nasa sasakyan, reaction pa lang nila Blaize, alam na niyang isa si Zaira sa nawala. Napahilot siya ng ulo.

"Hindi ako papayag na mawala na lang basta si Athena. Kailangan ko siya iligtas, delikado sa Infernal World," sabi ni Blaize.

Tumakbo siya papunta sa demon na papasok sa black hole. 

"Shiro," tawag ni Max.

Naging malaking puting lion si Shiro saka ito nagkaroon ng pakpak na gawa sa  pinaghalong elemental power.

Sumakay sa likod niya sina Max at Tora habang bumalik sa pagiging red panda si Red saka ito tumalon at kumapit sa balikat ni Tora.

"Sandali! Huminto kayo--" sigaw ni Liam pero huli na ang lahat.

Gusto niya sana sabihing hindi nila kailangan magmadali dahil kaya naman niya magbukas ng black hole. Balak niya sana pagplanuhan muna ang lahat bago magpunta sa Infernal World.

Bumitaw na si Blaize sa paa ng demon na hinawakan niya para makapunta sa Infernal world.

Pagtingin niya sa paligid maliban sa mga demon na galing black hole wala siyang ibang nakikita kundi itim na buhangin at patay na puno. Sa kalangitan naman tanging kulay abo na ulap lang ang nakikita niya.

Ito ang unang beses na nakapunta siya sa nasabing mundo at ramdam niya na mas higit na lumalakas ang spiritual energy niya dito. Bilang bampira, dark spiritual energy ang kailangan para lumakas katulad ng mga dark wizard.

"Master!" sigaw ni Red habang nahuhulog sa langit.

Sinalo siya ni Blaize saka tumingin sa nakasakay sa lumilipad na puting lion.

"Bakit kayo nandito?" tanong niya.

"Para iligtas si Athena," sagot ni Max.

"Tsk!"

Pinatong ni Blaize sa balikat niya ang red panda saka siya nag-umpisang maglakad.

Bumaba sila Max saka sila sumunod sa binata.

May pagkakataon na inaatake sila ng demon kaya napapalaban sila ng hindi oras.

"May tagalabas! Huliin sila!" sigaw ng isamg class B na demon.

Handa na sana lumaban si Max pero pinigilan siya ni Blaize nang makita niyang madaming kalaban. Kung lalaban sila mas lalo lang sila magtatagal sa paghahanap kila Zaira. Idadag pa na Class B ang makahaharap nila.

"Hindi ito ang tamang oras para lumaban. Umalis na lang tayo," aniya.

"Tama siya. Mas magandang tumakas na lang tayo," sabi ni Shiro kaya tinabi na ni Max ang espada saka sila tumakbo.

****

"Zai! Gumising ka!" sambit ni Greg habang tinatapik ang pisngi ni Zaira.

Medyo nanlalabo pa ang paningin ni Zaira nang dumilat siya kaya muli siyang napapikit sabay hawak sa ulo.

"Kuya Greg..." aniya saka muling dumilat.

Pagtingin niya sa kamay niya may pahid na dugo ito. May mga iilang galos rin siya  gawa ng pagtama niya sa paligid habang wala siyang malay.

Ganun din ang itsura ni Greg.

"Si Heidi! Salamat ligtas siya."

Nakahinga siya ng maluwag nang makitang yakap ito ni Hiro. Kumpara sa kanya gasgas lang ang nakuha ni Heidi dahil sa pagprotekta sa kanya ng robot.

"Wag ka muna bumangon," sabi ni Greg bago kinuha ang first aid kit.

"Awts!" sambit ni Zaira habang nililinis ang sugat niya.

Pagkatapos ito linisin ni Greg, nilagyan niya ito ng benda.

"May masakit pa ba sayo? May iba ka pa bang sugat?" tanong sa kanya ni Greg.

"Wala na kuya. Salamat."

"Ikaw na bahala kay Heidi habang tinitignan ko ang sira ng Constantine."

"Okay."

Iniwan sa kanya ni Greg ang first aid kit saka umalis.

"Ate, nasaan na tayo?" tanong ni Heidi nang magising ito.

"Hindi ko alam."

"Nasa Infernal World tayo," sagot ni Hiro.

"Infernal World?! Nasa mundo tayo ng mga demon?"

Tuluyang nanghina si Zaira dahil hindi niya na alam ang gagawin niya. Paano sila makakabalik sa Outlandish? Wala ni isa sa kanila ang marunong magbukas ng black hole. Bukod doon sa teritoryo sila ng mya demon.

"Sana dumating sila kuya Hades," sambit ni Zaira.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro