CHAPTER 11
Habang tumatakbo si Ivan, napansin niyang nagdilim ang itaas itaas. Pagtingin niya sa langit nakita niya si Kura.
Mula sa likod nito tumalon si Liam habang buhat-buhat niya si Naomi.
Nagtanguan lang sila bago sabay na tumakbo.
Naabutan nila sila Blaize na abala sa pakikipaglaban sa mga bampira. Pansin nila na konti na lang ang mga ito kaya hindi na nila ito tinulungan. Alam nila na anumang oras matatapos na sila.
Hinanap ni Liam si Zaira pero hindi niya ito makita hanggang sa marinig niya si Naomi.
"Nasa loob ng ice cream parlor sila Zaira," sabi nito.
Pagpasok nila sa loob sumalubong sa kanila agad ang magkakaibang aura na nagdudulot ng matinding tensyon.
"Umalis na tayo," sabi ni Henry nang makita niya sila Ivan.
"Hanggang sa muli nating pagkikita, magandang binibini,"
Paalam niya kay Zaira saka kumindat bago tumakbo palabas.
"Ayos lang ba kayo?" tanong ni Liam sa mga kapatid niya.
"Ayos lang kami kuya," sagot ni Zaira.
"Napalaban ako doon ah!" sambit ng lalaking may kulay pulang buhok habang papasok ito sa loob.
"Sino ba kasi nagsabi na makipaglaban ka?" sabi ni Kaycie sabay irap dito.
"Teritoryo ko itong gusto nilang pasukin, dapat lang na protektahan ko ito."
Tumingin ang lalaki kay Crystal.
"Siguro naman malamig na ulo mo dahil sa tunaw na ice cream?"
Pabirong sabi nito kay Crystal.
Napahaak ang dalaga sa ulo niya saka napasimangot.
"Ang lagkit ko na," aniya.
"May CR sa taas. Pwede ka maligo doon," sabi ng lalaki.
Tumango si Crystal saka nagpasalamat pero bago siya umalis tinanong niya muna ang lalaki.
"Ano nga pala ginagawa mo dito?"
Napakamot ng ulo ang lalaki.
"Magkakilala kayo?" tanong ni Gin sa kanila pagkatapos marinig ang usapan nila.
"Hindi ba nasabi sa inyo ni Crystal? Boyfriend ako niya ako, ako nga pala si Kayden," sagot ng lalaki habang nakangiti.
Nanlaki ang mata ni Gin sa narinig. Ngayon lang niya nalamang may boyfriend si Crystal. Wala naman ito nababanggit sa kanila.
"Kailan pa? Bakit ngayon nga lang kita nakita?"
Napakunot ang noo ni Liam.
"Crystal, totoo ba yun?" tanong nito.
"No, wag kayo maniwala sa kanya. Pinsan ko--I mean pinsan siya ni Kaycie," sagot ni Crystal habang namumula.
"Hindi ko siya pinsan. Kakambal ko si Kayden. Siya talaga kakambal ko, hindi ikaw."
Pagtatama sa kanya ni Kaycie na ikinagulat naman ng dalaga.
"Hey Kaycie, wag mo siya awayin. Hanggang ngayon galit ka pa rin sa kanya? Walang kasalanan si Crystal."
Awat ni Kayden kay Kaycie bago pa ito may masabing masama. Kumalma naman ito at inirapan na lang si Crystal.
"Tara sa taas."
Pagyaya ni Kayden para makaligo si Crystal. Niyaya na rin niya ang iba kahit na private place niya ang second floor. Kung dalawa lang silang aakyat baka pag-isipan pa siya ng masama nila Liam.
Nang makapagpalit na si Crystal, nagkayayaan na sila na bumalik sa beach.
"Athe--"
"What?" sigaw ni Zaira kay Max habang naglalakad sila.
Naiinis pa rin siya dito kaya hindi niya muna ito pinapansin pero mas lalo siya naiinis sa pangungulit nito sa kanya.
Gusto niya muna makapag-isip kaya iniiwasan muna ang dalawa para walang panggulo.
"Sorry," sabi ni Max pero hindi siya pinansin ng dalaga dahil nasa dragon ang atenyon niya.
Tumakbo siya palapit kay Kura.
"Long time no see," sabi niya dito habang sinsabayan ito sa paglalakad.
Ngayon lang niya ulit ito nakita.
"Long time no see," tugon ni Kura.
"Hindi ka ba naiinip sa likod ni kuya? Bakit ba gusto mo doon, pwede naman na ganyan ka na lang?"
Nagtataka siya kung bakit palagi itong nasa loob ni Liam kahit na pwede itong mag-anyong tao. Kung may kakayahan lang si Zarah na makalabas sa katawan niya siguradong mas pipiliin nitong makalabas. Kaya hindi niya maintindihan ang takbo ng isip ni Kura.
"Hindi ako sanay na nasa labas, gusto ko sa madilim lang."
"Ah!" tugon ni Zaira kahit naguguluhan pa rin siya. Nilingon niya si Liam saka tinanong.
"Kuya, okay ka lang ba? Hindi ka ba nanghihina?"
"Ayos lang ako. Tinulungan ako ni Naomi na maibalik ang lakas ko. May ability siya na magpasa ng magical power," sagot nito.
Napatingin si Zaira sa kamay ng dalawa dahil kanila pa ito magkahawak. Hindi niya alam kung para ba ito sa pagbibigay ng magical power o may ibang dahilan kaya hindi niya mapigilang magtanong.
"Kuya, kayo na ba ni Ms. Naomi?"
"Halata ba?"
Napangisi si Zaira sa sagot nito. Nakita niya rin ang pamulala ng tenga ni Liam.
"Hindi naman kuya. Napansin ko lang na kanina pa kayo magkadikit."
Tukso niya sa dalawa.
Binitawan ni Liam ang kamay ni Naomi para akbayan ito.
"Kami na nga. Kakasagot lang niya sa akin kanina. Simula ngayon ate na rin itawag mo sa kanya kapag wala tayo sa school."
"Okay kuya," sagot ni Zaira habang nakangiti pero nawala agad ito nang magtanong si Liam.
"Ano nga pala ginawa sayo nung dalawa?"
"Wala kuya. Naiinis lang ako sa kanila. Mag-away ba naman sila doon sa ice cream parlor kanina. Hindi tuloy ako nakakain ng maayos."
"Gusto mo ba turuan ko sila ng leksyon?"
"Ano binabalak mo kuya?"
"Basta maghintay ka lang mamaya."
Napalunok si Zaira nang makita ang nakakatakot na ngiti ng kapatid. Napapaisip tuloy siya kung tama ba na sinabi niya ang nangyari.
Pagdating nila sa tinutuluyan nila sa beach, sinalubong sila agad ni Mrs. Fiester.
"Ma, Si Kayden po pala. Kakambal ni Kaycie. Isa din po siya sa celestial guardian," sabi ni Crystal nang makita niyang nakating ito kay Kayden.
"Tuloy ka iho," sabi ni Mrs. Fiester habang nakangiti.
Dumiretso agad si Zaira sa kwarto. Pagkahiga niya nakaramdam siya bigla ng pagod at saglit na nakatulog.
Paglabas niya naabutan niyang naglilinis ng isda sina Max at Blaize.
"Ganyan nga kaysa magpatayan kayo, idaan niyo na lang sa paligsahan. Paramihan kayo ng nalinis na isda," sabi ni Mr. Fiester habang pinapanood ang dalawa na magtanggal ng bituka.
Base sa kilos nila makikita na walang karanasan si Blaize sa paglinis ng isda habang si Max naman marunong.
"Ayos ba?" tanong ni Liam kay Zaira.
Tumango si Zaira saka ngumiti. Gumaan bigla ang pakiramdam at mas mabuti na rin na may ginagawa sila para hindi siya kulitin.
"Dinamay mo pa si papa."
"Wala sana ako balak na magpatulong sa kanya. Kaso nalaman niya kila Gin yung nangyari kanina kaya todo bantay siya sa dalawa."
"Pagkatapos niyo diyan, ihawin niyo lahat yan," sabi ni Mr. Fiester.
"Sarapan niyo ah. Kapag nagawa niyo yan ng maayos, mapapatawad ko na kayo," sabi ni Zaira habang nakangiti nang mapansin siya ng dalawa.
Napatingin si Zaira sa bote ng alak na buhat ni Asher.
"Mag-iinuman kayo?" tanong niya kay Mr. Fiester.
"Hindi lang kami, pati kayo kung gusto niyo maliban lang sa bata. Nakita niyo na lahat ng celestial guardian kaya oras na para magdiwang!"
"Kumpleto na ba sila?"
Napaisip si Zaira at isa-isang binilang ang mga alam niyang guardian: una si Liam na may markang gemini, pangalawa si Finn na may markang cancer, pangatlo si Peirs na may markang taurus, pang-apat si Max na may simbolong scorpio, panglima si Blaize na may simbolong aries, pang-anim si Ivan na may markang pisces, pangpito si Kim na may simbolo ng virgo, at pangwalo si Kaycie may markang libra.
"Walo lang alam ko. Sino yung iba? Wala pang capricorn, aquarius, sagittarius, saka leo. Ah! Mali Si Kayden nga pala sa leo. Siyam pala silang kilala ko," sambit ni Zaira.
"Capricorn kay Tyler, aquarius kay Thea at sagittarius kay Naomi. Wala ka nung nalaman namin na may marka sila kaya hindi mo alam," tugon ni Liam.
Tumango si Zaira bilang tugon.
Habang naghihintay siyang maluto ang mga handa, nakipagkwentuhan na muna siya kila Crystal.
"Athena," sabay na sabi nina Max at Blaize.
"Bakit?"
Sabay nilang inabot ang dala nilang inihaw na isda at sinabing,
"Para sayo."
"Isa lang, baka hindi ko mauubos."
Parehong malaking isda ang dala nila, hindi alam ni Zaira kung kukunin niya ba ito o hindi.
"Pumili ka nang gusto mo," sabi ni Max.
Hindi gusto ni Zaira ang ideya ni Max. Baka magkainitan nanaman sila kung pipili siya at mauwi nanaman sa sapakan.
"Kuya Paris, pakiabot ng kutsilyo," sabi ni Zaira.
Pagkakuha niya ng kutsilyo, hinati niya sa gitna ang dalawang isda saka kinuha ang kalahati nito.
"Sa inyo na yung kalahati," nakangiting sabi niya.
Hindi naman nagreklamo ang dalawa. Pareho silang umupo sa tabi niya saka kumain. Hindi alam ni Zaira na nagpapaligsahan pa rin ang dalawa kung kaninong isda ang unang kakainin ni Zaira.
Nang makita ni Blaize na unang kinain ang kanya, ningisian niya si Max upang sabihin na siya ang nanalo.
Pagsapit ng gabi, pinapunta silang lahat sa sala at doon naglatag ng mga kutson.
"Dito kayo lahat matutulog sa sala mamaya. Wala pupunta sa kwarto baka kung ano gawin niyo kapag nalasing," sabi ni Mr. Fiester.
Umupo sa gitna si Zaira habang tumabi naman sa kanan niya si Heidi at sa kaliwa si Shiro.
Tumabi si Max kay Shiro. Nang makita ito ni Zaira napatingin siya sa tabi ni Heidi dahil nakutuban na niya na doon uupo si Blaize at tama nga ang hinala niya.
Nakita niya si Blaize na naglalakad palapit sa kanila at umupo sa tabi ni Heidi.
"Sino gustong kumanta?" tanong ni Mr. Fiester.
"Ako tito!" sabi ni Tyler habang nakataas ang kamay.
"Para ba kanino kakantahin mo?" pabirong tanong ni Mr. Fiester habang inaabot ang microphone.
"Para po sa babaeng matagal ko ng gusto," sagot nito gamit ang microphone.
"Tatapusin mo na ba ang pagiging torpe?"
Pang-aasar ni Gin sa kanya.
"Hindi tol. Tatapusin ko na yung nararamdaman ko sa kanya. Alam kong hanggang kaibigan lang ako."
Napaisip si Zaira kung sino ba tinutukoy nito. Hula niya isa kila Crystal ang tinutukoy niya dahil wala naman siyang nakikitang ibang babae na kaibigan niya.
"Sino yan? Nandito pa siya?" tanong ni Adrian.
Tumawa lang si Tyler sa tanong nito saka pumili ng kanta.
Nang mag-umpisa siyang kumanta, hindi mapigilan nila Kim na tuksuin siya.
Tuwing may pagkakataon, sumusulyap si Tyler kay Zaira dahil para sa kanya ang kanta niya.
"Iinom mo na lang yan!" sabi ni Asher sabay abot ng isang basong beer kay Tyler.
Kinuha ito ni Tyler at inubos ng isang inuman.
"Sino sunod?" tanong ni Gin nang ibigay sa kanya ni Tyler ang microphone.
"Kami ni Athena! Duet!" sabi ni Max na ikinagulat ni Zaira.
"Anong duet? Hindi ako ready."
"Okay lang yan. Alam mo naman yung kanta," tugon ni Max habang inaabot ang isa pang microphone.
Wala na nagawa si Zaira kundi sabayan ito sa pagkanta. Nang mag-umpisa silang kumanta, nag-umpisa na rin siya mag-enjoy. Idagdag pa nadala siya ng kanta dahil tungkol yun sa magkaibigan simula pagkabata ang kanta.
Naalala bigla ni Zaira noong elementary sila lagi siyang sumasama sa bahay ni Max para maglaro ng video games. Minsan doon na rin siya natutulog lalo na kapag wala silang pasok kinabukasan.
Sa school naman madalas silang tuksuin ng mga kaklase nila. Lagi silang piniling magpartner sa stage play at iba pa.
Nang mag highschool sila, nauso ang ligawan kaya maraming lumalapit sa kanyang lalaki. Ayaw naman ni Zaira na magpaligaw kaya dinadahilan niya na boyfriend niya si Max para tumigil na ito.
Pumayag naman si Max sa gusto niya. May pagkakataon na pa nga na biglang susulpot ang binata sa tabi niya saka siya aakbayan at sasabihin na "Pare, bago pa kita masapak, lumayo-layo ka sa girlfriend ko."
Doon niya umpisang nagustuhan ang binata. Lalo na palagi silang magkasama kaya hindi niya mapigilan ang sarili na mahulog dito.
'Kundi sila sinugod ng zombie noon at nagpatuloy ang buhay nila sa mortal world, magkakatuluyan kaya sila?'
Bumilis bigla ang tibok ng puso ni Zaira dahil sa naisip.
Pero agad rin siyang natauhan nang maramdaman niya ang masamang aura ni Blaize. Agad niya binura sa isipan niya ang tungkol sa kanila ni Max at tinuon ang atensyon sa kanta.
Sigurado siyang binabasa nanaman nito ang isip niya.
"Ano bro? Kakanta ka rin ba para kay Zai?" bulong ni Adrian kay Blaize nang mapansin niyang madilim ang aura nito.
Tinignan siya ng masama ni Blaize bago binalik ang tingin sa dalawang kumakanta.
'Tsk. Mas magaling pa ako sa kanya kumanta,' sa isip ni Blaize saka binigyan ng matalim na tingin si Max.
Naramdaman naman ito ni Max kaya hinawakan niya ang kamay ni Zaira at hinila ito patayo habang kumakanta sila.
"Ayyeeeeiiiii!"
Pang-aasar nila Kim.
"Yun oh! Galawang Max!" sigaw ni Asher.
Nang linya na ni Zaira, saglit na ningisian ni Max si Blaize para asarin lalo.
Nag-init naman ang ulo ni Blaize lalo na nang isang microphone na lang ang ginamit nila. Sobrang lapit ng mukha nila sa isa't-isa at tanging microphone lang ang nasa pagitan ng labi ng dalawa.
Gusto ni Blaize tumayo at sapakin si Max pero naalala niya bigla yung nangyari kanina kaya pinigilan niya ang sarili. Ayaw niyang magalit ulit sa kanya si Zaira kaya napakuyom na lang siya ng kamao.
"Katakot," bulong ni Heidi habang nakakapit kay Shiro.
Napalayo siya ng hindi oras kay Blaize sa takot niya sa binata nang maglabas ito ng masamang aura.
Samantala, balewala naman kay Adrian ito. Sa halip na lumayo kinausap pa niya si Blaize.
"Blaize, kaya pa? Ang sama nang tingin mo sa dalawa," bulong niya.
Hindi sumagot si Blaize dahil nasa dalawa lang ang atensyon niya hanggang sa matapos silang kumanta.
'Salamat, tapos na.'
Sa isip ni Zaira at dali-dali siyamg lumayo kay Max. Pakiramdam niya mamatay siya sa tingin ni Blaize kung hindi pa siya lalayo dahil ramdam niya ang aura nito sa kinatatayuan nila.
Bumalik na sila sa kanya-kanyang pwesto. Binigyan ni Asher ng beer si Max na agad naman nitong ininom.
"Ayos ka lang?" tanong ni Zaira kay Heidi nang mapansin niyang napilitan itong lumayo kay Shiro dahil babalik na siya.
"Ate, wag mo na ulit uulitin yun. Nakakatakot si kuya Blaize," sagot ni Heidi.
Naawa naman si Zaira sa bata. Mabuti na lang kumalma agad si Blaize nang matapos sila.
"Inom ka rin Athena," sabi ni Asher sabay abot ng beer.
"Hindi ako umiinom niyan."
"Dali na! Sabi nga ni Papa, lahat daw ng 18 pataas iinom. Minsan lang ito."
Napansin ni Zaira na nakatingin silang lahat sa kanya kaya kinuha na lang niya ang baso para matapos na.
"Ang pangit ng lasa!"
Reklamo ni Zaira kaya tinawanan siya ng mga sanay sa beer.
"Hindi ka lang sanay," sabi ni Asher.
"Sino sunod na kakanta?" tanong ni Mr. Fiester.
"Si Blaize!" sigaw ni Adrian kaya napatingin ang lahat kay Blaize.
"Tama! Blaize, ikaw naman kumanta. Nalalamangan ka na ni Max oh!"
Tukso ni Asher sa binata kaya nag-umpisang magsalita ang iba para kumbinsihin si Blaize.
"Kakanta na yan! Kakanta na yan! Kakanta na yan!"
Curious si Zaira sa isasagot nito. Hindi niya pa ito naririnig kumanta kaya hindi niya alam kung marunong ba ito o hindi. Gusto niya rin itong marinig kahit mukhang malabong pumayag ito.
Nagulat siya nang kunin nito ang microphone saka siya tinignan at kinausap sa isip.
'Makinig ka mabuti, para sayo ito.'
Nang marinig ni Zaira ang boses niya hindi na niya naalis ang tingin sa binata. Hindi lang ito marunong kumanta, magaling rin ito. Kung boses nila pangkaraniwan lang, ang boses ni Blaize pang-singer.
Hindi naman nagpatalo si Blaize dahil sa kanya lang din ito nakatingin na para bang dalawa lang silang nandoon.
Pagkatapos nito kumanta, hindi pa rin inalis ni Blaize ang tingin niya kay Zaira.
Ningitian niya ito at nagsalita nang walang boses.
"I love you baby."
"Binata na si Blaize! Marunong na siya magsabi ng i love you sa babae," sigaw ni Adrian nang mabasa nito ang labi ni Blaize.
Unti-unting namula ang mukha ni Zaira hanggang sa hindi niya nakayanan ang nararamdaman niya. Tinakpan niya ang mukha niya at sinubukang pakalmahin ang puso niya.
Nagtuloy ang kantahan at inuman.
Sa kagustuhan ni Zaira pakalmahin ang sarili, napainom siya ng marami kahit noong una ayaw niya ang lasa.
Tumayo siya at naglakad patungong banyo. Sa sobrang hilo niya pagewang-gewang siya hanggang sa mawalan siya ng balanse.
Mabuti na lang masalo siya ni Rhys.
"Saan ka pupunta?" tanong nito.
"Banyo."
"Alalayan na kita baka bigla ka nanaman matumba."
Tinulungan siyang maglakad ni Rhys.
"Okay na ako dito, salamat Rhys."
Naghilamos ng mukhang si Zaira upang mawala ang kalasingan niya bago umihi.
"Bakit nandiyan ka pa?" tanong niya kay Rhys pagkalabas niya.
"Hinihintay ka."
Tinanguan na lang siya ni Zaira bago mag-umpisang maglakad.
Binantayan naman siya ni Rhys para masiguradong makakabalik ito ng maayos.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro