Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Makalipas ang isang taon...

"Athena gising!"

"Bakit ba Ken? Ang aga aga pa?" inis na sabi ni Zaira kay Max dahil sa inaantok pa ito.

Ala-una nang madaling araw na siya nakatulog dahil sa ako may kakaiba siyang nararamdaman sa katawan niya. Minsan makakaramdam siya ng lamig tapos bigla siyang maiinitan na parang binabad siya sa kumukulong tubig. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun ang nararamdaman niya samantalang wala naman siyang sakit.

Tinakpan ni Zaira ng unan ang mukha niya para bumalik sa pagtulog.

"Anong maaga? Tanghali na oy!" sambit ni Max sabay hila sa unan.

Inis na bumangon si Zaira saka tinignan ng masama ang matalik na kaibigan.

"Ano ba?"

Nanlaki bigla ang mata ni Max habang nakatingin sa kanya. Nawala bigla ang inis niya at nagtatakang tinignan ito.

"Bakit ganyan yung mata mo? Sinaniban ka ba ni Zeque?" tanong ni Max.

"Bakit?"

"Tingin ka sa salamin."

Tumingun sa salamin si Zaira at kahit siya nagulat dahil nagkaroon ng iba't-ibang kulay ang mata niya.

"Ano nangyayari sa akin? Bakit nag-iba yung kulay ng mata ko? Hala Ken!" sambit ni Zaira habang pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

Pinikit-pikit pa niya ang mata niya upang masigurado sa nakikita.

"Ewan, tanong natin kila tita."

"Maghihilamos lang ako."

Kung kanina tinatamad siya bumangon, ngayon namadali siyang tumayo at nagtunggo sa banyo upang naghilamos at maglinis ng ngipin. Hindi na siya nagpalit ng damit.

"Tara!" aniya nang makalabas siya ng banyo.

Sabay silang bumaba ni Max.

"Ma! Pa!" sigaw niya at nagmamadaling lumapit sa kanila nang makita niya ito.

"Oh? Buti bumangon ka na," sabi ng kanyang papa.

"Bakit nag-iba ang kulay ng mata ko?" tanong ni Zaira habang tinuturo ang mata niya.

Napatingin ang lahat dahil sa tanong niya.

"Apo, normal lang yan sa isang katulad mo na Eternal child pero babalik pa naman sa dati ang kulay ng mata mo kung makokontrol mo ito," paliwanag ni Reyna Eliza.

"Po?"

"Sa ikalabing walong kaarawan mo, lalabas ang tunay na anyo mo. Magiging kulay bahaghari ang mga mata, mas kikinis ang mga balat mo, mas magiging kaakit akit ang dugo mo dahil sa mabangong amoy nito at higit sa lahat lalabas ang simbolo ng pagiging eternal child mo sa katawan na tinatawag na infinity sign. Lahat yan dahil sa epekto ng eternal blood."

"Ma, kami na po bahalang magpaliwanag mamaya. Athena, magbihis ka na, babalik na tayo ngayon sa Occult," sabi ng papa ni Zaira nang mapansing naguguluhan pa ang anak niya.

"Po?!"

Nagulat si Zaira nang marinig niyang babalik na sila sa Occult.

"Tinanong ka namin ng mama mo noon kung ano gusto mong regalo sa kaarawan mo, sabi mo gusto mong makabalik sa Occult at makapasok ulit sa Black Academy dahil miss na miss mo na ang mga kaibigan mo doon. Kaya agad namin pinaayos ang bahay natin doon para makabalik na tayo."

"Anak, doon na tayo titira at bukas na bukas pupunta tayo sa Black Academy para makabalik ka na sa pag-aaral doon," sabi naman ng kanyang mama.

"Talaga po?" masayang sabi ni Zaira.

Sabik na siyang makabalik sa Black Academy at makita muli ang mga kaibigan niya.

Tumango ang kanyang magulang kaya napasigaw si Zaira dahil sa sobrang saya. Humarap siya kay Max.

"Ken, narinig mo ba yun? Babalik na ako sa Black Academy. Doon ka na din mag-aral ha? Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko," masayang sabi niya sa binata.

"Good," nakangiting tugon ni Max.

"Magbibihis na ako," paalam ni Zaira saka pagtakbong bumalik sa kwarto niya.

Mahigit isang taon silang nanirahan sa Terrain. Naging malapit na siya sa mga naninirahan sa palasyo. Nakaramdam siya bigla ng lungkot dahil mamimiss niya ang mga nakatira sa palasyo lalo na ang kaniyang lolo at lola. Mamimiss niya ang mga araw na sinasanay sila at ang pagsama nila sa mga hunter tuwing gabi para huliin ang mga nagsisilabasan na masasamang bampira, werewolf at iba pang nilalang sa gubat.

Karamihan sa kanila hindi talaga nakatira sa Terrain, nagtunggo lamang sila sa gubat upang manggulo doon.

Pagkatapos magbihis ni Zaira, inayos niya na ang mga dadalhin niyang gamit saka siya bumaba.

"Nasaan sila kuya?" tanong niya sa kanyang papa.

"Pinauna na namin sila. Ready ka na?" tanong ng kanyang papa.

"Opo!" masiglang sabi ni Zaira.

Nagbukas ng portal ang kanyang mama at nilahad ng kanyang papa ang kamay nito. Agad itong hinawakan ni Zaira saka sila sabay na pumasok sa portal.

"Happy Birthday Athena!"

Salubong sa kanila nang makalabas sila ng portal. Nagulat si Zaira nang makita si Sir Gus at ang iba nilang kapitbahay sa mortal world.

"Paanong..." hindi makapaniwalang sabi ni Zaira.

"Anak, mula ngayon dito na rin sila titira. Pinatayuan namin sila ng matitirahan sa tabi ng bahay natin," sabi ng kanyang ina.

Doon lamang napansin ni Zaira na mukha na isamg maliit na village ang paligid dahil hindi na nag-iisang bahay ang nakatayo sa gitna ng gubat. Masaya siyang makitang may mga kasama silang titira sa gubat.

"Umpisahan na ang party!" sigaw ni Asher.

Pinagdiwang nila ang kaarawan ni Zaira nang sama-sama at masaya. Nagkaroon ng maliit na salo-salo at hindi mawawala ang 18 roses na katulad sa mortal world. Sinaya siya ng kanyang ama, Asher, Liam, Ivan, Sir Gus, Greg, Max, Shiro, Zeque, Finn at iba pa nilang kaibang

"Salamat sa inyo! Hindi ko inaasahan na ganito ko ipagdidiriwang ang kaarawan ko. Pakiramdam ko tuloy nasa mortal world ako ngayon dahil nandito kayo ngayon kasama ko. Salamat mama at papa, mahal ko kayo," masayang sabi ni Zaira saka niyakap ang kanyang magulang.

Kinabukasan,

"Good morning! Kumain ka na," sabi ni Max nang makita niya si Zaira.

Umupo ang dalaga sa tabi ni Shiro na kasalukuyang kumakain.

"Nasaan sila mama?" tanong niya kay Ken habang kumukuha ng pagkaing nakahanda.

"Nauna na sila sa Black Academy para mag-asikaso ng papeles. Sumunod na lang daw tayo sa kanila," sagot ni Max dahilan para masamid si Zaira.

"Paano tayo pupunta doon? Saka bakit hindi na lang nila ako ginising para sabay-sabay na?" tanong niya.

"Hindi na tayo kasya sa sasakyan kaya nauna na sila. Papupuntahin na lang daw dito si Kuya Greg para sunduin tayo. Saka ayaw ka nilang istorbohin sa tulog mo."

"Okay."

Binilisan na ni Zaira ang pagsubo para makapaghanda na siya sa pag-alis nila. Pagkatapos niya mag-ayos lumabas na siya at naabutan niya sila Max na naghihintay.

"Ayan na pala siya. Kanina pa kayo hinihintay nila Sir Jake sa Black Academy. Tara na," sabi ni Greg sabay bukas ng sasakyan upang papasukin sila Zaira.

"Salamat," sabi ni Zaira sabay pasok sa loob habang bitbit si Shiro na kasalukuyang nakaanyong lion.

Samakay naman si Max sa harap ng sasakyan, katabi ni Greg.

Habang nasa biyahe sila, tumunog ang cellphone ni Zaira.

"Hello ma," sagot niya nang makita ang pangalan ng kanyang ina.

"Anak, nasaan na kayo?" tanong nito.

"Papunta na po. Bakit?"

"Bilisan niyo, ngayon na rin ang entrance exam niyo."

"Agad-agad?! Sige po ma. Kuya Greg, bilisan na raw natin."

"Mag-iingat kayo."

"Opo ma," tugon ni Zaira bago tapusin ang tawag.

Nilingon niya si Max.

"Ken, entrance exam na raw natin ngayon. Galingan natin, dapat magkaklase tayo ah," aniya.

"Oo naman, ipakita natin sa kanila ang lakas at galing ng isang tao," tugon ni Max.

Napangiti si Zaira dahil hindi lang siya ang lumakas, pati si Max. Ngayon hindi na nila pwedeng maliitin ang katulad nila.

Nawala ang ngiti ni Zaira nang makita sa salamin ang kulay ng mata niya. Hindi niya pa rin ito naibabalik sa dati. Sinubukan niya ang tinuro sa kanya pero saglit lang ito na bumabalik sa pagkabrown. Tuwing nakikita pa naman niya ang mata niya ngayon, pakiramdam niya hindi na siya tao.

"Hanggang dito ko na lang kayo maihahatid. May kalaban," sabi ni Greg.

Napatingin si Zaira sa suot nitong singsing na umiilaw ng kulay pula, patay sindi ito; senyales na may kalaban.

Iyon ang gamit nilang mga hunter upang malaman kung may kalaban ba sa paligid. Meron din silant ganun pero dahil tago ang pagiging hunter nila, kinailangan nilang tanggalin ito.

Nakarinig sila nang malakas na pagsabog. Lumabas sila upang tignan ito at sumalubong sa kanila ang isang nilalang na may pakpak na katulad sa paniki, inaatake nito ang mga tao sapamamagitan ng pagpapaulan ng apoy.

"Pasenya na hindi ko na kayo maihahatid. Kailangan ko silang tulungan," sabi ni Greg.

"Tutulong kami," tugong ni Zaira.

Umiling si Greg bilang tugon.

"Matatagalan kayo kung tutulong pa kayo. Saka may laban pa kayo mamaya para sa entrance examination niyo, bawal kayo magpagod."

Napasimangot si Zaira dahil gusto niya talaga tumulong. Kung wala lang sila exam, hindi siya aalis hanggang hindi nasisiguradong ligtas ang mga tao.

"Okay, mag-iingat ka."

"Umalis na kayo, baka mahuli pa kayo."

Tumango sila Zaira.

"Tara Ken. Malapit na rin naman tayo takbuhin na lang natin."

"Sige."

Nilagay ni Zaira ang hood niya bago tumakbo hanggang sa makarating sila sa gate ng Black Academy.

"Pasok na tayo," nagmamadaling sabi ni Zaira saka muling naghanda para tumakbo.

"Nasaan daw sila tita?" tanong ni Max habang sumunod kay Zaira.

Nilingon siya nito habang tumatakbo.

"Sa 'Headmaster's office, bilisan na---"

Natigilan siya sa pagtakbo nang may nasagi siya sa balijat.

"Sorry," aniya sabay tingin sa natamaan niya.

Nanlaki ang mata niya nang makita niya ito at tila tumigil ang ikot ng mundo. Tanging  mabilis na tibok ng puso lang niya naririnig niya.

Napansin ni Max ang biglang pagtigil nito. Sinubukan niya ito tawagin ngunit para bang wala ito narinig. Napakunot ang noo ni Max saka tinignan ang lalaki sa harapan.

"Athena, mahuhuli na tayo," sambit ni Max sabay hawak sa kamay ng dalaga.

Natauhan si Zaira at napatingin kay Max nang mag-umpisa na itong tumakbo.

"Saan yung Headmaster's office?" tanong ni Max at agad naman itong tinuro ni Zaira.

Sa Headmaster's office,

"Oh? Bakit parang pagod na pagod kayo? Galing ba kayo sa marathon?" pabirong tanong ni Asher.

"Parang ganun na nga," sagot ko Zaira saka ngumiti at nilingon ang matandang lalaki sa harapan nila.

"Good morning headmaster," bati ni Zaira.

"Good morning. Maligayang pagbalik sa Black Academy. Nakausap ko na ang mama mo. Mamayang hapon magaganap ang physical examination niyo. Sa ngayon Academic Examination muna ang kukunin niyo. Tulad noon kailangan niyo puntahan si Sir Rey at ibigay ito," paliwanag ni Headmaster Black sabay abot ng papeo kaya Zaira.

"Mga anak, galingan niyo. Hindi na namin kayo pwedeng samahan doon kaya hihintayin na lang namin kayo dito," sabi ni Mrs. Lundberg.

Lumabas ng Headmaster's office sina Zaira, Max, Asher at Finn upang mag-exam.

Samantala, masayang bumalik sa kanilang silid-aralan sila Tyler.

"Guys, nagbalik na sila Athena," aniya pagkabukas ng pinto.

"Hindi nga? Seryoso?" tanong ni Kim.

"Nagkita kami sa office ni Sir Rey. Kukuha yata sila ng exam ngayon."

Sa kalagitnaan ng pag-uusap nila napatingin si Gin sa may pintuan.

"Mom, dad, anong ginagawa niyo dito?" tanong niya sabay tayo upang lapitan sila.

"Pwede ka bang makausap saglit?" seryosong sabi ng kanyang ama.

"Tungkol saan po?"

"Tungkol sa matagal mo nang tinatanong sa amin."

Nang sabihin niya yun hindi nagdalawang isip na sumama sa kanila dahil matagal na rin niya hininhintay na dumating ang araw na iyon. Nagpunta sa  sa Headmaster's office.

"Bakit tayo nandito?" tanong ni Gin.

Binuksan ng kanyang ama ang pinto at nakita niya sa loob si Headmaster Black, Alyza at ang mga magulang ni Zaira. Naguguluhan man ay sumunod na lang siya sa kanyang magulang.

Napatingin si Gin sa pinto nang bumukas ito at iniluwa sina Crystal at ang mga magulang niya.

"Pasensya na nahuli kami," sabi ng ina ni Crystal.

"Ayos lang. Maupo na kayo," nakangiting sabi ng ina ni Zaira saka tumayo kasama ang asawa nito upang pauupuin sila Crystal.

Nagkaroon ng katahimikan bago may magsalita.

"Ehem. Alyza, naalala niyo ba sila?" tanong ni Headmaster na kasalukuyang nakatayo sa tabi ng mama ni Zai.

"Yes dad, mga magulang sila ni Zai diba?" sagot ni Alyza.

"Kayo Gin?"

Tumango sina Gin at Crystal.

"Gin, matagal mo na tinatanong sa amin kung sino ang totoo mong magulang. Sinabi namin sayo noon na hindi pa iyon ang tamang panahon para malaman mo ang totoo. Ngayon, ito na ang tamang panahon para makilala mo sila," sabi ng ina ni Gin sabay tingin mag-asawang Lundberg.

"Sila ang totoo mong magulang. 18 years ago, iniwan ka nila sa amin at pinakiusapan na alagaan ka. Noon hindi ko pa alam kung bakit pero pagkatapos ng kaarawan mo, doon ko na nalaman ang totoo."

Natahimik si Gin habang paulit-ulit na tumatakbo sa kanyang isipan ang sinabi ng kanyang ina. Masayang malaman kung sino ang tunay niyang magulang ngunit hindi niya inaasahan na ang magulang na hinahanap niya ay walang iba kundi ang magulang ni Zaira. Sinong hindi magugulat doon?

"Crystal, patawarin mo sana kami ng daddy mo dahil hindi namin sayo sinabi ang totoo. Anak, hindi kami ang tunay na magulang. Sina Geo at Rina talaga ang tunay mong magulang," sabi naman ng mommy ni Crystal.

Nang marinig ito ni Gin napatingin siya kay Crystal.

"Po?" gulat na tanong ni Crystal habang nanlalaki ang mata niya. May ideya na siya na hindi siya totoong anak dahil madalas ito sabihin sa kanya ni Kaycie pero masakit pa rin na marinig ang totoo. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi sa nalaman.

"Ibig sabihin magkapatid kami?" tanong ni Crystal sabay tingin kay Gin.

"Bakit? Ayaw mo?" pabirong tanong ni Gin upang mabawasan ang tension.

Pakiramdam niya sasabog na ang ulo niya sa mga natuklasan niya.

"Hindi naman. Hindi ko lang talaga inaasahan na magkapatid tayo nila Athena," tugon ni Crystal sabay ngiti.

Nag-umpisang kabahan si Alyza sa mga narinig sa pamilya nila Gin.

"Dad, ano ba nangyayari? Bakit ako nandito? Wag mo sabihing kapatid din nila ako?" tanong ni Alyza habang salubong ang kilay.

"Alyza, patawad. Hindi ka talaga namin tu--"

"No! Ayoko marinig ang sasabihin mo," sigaw ni Alyza sabay takip ng tenga niya.

Nalungkot ang ina ni Zaira nang makita ang reaksyon ni Alyza.

"Alyza, makinig ka muna sa akin."

Pangkukumbinsi ni Headmaster Black sa kanya.

"Dad, hindi sila ang tunay kong magulang. Kayo lang nila mom ang pamilya ko."

"Alyza, kapatid mo sila Zaira. Kayong apat nila Gin ang Eternal Child. Ikaw, si Crystal at Gin ang Trinity at taglay niyo ang dugong nakapagbibigay ng eternal death."

Tinignan ni Alyza sila Geo.

"Bakit niyo kami pinamigay? Dahil ba sa trinity kami? Bakit si Zaira pwede kayo makasama kami hindi?" umiiyak na tanong ni Alyza.

"Hindi anak," tugon ni Rina.

"Wag mo kong matawag-tawag na anak. Wala kang karapatan para maging magulang ko," galit na sabi ni Alyza.

"Alyza!"

Saway sa kanya ni Headmaster Black

"Ginawa namin iyon para sa kaligtasan niyong apat. Sana mapatawad niyo kami mga anak," paliwanag ni Rina.

"Hindi totoo ito," sabi ni Alyza habang umiiling bago tumakbo palabas.

"Eris anak!" tawag sa kanya ng tunay niya ina ngunit pinigilan siya ng asawa nito bago niya ito habulin.

"Hayaan mo na muna siya. Ako na lang kakausap sa kanya mamaya," sabi ni Headmaster Black.

Tumango si Rina bilang tugon saka nilingon sila Crystal.

"Apollo, Aphrodite, patawarin niyo kami," umiiyak na sabi nito saka lumuhod sa harapan nila.

Napatayo bigla si Crystal dahil sa ginawa nito at agad na nilapitan.

"Mama, tumayo po kayo. Naiintindihan ko po kung bakit niyo iyon nagawa," sabi ni Crystal saka ito tinulungan makatayo.

"Salamat anak," tugon nito sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Matagal na niyang hinihintay na dumating ang araw na mayakap niya muli ito.

"Apollo anak," sabi nito sabay tingin kay Gin.

Tumayo na rin si Gin saka ngumiti.

"Mama, matagal ko na po kayo gustong makilala," aniya at isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa kanya ng kanyang tunay na ina.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro