Dark Nights
"Kuya, tantanan mo na ako. Please!!"
May lalaking naka-maskarang itim na humahabol sa akin sa kadiliman ng gabi. Galing akong eskwelahan, kaaawas ko lang dahil may ginawa kaming project.
Mabilis akong tumatakbo para hindi niya ako abutan. Walang direksyon ang aking tinatakbo kaya hindi ko alam kung saan ako napadpad. Kailangan ko lang siyang matakasan para maging ligtas ako.
"Sino ka ba, ha? Anong kailangan mo sa akin?" Tanong ko sa kanya habang ako'y nagmamadaling tumatakbo.
"Wala naman akong kailangan sa iyo. Gusto ko lang talagang sumaya. Gusto kong..." Bigla siyang napatigil at napatunghay, sabay, "Magbigay ng problema sa tao na habang buhay niyang dadalhin." Tumakbo na siya. Mas mabilis ngayon ang takbo niya dahil ang hakbang ng paa niya ay napaka-laki. Kaya kung kanina mabagal pa siya, ngayon ay parang hinahabol ako ng isang athlete.
"Kuya naman. Please! Iba na lang! Hindi ko na alam kung nasaan tayo! Bibigay ko lahat ng gamit ko ngayon. Tigilan mo lang ako!" Sinubukan ko makipag-areglo sa kaniya kahit ako'y hinahabol ng hindi ko malaman kung sino.
Hindi na ako lumingon basta tumakbo na lang ako ng tumakbo. Pero nararamdaman ko na malapit na siya. Kaya mabilis ako naghanap ng puwedeng ibato sa kaniya na posibleng makapag-pabagal sa kaniya kahit kaunti lang para makapag-tago ako.
"Ayun may malaki-laking bato. Baka hindi niya mapansin, madapa siya. Okay, 1, 2, 3!!" May napansin akong bato at agad ko itong kinuha habang natakbo ako. Hindi ako tumigil para kuhain ng ayos. Kaya ko naman. I just hope na madapa siya dito para naman makapahinga din ako.
Okay, here it goes.
Ibabagsak ko kaya o ibabato ko sa kanya? Kung ibabagsak ko na lang, makikita niya at iiwasan iyon. Pag binato ko naman siya, kailangan mabilis para hindi niya ako mapigilan. Okay. Desicion made.
Let's do this. Stop! Turn! Throw! "Yaah!" And a solid hit! Thank goodness, makatatakas din ako sa manyak na ito.
Agad akong tumakbo. Nakalayo-layo na ako sa lalaking iyon. Ngunit wala na akong makita na puwede kong taguan kung'di 'yung mga damuhan. Kaya I have no choice but to jump straight in there and hide.
Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang aking mga parents. Pinindot ko ang start button ng aking phone pero hindi siya nag-open. Wait, hindi nag-open?! So low battery? My God! Bakit ngayon pa? Kung kailangan na kailangan ko.
"Bulaga!" Biglang lumitaw ang manyakis na lalaking gusto akong halayin.
Gulat na gulat ako at takot na takot. "Paano mo ako nahanap? Tsaka paano ka pa nakatayo? Eh binato kita kanina ng bato? Papaano nangyari iyon?" Tanong ako ng tanong sa kaniya ngunit mas lalo akong nagulat noong tinanggal na niya ang maskarang pumapalibot sa kaniyang mukha.
"Zaito?! Bakit? Bakit mo ginagawa sa akin ito, ha?! Tsaka papaano mo ako... Mguphm." Natigil ako sa aking pagtatanong sa kanya ng pumatong siya sa akin at tinakpan ng kaniyang malaking palad ang aking bibig para hindi na ako makapag-salita.
"Alam mo, Lucy? Matagal na ako may pagnanasa sa iyo. Ay hindi pala sa iyo, sa dugo mo mismo. Nagtataka ka? Kung ano man yang nasa isip mo, puwedeng tama, puwede rin hindi. Ano ba ang nasa isip mo ngayon?" Nakatatakot niyang ngisi sa akin.
Pagnanasa sa dugo ko? Seryoso ba siya? Wait, does this mean na totoo nga yung mga bali-balita? Na mayroong mga namamatay na napaka-putla halos wala nang dugo, at may kagat ng dalawang ngipin sa leeg? God! Please! Sana may makakita sa akin!
"Ngayon, wala na si Brian, Lucy, sa akin ka na lang. I'll devour you, make you mine, and make you forget everything." Dahan-dahan na siyang tumutungo at bumababa sa aking leeg. Tumigil siya ng sandali at nagsalita for the last time. "I'll take you to heaven. Literally. Haha!"
Umirit na lang ako ng napakalakas ng malapit na siyang kumagat. Ngunit may isang lalaki na sumipa sa kaniya at lumipad si Zaito palayo sa akin. Malayo-layo din ang tinalsik niya. Agad naman itong sinundan ng misteryosong lalaki na bigla na lang lumitaw from out of knowhere. Pero ang laking pasasalamat ko sa kaniya at kay Lord dahil narinig niya ang hiling ko.
Kita ko silang dalawa sa malayo naglalaban. Lumilipad sila sa ere. Nagsusuntukan at nagsisipaan. Maririnig mo ang mga echo ng kanilang malalakas na suntok sa malayo. Ngunit napuruhan si Zaito sa bandang tadyang at sinakal siya ng Misteryosong lalaki at hindi na ito nakapalag. Nagulat naman ako sa aking nakita. Kinagat ng Lalaki si Zaito sa kaniyang leeg kahit pumapalag si Zaito. Ngunit sa kalaunan, siya ay namatay na.
Good for him, though.
Bumalik sa akin ang Lalaki, naka-hoodie siya pero kita mo na tumutulo ang dugo mula sa kaniyang bunganga. Naglakas loob akong tanungin siya. "Isa ka rin ba sa kanila? Vampire ka rin ba? Kasali ka rin ba sa mga napapabalitang nanghihigop ng dugo?"
"Ano ba 'yan, babaita! Dami mong tanong eh. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung ayos lang ba ako?" Kilala ko ang boses niya, could it be?! Na si Brian ay isa ding... Vampira?! No, hindi iyon totoo.
But all my questions had been answered when he removed his hoodie at showed his face to me, filled with blood coming from his mouth. Ang kanyang mata, namumula ang pupils, God.
"But, but, how? How did you?" I asked him with a confused tone.
"Eto siguro ang binigay ng tadhana sa akin. Pero kaya mo pa rin ba ako mahalin kahit ganito ako? Nagiging halimaw kapag kabilugan ng buwan?" Ngumiti siya at binuksan ang kaniyang mga braso't kamay na nagpapahiwatig na yakapin ko siya. Ibig sabihin tanggap ko ng buong-buo ang pagkatao niya.
Nagkakahalo na ang mga emosyon ko at mga tanong na pumapasok sa aking isipan. Litong-lito na talaga ako. Tapos ngayon magtatanong pa siya ng ganto? Jusko, Lord. I try to calm myself down. Sinasabi ko sa isipan ko, calm yourself . Just stop panickin' for a moment and think.
And then suddenly, bigla na lang siya nagpaliwanag. Kung paano siya naging ganon, kung saan niya nakuha ang ganito sa kaniyang katawan, kung bakit niya pinili itong responsibilidad na ito. Madami siyang pinaliwanag. Madaming-madami. Pero tinanong niya ako for the last time.
"Kaya mo ba ako mahalin, not as me, but as a living warrior who stood up to do what's right? Even if this powers that was given to me was meant to do terrible things? I might hurt you, darling. So be wise to choose." Talagang tinanong niya ako ng mahirap sagutin. Ngunit kahit anong sakit ang pagdaanan namin, kaya namin lagpasan ito.
Basta may tiwala kami sa isa't isa, at kaya naming pigilan ang vampiric urges niya. It's ok.
"Yes, darling. I'll take the risk with you. I'll make you live a happy life. As a Monster with a Caring Heart!"
Author's note:
So ayan na nga mga ka-igan HAHAHAH. Unang oneshot ko HAHAHAHAHA sorry kung medyo pangit HAHAHAHAHA pero tingin ko ayos na. Pede na panlaban sa buong mundo. HAHAHAHAHA thank you for reading guys.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro