Prologue
PROLOGUE
“I’ve been waiting for almost two years, finally a section named Block B.” He said while sipping in his coffee.
“Bakit mo naman hinihintay na muling magkaroon ng section na Block B, Sir Lester?” lumingon siya sa nagsalita mula sakaniyang likuran. “Oh Ma’am Antonette,” umikot siya paharap sa kapwa guro.
“Wala naman. I’m just glad that after that incident two years ago they finally allow to have a section named Block B.”
***
“Ay fresh si anek mabuting mag-aaral.”
It’s been a month since the class started. Kahit nabago ang section nila at nagkaroon ng mga bagong kaklase ay mabilis nilang nakapalagayan ng loob ang isa’t-isa, siguro dahil na rin sa kadahilanang isang taon nalang at ga-graduate na sila. They want to fill their whole school year with unforgettable memories.
Lahat natawa dahil sa pagpuna ni Gea sa kakapasok lang na si Jomel. “Ikaw anek ginaganyan mo ako ha, tignan mo si Miss President seryoso lang do’n.” mabilis na napalingon sakanila si Liane na siyang Class President ng klase.
“Para kang ano.” Natatawang sambit ng dalaga at nag-iwas ng tingin kala Jomel para ipagpatuloy ang pagbabasa sa librong dala.
Sa lahat yata ng Class Pres. ay siya ‘tong pinaka-mahiyain, gano’n pa man ay lahat naman ng kaklase nila ay nakakasalamuha niya.
Umupo na ang lahat sa kaniya-kaniya nilang upuan. Habang lumilipas ang oras na wala pa ang kanilang adviser ay muling napuno ng tawanan, asaran at biruan ang kanilang silid aralan. Kung titignan ay tila ba lahat sila ay matagal nang magkakilala kahit ang totoo ay kapwa bago pa lang sila sa presensiya ng bawat isa.
“Si Chrisma oh, basta kay Ivan G na G.” lahat ay nagtawanan dahil sa sinabing ‘yon ni Amor.
"Sana sinaksak mo nalang ako, Amor." sagot ni Ivan na halatang hindi natutuwa sa panunukso sakanilang dalawa ni Chrisma.
Nagtawanan ang buong klase habang inaasar pa rin sila Ivan at Chrisma. But they immediately stopped laughing when their Adviser arrives, they greet her a ‘good afternoon’ making Ma’am Antonette smiled back at them.
“Get your books on Entrepreneurship and let’s start the discussion—” Ma’am Antonette was interrupted by Gea. “Ay wait lang po Ma’am nasa cabinet ‘yung sa’kin,”
“ ‘Yung saakin din, paki-kuha na nga Gea. Thank you.” Pahabol ni Adrian na siyang Vice President ng klase.
The whole class was quietly waiting for Gea to get the books but then, the moment she opened the cabinet she falls in the ground while screaming in fear getting the attention of everyone. Gea is the muse of the class and that moment she wished she change her strand while she was still in grade eleven.
Lahat ay napatayo kasama na ro’n si Ma’am Antonette na tila hindi rin alam ang gagawin matapos makita kung ano ang nasa cabinet. Ang kaninang puno nang tawanan na room ay napuno ng mga takot at nangingilabot na istudyante nang makita nila ang isa sakanilang kaklase na si Hanna, wala ng buhay, gilit ang leeg, ang dila’y nasa kaniyang mga hita at halatang nahirapan bago tuluyang bawian ng buhay.
Little they didn’t know it’s just the beginning of their nightmare.
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro