Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

CHAPTER 9

Tuluyang iniwan ni Yunet ang kaibigan at pumunta sa kwarto upang doon mag-isip-isip. Kahit anong gawin niyang isip ay hindi niya matanggap ang sinabi ni Gea.

Para sakaniya ay napaka-imposible nito. Sa lalim ng kaniyang iniisip ay hindi na niya namalayang nakatulog siya mag-isa sa kwarto.

She was peacefully sleeping, but then suddenly the door opens. Marahan ang bawat hakbang na lumapit ito sa kinahihigaan ni Yunet, nangisi niyang pinagmasdan ang mahimbing nitong pagtulog.

"Rest in peace, beh." she said while smiling michieviously.

Walang pagdadalawang isip na kinuha niya ang isang unan na katabi nito at itinakip sa mukha ni Yunet. Nang magsimula itong pumalag ay mas diniinan niya ang pagkakadagan dito at inilabas ang patalim na palagi niyang dala.

When she was about to stab her, Yunet grabs her hair tightly as if telling her to let go. Ngunit kahit anong sabunot nito ay hindi nagpatinag mas nakaramdam siya ng thrill na sa pagpatay niya lang nararamdaman. 

Mahigpit ang hawak nito sa buhok niya ngunit nang umpisahan niyang isaksak dito ang patalim na hawak ay unti-unting nanghina ang panlalaban nito, mas lalo siyang ginanahan at binilisan ang pagsaksak sa katawan ng biktima hanggang sa tuluyang lumupaypay ang kamay nito at hindi na niya maramdaman pa ang paghinga ni Yunet.

"You should've atleast lock the door." she chuckled before walking away.

*****

Dahan-dahang ibinaba ni Jigs ang kamay na nakatakip sa sariling bibig. Kanina pa siya nagtatago sa malaking cabinet ng kwartong pinasukan niya. Hula niya ay ito ang kwartong sinasabi ni Shyne sakaniya.

Sumilip siya sa maliit na siwang ng pinagtataguan niya at nang masigurong wala ng ibang tao ang nasa kwarto ay marahan siyang lumabas sa cabinet.

"Kalma Jigs... kailangang malaman mo ang katotohan para sabay-sabay kayong umalis dito." bulong niya sa sarili matapos makita ang panginginig ng mga kamay.

Nang tuluyan siyang makalabas sa pinagtataguan ay kaagad niyang inilibot ang mga mata. Hoping to see something that can help him to gain some information, luckily he found one, a notebook.

Dinampot niya 'yon at kaagad na binuklat bumungad sakaniya ang pangalan ng mga kaklase niyang wala ng buhay, and the main goal that was written in the notebook was to cut their tongues...

Tinalikuran niya ang notebook at patuloy na nagtingin ng mga bagay sa loob ng kwarto. He turned his head to the right side of the room and found a piece of paper that intrigues him. Katabi ng papel na 'yon ay sandamakmak na cellphone, mga cellphone nilang magkakaklase. Kaagad niyang hinanap ang sakaniya at kaagad 'yong ibinulsa bago kinuha ang papel na nakita.

"My Louie Angelo..." bigkas niya sa nakasulat sa mismong papel.

Akmang babaliktarin niya ito nang may magsalita mula sakaniyang likuran. "I didn't know I have a guest, I should've prepare a tea..." ang malamig na tono ng boses nito ang mas nagpalamig sa kapaligiran.

Alam niyang wala namang aircon na bukas ngunit gano'n nalang ang pagpapawis niya ng malamig. Nanginginig man sa takot ang kalamnan ay pinilit ni Jigs ang patapangin ang sariling boses.

"Bakit mo ginagawa 'to?"

Kasabay nang pagharap niya rito ay ang pasimple niyang pagbulsa sa papel na hawak niya kanina.

"You don't wanna know honey..." sagot nito at sa bilis ng pangyayari ay naramdaman nalang niyang may nakabaon na sa mismong tagiliran niya.

Mahigpit niyang hinuli ang kamay nito at pilit inaagaw ang kutsilyo rito ngunit sadyang mas malakas ito at ilang beses na hinugot at baon ang kutsilyo dahilan upang mapasinghap siya sa hangin.

He pull himself together and with all the strength he had, he pushed the person hard. Walang ano-ano'y hinugot niya ang kutsilyo sa sariling tagiliran dahilan upang humiyaw siya sa sakit. "Damn!"

Gusto na niyang tumakbo paalis ngunit ang nakakikilabot nitong tawa ay tila pinigilan siya. "No one escapes from me." sambit nito, nakangisi.

Mabilis itong lumapit sakaniya at sinuntok ang tagiliran niyang may tama dahilan upang mapaluhod siya sa sahig.

Lumuhod rin ito at pilit na hinuhuli ang kaniyang ulo. "B-Bitawan mo ako!" sigaw niya at pilit na pumapasag.

Marahas nitong hinawakan ang panga niya at nang makita ni Jigs ang balak nitong gawin ay buong lakas niya itong siniko. Tumayo siya at minsan pa itong tinadyakan sa dibdib dahilan upang ito'y mapahiga.

Kinuha niya ang pagkakataong 'yon upang makaalis at makatakbo kahit ramdam na niya ang panghihina ng buong katawan.

"Hindi ko hahayaang," napaubo siya at hindi niya pinansin ang dugong lumabas sa bibig niya. "M-Mamatay ako ng hindi nasasabi s-sakanila ang toto--"

"Jigs!" kaagad siyang inalalayan ni Ronel.

Mabuti nalang at nakasalubong niya ito sa pasilyo dahil kasabay ng pag-alalay nito ay ang muntik na niyang pagbagsak. "Nasaan sila? Bilisan natin.." hirap na hirap na ani niya.

Tumango si Ronel at pilit inilalayan si Jigs patungo sa kwarto kung saan halos lahat ng mga kaklase nila ay naroroon na. Ramdam na ni Jigs ang pandidilim ng paningin nang tuluyan nilang marating ang kwarto.

"Jigs!" kaagad na lumapit sila Ednalyn.

Nagawa pang umupo ni Jigs sa sofa na naroon habang mahigpit ang pagkakadiin sa sariling sugat.

"Shit! 'Yung first aid kit, Berna!" malakas na sambit ni Adrian.

Kaagad namang sumunod si Bernadette at halos madulas pa nang huminto sa harapan si Jigs. " 'Wag n-na, mas may kailangan kayong malaman."

Si Bernadette na mismo ang nagdiin sa sugat ni Jigs upang pigilan ang pagdurugo. "Hindi! Kailangan mong magamot agad." hindi pinansin ni Jigs ang sinabi ni Bernadette.

Lahat sila ay nakatutok ang mga mata kay Jigs na ngayon ay nakatingin na kay Adrian.

" 'Yung killer--" muli siyang naubo at mas marami na ngayon ang dugong lumabas mula sakaniyang bibig.

Kitang-kita nila ang paghihirap ni Jigs ngunit pinipilit nitong magsalita. Tumuon ang mga mata nito kay Liane na hindi maintindihan ang gusto nitong sabihin, pabalik-balik kasi ang tingin nito sa bulsa at sakaniya.

"Ano?" Liane mouthed.

"Sinong killer Jigs?" lumuhod si Roxanne at umaasang hinintay ang isasagot ng kaklase.

Halos lahat sila ay naghihintay sa sasabihin nito kaya gano'n nalang ang kanilang gulat ng magsalita ito.

"S-Si Le... L-Lean--" hindi na nito nagawang tapusin ang sasabihin nang kusa ng bumigay ang mga mata nito.

Kaagad na naalerto sila Adrian. "Jigs? Jigs!"

Marahas na niyugyog nila Ednalyn at Bernadette si Jigs. "H-Hindi! Hindi magandang biro 'to Jigs ano ba!" tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ni Ednalyn habang pilit na ginigising si Jigs.

"Jigs 'wag naman ganito... Hindi na nga namin makita si Shyne pati ba naman ikaw?" bulong ni Bernadette.

Napaupo nalang sa sahig si Adrian at hindi alam ang sasabihin. Tanging ang mahihinang hagulgol lang nila Ednalyn ang siyang ingay na maririnig sa bawat sulok ng kwarto.

"Ano mag-iiyakan nalang kayo? Hindi niyo ba narinig si Jigs? Si Liane ang killer!" malakas na sigaw ni Roxanne dahilan upang matigil sila Bernadette sa pag-iyak.

Napaatras si Liane at napatingin sa lahat. "A-Ako? P-Paanong ako?"

"Hindi magagawa ni Liane 'yan!" tuluyan nang bumoses ang kaibigan ni Liane na palagi niyang kasama, si Jaysah.

"Imposible, kita mo ba kung gaano kahinhin si Liane?" sambit naman ni Rose Jean.

"Mga gago pala kayo e!" ibinato ni Roxanne ang vase na nasa center table dahilan upang humiyaw ang ilan. "May killer bang nagpapahalata ha?! Kung hindi ba naman kayo tanga--"

Humarang sa harap ni Roxanne i Karel. "Mas tanga ka! Ni hindi nga natapos ni Jigs ang sasabihin paano kang nakakasigurong si Liane nga?!"

Tinulak siya ni Roxanne, "Sapat na siguro 'to para patunayang siya mismo ang pumatay kay Yunet?" nagpupuyos sa galit na itinutok sa mismong mukha ni Karel ang buhok na nakuha ni Roxanne sa kamay ng kaibigan.

"Wala na si Yunet, pinatay siya sa kabilang kwarto at nakita ko 'to sa mismong kamay niya. Saating lahat siya ang may pinakamaitim na buhok, sabihin mong hindi gaga ka!" pinigilan ni Roxanne ang maluha at marahas na itinapon ang buhok na inilagay niya pa sa plastic.

Humarap siya kay Liane na hindi rin halos makapaniwala. "Alam naming writer ka, 'yang mga kagaya mo magaling magpaikot mapa-salita man o akto." inilibot niya ang buong paningin sa lahat ng kaklaseng naroon wala ng pakailam kung sumama ang tingin sakaniya ng mga ito.

Kahit sila Adrian ay naguguluhan na kung ano nga ba ang totoo.

"Ngayon kung hindi niyo kaya, ako ang gagawa." sambit niya at dali-daling sinugod si Liane.

Mahigpit niyang hinawakan sa buhok si Liane dahilan upang mapasigaw ito sa sakit. Akma na niya itong kakaladkarin nang humarang sa harap nila si Jaysah, malamig ang mga mata nito at ang mukha ay hindi maipinta.

"Isa sa hindi katanggap-tanggap ay ang pagbibintang, bitawan mo siya Roxanne." ngunit imbis na magpatinag ay nginisihan lang siya ni Roxanne.

At dahil ayaw hayaan ni Jaysah ang kaibigan ay pilit niyang hinuhuli ang kamay ni Roxanne hanggang sa sipain siya nito sa mismong tiyan. Kasabay ng pagsalampak niya sa sahig ay ang pagsigaw ni Adrian.

"Tama na!"

Nagtuloy-tuloy na sa paglalakd palabas si Roxanne habang hila-hila sa buhok si Liane.

"Anong ginagawa mo? Bitawan mo si Liane." bungad ni Jocelyn na kakapasok lang sa kwarto kasunod niya ay si Jomel.

"Anong nangyayari?" gulong-gulong sambit ni Jomel.

"Itanong niyo sakanila, bago niyo ako pigilan." sagot ni Roxanne at hindi na nagpapigil. Marahas niyang hinila palabas ng mansyon si Liane.

Walang habas niyang hinila patungo sa gilid ng mansyon si Liane. Nang may madaanan silang pala ay dinampot 'yon ni Roxanne. "How could you kill her?" bulong nito habang inaalala ang itsura ni Yunet nang matagpuan niya kanina.

"Hindi nga ako! Tangina kasama mo ako sa kwarto!"

Malakas niyang itinulak si Liane sa lupa. "Pero nakatulog ako! At hindi ko nakita kung talaga bang nanatili ka sa kwarto!" pagkasabing 'yon ay malakas na hinampas ni Roxanne ang pala kay Liane.

"Para 'yan kay Yunet," lumapit siya kay Liane na hawak-hawak ang ulo at pinulupot mismo ang buhok ni Liane sa sariling leeg nito. "Hindi ako papayag na mabuhay ka, habang maraming buhay ang nawala ng dahil sa'yo."

"H-Hindi nga ako!" pilit kumakawala si Liane, ginawa niya ang lahat maging ang sabunutan si Roxanne makawala lang ay ginawa niya ngunit wala 'yong talab.

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Liane dahilan upang nanghihina siyang mapasubsob sa lupa. Hindi nagsayang ng oras si Roxanne at gamit ang pala ay naghukay siya nang naghukay habang nanghihina pa rin ang babaeng pinaniniwalaan niyang may pakana ng lahat.

"R-Roxanne... Kahit mamatay pa ako riyan sa hukay," umubo si Liane at hirap na hirap na nagsalita. "W-Wala kang hustisyang makukuha, d-dahil--" hindi siya pinakinggan ni Roxanne at hinila sa braso.

"Wala na akong pake sa mga sinasabi mo." mariin nitong sambit at buong pwersang itinulak si Liane pahulog sa hukay na siya mismo ang may gawa.

Kaagad niya itong tinabunan ng lupa ngunit nang makita ang pagnanais nitong tumayo ay malakas niya itong hinataw ng pala. "Ahh!" daing nito.

Pinagpatuloy niya ang pagtabon ng lupa kay Liane, habang ginagawa niya 'yon ay patuloy sa pag-agos ang luha niya dahil sa sobrang sama ng loob.

"R-Roxanne, t-takbo..." hirap man ay ini-angat nito ang isang kamay na tila ba may itinuturo mula sakaniyang likuran.

Puno nang luha na sinubukang lumingon ni Roxanne ngunit gano'n nalang ang panlalaki ng mata niya ng makita ang taong nasa likod niya na nakangisi sakaniya.

Nabitiwan niya ang pala at napaupo dahil sa sobrang takot. Lumuhod ito at sumenyas sakaniyang manahimik. Nanginginig ang buong katawan niya sa sobrang takot habang pinapanood ang unti-unti nitong paglapit kay Liane.

Walang ano-ano'y ginilitan nito sa leeg si Liane sa mismong harapan niya dahilan upang mapahiyaw siya sa takot.

"AHHH!" ngayon niya napagtantong mali siya ng hinala...

"What? I just helped you finish her." the person smile at her.

*****

Nagmamadaling bumaling si Jomel kay Adrian. "Hindi mo man lang pipigilan si Roxanne, Adrian?" tanong niy akahit hindi niya pa rin maintindihan ang nangyayari.

"S-Siya 'yung binanggit ni Jigs na killer--"

"Pero hindi natapos ni Jigs ang sinasabi niya!" putol ni Jaysah sa sinasabi niya.

"Sa hinhin at pangangatawan ni Lia sa tingin mo kaya niyang gawin 'yon?" Jocelyn scoffed while staring at Adrian.

"Hindi kahina-hinala kaya hindi imposibleng siya nga." unti-unting nag-angat ng tingin si Adrian sakaniya.

Natahimik ang lahat dahil sa sigaw na umalingawngaw mula sa labas.

"Sila Liane at Roxanne..." bulong ni Gea na nasa isang tabi.

Kaagad na napatayo ang lahat kasama na ro'n si Adrian. Nagbaling siya ng tingin kay Jocelyn.

"Kapag si Liane ang killer, ikaw mismo ang magtatali sakaniya."




Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro