Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

CHAPTER 8

Kulang nalang ay madapa si Mary Jean makalabas lang kaagad ng mansyon. Nasa labas kasi ang dalawa niyang kaibigan na natanaw niyang nag-aaway, ni hindi niya man lang namalayan kung paanong nakalabas ang mga ito.

"Kasalanan mo 'to," tinulak-tulak sa balikat ni Karel si Rose Jean. "Kung hindi mo ako pinilit hindi ako sasama sa lintek na field trip na 'to."

"Desisyon mo pa rin 'yon, I just told you the good memories that we might have! Tingin mo ba kung alam kong ganito ang mangyayari sasama ako? Pasasamahin ko kayo? Hindi!" hindi pa man tuluyang nakakalapit at rinig na rinig na ni Mary Jean ang sigawan ng dalawa.

Mukhang nagsisisihan.

"Magpapakamatay ba kayo?! Anong naisip niyo at lumabas kayo ng dadalawa lang kayo?" inis niyang bungad sa mga ito.

Sabay na humarap sakaniya ang dalawa. "Totoo naman kasi, kung hindi dahil kay Rose Jean hindi sana nasa bingit ng kamatayan ang buhay ko!" nanunubig ang mga matang sambit ni Karel.

Naiintindihan niya naman ito ngunit hindi tama na ibuntong niya kay Rose Jean ang mga nararamdaman niya.

Bumuntong hininga siya at lumapit sa dalawa, sabay niyang niyakap at hinagod ang likod ng mga ito. "Hindi niyo kailangang magsisihan, walang may kasalanan okay? Hindi natin 'to inaasahan."

Kumalas siya sa pagkakayakap at  tinapik ang mga balikat ng kaibigan. "Sa mga ganitong panahon iwasan dapat natin ang magsisihan, we should work together in order to get out of here." marahan siyang ngumiti kahit pa parehong nakayuko ang mga ito.

"Sorry Rose Jean..." maya-maya ay bulong ni Karel na napagpangiti kay Mary Jean.

Alam niyang hindi sinasadya ni Karel ang mga nasabi kay Rose Jean marahil ay bugso lamang 'yon ng damdamin.

Nag-angat ng tingin si Rose Jean at malapad na ngumiti kay Karel. A word was about to escape from her mouth when Mary Jean saw something strange.

Tila anino 'yon na nakataas ang kamay at pabagsak sa likod ni Rose Jean. Kasabay ng pagtatayuan ng balahibo niya at panlalaki ng mata ay mabilis niyang nahila si Rose Jean at pinagpalit ang pwesto nilang dalawa.

Naramdaman niya ang pagbaon ng matalim na bagay sa likod niya ngunit hindi niya 'yon kaagad ininda. "Takbo... T-Takbo!" pilit niyang sigaw kala Karel na pawang natuod sa kinatatayuan.

Dumaloy ang pulang likido sakaniyang bibig ngunit hindi 'yon naging hadlang upang harapin niya ang taong sumaksak sakaniya. "Hindi kita hahayaang makaalis." bulong niya at pilit itong nilabanan.

Ilang saksak man ang natamo ng kaniyang dibdib ay tagumpay niyang nahablot ang maskara nito. She gasp for air when she recognize the killer.

Buong lakas niya itong sinipa sa tuhod dahilan upang mapalayo ito sakniya, kinuha niya ang pagkakatong 'yon upang tumakbo habang sumisigaw. "Si A-Ace! Si Ace ang killer!" sigaw niya habang nakatingin sa mga kaibigan na huminto matapos marinig ang sigaw niya.

Kitang-kita niya ang hinagpis sa mga mata nito ngunit isang mapait na ngiti nalang ang naitugon niya hanggang sa maramdaman niya ang pagbaon ng kutsilyo sa batok niya na siyang tumagos sa mismong lalamunan niya.

And in a slow pace her life was taken away by her classmate...

Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha nila karel habang tumatakbo papasok ng mansyon.

"Adrian!" sigaw ni Rose Jean ng may maaninagan, huminto sila sa pagtakbo at humahangos na nilapitan si Adrian.

" 'Yung killer, kilala na namin 'yung killer." sambit ni Karel at tinuyo ang sariling pisngi.

Adrian was taken a back but she remained calm. "Sin--" hindi niya natapos ang sasabihin nang marinig ang sigaw mula sa loob ng mansyon.

"Amor!"

Nagkatinginan silang tatlo at mabilis na tumakbo papasok sa mansyon. Kasabay ng pagdating nila ay nakita pa nila ang pagtakas ng kung sino.

"Shit!" gusto man niyang habulin ito ay hindi niya nagawa ng hilahin siya ni Bernadette.

"Delikado, mas malakas siya." sambit nito sakaniya.

"Anong nangyari kay Amor?" pabalik-balik ang tingin niya rito pati sa kaklaseng nakaratay sa sahig ng sala.

"Bumaba kami para maghanap ng pwedeng armas ng biglang sumulpot 'yung nakamaskara na 'yon." napapailing na kwento ni Ednalyn na nasa gilid niya.

Lumapit si Catherine. "Lumaban si Amor at nakipag-agawan ng kutsilyo ng makitang nakaamba ito kay Jocelyn,"

"Pero parang mas malakas 'yung taong 'yon at ilang beses na sinaksak si Amor..." pagtatapos ni Bernadette.

Lumapit silang lahat kay Amor na nahiga at naghahabol na ng hininga. Nakaunan ito sa hita ni Jocelyn na walang tigil ang pag-iyak.

"Siraulo ka! Hindi mo na dapat ginawa 'yon." humahagulgol na sambit nito habang ang dalawang kamay ay nakatakip sa saksak na natamo ni Amor.

"Pero ako ang pinakamalapit sa'yo k-kahit kanino gagawin ko 'yon, isa p-pa wala si Jared para iligtas ka..." nahihirapang sabi nito.

Lalong lumakas ang iyak ni Jocelyn dahil sa sinabi ng kaibigan. Hindi niya matanggap na ligtas siya habang ito'y nag-aagaw buhay.

"Babae'yung killer, m-may nakapa ako e." bulong pa nito at nagawa pang tumawa.

Gustong suntukin ni Jocelyn ang kaibigan. "Gan'yan na ang kalagayan mo nagagawa mo pang magbiro, gaga ka!"

"Nayshii!" nagtatatakbong lumapit si Liane na kadarating lang kasama si Gea, Kathlyn, Jaysah at Erich.

"Nakshiit," nanginginig man sa panghihina ay hinawakan ni Amor ang kamay ni Jocelyn. "B-Baka dito na ako bawian ng buhay, o k-kung hindi n-naman baka mawalan ako ng malay m-maubusan ng dugo at 'yon din ang ikamatay..." mahabang sabi nito at nagawa pang ngumisi sa kaibigan.

Kahit hirap na ang nararanasan ay nagagawa pa rin nitong tumawa-tawa, iniisip na mapapagaan niya pa rin ang loob ng mga nakapaligid sakaniya.

Umubo siya at dugo na ang lumabas sa bibig niya. "Itim 'yung b-buhok ng killer..." tuluyan ng pumikit ang mga mata nito.

Hindi makapaniwalang lumuhod si Adrian. "Amor! Hindi ka pwedeng mamatay ano ba!"

"Nayshii.."

"Nay Amor..."

Tahimik silang lumuluha nang lumuhod si Jay Marie at hawakan ang sa leeg at palapulsuhan si Amor. "May pulso pa siya, mahina pero atleast buhay pa siya."

"M-May nakita akong first aid kit do'n!" kaagad na kumilos si Bernadette upang kuhanin 'yon.

"Tingin mo m-makakaligtas pa siya?" nagpupunas ng luha na tanong ni Jocelyn.

Jay Marie stare at her for a second. "I'm afraid to say that she's not, hindi siya sa saksak mamamatay kung 'di sa pagka-ubo ng dugo."

Pinigilan muli ni Jocelyn ang maluha, ayaw niyang sukuan ang kaibigan. Nang tuluyang dumating si Bernadette ay siya mismo ang naglapat nang paunang lunas sa kaibigan. Inilipat nila ito sa maid's room na nasa ilalim ng hagdan ng mansyon.

"Magpahinga ka lang d'yan, hindi ka mawawala saamin..." bulong niya sa kaibigan bago ito tuluyang iwan.

Bumalik siya sa sala kung saan naroon ang lahat ng katulong niya kanina sa pagbubuhat kay Amor, nag-uusap usap.

"Lalaki 'yung killer." kumunot ang noo ng lahat dahil sa sinabi ni Rose Jean.

"Pero babae ang sumaksak kay Amor..." bulong ni Jocelyn na sinang-ayunan ng mga nasa sala kanina.

"Nasaan si Mary Jean?" puna ni Adrian.

Napayuko sila Rose Jean at Karel.

"Ate Karel? Si Mary Jean--" pinutol ni Karel ang sasabihin ni Erich. "Wala na siya, sinaksak siya ng lalaking nakamaskara.."

"Shit..." bulong ni Liane. "Yes shit, ibig sabihin hindi lang iisa ang killer." sabi ni Adrian, ang paningin niya ay na kay Liane na ngayo'y napapaisip na rin.

"At may posibilidad ring kasa-kasama lang natin dito..." maya-maya ay dugtong ni Kathlyn.

Humakbang palapit si Jocelyn sa gawi nila Kathlyn. "I knew you're being suspicious, palagi kang huli kung dumating kapag may namamatay, palaging tiklop ang kamay. Why are you doing this?" ang matalim niyang paningin ay dumapo kay Kathlyn na kalaunan ay lumipat kay Jaysah na tila nanigas sa kinauupuan.

"A-Ako?" hindi makapaniwalang sambit ni Jaysah.

"Teka parang hindi naman tama 'yan, sisihan?" humarang si Liane sa harap ni Jocelyn.

"Hindi mo ba napapansin Lia? 'Wag mong sabihin na gawa-gawa ko lang 'yung mga pinagsasabi ko?" Jocelyn scoffed.

Hinawakan ni Liane si JOcelyn sa braso. "Hindi sa gano'n Jo, pero 'wag muna tayong mag-jump into conclusions." mahinahong aniya.

"Pero hindi rin imposible 'yung sinasabi ni Ate Jo." sambit ni Erich habang nasa baba ang tingin.

"Ano pang hinihintay niyo?Bakit hindi pa natin siya itali?!" sambit ni Roxanne na ngayon lang muli kumana.

"Paano kung siya nga ang isa sa killer?" sabat ni Yunet.

"Imposible, palagi kong kasama sa kwarto si Jaysah." sabi ni Bernadette.

Tumayo si Catherine at lumapit din kala Bernadette. "Tama siya, hindi magagawa 'yon ni Jaysah."

Ibinato ni Roxanne ang unan na nasa sofa dahil sa inis. "Tanga pala kayo e, malamang magkukunwaring 'di niya kaya para hindi mabuking!"

"Mas tanga ka, puro ka kuda!" sagot naman ni Ednalyn na pumapanig din kala Jaysah dahil hindi naman niya ito nakitang gumawa ng kahit anong kahina-hinala.

"Tumigil na nga kayo," inis na sambit ni Liane, hindi niya na alam kung paanong kokontrolin ang mga kaklase.

"Syempre kakampihan mo, kaibigan mo e 'di ba? Bahala kayo, kapag namatay kayo ng dahil sakaniya tatawanan ko pa kayo." inirapan sila ni Roxanne at umupo sa single sofa na naroon.

Liane massage the bridge of her nose, she glance at Adrian to ask for some help but when he was about to say something Jomel and Ronel barged in the mansion.

"Si Jigs at Ivan, nawawala!" kapwa hinihingal na sambit ni Jomel.

Napatayo si Adrian, kunot ang noo. "Paanong nawawala?"

"Nakita namin 'yung katawan ni Mary Jean sa labas at inabutan namin 'yung lalaking nakamaskara, sinubukang habulin ni Ivan at hindi na namin alam kung nasaan siya." mahabang litanya ni Jomel.

Naupo si Ronel upang makabawi kahit papaano ng lakas, ni hindi na nila alintana ang gutom. "Si Jigs bigla nalang nawala sa likod namin."

Ilang segundo silang natahimik ngunit muli 'yong nabasag nang makarinig sila ng sigaw mula sa labas.

"Gago, sino ka ba?! Aray--you freak!"

"Ivan..."

Napatingin silang lahat kay Chrisma. " 'Wag mong sabihing lalabas ka?" hindi makapaniwalang sambit ni Gea.

Hindi siya sinagot ni Chrisma at tumayo ito mula sa pagkakaupo. Tiningnan lang sila isa-isa ni Chrisma bago walang takot itong naglakad patungo sa pinto, kaagad na humarang sakaniya si Jocelyn.

"Chrisma ano ba?! 'Wag ka ngang magpakatanga! May girlfriend si Ivan, okay?"

"Alam ko, pero sa pagkakataong 'to ako 'yung nandito." tuloy-tuloy na sambit nito at malakas na itinulak si Jocelyn upang makalabas.

Isa lang ang nasa isip ni Chrisma, 'yon ay ang mailigtas si Ivan.

*****

"Ano bang pinagsasabi mo Gea?" naguguluhang tanong ni Yunet sa kaibigan.

Halos alas dose na ng madaling araw, kumain na ang ilan nilang kaklase bago napagpasyahang magpahinga habang siya naman ay hinila ni Gea papunta sa isang kwarto at ipagpilitan ang narinig daw nito.

"Totoo 'yung sinasabi ko, Yunet." napakagat sa sariling labi si Gea.

"Kaibigan natin siya, paano mong nagagawang magsinungaling?"

"Hindi ako nagsisinungaling! I've heard enough!"

Napahilamos sa sariling mukha si Yunet. "Pagod ka lang okay?"

"Hindi!" marahas na hinablot ni Gea ang braso niya at tinitigan siya diretso sa mga mata.

"Si Kathlyn... Isa siya sa may gawa nito."



Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro