Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

CHAPTER 7

Thinking it could help them to recognize who's the killer, Jake hold on to photo tight.

Handa na siyang sumigaw upang tawagin sila Jigs nang maramdaman niya ang matigas na bagay na malakas na tumama sa mismong ulo niya dahilan upang mawalan siya ng balanse at mapaluhod sa lupa. Kaagad siyang napahawak sa parte ng ulo niyang tinamaan at kitang-kita niya kung gaano karaming pulang likido ang nasa kaniyang palad.

He faced the person behind him and force himself to punch and fight the person. Ngunit isang suntok pa lang ang napapakawalan niya ay naramdaman niya ang pagbaon ng matalim na bagay sa mismong tiyan niya.

Paulit-ulit 'yon at tila may ritmo ang bilis, ni hindi na niya magawang magsalita ngunit ramdam niya ang pag-agos ng sarili niyang dugo palabas sakaniyang katawan.

"T-Tama na... Hayaan mo a-akong mabuhay tangina.." pakiusap niya.

Pero imbis na pakinggan ay lumuhod ito at mariing hinawakan ang panga niya. "I hate it when someone cussed."

And before he knew it, the person grabbed his tongue and cut it without hesitation.

"Hindi ba talaga tayo pwedeng lumabas? May garahe kasi 'di kalayuan baka may makita tayong gas.." suhestiyon ni Jenny habang nakatanaw sa bintana.

Bumuntong hininga si Liane at tinignan si Jenny. "Delikado, baka nasa gilid-gilid lang 'yung taon gustong umubos saatin."

"Pero hindi tayo pwedeng umasa sa mga lalaki." sagot ni Amor.

Umupo ng maayos si Liane at tinignan sila isa-isa. "Sa mga oras na 'to kailangan nating maghintay muna sa pagbabalik nila bago gumalaw."

"Paano kung sa kakahintay natin tayo 'tong maunang mamatay sakanila?" pabalang na sagot ni Roxanne.

"Paano kung kahit isang beses manahimik ka at tumigil sa pag-iisip ng hindi magaganda? Kaya mo ba?" inis nang sabi ni Liane.

Natahimik ang lahat dahil sa pagtataas ng boses ni Liane. Ngayon lang nila nakitang ganito katalim ang mga tingin nito.

"E kung ikaw kaya ang patahimikin ko--"

Kaagad na humarang si Yunet sa harap ni Roxanne. "Tama na, ano ba? Kahit ngayon lang makinig ka sa class pres natin."

"Ginagawa lang niya 'yung tingin niyang hindi natin ikakapahamak." sabi naman ni Jocelyn na nasa malayo ang tingin.

Nanatili sialng lahat na naghihintay sa sala ngunit dahil hindi makapagpigil ay dahan-dahang umalis si Jenny upang lumabas habang wala sakaniya ang paningin nila Liane. Determinado siyang makahanap ng gas lalo na at gustong-gusto na niyang makauwi.

Pinapakiramdaman niya ang bawat dinadaanan. Nang makarating sa garahe ay kaagad siyang pumasok do'n. Hindi naman sarado kaya hindi siya nahirapang pumasok ngunit nag-uumpisa pa lang siyang maghanap ng gas ay nakita niya ang paa ng kung sino.

Unti-unting umangat ang tingin niya at halos gusto niyang maduwal nang tuluyang makita ang sinapit ng kaibigan niyang si Jasmine. Hindi pala ito umuwi kung 'di nabiktima ito at puno ng saksak ang katawan.

Nanunubig man ang mga mata ay pinilit niyang tumayo balak na niyang bumalik sa mansyon para ipaalam sa mga kaklase ang nakita.

Ngunit ang pagpaplanong umalis ay hindi na niya nagawa ng mismong pagharap niya ay bumungad sakaniya ang lalaking nakamaskara.

"H-Hindi---AHHH!"

Mula sa mansyon lahat ay nataranta ng marinig ang malakas na tili na 'yon. Napatayo si Liane at doon lang napansin na wala si Jenny.

"Nasaan si Jenny? Shit!"

"Tingin ko nasa garahe siya!" nagmamadaling tumakbo si Mhargie na kaagad na niyakap ni Amor upang pigilan. "Delikado nakshii! Wala tayong armas!"

Inis na kumawala si Mhargie kay Amor. "Pero pwede natin siyang subukan iligtas! Kung hindi niyo kaya, ako ang gagawa!"

"Mhargie, 'wag! Mhargie!" napaupo nalang si Jocelyn ng hindi pansinin ni Mhargie ang pagtawag niya rito.

Tumakbo si Liane patungo sa bintana umaasang maririnig siya ni Mhargie. "Mhargie! Bumalik ka rito, ano ba!"

Ngunit tila ba sinusubok sila ng tadhana, dalawang tao ang nawala sakanila ng gano'n-gano'n lang.

Wala na silang nagawa kung 'di ang pigilan ang mga sariling maiyak. Masyado silang takot para lumabas at tulungan ang kaklase.

Magsisilim na at wala pa rin ang mga lalaki habang sila naman ay mga pawang wala sa sarili. Tulala at malayo ang tingin.

"Si Kathlyn?" maya-maya ay tila ba nagising si Yunet at hinahanap ang kaibigan.

"Nagbanyo lang ako, na miss mo na agad ako?" biro ni Kathlyn na kadarating lang, simula nang magsimula ang isa-isang pagkamatay ng mga kaklase nila ay ngayon lang muling nagawa ni Kathlyn ang magbiro.

"Gago, paano kung mapaano ka?! Basta-basta kang umaalis." pikon na sabi sakaniya ni Yunet.

"Hindi pa kayo nagugutom?" tanong ni Chrisma.

"Nagugutom, kanina pa." sagot ni Bernadette.

Mula kanina ay pare-pareho silang hindi pa kumakain.

"Hintayin na natin 'yung iba, may noodles pa naman sa kusina." sambit ni Catherine.

Nagsalita si Ednalyn na ikinatigil nilang lahat. "Paano kung wala na pala tayong hinihintay?"

"Ano ka ba, babalik sila... Si Adrian na mismo ang nagsabi." agap na sagot ni Erich. Hindi maitatago ang pag-aalala sa boses niya lalo na at minsan na niyang nagustuhan si Adrian.

Habang nag-uusap usap sila ay mula sa isang tagong gilid ay may isang nakikinig. Nakangisi habang pinagmamasdan sila mula kanina.

"So I'm not the only one who's killing huh? How exciting, as long as they don't get in my way." bulong nito at matalim na tinignan ang mga babaeng naiwan.

*****

Halos ala-syete na ng gabi ng tuluyang makalabalik ang isa sa nga lumabas kanina, si Jigs.

"Nasaan 'yung iba?" bungad ni Amor at tumayo mula sa pagkakahiga sa sofa.

"Nagkahiwa-hiwalay kami," nag-iwas ito ng tingin. "Hindi ko sila makita."

"Bakit hindi muna tayo mag-sikain? For sure kakain din sila pagbalik dito." sabi ng kanilang Class president at bahagyang ngumiti.

"Mabuti pa nga, pagkatapos magpahinga na kayo ako na ang mahihintay sakanila pero magsama-sama nalang kayo sa iisang kwarto ngayon lalo na at wala 'yung ibang lalaki." sambit ni Jigs at nauna na sa kusina.

Tumayo na silang lahat at sumunod rito. Lahat sila ay kanina pa nalipasan ng gutom. Dahil hindi sila nakapag-saing ay pinagkasya nila ang mga sarili sa cup noodles at biscuit na naroon.

"Magbabanyo lang ako tapos susunod na ako sa kwarto." paalam ni Kathlyn habang nakahawak sa sariling tiyan at nakatingin kay Yunet na inilingan lang siya.

Hindi rin nagtagal ay natapos na ang lahat kumain, nagtulong-tulong sila sa pagligpit at paglilinis ng mga pinagkainan.

Habang abala ang lahat ay abala rin sa pagtatalo ang dalawang tao sa balkonahe.

"So ang sinasabi mo, hindi lang tayo ang gumagalaw sakanila?" she clicked her tongue in frustration.

"Exactly," sagot ng lalaki at tumingin sakaniya ng makahulugan. "And you don't have any idea who's that, Adrian?" tila napupuno ng sambit nito.

Adrian scoffed. "Paano kong malalaman kung kaliwa't kanan ang trinatrabaho ko?"

She smirked, mabilis niyang itinutok ang kutsilyong hawak sa leeg ni Adrian. "Remind me why did I even teamed up with you?"

Ngunit dahil hindi lang siya ang naiinis ay mabilis na napagpalit ni Adrian ang kanilang pwesto, idiniin nito ang tulis ng kutsilyo sakaniyang leeg dahilan upang dumugo 'yon ng bahagya. "Because you need me," pinadausdos nito ang kutsilyo pababa sa lalamunan niya hanggang sa dibdib.

"Now stop this nonsense and let's work together, I've been wanting to be with her."

Nang pakawalan siya ni Adrian ay agad siyang napahawak sa sariling leeg. "I can't move right now, we're all in the same room. Be patient you dumbass." ngitian niya ito ng nakakaloko bago tuluyang iwan sa balkonahe.

*****

Alas diyes na ng gabi ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ang ibang lalaki. Nagsisimula nang matakot si Jigs para sa mga kaklase ngunit wala siyang magawa kung 'di ang bantayan ang mga babae.

Mas kailangan siya ng mga ito.

"Gea, samahan mo naman ako magbanyo." mahinang sambit ni Shyne, hindi niya maaya si Ednalyn lalo na at kakatulog lang nito.

"Dapat kanina pa..." alangang sagot ni Gea kay Shyne.

Pinagmamasdan lang ni Jigs ang dalawa hanggang sa sabay ang mga itong lumabas, mukhang napapayag na ni Shyne si Gea.

Hindi niya alam pero hindi pa man nagtatagal sa labas ang dalawa ay nakaramdam siya ng kaba lalo na para sa kaibigan na si Shyne. He was about to follow them when Mary Jean hurriedly went to the door.

"Saan ka pupunta?"

Bumaling sakaniya si Mary Jean at bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala. "Nasa labas si Karel at Rose Jean, aish mukhang nagtatalo."

"Teka," bago niya pa ito mapigilan ay tuluyan na itong lumabas.

Gusto niya pa sanang sundan si Mary Jean ng biglang iluwa ng pinto si Gea na nanginginig ang mga kamay.

"Si Shyne?" nag-aalalang salubong niya rito.

Tumingin ito sakaniya. "H-Hindi ko siya kayang samahan, sinabi ko sakaniya--" hindi na tinapos ni Jigs ang sinasabi ni Gea at agad na siyang lumabas.

Hindi pwedeng mapahamak ang isa sa mga kaibigan niya. Masyado ng maraming nawala sakanila.

Lakad takbo ang ginawa niya para lang mabilis na makapunta  sa banyo ngunit hindi pa man niya nararating ang banyo ay nakasalubong na niya si Shyne.

Kahit kasi anong laki ng mansyon ay may mga sulok itong sobrang dilim na hindi rin gaanong napapansin.

"J-Jigs!" nanginginig at hinihingal na sambit ni Shyne ng tuluyang makalapit sa kaibigan.

"N-Nakita ko, s-siya, 'yung kwarto, si Hanna, marami sila." putol-putol at halos hindi maintindihan ni Jigs ang sinasabi nito.

"Kumalma ka Shyne, hindi kita maiintindihan kung ganyan."

Kaagad na sumunod si Shyne bago unti-unting ikinuwento ang mga nakita. "Namali ako nang pinasok na kwarto kanina, pero sa loob no'n naroon lahat ng litrato ng mga kaklase nating pumanaw na, may mga patalim din..." nanlalamig man ang mga kamay ay nagawa niyang ikwento ng buo kay Jigs lahat ng nakita.

"Pwede mo ba akong samahan sa kwartong 'yon?"

Tanging tango lang ang naisagot niya at pinauna sa paglalakad si Jigs. Habang binabaybay nila ang pasilyo ay nagsasalita ito dahilan upang unti-unti siyang kumalma.

"Ang galing mo maligaw Shyne, nakakahanap ka ng impormasyon." biro ng kaibigan.

Shyne was about to laugh when suddenly someone cover her mouth tightly with a clothe and pull her to the dark side of the hallway.

Pinilit niyang sumigaw ngunit hindi 'yon sapat upang marinig ng kaniyang kaibigan na si Jigs. Nagpumiglas siya at pilit kumakawala ngunit hindi pagluwag ng hawak nito sakaniya ang natanggap niya kung 'di ang hindi mabilang na saksak na paulit-ulit ibinabaon sa dibdib niya.

Mula sa dilim ay kitang-kita niya kung paano siyang hanapin ni Jigs matapos nitong lumingon at hindi siya matagpuan. Gustuhin mang sumigaw ay hindi rin siya nito maririnig.

Nanghihina na siya maging ang talukap ng kaniyang mga mata ay pipikit na nang makita niya si Jomel na nagmamadaling lumapit kay Jigs upang hilahin ito paalis.

And that moment she knew, she will not be able to return.

Hindi man siya maririnig, bago tuluyang sumuko ng kaniyang katawan ay naibulong niya pa ang mga katagang,

"Tulong..."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro