Chapter 5
CHAPTER 5
Tanghaling tapat na ngunit halos lahat sila ay hindi pa kumakain. Mga walang gana ngunit siya namang tunugan ng kani-kanilang tiyan.
Ang iba ay nagawa nang bumalik sa mga kwarto upang doon magpalipas ng oras at mag-isip kung ano nga bang dapat nilang gawin.
"Nagugutom na ako..." bulong ni Jay Marie na katabi si Chrisma, hindi talaga siya palasalita at mas gustong mag-observe sa paligid ngunit dahil kasama niya si Chrisma ay 'di niya mapigilang magsalita.
Umayos ng upo si Charie Ann paharap kala Jay Marie. "Okay lang ba sainyo ang sinigang? Chineck ko kanina 'yung ref at kaya pang makapagluto ng sinigang sa mga ingredients na naroon."
Iilan lang sila sa sala kasama na ro'n sila Allyssa at Catherine na tahimik na nakaupo sa sofa.
"Okay na 'yon, kaya mo bang lutuin?" sambit ni Shyne na kadarating lang kasama si Ednalyn.
"Kaya naman, basta 'wag kayong aalis dito? Mamaya biglang may tumulak saakin e." sagot ni Charie Ann at natawa, sinusubukang magbiro upang kahit papaano naman ay sumaya sila.
"Go, gusto mo bisitahin pa kita beb." sabi ni Allyssa at ngumiti ng bahagya
" 'Wag na guguluhin mo lang ako." tatawa-tawang sambit ni Charie Ann at tumayo na.
Dumiretso siya sa kusina at kinuha sa ref ang mga sangkap na gagamitin niya. Mabuti nalang at marami-rami ang gulay sigurado siyang magkakasiya 'yong lahat para sakanilang mga kakain.
Hindi naman lingid sakaniyang kaalaman na lahat sila ay nagugutom na kaya dinagdagan niya rin ang sabaw para kung sakali ay hindi mabitin ang mga kaklase niya.
"Bakit kaya..." napabuntong hininga siya, "Kailangang mangyari 'to? Wala naman kaming masamang nagawa bukod sa mag-ingay sa classroom."
Para siyang sira na nagsasalita mag-isa ngunit wala siyang pake lalo na at pati siya ay napapaisip. Ano bang kasalanan nila? Bakit kailangang mangyari 'to sakanila?
Pinagpatuloy niya ang pagluluto, habang kumukulo ang sinigang na niluluto niya ay naramdaman niya ang presensya ng kung sino sakaniyang likuran. Napangiti siya, mukhang guguluhin nga siya ni Allyssa.
"Ally, 'wag kang manggulo, once na matikman mo 'to baka pati pangalan mo malimutan mo." biro niya at hinalo ang sinigang na malapit nang maluto.
Nangunot ang noo niya ng hindi man lang niya narinig ang pagtawa ni Allyssa. She don't know why... But at that moment her heart starts to beat a little faster, she tried to ignore it but every second that passes it beats rapidly.
Before she could face the person behind her, it grabs her head tightly. Pilit niya 'yong nilabanan lalo na at nararamdaman niya kung ano ang balak nitong gawin.
Ginawa niya ang lahat ng makakaya para labanan ito ngunit naramdaman nalang niya ang hindi maipaliwanag na init na bumabalot sa buong mukha niya. She tried to scream with the remaining strength she had but the person behind her did something that stunned her.
Naramdaman niya ang mabilis na paghugot at baon ng matalim na bagay sa mismong tiyan hanggang sa umakyat 'yon sa dibdib niya.
She was in so much pain. At hanggang sa huling pagbuga ng hininga niya ramdam niya ang hapdi at pag-agos ng bawat dugo niya... Palabas sa kaniyang dibdib.
*****
"Oh sabi sa'yo hindi lang tayo ang gutom na e." sambit ni Catherine kay Allyssa nang makita ang kakababa lang na si Ronel kasama sila Jigs, Liane, Adrian, Mary Jean, at Jomel.
Ang iba kasi sakanila ay tumangging lumabas ng kwarto.
"May nagluto ba?"
Kumunot ang noo ni Allyssa. "Ano raw?" hindi naintindihan ang sinabi ni Ronel dahil sa hina ng boses nito.
Sa lahat ng kaklase nilang lalaki ay ito at si Ace ang pinaka-mahiyain at napakadalang magsalita.
"Kung may nagluto--" Ednalyn stops speaking when a realization hits her. Hindi niya pa napapansing lumabas mula sa kusina si Charie Ann. "Kanina pa ro'n si Charie Ann ah?"
Kaagad na napaderetso ng upo si Allyssa. "Hala 'di pa siya lumalabas?" napatakip siya sa sariling bibig.
"Hindi niyo sinamahan?" nanlalaki ang mga matang tanong sakanila ni Liane, kinakabahan na baka may nangyari na sa kaklase.
Walang sabing nauna nang maglakad si Ronel patungo sa kusina na kaagad na sinundan nila Liane. Parang nakakita ng berde si Liane at gustong magduduwal matapos tuluyang masilayan ang kusina.
"What the..." Adrian couldn't move.
Jigs gasp and doesn't know what to say.
"C-Charie Ann..." Allyssa's eyes started to watered as he stare at her friend's body covered in blood.
Ang mukha nito'y hindi na makilala at tadtad ng saksak sa tiyan at dibdib dahilan upang dumanak ang dugo sa sahig mismo ng kusina.
Si Ronel lang ang nagawang gumalaw ng mga oras na 'yon, kumuha siya ng puting tuwalya at itinakip sa bangkay ng kaniyang kaklase. He don't know what to say, he was in pure shock but at that moment he knew that his classmates were feeling the same.
Tinapik ni Ronel si Jomel at Adrian para magpatulong sa dalawa na buhatin ang katawan ng kaklase nila at mailipat sa hardin kung saan nila inilalagay ang bawat bangkay ng kaklase nila.
Gusto kasi nilang sa oras na makauwi sila ay kasama pa rin nila ang mga ito kahit kapwa malalamig na ang bangkay ng mga kaklase.
"Men, iniisa-isa talaga tayo..." napahagod si Jomel sa sariling buhok bago tumulong sa pagbuhat.
Habang sila Allyssa, Jigs at Chrisma ay napag-desisyonang sabihin ang nangyari kay Ma'am Antonette na kasalukuyang nasa sarili nitong kwarto.
Hirap man at tila naduduwal ay pinilit ni Liane na tumulong kala Catherine na linisin ang nagkalat na dugo sa sahig ng kusina.
Ilang sandali pa nang makabalik sila sa sala ay naroon na ang lahat at hindi makapaniwala. Bakas ang labis na takot sa mga mukha nila kahit hindi nila nakita ang kaawa-awang sinapit ni Charie Ann.
"May noodles doon sa pantry, kumain muna kayo mga anak." rinig nilang sambit ni Ma'am Antonette na tila ba wala na rin sa sarili.
"Ikaw po Ma'am? Hindi ka pa kakain?" tanong ni Jenny na siyang nginitian lang ng kanilang guro.
Bumuntong hininga si Ma'am Antonette. "Ayos lang ako, mauna na kayo."
Tumango si Jenny bago nagpahatak sa mga kaibigan patungo sa pantry. Bago pa sila makalayo ay muling nagsalita si Ma'am Antonette.
"Kahit sa kwarto niyo na kayo kumain mga anak!" lumingon sakaniya ang mga estudyante. "Babalik ako sa kwarto, mamaya bago maggabi ay aayusin uli natin ang room arrangement okay?"
"Mas maganda po kung marami sa iisang kwarto Ma'am." sambit ni Amor.
"True Ma'am, para kahit papaano may laban if ever may mangyari." segunda ni Jocelyn.
"Mamaya natin pag-usapan, magsikain na kayo." bumaling siya kala Liane na hindi pa rin lumalakad patungo sa pantry. "Kayo rin."
It's almost four thirty in the afternoon when they start gathering in the living room. Wala masyadong nagsasalita ngunit ang isa sa kanila ay lihim na nasisiyahan sa nangyayari.
"Ace, dala mo 'yung bible mo?" tanong ni Gea at tumabi ng upo kay Ace.
Namamangha kasi siya dahil halos saulo nito ang mga nakasulat sa bible. He's quiet but she knows he's a good person... or not?
Napatikhim si Ace at umiwas ng tingin, karaniwan niyang ginagawa tuwing may kumakausap sakaniya. "Hindi, akala ko kasi puro activities 'yung gagawin natin dito."
Tumango si Gea, "Ah, sayang pala."
Tumayo si Ace at akmang aalis na ng bigla siyang hilahin s admait ni Gea. "Bakit Nairobi?" takang tanong nito.
Mahinang natawa si Gea, "Gea nalang, masyadong mahaba 'yung totoo kong pangalan. By the way saan ka pupunta?"
Napahawak siya sa batok. "Ano kasi, kailangan kong magbanyo..." kaagad na napabitaw sa damit niya si Gea.
"Ay sorry." natatawang hingi nito ng tawad marahil ay naisip niyang nakakahiya ang pagpigil niya rito.
Tumango lang sakaniya si Ace bago tuluyang umalis.
Ang ilan sakanila ay kaniya-kaniya ng kwentuhan upang makalimutan kahit papaano ang mga sinapit ng kanilang kaklase. Nang mainip si Allyssa ay naisipan niyang tumayo mula sa sofa at pumunta sa pool area.
Kanina pa mabigat ang dibdib niya, lalo na nang makita ang sinapit ni Charie Ann kanina. Sa lahat ng kaklase nila it lang yata ang boyish sa mga babae kahit na kung minsan ay mukha itong mahinhin.
"Hindi na ba ako makakauwi?" tuluyang nangilid ang mga luha niya habang nakatitig sa pool.
Dito niya lang narealize na mas maganda kung hindi siya sumama, o kung sana ing-suggest niya sa mga kaklase niya na mag beach o resort nalang sila.
"Mas safe sana..." she sobbs "Sabay-sabay pa sana tayong uuwi..."
Napahagulgol nalang siya habang ang tila isang pelikula na paulit-ulit niyang nasisilayan ang sinapit ng bawat kaklase niya sakaniyang isip.
Maga na ang mata niya sa kakaiyak ng maramdamang tila may nanonood sakaniya. "S-Sino 'yan?" she sniffs.
Unti-unting binabalot ng takot ang kabuoan niya. But before she could return to her classmates, someone pushed her towards the pool.
Kahit anong pasag niya ay tila hindi siya makahinga, tila ba may nakapulupot sa leeg niya na hindi niya alam kung paanong napunta ro'n. Pilit inilalaban ang buhay ngunit hanggang sa unti-unting pagpikit ng kaniyang mga mata ay iilang kataga lang ang kinaya niyang sambitin.
"T-Tulong Ace..."
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro