Chapter 4
CHAPTER 4
"Ahhhh!"
"H-Hindi... H-Hindi 'to totoo. A-Ayoko na rito." nanginginig man ay nagawang unti-unting humakbang palayo ni Mary Jean sa mga kasama.
Hindi niya hihintaying dito pa siya bawian ng buhay, kailangan niya pang makauwi may naghihintay sakaniya sa bahay nila.
Everyone seems so shocked but the moment they realised what they're actually seeing they start to panic.
Lahat sila ay nagtatakbo pasunod kay Mary Jean na nauna na sa sasakyan. Nanginginig ang bawat kalamnan habang patuloy na bumabagabag sakanilang isipan na paano kung sila na ang sumunod?
Nagsimulang maiyak ng ilan habang halos madapa na patakbo sa nag-iisang pag-asa nila para makauwi na, ang bus.
"Ma'am tara na po, u-umalis na tayo..." balisang pakiusap ni Liane.
Halos lahat sila ay nakaupo na sa kaniya-kaniyang bangko ni hindi na naisip na kuhanin pa ang mga gamit nila sa sobrang takot na nadarama.
"Kumalma muna kayo okay?"
"Ma'am paano po kaming kakalma kung ikalawang beses na namin 'tong nakita?" humahagulgol na sambit ni Allyssa.
Some of them were quiet and don't know what to say. Katulad nalang ni Gea na tila ba hindi na makakayanan kung mayroon pang makikita.
Halos lumuhod na si Liane sa harap ng kanilang guro habang nag-uumpisa ng manubig ang kaniyang mga mata, "Ma'am, u-umuwi na po tayo, nagmamakaawa po ako." she pleaded while tears kept flowing through her cheeks.
"Hindi ba muna natin kukuhanin ang mga gamit niy--" hindi na natapos ni Ma'am Antonette ang sasabihin ng malakas na hampasin ni Adrian ang bintana ng bus.
Adrian turn his back to their classmates, trying to hide his emotions from them. "M-Ma'am gamit lang po 'yon, buhay namin 'yung nakasalalay rito..." sambit niya bago ito hinarap at diretsong tinignan sa mga mata.
"Umuwi na tayo Ma'am..." humahagulgol sa takot na sambit ni Kathlyn habang nakaupo 'di kalayuan kala Jomel.
Ma'am Antonette sighs and gave them a promising smile. "Uuwi na tayo okay? Tumahan na kayo.." marahan niyang sambit.
Umayos na ng upo si Ma'am Antonette sa driver's seat. She insert the key and was about to start the engine of the bus when a loud bang from the door of the bus caught their attention.
"A-Ano 'yon?" utal na sambit ni Gea na halos mapatayo mula sa pagkakaupo.
"Hindi ano, s-sino?" histerikal na napalingon-lingon si Kathlyn.
Lahat sila ay halos hindi mapakali, takot na baka ang gumawa ng malakas na tunog na 'yon ay ang siyang gumawa no'n sakanilang kaklase na si Maria.
"Please Ma'am, kahit anong mangyari 'wag niyo pong buksan ang pinto!" Jocelyn said while trying to stope herself from from trembling.
"I've seen this scene a lot in a movie..." bulong Chrisma na halos hindi na rin makagalaw sa kinauupuan.
Mas lalo silang manginig ng muling umulit ang malakas na kabog mula sa pinto ng bus. "Sino 'yan?! Anong kailangan mo?!" takot man ay piniling sumigaw ni Ivan.
Hinila siya ni Jake sa damit, "Bakit mo ginawa 'yon? Paano kung 'yun ang gumawa no'n kay Maria?"
Bago pa man makasagot si Ivan ay may nagsalita na mula sa labas. "Ma'am ayaw po naming maiwan!" nang mapamilyaran ang boses ay kaagad na binuksan ng kanilang guro ang pinto ng bus.
"Kayong dalawa lang pala!"
"Tinakot niyo kami Jolita, Edlyn!"
Naghanap ng mauupuan sila Jolita, "Kakakita lang namin kay Maria nang mapansin namin na parang wala na kayo, ayaw namin maiwan." hingal na sambit nito.
"Maupo na kayo, kanina pa namin gustong makaalis dito."
"Paano 'yung katawan ni Maria?" bulong ni Edlyn habang nakatingin sa labas ng bintana.
Walang sumagot hanggang sa tuluyang magsalita si Jenny. "Umalis na po tayo Ma'am, sa ngayon mas maganda kung makabalik muna tayong lahat bago ito ipaalam sa mga pulis."
Ma'am Antonette was watching her students from the rearview mirror, all of them were terrified and wants to come home.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil nang subukan niyang paandarin ang sasakyan ay purong hindi magandang ugong lamang ang nakayanan nito.
"A-Anong nangyayari?"
"Bakit a-ayaw umandar Ma'am?"
"H-Hindi, hindi na ako babalik sa mansyon na 'yon..."
"Hindi para mamatay rito aba," hindi makapaniwalang sambit ni Jomel habang pinagmamasdan ang guro nila na pilit pa ring pinaandar ang sasakyan.
"Class, tahimik." bumuntong hininga si Ma'am Antonette at hinarap ang kaniyang mga estudyante. "Alam kong lahat kayo ay takot at gusto ng umuwi pero ayaw gumana ng sasakyan kung hindi naubusan ng gasolina maaaring sira mismo ang makina."
"Ma'am 'wag ka naman pong magbiro ng ganyan."
Sunod-sunod na nagkomento ang mga ito dahilan upang mapasigaw na si Ma'am Antonette. "Wala tayong magagawa! Gugustuhin niyo bang lakarin ang gubat at hayaang isa-isahin tayo ng taong 'yon?! Mas wala tayong tiyansang makaligtas kung gano'n!"
Natahimik ang lahat, kaniya-kaniyang nalulunod sa sariling isipin. Alam nilang tama naman ang sinasabi ng guro nila sadyang gusto lang nilang ligtas na makauwi.
Nang hapong din 'yon ay napagpasyahan nilang lahat na bumalik sa mansyon. Binalikan din nila ang bangkay ni Maria at binuhat upang dalhin sa hardin na nasa likod ng mansyon, tinakluban nila 'yon ng kumot na puti at nag-usal ng dasal sa namayapa nitong kaluluwa.
"Gusto niyo bang kumain?" kapagkuwan ay tanong sakanila ni Ma'am Antonette.
"Hindi na dapat ako sumama rito..." tulalang sambit ni Kathlyn kaagad siyang inalo ni Jomel. "Shhh magpahinga na tayo, tara na."
Halos alas syete na ng gabi at mukhang gutom na ang mga ito. Ngunit ni isa sa mga ito ay walang tumango mga nagsipaalam na magpapahinga na sa kaniya-kaniyang kwarto. At dahil wala na nga si Maria dalawa nalang a kwarto si Jolita at Edlyn na maaga ring umakyat upang magpahinga.
She sighed heavely and let her students rest. It was a rough day for them, after all.
*****
At exact eleven in the midnight two people can be seen from the balcony of the mansion. Talking--no planning something.
"You excited?" tanong niya sa kasama na nakatanaw sa baba ng mansyon.
They have been planning this, pero hindi nila alam na ganito kapayag ang tadhana sa masasamang balak nila.
"Killing for fun? Hell yeah," she said while smirking. They're not even friends but they clicked because of her idea.
"Hindi ka ba nag-aalala?"
"Saan?"
"Sa gumawa no'n kay Maria," he exhailed and put his arms above his chest.
"Oh that? Sa tingin ko aksidente lang 'yon, I mean tayo lang naman ang nagplano ng ganito, sino pang maaaring pumatay bukod saatin?"
He chuckled, "You're right, should I start? They're in a deep sleep right now." he said, a smile was placed to his face.
"Go on, susunod ako maya-maya."
At sa kalaliman ng gabi, kung saan ang lahat ay kaniya-kaniya nang nagpapahinga. Wala sakanilang nakapansin o nakarinig man lang sa dalawa nilang kaklase na nais lang magpahinga buong magdamag ngunit tinuluyan ng panghabang-buhay na pamamahinga.
Later that morning everyone was awaken in horror. Two of their classmates was found dead in their own room.
"Tangina anong nangyayari..." nanunubig ang mga matang sambit ni Amor na napakapit nalang kay Jocelyn na tulala rin.
Buhat-buhat nila Adrian at Jomel ang bangkay ni Jolita habang si Ivan at Ronel naman ang nagtulong sa bangkay ni Edlyn upang dalhin ang mga ito sa hardin.
"Mukhang hindi na tayo makakaalis ng buhay rito." bulong ni Jake na narinig ni Yunet.
" 'Wag mo ngang sabihin 'yan! Ang nega mo, ikaw kaya ang isunod ko sakanila."
"Huwag mo nang patulan." mahinang sambit ni Gea na inaawat si Yunet.
Napayakap si Yunet kay Gea na siyang balisa pa rin. "Ayokong dito bawian ng buhay..." bulong nito sa kaibigan.
"Ma'am ano? Wala po ba tyong gagawin, dito tayo mauubos!" sambit ni Roxanne na ngayon ay hindi na magawang magbiro.
Halos lahat sila ay stress at nababahala na. Pakiramdam nila ay hindi na sila makakaalis pa ng buhay sa lugar na kinalalagyan nila.
Naglakad palapit si Jomel. "Wala na po bang ibang paraan Ma'am?"
"Paano kung dito na tayo mamatay?" kinagat ni Erich ang sariling labi dahil sa takot, kagabi niya pa 'yon iniisip at hindi niya inaakalang mauuna pa sakaniya sila Jolita.
"Paano kung plano ng taong 'yon na ubusin tayo?"
"Hayaang mabulok dito,"
"Ma'am paan kung--" hindi na natapos pa ni Ednalyn ang sasabihin nang biglang magsalita ang kanilang guro.
"Mga anak wala tayong maiisip na praan kung mag-papanic tayong lahat." mahinahong sambit ng kanilang guro.
Tumikhim si Liane, "Tama si Ma'am, sa ganitong sitwasyon wala tayong ibang kakapitan kung 'di ang isa't-isa."
"Kaya kung maaari sana kahit anong mangyari 'wag niyong hahayaang mawala ang tiwala niyo sa bawat isa." ngumiti ng bahagya si Adrian. "Iisang pamilya tayo rito, magtutulungan at makakaalis dito ng buhay."
Shashaxxe
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro