Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

CHAPTER 1

DALA NA rin ng takot ay hindi na nakapag-focus sa klase ang buong section ng Block B dahil sa  kanilang nasaksihan.

Kaagad na ipinaalam ng guro nila sa mga magulang ni Hanna ang karumaldumal na sinapit ng dalaga. Hindi rin nagtagal at tuluyang idinaos ang burol nito, lahat ay nagluluksa at hindi pa rin makapaniwala.

"Parang no'ng isang linggo lang pinag-uusapan natin 'yung mga ikaka-stress nating activities." sambit ni Jenny na siyang isa sa pinaka-malapit na kaibigan ni Hanna.

Ikalawang araw na ng burol nito ng napagdesisyonan ng buong section na dumalo at makiramay.

"Si Gea?" pansin ni Jomel ng dumating sila Roxanne at hindi niya natanaw o narinig man lang ang boses ni Gea.

"Takot pa rin, hindi niya pa raw kayang makita si Hanna." sagot ni Yunet at naupo sa silyang katabi ni Jake.

"Malamang wala, ikaw kaya makakita ng bangkay ng kaklase mo sa cabinet." komento ni Roxanne na tumabi ng upo kay Ivan.

"Nagtatanong lang naman ako ah." inis nang sambit ni Jomel.

"Nakita mo na kasing wala bakit kailangan pang magtanong--"

"--Guys ano ba? Nasa burol tayo nakikiramay, dito pa talaga kayo mag-aaway?" Suway ni Jocelyn sa dalawa dahilan upang tumahimik ang mga ito.

"Ayan kase," napabaling si Mary Jean kay Roxanne na ngayon ay hindi na kumikibo.

"Tama na mga nakshii," singit naman ni Amor.

"Guys, tubig? Pagkain?" alok sakanila ni Allyssa na nagboluntaryong tumulong sa pag-aasikaso ng bisita kasama si Erich at Karel.

Walang kumibo ni isa sakanila. Habang sa isang sulok naman ay naroon sila Jaysah, Liane, Catherine at Kathlyn. Mga walang kibo ngunit napapaisip kung paanong humantong sa ganito ang kamatayan ng kanilang kaklase.

"Pakiramdam ko hindi basta-bastang pagpatay 'yon." bulong ni Liane habang tulalang nakatitig sa sahig.

No'ng mismong araw nang makita nila ang bangkay ni Hanna ay maging siya ay nagulantang at hindi alam ang gagawin. Gano'n pa man napansin niya ang bakas ng kamay sa gilid ng cabinet kung saan nakasilid si Hanna. At doon siya napapaisip, dahil alam niya hindi 'yon bakas ng kamay ni Hanna.

Napatingin sakaniya si Jaysah ngunit walang namutawing salita rito, katulad ng dati tahimik lang ito ngunit alam niyang marami rin ang tumatakbo sa isip ng kaibigan. "Sa tingin mo planado?" maingat na tanong ni Kathlyn.

"Hindi ko alam..." halos pabulong niyang sambit at pinunasan ang luhang tumulo sakaniyang pisngi.

"What if planado?" kunot noong sambit ni Catherine na ngayon ay nakaharap na sakanilang tatlo.

"Kung gano'n anong pwede niyang maging motibo?" sambit ng isang boses mula sakanilang likuran.

Kanina pa pala naroon si Adrian at nakikinig sakanilang usapan katabi sila Jigs, Shyne, Ednalyn at Bernadette na tahimik lang din na nakikiramay.

" 'Yon nga, wala. Kaya napaka-imposibleng planado ito." napasandal si Liane sa silyang kinauupuan, patuloy man silang mag-isip alam nilang wala 'yong kahahantungan.

They're just students for pete's sake! Walang ibang motibo para mamatay ang isa sakanila. Siguro nga isa lang si Hanna sa biktima ng isang mamamatay tao.

"Huli yata siyang umuwi last week 'di ba? Baka paglabas niya ng room napag-tripan or what?" komento naman ni Jigs.

"Siguro,"

" 'Wag na tayong mag-isip ng kung ano-ano dahil kung sino man ang gumawa niyan kay Hanna paniguradong mahuhuli at mahuhuli rin." sambit ni Liane.

"O kung hindi naman makakarma rin siya ng todo." dagdag ni Catherine.

***

Halos magtatlong araw na simula nang mailibing si Hanna. Nanatiling palaisipan sakanila kung sino nga ba ang may gawa no'n sakaniya, ngunit mas lamang ang takot at pagkabalisa nila dahilan upang lahat sila ay hindi makapag-focus sa pag-aaral.

"Hello? Are you still with me?" nang walang sumagot kay Ma'am Antonette ay napabuntong hininga nalang ito.

"Class, I have an announcement."

"Guys may announcement si Ma'am..." sa halos tatlumpung estudyante na nasa silid ay si Adrian pa lang ang halos nakakabawi-bawi na.

"We'll be having an outing," kaagad na napatingin sakaniya ang mga ito bakas ang pagtataka sa mukha ng mga estudyante niya. "I've figured out that you're having a hard time on coping with the incident so I talked to the principal and asked if we can have a little get away."

"Hala, true ba Ma'am?"

"Bongga may pasabog si Ma'am."

"Ma'am sasama raw po si Jomel basta po pictur-an niyo raw po siya gamit yung i-phone niyo pang profile." sambit ni Kathlyn, inaasar ang kaibigang si Jomel.

"Ay hindi ako papayag na hindi ako payagang sumama sa outing na 'yan."

"O mga nakshii ikalma niyo."

Sa isang iglap ay tila muling nagkaroon ng kislap ng saya sa mga mukha nila. Ngunit ilang sandali pa ay natahimik din sila.

"What's with the silence?" tanong ni Ma'am Antonettes matapos muling manahimik ng buong klase.

Si Jenny ang sumagot, "Naisip lang po namin na sana nangyari na 'tong outing bago mawala si Hanna."

"Kung hindi pa siya nawala hindi pa mangyayari 'to." mahinang sambit ni Rose Jean.

" 'Wag kayong mag-alala hindi naman natin kakalimutan si Hanna, isa pa gagawin pa nating memorable ang buong school year 'di ba? 'Yon din ang gusto niya, so we will do this on behalf of Hanna." sambit ni Amor dahilan upang mapatingin sakaniya ang mga kaklase niya at mapangiti ng bahagya sakaniya.

Tama naman siya, wala ring magagawa kung mananatili silang nagmumukmok. It's better to enjoy their life.

Because of what their classmate, Amor, told them they decided to say yes. Nang hapon ring 'yon nang makauwi sila sa kaniya-kaniya nilang bahay ay kaagad silang nagpaalam sa kanilang mga magulang, together  with parent's consent provided by their Teacher.

Ma'am Antonette announced that they'll be staying at her vacation house for almost nine days and she prepared a fun activities for the whole class.

Kinabukasan rin ay kapwa handa na ang buong klase, gawa na rin sa biglaan ang outing ay hindi na nagawang makahanap ng driver para sa bus na sasakyan nilang lahat. Good thing, their advisory teacher knew how to drive.

"Ready na ba ang lahat?" nakangiting tanong ng guro sa mga estudyante.

"Ready pa sa ready!"

"Go na Ma'am!"

"Magbabakasyon nang kasama pa rin si Hanna!" sigaw ni Jomel habang nasa tabi nito ang picture ni Hanna.

"Eyy! Walang maiiwan sa pamilyang 'to."

Napuno ng tawa at sigla ang bus habang nasa gitna sila ng byahe. Everyone was having fun while eating, drinking and chitchatting. But in the middle of their roadtrip the whole section fell asleep.

Napailing-iling nalang ang guro nang makitang tulog na ang mga estudyante niya. "Kabataan nga naman."

Hapon na nang makarating sila sa kanilang distinasyon at doon lang isa-isang nagising ang mga tulog mantikang estudyante.

"Ang haba pala ng byahe.." bulong ni Kathlyn habang hinihimas ang sariling leeg. "Mahaba lang talaga tulog mo, men." biro ni Jomel dahilan upang simangutan siya ni Kathlyn.

"Gising na mga nakshii, andito na us!" masiglang sambit ni Amor.

"Huy, Jake wala ka pa sa kama bangon na aba." tatawa-tawang sabi ni Ivan dahilan upang magising na rin ang ibang nakaulog sa likod.

"Gising na at habang hindi lumulubog ang araw ay ipapasyal ko kayo sa bahay." wika ng kanilang guro at nauna nang bumaba.

Sumunod na rin ang ilan hanggang sa lahat sila ay tuluyan ng nakababa ng bus. "Ma'am sabi mo bahay, ano iteys mansyon." manghang sambit ni Roxanne.

"Kaya nga Ma'am, kaya pala gusto kong sumama sa outing na 'to ay," sabi naman ni Chrisma.

"Oo, kahit 'wag ka na raw umuwi."

Dahil sa sinabing 'yon ni Allyssa ay nagtawanan ang ilan. Maya-maya pa nga ay inilibot na sila ng kanilang guro sa buong mansyon lalo na sa mga lugar kung saan gaganapin ang ilan sa activities nila. Katulad nalang sa pool area na nasa kaliwang gilid ng mansyon, sa fountain area na siyang harapan ng mansyon at kung saan-saan pa.

***

"Pumasok na rin kayo maya-maya at patayin ang apoy, ha mga anak."

Kaagad na sumagot si Jomel, "Opo Ma'am." naisipan kasi nilang magbonfire habang ang iba nilang mga kaklase ay mas piniling magpahinga na sa kwartong iniatas ng guro nil.

"Good night, Ma'am." pahabol pa ni Liane na tinanguan lang ng papalayo nilang guro.

"Bakit ayaw ni Kath sumama sa'tin?" tanong ni Gea habang kumakain ng dalang marshmallow.

Nagkibit balikat sila Jomel at Adrian, "Pagod raw." sagot naman ni Yunet.

"Ako lang ba o hindi ko talaga nakita 'yung daan papunta rito? I mean parang ang haba masyado ng tulog ko," napapakamot sa sariling batok na sabi ni Jomel.

"Sa true, usually dapat pagising-gising ako sa byahe." segunda naman ni Liane.

Tumingin sakanilang lahat si Roxanne, "What if---"


Shashaxxe

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro