Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 8

Chapter 8

The Bliss

"Putangina niya! putangina niya talaga!"

"Huwag ka ngang magwala rito," masungit na sabi ni Q habang nakaupo sa long bench na nasa gazebo.

"Sabihin mo nga Q! Ano bang meron sa walanghiyang babaeng 'yon?! Mas maganda ba siya sa akin? Mas sexy?!"

"I have no idea," sabi niya habang dahan-dahang uminom ng beer. "Blind, remember?"

Iritable ko siyang tiningnan habang ginugulo ang buhok ko. Nagmumukha siyang magandang estatwa roon habang nag-mo-model ng beer. Dahil hindi pa masyadong madilim, klarong-klaro ang bright brown niyang mga mata.

Ang ganda na naman.

"Can't you just badmouth that bitch with me?!"

"Want me to badmouth Rondel?"

"Ang sabi ko yung higad! Hindi si Rondel!"

He sighed and blinked a few times.

"I can't believe you're trying to put your boyfriend on a pedestal when he cheated on you. Why are you angrier at the other woman?"

Padabog akong naupo sa bermuda grass sa garden at tumungga ng beer. Pinili ko na lang na huwag siyang sagutin. Nakakairita talaga!

Binalewala lang ako ni Rondel kanina at sinabihang bibigyan daw niya ako ng imbitasyon sa kasal. Gago talaga!

He declined my invitation for sex! Me! The delicious me!

"That son of a bitch! How dare he?! How dare is the dare?! That annoying bastard?! Tinanggihan ako sa sex! Peste! Peste!" Nilaklak ko ang natitirang beer sa bote at nakulangan kaya tumingin ako sa dalawang case ng beer. Nagkalat sa paligid ang iilang bote kaya napasimangot ako. "Inubos mo ba ang beer?!"

"Tig-isa tayo ng case," mahinahong sagot ni Q habang binubuksan ang huling bote ng beer.

Ngumuso ako rito na nagtatampo at napangiwi nang maalalang hindi pala ako nito nakikita.

"Ba't ang lakas mong uminom ha? Akala ko ba ako lang ang mag-d-drama?!" Tumayo na ako at lumapit kay Q habang nagpapapadyak. "Ibigay mo na sa akin 'yan."

"Nope," he declined and started drinking like a total drunkard.

"Q!" sigaw ko rito pero hindi ako nito pinansin. Prente pa rin siyang nakaupo habang tumutungga nang hindi humihinga. "Shit! Magtira ka! Damot nito!" Unti-unti na lang akong napanganga nang makitang wala nang laman ang bote at nakita ko na lang si Q na may mapulang pisngi. "Did you really drink it all in one go?!"

Hindi ko alam kung nalasing na ba siya o ano dahil ngumisi ito sa akin. Nanindig lahat ng balahibo ko nang mapagtantong mas gumwapo siya dahil doon.

"None for you," he slowly whispered as if trying to taunt me.

Aba't!

Mas lumapit ako rito at sinapok na siya sa ulo. Walang pogi-pogi kapag alak na ang usapan!

"Iluwa mo! Ibalik mo sa akin!" sigaw ko sa kanya. "Luwa!"

Akala ko lalaban ito ng sapok pero sumandal lamang ito sa bench at humalakhak na parang baliw.

"Wala na," aniya at ngumisi ulit. Nilabas niya ang dila niya at lumapit sa akin. For a second there, I thought he could see me because he even squinted his eyes.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil may laway pang tumulo mula sa dila niya papunta sa paa ko.

"Ew! Yuck!" sabi ko rito nang ginalaw-galaw niya ang dila niya na parang baliw. "Tumigil ka nga! Ang laswa!"

"Naaaahhh naahhhh~" pag-iingay niya at kinampay-kampay ang mga braso niya.

May tama na nga. Tunggain ba naman nang straight ang isang bote ng beer.

"Stop it!" pagsaway ko rito. Takte. Parang bata kung malasing! Hinawakan ko na 'yong kinampay-kampay niyang mga braso. Dahil sanay na akong i-handle ang malaking katawan ni Rondel, hindi ako nahirapang ipirmi ang mga kamay niya. "Halika na. Pasok ka na sa bahay. Baka dito ka pa makatulog."

"I don't want to," maarte nitong sabi at ibinaling-baling ang ulo niya na parang nasasapian. "Why is it so damn dark?"

"Are you serious?" Grabe namang malasing 'to, pati pagkabulag nalilimutan.

"Oh right, hahaha! I'm blind!" Pagkatapos ay humalakhak na naman siya at nagpupumiglas pa. "Let go of me! Let go!"

Nairita na ako sa kakagalaw niya kaya binitiwan ko na ito. Nagulat na lang ako nang niyakap niya ako bigla. Naka-lock ang mga kamay ko sa gilid dahil sa pagkakayakap niya. Napatingala ako at halos lumuwa na nga ang mga mata ko sa pagkabigla.

"Gago ka ba?! Bitaw!"

"Nope, let's make love Floell."

Putangina! Napagkamalan pa akong ibang babae!

"Isa! Babayagan kita!" pagbabanta ko rito.

Imbis na bumitaw, humigpit pa lalo ang pagpulupot nito sa katawan ko at unti-unting yumuko.

"Floell," bulong nito at halos mahimatay ako sa gulat nang may maramdamang matigas na nakadikit sa tiyan ko. "Make love to me, babe."

Napatili na lang ako nang maramdamang may mainit na gumagalaw sa leeg ko.

"Peste! Huwag mo akong dilaan!" Sumigaw ako at napaungol nang sinumulan niyang kagat-kagatin ang sensitibong parte ng leeg ko. "Fuck~" Nakagat ko ang labi ko sa pagkapahiya at pinigilang mapaungol ulit.

Shit? Bakit ang sarap?

Hindi ko alam kung nadala na ba ako sa kalasingan noong unti-unting bumitaw si Q sa akin pero hindi ako lumayo. Bagkus ay tinulak ko siya paupo sa bench at balewalang inupuan. Hindi ko mapigilang mapaungol nang maramdaman sa jeans ko ang matigas niyang alaga. Kiniskis ko ang sarili ko sa kanya hanggang sa narinig ko siyang mapaungol sa sarap.

Uminit ang pisngi ko nang makita ang na-t-turn on niyang mukha. Tila lasing nitong hinanap ang butones ng jeans ko at dali-daling tinulungan akong maghubad.

The next thing I know, I was just wearing my bra and panties on top of him, while he was just sitting there casually with his open jeans.

"Come on, babe." His throaty demand made my core clench in shame. I found myself liplocking with him in the next seconds. My body felt as if it's on fire when he thrusted up and rubbed his covered manhood on my already soaked underwear. My eyes fluttered close because of how intense it felt. With his continuous movements,  his lips never once left mine. We kissed so passionately as if our lives depended on it.

Fuck. Ang sarap-sarap niyang humalik.

Naramdaman ko ang kamay niyang pumiga sa dibdib ko at napaungol sa sarap nang maramdaman ang malambot niyang palad na pinaling ang suot kong bra at muling lumamas.

Gusto kong mapaungol nang malakas pero pati kaluluwa ko halos mahigop ng eksperto niyang mga labi. Halos kapusin na nga ako ng hininga dahil sa mainit niyang paghalik.

"Fuck," mahina niyang anas kaya mas ginanahan akong umindayog sa bakat niyang katigasan. Gusto ko siyang paungulin sa sarap.

Gumalaw ang kamay ko at mabilis na inabot ang sandatang nakatago sa ilalim ng underwear niya. Marahan akong napasinghap nang maramdaman ang malaking ulo nito.

Unti-unti kong binuksan ang mata ko para makita ang hitsura niya pero natauhan ako nang makita ang lungkot sa kanyang mukha.

Para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa nariyalisa.

He's dreaming of that woman and it's hurting him.

Fuck. I'm such a terrible person. Paano ko nagawa ito?! Ako yung hindi pa lasing masyado!

Kailangan niya nang magising sa katotohanan.

Mabilis kong nilayo ang labi ko pero halata namang gusto pang makaisa ng loko kaya tinampal ko ang mukha niya.

"Wait! Q!"

"Ano?" anito at sumimangot.

"I'm not your girlfriend." Kumunot ang kanyang noo, tila hindi maintindihan ang sinabi ko. "It's Wynfrost, you dumbass!"

Unti-unti siyang napanganga hanggang sa namutla na para bang nakakita ng multo.

"Ah!"

"Aray!"

~

Sumakit ang ulo ko kakaisip sa nangyari noong huling punta ko sa bahay ni Q. Isang linggo na ang lumipas pero hindi pa rin ako makatulog nang maayos dahil sa nangyari.

Dahil siguro sa gulat at pagkapahiya, hindi ako inimikan ni Q nang maibagsak niya ako sa sahig ng gazebo noong tumayo siya. Nakita ko ang pamumula ng leeg, mukha, at tenga niya habang inaayos ang kanyang nakabukas na jeans.

Wala rin naman akong nasabi. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya noong oras na iyon pero palagay ko, iisipin niyang inakit ko na naman siya, na sinadya ko ang nangyari, na inutusan ako ni Lan.

Napahilamos ako sa mukha.

Kailangan ba naming mag-usap o mas mabuti na lang na hayaan ko nang huwag na kaming magkita—ah, oo nga pala. Bulag siya. Ah fuck.

Para ngang pinagsamantalahan ko siya sa sitwasyong iyon. Klaro namang nasa wisyo pa ako noon pero hinayaan ko 'yong mangyari.

Ang galing niya kasing humal—

Ginulo ko ang buhok ko sa naiisip.

Ba't ba siya ang pinoproblema ko eh ikakasal na si Rondel?

"Excuse me, ma'am. Nandito na po ang order niyo." Napamura ako sa gulat nang biglaang sumulpot sa gilid ang waiter habang may dala-dalang dalawang box ng pizza. Nakita ko pa itong magpigil ng tawa nang makita ang gulat kong mukha. "Isang ham and cheese at isang pepperoni pizza po, ma'am."

"Ah, right," mabilis kong sabi nang makitang may mga tumatawang ibang customer sa gilid. "T-Thanks." Nanginginig ang kamay ko nang kinuha ko ang dalawang box bago patakbong lumabas sa Pizza Alley.

Fuck. Nakakahiya!

BLAG!

"Ah!" sigaw ko nang makabunggo ako ng isang papasok na customer. Tumilapon ang dala kong boxes sa gilid pero hindi naman ito bumukas. "Sorry, sorry!" sabi ko sa taong nakabunggo ko na ngayo'y sumalampak ng upo sa sahig.

"Wynfrost?"

I froze when I heard that voice. My eyes widened as I stared disbelieving at the same man messing up my head.

"Q."

Ang pagkakataon nga naman.

Mabilis pa sa alas-kwatro kong tinulungan si Q na makatayo dahil may naririnig na akong mga nagtatawanang customer.

Nang nakatayo na nang maayos si Q, hinawakan niya ako sa braso kaya naiilang akong umatras. Doon ko lang napagtanto na parang may mali sa kanya.

Nakasuot naman siya ng all white na outfit habang nakaponytail ang kanyang buhok. Halata ring kakatakbo niya lang dahil pawis na pawis siya.

Pero parang may kulang.

"As you can see, I don't have my cane," aniya, tila nahihiya pa. Oh. Fuck. Ano namang ginagawa niya rito mag-isa nang wala ang cane niya?! "Can you help me?" pagsusumamo nito na para bang wala na siyang ibang malapitan.

Napabuntong-hininga ako dahil para siyang tuta na nangungumbinsi sa amo niya.

"Okay," sabi ko na lang at hinayaan na ang pizza roon sa sahig bago hinawakan ang braso niya. Inalalayan ko itong lumabas doon. "Tell me what happened. Not here, though. Ang daming tsismosa."

Pinanlisikan ko ng mata ang mga taong nagtatawanan kanina. Nakatulala na ang mga ito ngayon kay Q na para bang nakakita ng anghel.

Can't really blame them, though.

"Okay," sabi ni Q at umakbay na sa akin. Nanigas ako sa gulat. "Sorry. Mas kumportable ako kapag ganito. Wala namang malisya, 'di ba?"

Bakit parang pinaglalaruan ako ng lalaking 'to.

"Of course," I said through gritted teeth.

Kaya ayun at hinayaan ko siyang akbayan ako. Kung yelo pa si Q, baka bago pa kami nakalayo sa mataong parte ng mall, tunaw na siya dahil sa klase ng titig ng mga babae at lalaki sa kanya. Nakahinga lang ako nang maluwag nang dumating kami sa kasuluk-sulukan ng mall na may isang hindi kasikatang restaurant.

Pagkapasok namin sa loob, natulala ako nang bahagya dahil walang katao-tao. Nakita ko na lang sa gilid ang sign na "Self-service" at saka ang napakalaking "Honesty is the best policy."

"It's so quiet," puna ni Q. Pinaupo ko ito sa isang upuang nasa harapan ng isang square na lamesa at naupo sa harapan niya.

"Honesty shop yata 'to," sabi ko habang lumingon-lingon sa mga nakapaskil na sign sa gilid na klarong tungkol na naman sa "honesty".

Baka kung dalhin ko si Rondel dito, baka mahawa siya sa mga patamang honesty quotes kagaya ng "Don't be so proud, cheater. You've only chosen cheaper."

"Honesty shop?" takang tanong ni Q. "So that means there are CCTVs, right? I mean how will the owners know that nobody stole anything?"

Hinanap ko ang mga CCTV pero wala namang kahit na ano sa paligid.

"Walang mga CCTV pero baka may mga hidden camera."

"Aren't those against the law?"

"Beats me." Tumayo na ako at pinuntahan ang nakahilerang mga pagkain. Nakakamanghang mainit pa ang mga ito. Pa'no ko nalaman? Umuusok pa! Halatang bagong kulo pa ang soup na nasa tabi pero wala namang kahit na anong heater o mini stove.

Mga ninja ba ang may-ari nito at nag-serve lang noong papalapit na kami ni Q?

"I smell burger."

Tumingin naman ako sa banda kung saan nakahilera ang mga burger at tiningnan ang laman.

"Do you have any allergies?"

"Why'd you ask?" takang tanong ni Q.

"There are eggs on the burger patties."

"Oh, I'm not allergic to anything."

Tumango-tango na lang ako at dumampot ng apat na burger. Nang nakabalik ako sa mesa, nilapag ko ang dalawa sa harap ni Q.

"Here. Eat up." Q nodded and muttered a small thanks before he began to eat.

"It tastes really good," he said with furrowed brows. "What'd they put in here? I can only smell the egg and the patty and the bread."

Pareho kami ng napansin kaya bahagya akong natigilan. Naalala ko bigla ang sarili kong nakaupo sa loob ng cafeteria habang nakakarinig ng tawanan mula sa mga kaklase ko.

"Dali, Wyn, hanapin mo ang hindi marumi! We soaked two of those pieces of bread inside the inidoro! Inihian naman ang isa! And ang last ay niluwaan namin! Hahahaha!"

"You fuckers! I'm going to kill you!"

"Oh boohoo! Galit ang bulag? Nyahahaha~"

"Mga peste kayo!"

"Tumigil ka na, gaga. Baka ma-fire ang tatay mo sa trabaho kapag kakalabanin mo sila."

"Wynfrost?"

Ilang beses akong napakurap. Magkasalubong ang kilay ni Q at halatang naweirduhan siya sa biglaan kong pananahimik. Bago pa siya may maitanong, inunahan ko na siya.

"So, care to tell me what happened?" I asked and decided to start eating my burgers. Nagulumihanan ako kung bakit may naalala ako bigla gayong matagal na ang mga pangyayaring 'yon. Inihilig ko na lang ang ulo at nagsimula nang makinig kay Q.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro