Chapter 14
Chapter 14
The Bliss
"What is it with you two?" Klaro sa magaspang na tono ni Spaise na naiirita na siya sa nakikita. Nagkasalubong ang kanyang kilay nang nagpatuloy lamang sa pagkain si Avicii. Tuloy-tuloy ang pagsubo at pagnguya nito, pati na paglunok na para bang nakikipag-unahan siyang maubos ang pagkain.
I glanced at the numerous viands that all have either pechays and cabbages, regardless if the dish looks aesthetically and normally impossible.
"But it's cabbage," Avicii mumbled while still chewing his food. His cheeks puffed with too much food so I had to hold back from fangirling over his cute face.
"Fuck you! Sinong maglalagay ng cabbage sa fruit salad?!" sigaw ni Spaise. Napasabunot ito sa buhok habang napapalatak. Tinitigan niya ang mga pagkaing halos mapuno ng paborito kong berdeng kulay. Sa dami niyon, sa tingin ko totoo ngang trenta ang nilagay ni Avicii. Napaisip naman ako kung paano iyon nagkasya sa refrigerator nito. "Alam kong naubos niyo na 'yong may manok pero pa'no 'tong iba?! Sinong baliw ang kakain ng ganito kadaming repolyo?!"
Spaise lectured on and on but Avicii and I were really more interested with eating our food. Kumagat ako mula sa slice ko ng pizza at nalasahan ang half-cooked na mga dahon na pinatong namin doon habang iniinit namin iyon sa oven. Malutong ang hindi gaanong luto na cabbage kaya rinig na rinig sa hapag-kainan ang pagkain namin.
"We can just send it over to the other idiots," ani Avicii at sumimsim muna ng orange juice bago nagpatuloy. "I mean Lan's wife, your unrequited love, can't even cook—"
"Huwag mo siyang madamay-damay rito!" ungol ni Spaise at dinampot ang tinidor na nasa plato niya bago tinutok ito kay Avicii. "I'll fucking kill you!"
Tumaas ang kilay ko nang nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi.
Wow. Crush niya ang asawa ni Lan?
The dude needs a pat on the back. Kaya pala laging nakabusangot, bitter pala ang lovelife. As if naman hindi ako katulad nito pero bakit na imbes magmukmok, nandito ako at nakikikain. Ah. Fuck. Ayoko talagang isipin si Rondel at ang kasal nito, ang condo unit namin na napakaraming memories, and that intensely mind-blowing sex with Quen—holy shit.
Muntik na akong nabilaukan sa naiisip kaya dali-dali akong kumuha ng tubig at nagpanggap na para bang hindi pumasok sa isipan ko ang sexy na katawan ni Q habang marahas niyaa akong binayo sa elevator—shit. Nakailang rounds ba kami sa elevator?!
"You okay?" puna ni Spaise habang nakabusangot. Lumingon naman si Avicii sa akin at napatigil sa pagkain.
"You're red."
"N-Nasobrahan lang a-ako ng nguya. Hindi ko m-malulon lahat," nauutal ko pang sabi dahil pakiramdam ko nababasa ng dalawang 'to ang utak ko dahil sa pagkakatitig nila. "So, sino-sino ang pagbibigyan natin ng mga pagkain?" pagbalik ko sa usapan nila.
"Oh," ani Avicii at sumandal sa upuan. "Lan since his wife can't cook—"
"Why are you always badmouthing Leiyana?"naiiritang tanong ni Spaise habang inaambahan ng tinidor si Avicii pero hindi naman siya pinansin ng huli.
"—and Hack since he'll probably be just eating Chinese food again." Avicii paused and looked at me. "Quentin lost his job so some food may help him save some money."
"Wow," ani Spaise at napangiwi. "Naisipan mo pa ang financial problems ni Q, ano? Eh ikaw 'tong mauubusan ng pera sa kakawaldas mo." Bumaling si Spaise sa akin habang magkasalubong ang kilay."Do you think Quentin will get his eyes fixed?"
Naestatwa ako sa kinauupuan at dahan-dahang ngumuya na akala mo'y hindi ako tumitili sa isipan ko.
"Well," nasabi ko habang inihilig ang ulo ko. I scrunched up my nose as I thoughtfully looked at what's in front of me, pretending as if I'm thinking oh so deeply when in fact I just want to strangle Spaise already. "You know how Quentin is. Gusto niyang parusahan ang sarili niya." Tumingin ako sa dalawa at nakitang nanlaki ang kanilang mga mata.
Magtatanong na sana ako pero nauna na si Avicii.
"I can believe Q told you about his life. By the way you didn't react when I said he didn't have a job. You weren't surprised." Nanlamig ang kamay ko sa narinig. "So I assume he's confiding with you."
I feigned a laugh but it came out awkward. Klarong pilit lamang iyon kaya tumikhim ako na para bang wala lang.
"H-He might have mentioned it when I hitched a ride one time," I quickly lied and started eating my food again to hide my trembling lips.
Mapakla namang natawa si Spaise kaya ilang beses akong napalunok sa kaba. Sumandal ito sa upuan at pinagkrus ang mga braso habang titig na titig sa akin.
"Pero hindi naman ganyang tao si Q. Hindi siya basta-bastang nag-k-kwento. Nalaman lang nga namin ang mga nangyayari sa kanya dahil nasabi ng pinsan niya sa amin," ani Spaise. Sinalubong ko ang tingin niya. Maloko itong tumawa. "Are you two really a thing? Hindi ba may boyfriend ka raw?"
Akala ko ba amnesiac silang dalawa ni Avicii. Tumalim ang tingin ko kay Spaise.
"He's getting married now," malamig kong sabi at tumigil na sa pagkain. Nakita kong lumambot ang ekspresyon sa mukha ng suplado, siguro ay dahil bitter ang lovelife niya.
"It's not a 'we'?" tanong ni Spaise at uminom muna ng orange juice bago nagsalita ulit. "That's really shit." Nagsimula na itong magsandok ng iilang fruit salad sa bowl niya, hindi alintana ang mga na-a-out of place na mga dahon ng repolyo. "Sige na. Tutulungan ko na kayong ubusin 'to."
Unti-unti akong napangiti sa pagngiwi nito nang nagsimula na nitong kainin ang weirdong fruit salad.
"By the way," sabi ni Avicii na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa akin. I gave him a questioning look. "You're a painter, right?"
Nagulat naman ako dahil alam nito ang trabaho ko. Tsk. Hindi talaga totoong amnesiac ang dalawang 'to.
"Yeah, why?"
"I need someone to paint some stuff in my unit," dahan-dahang aniya na para bang gusto niyang maintindihan ko ang kanyang sinasabi. "Huwag kang mag-alala. Magbabayad ako nang tama. Hindi ako kuripot tulad ng iba diyan."
Akala ko ay magagalit na naman si Spaise pero nakakagulat na magana na itong kumakain. I don't know if it's psychological when he began eating the other dishes as well while munching the cabbages hungrily. Liking cabbages must be contagious.
Binalik ko naman ang paningin ko kay Avicii at ngumiti.
"My minimum for a full wall painting with characters and details is 300, 000 pesos." Nagsinungaling ako pero agad na inilahad ni Avicii ang kanyang kamay.
"Deal?"
Ilang beses akong napakurap bago siya tinawanan. Grabe na talaga ang pagkagalante nito.
"I'm just kidding. Why do you even trust me to paint your condo?" I asked him in curiosity. "I mean you must have some connections."
He just grinned at me and said, "Then why do you trust me as well? Eating inside a condo unit with some strangers isn't normal." Nakagat ko ang labi ko sasinabi niya. "I guess it's because of Q? You trust Q's friends, huh?"
Pinigilan kong huwag mapangiwi sa sinabi nito.
"Mabait naman siyang tao." Iyon lang at tinanggap ko na ang kamay ni Avicii. Baka mangalay pa ito. "It's a deal then." Pumayag na ako para hindi na siya magtanong pa na may koneksyon kay Quentin. Mahirap na.
Bumitaw naman agad kami at bumalik sa pagkain. My beautiful cabbages~
Ring. Ring. Ring.
We both looked at Spaise when his phone rang.
Nakita ko kung paano kumunot ang noo nito nang mabasa ang pangalan ng caller.
"Why is Q calling me?"
Aksidente kong nasagi ang baso nang biglaan akong tumayo.
Crash!
"Sorry! Sorry!" natataranta kong sabi at yumuko para pulutin ang nabasag na mga parte nito.
"Huwag mong hawakan!" sabay na sigaw nina Avicii at Spaise kaya naestatwa ako sa pagkakayuko. "Sorry, Q. Yung girlfriend mo kasi nasagi yung baso dahil na-excite siya sa pagtawag mo." Pinandilatan ko ng mata si Spaise habang minumura ito nang pabulong. "Wow. Wala akong sinabing pangalan pero si Wynfrost agad sinabi mo? Hahahaha! Huli kayo!"
"Hindi ko siya boyfriend!" sigaw ko at wala sa sariling tinapon ang tinidor kay Spaise.
Natamaan siya sa braso at napa-aray pero inambahan ko pa ito ng suntok.
"Wait, Q! Amazona pala 'tong gf mo—ow!" Muling lumipad sa direksyon niya ang kutsara kaya napadaing ito ng ilang beses. Bumaling naman ito agad sa kausap muli habang nakatingin sa akin nang nakangisi. "So, Q? Why'd you call?" Padabog akong naghanap ng walis at dust pan para linisin ang mga bubog at para na rin hindi marinig ang mga kawalanghiyaan ni Spaise. Pero heto at nakabuntot sa akin ang walanghiya. Suplado ito pero may pagkabaliw rin pala. Inirapan ko naman si Avicii na nakangisi lang sa akin. Isa pa 'to.
"Lubayan mo nga ako," asik ko kay Spaise. Konti na lang at lalapag na sa mukha niya ang kamao ko.
Sinimangutan naman ako nito at tinaasan ng kilay.
"Boo~" pang-aasar pa nito kaya nasuntok ko ang braso niya. Natigilan siya at umatras bago nagsimulang magmura.
"Gago ka Q! Sa dinami-dami ng babae, amazona pa talaga!" Bago pa ulit magkapasa si Spaise, lumayo na ito bago biglaang nagseryoso. His lips formed a thin line as his usual piercing gaze went back on his face. The wrinkling on his nose told me one thing. He's definitely annoyed. Hindi ko tuloy mapigilang magtaka kung anong sinabi ni Q. "Ano? Wala kang pagkain? Ginagago mo ba ako?! Mas mayaman ka sa akin, yawa ka! Huwag mo akong maloloko, Q! Alam kong gusto mo na namang magpabili ng Sinigang! Daig mo pa ang buntis!"
Buti na lang at nakagat ko ang aking labi. Kundi ay baka kanina pa ako tumatawa na parang baliw.
~
"Bakit mo napiling magpinta?" tanong ni Avicii habang nakasandal sa pintuan ng gaming lounge. Nakasuot ito ng simpleng black shirt na may nakalagay na "I'm lazy" at checkered na pajama. Nakasuksok naman sa kanyang bulsa ang kamay bago inaantok na ngumiti sa akin. "Parang hind naman kasi bagay sa'yo ang magpinta."
Dumagundong sa loob ng silid ang tawa ko. Hindi ko alam kung natatawa ba talaga ako sa sinabi niya o sa sarili ko na hindi kailanmang naisip na maging sinuman, maliban sa isang pintor.
"Well, what do you think is the right job for me based on my appearance?" biro ko rito. "Flight attendant? Engineer? Model?"
He gave a giggly kind of chuckle, one that's ticklish to the ears yet man enough to make any girl awestruck.
"A pole dancer."
My jaw dropped when I heard that.
"Why is it so specific?!"
"Okay, this joke only works on lovers." At natawa lang ito bago pumasok na sa loob ng lounge at lumapit sa pinipintahan kong pader. Tumitig siya sa mga cubes na tila nagkausli-usli sa pader, 3D ang kinalabasan nito pero orihinal na ideya kong gumawa ng geometrical shapes na nag-o-overlap para makaporma ng isang malaking abstract painting. No, wait. I was supposed to do an abstract painting but that's just my preference. When I asked Avicii what I should paint, he just said he'd like some dimensions and symmetrical shapes that could make the eyes dizzy. I don't know what's his deal to have such a request. I mean he should've asked me to paint something relaxing.
Hindi ko na lang siya kinuwestiyon dahil iba-iba naman talaga ang mga tao. Kliyente ko siya at kaibigan ko rin kaya kailangan kong respetuhin ang gusto niya. I mean, when he'll change his mind, I can do it again and that'll bring more money. Hahahahaha. I love indecisive clients sometimes. I'm aware of my eccentric side when it comes to art but I know how to adjust. Well, it actually depends if I like my client's attitude towards me or not.
May iba kasing ang babastos. Akala nila pwede na nila akong sigawan o 'di kaya'y maliitin dahil may pera raw sila. Hah. Nakakatawang isipin na sila na nga itong lumapit, sila pa ang may ganang magalit kahit wala naman akong ginagawa sa kanila. Minsan nakikiaway pa para sa discount o minsan ay gusto ng libre. Swerte nila, ano? Ang sarap ibaon sa lupa.
Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang marinig ang hindi pamilyar na musika. Tumitig ako sa phone ni Avicii na nasa palad lang niya. Parang wala itong planong sagutin iyon.
"Ah, won't you answer that?" Hindi siya agad umimik at nanatili sa phone ang mga mata. "I don't know what your issues are but I'm honestly not bothered by the ringtone."
"Si Q tumatawag."
Muntik ko nang masipa ang malaking can ng paint sa sahig nang marinig iyon. Takte. Pakiramdam ko na-ban na sa sistema ko ang letter na 'yan.
I tried to scoff and smirk at what he said and told him, "Why are you nervous? It's just Q."
Sige, kunwari wala si Q diyan. Kunwari side character lang ako at ayos lang 'yon para sa akin. Dahan-dahan akong umupo sa sahig bago nagsimula na magpanggap na nag-m-mix ng mga kulay.
Nawala ang tunog ng ringtone ni Avicii kaya agad ko siyang tiningala. Nakita ko naman itong nakatutok ang mga mata sa akin na tila ba inaabangan niya akong tumingin sa kanya.
"You really like Q, huh?" aniya. Pinanood ko naman siyang isuksok sa bulsa ng pajama niya ang kanyang phone.
Hindi niya pala sinagot.
Binawi ko muna ang aking tingin bago tinuon ang aking pansin sa pader.
"Kaibigan ko lang siya," sagot ko sa kanyang tanong.
"Hindi ka talaga palakwento, ano?" pag-uusisa nito at naramdaman ko itong naupo sa aking tabi. "Magkatulad na magkatulad tayo." Kumunot ang aking noo at tiningnan siya.
"Anong pinupunto mo?" tanong ko rito. Parang iba ang pakiramdam ko sa patutunguhan ng usapang ito. Huwag niyong sabihing nagkakagusto na si Avicii sa akin? Tsk, tsk. I can't really help it, I'm so beau—
"Sa tingin ko ay nakatadhana tayong magkakilala." Napailing-iling ako sa narinig.
I clicked my tongue then looked at Avicii who's now definitely staring weirdly at me, like he just found something.
"Sabi na talaga." Inabot ko ang kanyang balikat at tumapik. "Hindi kita masisisi, Avicii kasi iba talaga ang ganda ko eh. Sorry talaga kasi si Rondel pa rin talaga kaya hindi ko matatanggap iyang feelings mo." I paused then thought about my situation. Avicii likes me and I'm all alone with him in his condo. Spaise has been visiting for a few days but today, he said he'll be busy. "Don't push your luck, Avicii. Wala kang makukuha sa akin dito. Plus, hindi pa ako makaget-over noong last kong sex. Grabe talaga, man. Mind-blowing!"
Unti-unting napanganga si Avicii hanggang sa halos pasukan na ng buong medium-sized cabbage ang bibig niya.
"May nangyari sa inyo ni Q?!" malakas nitong sabi at napapalakpak. May paghanga sa mata nito habang unti-unting napangiti. Ako naman ay natulala na lang sa pinagsasabi niya. "Wow. Wow. I commend you, Frost girl. Akala talaga namin tigang na habambuhay si Quentin."
"W-Wait—"
"I guessed right since you were really responsive to Spaise's taunting yesterday."
"Hindi iyon a-ang—"
Magpapaliwanag pa sana ako pero pinutol ako ng mokong.
"—and you somehow found yourself in this condominium tower which means it's either you have some business here or you're running away from something."
"That's not what—"
"—but because you received this job without worries and you're here most of the time then you must be having you're time off away from Quentin to whom you have reacted strongly a few days ago and just a while ago."
Nahilamos ko ang aking mukha sa kahihiyan.
Sa lahat ng pwedeng makaalam na may nangyari sa amin ni Quentin, ito pa talagang kaibigan niya ang nakadiskubre. Should I just deny then deny then deny?
"Walang nangyari sa amin ni Q!" nasabi ko rito habang pinipilit na ilimita ang aking reaksyon. "Come on, Avicii. Saan mo napulot 'yang ideyang 'yan?" Napahalakhak ako habang hinahampas-hampas ang kanyang balikat. "How could I have sex with that beautiful guy? Mas maganda pa iyon sa akin, my gosh! At patpatin iyon! Klarong wala iyong ilalaban sa sex!"
Avicii gave me a lazy smile and said, "You're not a very good liar."
Pinandilatan ko ito ng mata habang naikuyom ko ang aking mga kamay.
"Wala naman talagang nangyari!" giit ko bago umiwas na ng tingin. "In love pa siya kay Floell at ako naman ay kay Rondel."
Hindi na nagsalita si Avicii matapos noon dahil hindi ko natakpan ang kapaitan sa aking boses.
Nakakatawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro