Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13

The Bliss

I decided to stay away from Quentin for a few days. Hindi ko kayang makatulog sa bahay habang alam na nandoon lang siya sa kabilang bakod. Kailangan ko nang dumistansya muna bago pa magahasa ko siya roon. At kung sinuswerte nga naman, nakatanggap ako ng email galing sa abogado ni Rondel na nakapangalan na sa akin ang dati naming condo. Nakonsensya siguro ang walanghiya o baka naman gusto niya akong suhulan para huwag nang manggulo.

Well, at least I have something to distract myself with. I have to either sell our stuff, or the condo unit, or just choose renovation. The latter would be the least likely since there are so many fucking memories in that shitty place.

Nag-taxi lang ako papunta sa condo habang dala-dala ang iilang mga gamit para mag-stay doon ng iilang araw. It's kinda a vacation, or I just wish. There's a lot of things happening between Q and I. We've been really confiding to each other for a few weeks. That's why our comfort finally took us to bed. Ah shit. Ayoko nang maalala pa dahil baka kung ano na namang magawa ko.

Pagkapasok ko sa elevator, may nakasabay akong dalawang matatangkad na lalaking nakasuot pareho ng Basketball jersey. Pawisan ang mga ito kaya dumistansya ako sa kanilang dalawa. I pressed the button for the 14th floor then glanced at them. Tumingin lang sa buton ang isa sa kanila bago nagsimula na silang nag-usap.

So I guess they're going to my floor then?

"Tangina talaga ang mga putragis na 'yon! Di marunong maglaro nang patas!" Napatalon ako sa gulat nang biglaang bumulyaw ang mukhang suplado sa dalawa.

"Masyado mo lang kasing sineryoso," sabi naman ng kasama nito at sumandal sa elevator na tila nababagot.

"Huh? You think? We were betting with our cars!"

"As if naman mauubusan ka."

Suminghal ang suplado bago pinagkrus ang mga braso.

"Well, we're lucky we won though."

"Minsan iniisip kong kuripot ka," anang isa bago lumingon sa akin. Medyo nanlaki pa ang mga mata ko nang matitigan ang gwapo nitong mukha. Kulay mahogany ang kulay ng magulo nitong buhok na bumagay sa dark brown nitong mga mata. Matangos din ang ilong nito habang ang mga labi nito ay mamula-mula at katakam-takam. Ang kutis niya naman ay kayumanggi na may pagkaputla pero makinis na makinis. His lean and tight exposed arms looked sexy as he put his hands inside his pockets.

Kumunot nang bahagya ang kanyang noo pero may pagkabagot pa rin sa kanyang mga mata.

Ang gwapo.

"What are you staring for?" angil ng suplado sa kanya bago lumingon ito sa akin.

Nahigit ko rin ang hininga ko nang matitigan ang perpekto nitong mukha. Matulis ang magkasalubong niyang kilay habang ang talas din ng tingin ng kanyang kulay berdeng mga mata. His cherry lips were in a grimace while he scrunched up his nose. Nahulog sa magkabilang bahagi ng mukha nito ang iilang strand na hindi nasama sa kanyang nakaman-bun na kulay light brown na buhok.

"You look familiar," sabi ng isa bago tumayo nang maayos. Lumapit ito papunta sa akin at tinitigan ako nang husto. Halos maduling naman ako sa lapit niya pero napalunok na lang sa kaba.

Peste. Baka ma-rape na naman ako sa loob ng elevator!

Shut up, Wynfrost. It's as if you weren't consenting when Q did you back then.

Naitulak ko nang bahagya ang lalaki dahil sa naiisip. Tila nagulat pa ito dahil sa ginawa ko pero parang hindi  naman nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha.

"Whoa there," anang suplado bago natawa. "Did you really push Avicii?"

Pinigilan kong huwag mamangha sa kagwapuhan ng mga ito at sumimangot.

"You're too close." Iyon lang at umatras ako ulit bago nagsimulang magpanggap na may ginagawa sa phone ko. Tumalikod na rin naman sila na parang wala lang at nag-usap ulit.

"Have we seen her somewhere? She looks really familiar."

"Quit fucking with me. Wala akong maalala," nayayamot na ani naman ng suplado at kinamot ang kanyang leeg sa iritasyon. "We're the amnesiacs in the group, moron."

"Call me a moron again and I'll kill you."

"Moron."

Sumandal na lang ulit ang isa sa elevator habang hinihintay naming bumukas ito. Ilang segundo ang lumipas bago pinitik nito ang mga daliri at lumingon sa akin.

Natanga naman ako sa sunod nitong sinabi.

"Aren't you that Frost girl in Q's birthday?"

"What?" eksaheradong sabi ng suplado bago tumingin sa akin. "I can't remember her."

"That's because I'm awesome," walang ganang sabi ng isa bago bumaling ulit sa akin. "I'm right, right, Frost girl?"

Umismid ako sa mga ito.

"It's Wynfrost."

"Hindi ba partners kayo ni Q sa game ni Lan?" pang-uusisa pa nito. Hindi halata sa nababagot niyang mga mata ang kanyang pagkatsismoso. "Did he fulfill your wishes?"

"We're still working on that," simple kong sabi pero minumura ko na talaga ang pagkakataon. Sa dinami-dami ng pwedeng makasabay ko sa elevator, iyon pa talagang mga kaibigan ni Q! Lumayo na nga muna ako para hindi ko maalala ang isang 'yon pero heto at—teka, hindi naman kaya sinadya talaga nila akong kausapin dahil kinausap sila ni Q.

Argh. Wait. Fuck. I'm thinking too much again. Nahawa siguro ako kay Q. Shit.

"Kumusta naman si Q?" tanong ng suplado kaya nabigla ako. Wala kasi sa nakabusangot na mukha nitong kaya nitong maging concerned sa iba. "Ayaw niya kasi kaming laging bumibisita."

"That because we're fucking loud," anang isa at walang kagana-ganang inilahad ang kanyang kamay. "I'm Avicii Warring Lionid, Q's friend. From your expression, it's clear that you dont remember us."

I hesitantly took his hand and hurriedly said, "Wynfrost Wenfraim Winfrey." Natigilan ito, bahagyang nanlaki ang mga mata bago dali-daling binawi ang kamay. Hindi ko na lang pinansin ang kanyang reaksyon.

"Spaise Dark Renato," anang suplado at hindi na nag-abala pang ilahad ang kamay.

Tinanguan ko na lang ito.

"So you also live here?" tanong ng lalaking may pangalang Avicii.

"I'm planning to sell the place or the things inside."

"I see." Tumahimik ito saglit kaya akala ko hindi na ito magtatanong pero may pagkatsismoso pala talaga ito. "I just moved here so I'm having a party later. You're in the same floor as mine so we're practically neighbors. Do you want to come?"

"Dude, ang daldal mo yata," puna ng suplado na nagngangalang Spaise. Lumingon ito sa akin. "May party nga pero kaming dalawa lang yata dahil busy sina Lan at Hack. Si Q naman ayaw niya sa mga maiingay na lugar. Napilit lang ako nitong mokong dahil naaawa ako rito."

He didn't look like it though. If anything, I think he's ready to punch Avicii already.

"Ang daldal mo rin naman," nakangising sabi ni Avicii.

Spaise scowled at him and said, "Malamang sayang ang mga pinamili natin kung walang kakain!"

Aha. Kaya pala.

"Yep, kuripot ka nga."

Napaisip naman ako sa pag-imbita ng mga ito.

"Do you have cabbages?"

Nanlaki ang mga mata ni Avicii na aakalain kong ibang tao na ang kaharap ko. I think his eyes even sparkled that it almost looked somewhat familiar.

"Yes! I've got a lot of cabbages and pechays! I'll put them with the food later so they wouldn't get overcooked!"

Tila nagkantahan ang mga anghel sa narinig ko pero napansin ko naman ang palipat-lipat na tingin ni Spaise sa amin nitong newfound eating bestie ko. Hindi ko na lang siya pinansin at mabilis na inangkla ang braso ko kay Avicii.

"Okay! Let's go!"

~

"Bakit nagpakulay ka ng mahogany sa buhok mo?" nagpalumbaba ako sa couch ni Avicii habang tinititigan ko itong naglalaro ng Mobile Legends. Titig na titig ito sa screen ng computer na animo'y matatalo siya kapag kukurap siya.

"It's just naturally mahogany." Tipid niyang sabi. "How about your hair?"

"I bleached it." Ngumuso ako at prenteng naupo. "It used to be colored mahogany."

Natahimik ito saglit bago nagsabing "What a coincidence." Pagkatapos ay nagpatuloy na ito sa pag-focus sa paglalaro.

Nasa "gaming lounge" kami nitong condo ni Avicii habang si Spaise naman ay nasa sala. Hihintayin daw nito roon ang mga ini-order nilang pagkain. With Avicii's concentration on his game, I doubt he'll even budge from his seat.

Halos lahat yata ng mga kadalasang equipment ng mga gamer na nakikita ko sa mga streamers ay nandito. Naka-setup ang mga mamahaling PC sa iba't ibang bahagi ng malawak na silid. May kanya-kanya itong mga headphones at gaming chair na klarong bagong bili pa. Syempre bumili rin ito ng mga ring light, microphones, at colored keyboards. May nakita pa akong mga box ng mga component kanina na halos umabot sa iilang milyon ang presyo lahat.

Kung hindi lang ngumawa si Spaise kanina sa pagwawaldas ni Avicii ng pera, hindi ko malalamang hindi ito professional gamers. Ang dahilan ni Avicii kung bakit niya binili ang maraming PC ay dahil naka-sale daw ang mga ito. Limited lang din daw ang gaming package at tinatamad siyang mag-canvass ng mumurahin, lalo na't may pera naman siya.

Bumaling ako sa screen nang marinig ang malakas na "Victory." mula sa speakers.

"Palaro nga ako," biglaan kong sabi rito. Binibiro ko lang sana ito pero tahimik naman itong umalis sa swivel chair at tumango-tango. "Hey, I'm just kidding."

Inihilig niya ang ulo at ngumiti nang bahagya.

"No, you try," sabi nito at kumuha ng isa pang swivel chair bago itinabi ito roon sa isa. "I'll watch."

Nagkibit-balikat na lamang ako at tumayo na bago pumunta at umupo sa harap ng PC. Pinili ko ang category ng brawl hanggang sa nagsimula na ang matching at nang lumabas na ang pangalan ng mga kasama ko, hindi ko mapigilang humalakhak.

"Seriously? Ang kokorni ng IGN nila! Hahahahaha! MonkeyKong? Virgingoddess143?! Hahahahaha! Hey, what's your name?" Binasa ko ang pangalan ng account ni Avicii at mas lalong natawa. "Shit! I should've known! Hahahah! SlothKing, really?!"

"Shut up," sabi nito at tinampal ang noo ko kaya natatawa ko itong binatukan. "Ouch."

"I-a-add kita mamaya. Laro tayo. Pfft—sloth king~"

"Tsk. Then what's your IGN?" nababagot nitong sabi at sumandal sa upuan.

Bumalik ang tingin ko sa screen nang makitang pinapapapili na ako ng isa sa dalawang hero. I clicked Bane, the one tentacly round guy who spurts alcohol.

"My IGN is Frost," pagsagot ko sa tanong ni Avicii.

"Cool."

"Di ba? Cool nga kasi Frost! Hahahaha!" Pagbibiro ko rito. "Get it?"

Tinitigan lang ako nito na para bang hindi nito alam anong sasabihin. Sumimangot na lang ako at bumaling sa screen. Magsisimula na ang laro.

"Are you good in ML?"

Ayan na naman. Tsismoso talaga.

"Oo naman," pagmamayabang ko rito at nag-focus na sa laro.

15 minutes later and I was staring at Avicii's slack-jawed face.

"You! You gotta be kidding me!" sabi nito tila hindi makapaniwala. "How could you die almost fifty times in 15 minutes?!"

I shrugged my shoulders and still confidently leaned on the chair.

"Syempre. Nag-t-take talaga ng most damage ang tank, hindi ba? Sacrifice, man, sacrifice," sabi ko rito at tinapik-tapik ang kanyang balikat. Wow. So broad and hard. Hehehe.

"What the hell are you saying? Tanks should take damage but how could tanks die that many times in a brawl?! And Bane is not even a tank! Fighter siya!"

Ah. Natigilan ako.

"Hindi pala siya tank?"

"You gotta be kidding me," he said and stared at me as if I was from an entire different species. "Akala ko ba magaling ka sa ML. Ano bang rank mo?"

"Huh," sabi ko rito at ngumisi. "Mythic."

"Sinong niloloko mo?" bulong nito at napahilamos ng mukha. "Siguro ay may naka-record ng match at baka sasabog ang news sa social media na may nakapatay sa akin ng 50 times sa isang laro."

Napangiwi ako sa sinabi nito.

"Sikat ka pala?"

"Ah," he said and just shrugged his shoulders. "I don't really care that much. Tulong na rin iyon sa mga naghahanap ng gaming content. Let's just say I'm giving them opportunities."

I grinned widely at what he said and wiggled my brows at him.

"So, I can still play, right?"

"Yeah." Iyon lang at tumayo na siya. "I'll just be preparing the cabbages. I'll steam them with some chicken. Is that alright?"

"Yes! Thank you!" masaya kong sabi rito. Nakita ko pa siyang bahagyang ngumiti bago umalis muna.

Ang cute talaga ng aking cabbage bestie!

I looked at the computer and started stretching my arms.

"Alright, let's play!"

Nagulat pa ako nang may mag-pop-up na notification. Brawl daw sabi nitong player Dok IV0.

Wala sa sarili akong pumindot sa 'agree' at ngayon na man ay si Miya ang gagamitin kong hero.

Nang nagsimula ang laro, nagsimulang mag-chat ang teammates ko na mag-open daw ng mic. I-re-record din daw nila ang match.

Pumayag naman ako agad at ini-on ito.

"Hello~" bati ko sa mga ito.

"Ah. Wait. Hindi ba lalaki si SlothKing?" anang isang lalaking boses. Naririnig ko ang iilang mga sigawan sa background pero hindi naman malakas para maka-distract sa laro.

"Wait, are you friends with SlothKing?" balik kong tanong.

"IG friends. We've played a few times," sabi ng isa pang lalaki at tumawa. "So, girlfriend ka ba niya?"

"No, we're acquaintances." Mabilis ang pagsagot ko. Shit. Parang masamang ideya na nag-on ako ng mic. Sikat pala talaga si Avicii sa ML?

"Heh, acquaintance, yeah right," maarteng sabi ng isang babaeng boses. "O baka naman ay hacker ka at ni-hack mo ang account ni SlothKing?"

"What?" Tinawanan ko ito. "Grabe namang imagination 'yan!"

"Shut up, baka nga hacker ka!" sabi ng babae. Para talagang naghahanap pa talaga ito ng gulo ah.

"Shut up ka rin, bruha. Gusto ko lang maglaro kaya manahimik ka diyan. Magsisimula na!" singhal ko rito kaya sandali itong natahimik.

"Tsk. Whatever! Huwag ka lang maging feeder! Huwag kang pabigat!"

"Wow naman," sarkastiko kong sabi rito bago sumimangot. "Makikita mo talaga gaga ka."

Buong laro ay nagmumurahan kami ng bruha habang tinatawanan lang kami ng mga kasama namin. Kung pwede lang ay baka nagsabunutan na si Eudora at si Miya. Si Eudora kasi ang gamit  nito. Halos matalo pa kami dahil na-distract ang mga kasama namin sa pag-aaway namin ng bruha. Gustong-gusto ko na ngang i-off ang mic pero baka isipin ng walanghiya na panalo siya sa away namin.

"Hoy! Bobo ka ba?! Sabi nang sa likod ang MM!" matinis na sigaw ng bruha kaya sabay-sabay kaming napa-aray. Nakakatulili talaga sa tenga ang boses niya.

"Shut up! I'm not going to let you have the kill!" sabi ko rito at binilisan ang pagtira gamit ang first at second skill, kasama na ang basic attack.

"Fuck! Bobo! Hindi ka ba marunong mag-Miya huh?! Bakit ba sugod ka nang sugod?!"

"Chill guys, chill!"

"Hahahahahaha!"

"Huwag mo akong matawag na bobo, bruha! Kumusta naman 'yang KDA mo?!"

"Punyeta ka! Mas maraming beses ka pang namatay kaysa sa'kin! Feeder!"

"Shut up! Huwag kang pa-feeling! Akala mo naman nakakatulong ka! Ang liit ng magic damage mo! Mage ka pa naman!" Hihirit pa sana ako nang may naramdaman akong tumapik sa balikat ko. "Peste!"

Gulat akong napalingon sa gilid at nakita sina SlothKi—este Avicii at Spaise na naweweirduhang nakatingin sa akin.

"The food's ready," ani Avicii at tumingin na sa screen. "You turned on the mic?"

"Ahaha—" I awkwardly laughed.

"Is that SlothKing?!" sabay-sabay na sabi ng mga kasama ko sa ML at tinadtad na ang team chat.

Nabasa naman ni Avicii doon ang mga tinatanong nila kaya nagsalita ito malapit sa akin.

"Yeah, it's me. Thank you for playing with my friend."

Nagliwanag ang mundo ko dahil sa narinig. Parang ayaw ko na ngang murahin 'yong bruha dahil sa saya. May tumawag sa aking kaibigan!

[Team Chat
RayLightray(Eudora): Is your friend still new in ML coz she doesn't know how to play Miya.]

Peste. Ang sarap talagang sakalin ng bruhang 'to pero pinigilan ko lang huwag magmura dahil baka mabingi si Avicii. Malapit kasi ito sa akin.

"Well," ani Avicii at bahagyang natawa. "She's a noob, alright."

Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Avicii at napanguso.

"Bakit mo siya kinakampihan?!"

"Noob ka naman talaga. Tingnan mo kanina 50 ang number—" Kinabig ko ang leeg ni Avicii at nilapit siya sa akin. "Ack!"

"Eh kung ikaw ang sakalin ko?!"

"Ah my bad. She's a Mythic in ML," he said nonchalantly.

Inismiran ko na lang si Spaise na nagpipigil pa ng tawa sa gilid.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro