Chapter 4
Chapter 4
"Art?!"
Kitang-kita ng dalawang mga mata ko at siguradong-sigurado ako na si Art ang nasa harapan ko ngayon.
Half-naked siya at wet look. At nagkamali yata ako no'ng sinabi kong hindi siya masyadong muscular noong unang kita ko sa kaniya. Because behind on what he wears, is a firm manly body. Perpekto ang hubog ng katawan niya, may abs, malaman, uggh!
No, Vien! Hindi ka puwedeng maglaway sa kaniya ngayon! Not now! Kailangan manaig ang galit mo sa kaniya!
Tinignan niya lang ako at hindi pinansin. Pumasok siya sa kuwarto niya kaya naman sinundan ko siya. Napatingin naman ako do'n sa kama sa loob ng kuwarto niya. Dalawang kama ang nando'n. May kasama ba siya sa unit na 'to? Live in?
"Hoy! Bakit ako nandito sa unit mo, ha?!" Pasigaw kong tanong sa kaniya pero parang wala siyang narinig. Binuksan niya lang ang cabinet niya at kinuha ang school uniform niya. Lalapit na sana ako nang magsalita siya nang hindi ako nililingon.
"Stay away," sabi niya. "Labas."
"Sagutin mo muna yung tanong ko!"
"Lumabas ka sabi, magbibihis ako."
Nanatili pa rin siya sa puwesto niya kaya lumabas nalang ako sa kuwarto niya at sinarado niya naman ang pinto.
While waiting for him, I stroll around his unit. Daig niya pa ako sa pagiging organized. Hindi kaya...bakla talaga siya?
Napatingin naman ako sa ref niya na may iilang nakadikit na sticky notes at souvenir. Psh, baduy. At dahil curious ako sa kung ano ang laman ng ref niya, binuksan ko iyon. Puro meats and veggies lang ang laman no'n at iilang fresh milk.
Seriously? Wala man lang siyang stock ng alak? Haaay, napaka-boring naman pala ng buhay niya.
Pinulot ko yung librong inihagis ko kanina. Makapal ito at malaki. Binuksan ko iyon at puro about politics kaya inilapag ko nalang sa table. Naagaw din ng atensiyon ko ang mga certificates and pictures niya na nakasabit sa dingding. May mga medalya ring nakasabit dito.
"Lulong sa pag-aaral," bulong ko at pinigilang tumawa.
"Why are you giggling?" Napatingin ako nang magsalita siya mula sa likod. Nakasuot na siya ng slacks which is school uniform with black belt at naka tuck-in ang manipis niyang sando. Fresh na fresh ang dating niya. Mukha siyang kurimaw na guwapo.
"Bakit? Masama ba?! Sagutin mo na 'ko! Why am I here? Paano ako napunta rito?!" Sunod-sunod kong tanong.
"Papaano ka nga ba napunta rito? At bakit ka nandito?" Pagbalik niya naman ng tanong sa 'kin.
"What? Baliw kaba?! Tch! Siguro may ginawa kang masama sa 'kin, 'no?! Sinasabi ko na nga ba, manyak ka rin! Pervert!" Pinanliitan ko siya ng mata habang tinitignan siya nang masama.
"Sisihin mo yung magaling mong kasama kagabi. Dinala ka rito ni Jin sa pag-aakalang magkakilala tayo at matagal na nating kilala ang isa't-isa. Woman, drink responsibly. Pala-inom kana nga, kung kani-kanino kapa sumasama."
Teka, anong sinasabi niya?!
"How dare you! Iniinsulto mo ba ako, ha?!" I yelled at him.
"Pasalamat ka nga at pinatulog pa kita rito. Dapat nga ay patutulugin kita sa labas 'cause first of all, I don't know you and you have no right in my place. I don't know you even your name!"
"So what are you trying to say? Na dapat pasalamatan kita? Eh hindi nga ako sigurado kung totoo yung sinasabi mo, malay ko ba kung masama kang tao! And excuse me? Sa sofa mo ako pinatulog 'no! Asan ang hospitality do'n?!"
Napa-nganga siya at unti-unting tumawa. "W-wow."
"Atsaka, anong silbi ng extra kama sa room mo kung hindi mo rin naman ipagagamit?! Ano 'yan, display?!"
"Ibig mong sabihin, dapat ay pinatulog kita sa kuwarto ko?!"
"Bakit hindi?" Ngumisi ako nang mapang-asar pero natawa siya nang mapakla.
"Can't you just be grateful?" He demanded.
"I will never ever be grateful! Siguro minamanyak mo 'ko simula pa kagabi 'no?! Psh, kunwari kapa!" Tinignan ko siya nang masama at pinanliitan ng mata. Naglakad siya papalapit sa 'kin habang suot pa rin ang emotionless niyang pagmumukha. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa na para bang diring-diri siya sa 'kin.
"Kahit maghubad kapa sa harap ko, hinding-hindi kita pagnanasaan. Hindi ako tumitikim ng masyadong hilaw," sabi niya at saka ako nilagpasan. Napamaang naman ako sa sinabi niya.
Hindi pa man ako nakakasagot ay hinawakan na niya ang braso ko at marahas akong hinila palabas. "Labas na. Hindi ba't sa kabila lang naman ang unit mo?"
"How did you know? Did you stalk me? Huh?!"
"Nakita kitang lasing na lasing at nag-iingay sa terrace no'ng nakaraang gabi. Para kang siraulo," sagot niya.
Ibig sabihin...siya yung lalaking nasa terrace noong isang gabi na nagpakalasing ako? Shocks! Eh kung anu-anong pinagsasabi ko no'n, eh!
"Ha?! Wh--" hindi ko na natuloy ang dapat sasabihin ko dahil napalabas niya na ako nang tuluyan at sinaraduhan na ng pinto.
"Psh, walang modo!" Pahabol na sigaw ko. Inayos ko yung buhok kong nagulo at napatingin ako sa coat na suot ko.
Hmm... Eto yung coat na suot no'ng lalaki kagabi.
Umirap ako sa pinto ng unit niya. "Hinding-hindi pagnanasaan, huh? Let's see."
Pagkatapos ay padabog akong pumasok sa unit ko na katabi lang pala ng unit niya. Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako nang makita ko si mama na nakaupo sa couch.
"What are you doing here?" I asked. Tumayo siya mula sa pagkaka-upo. Naka-bun ang makapal niyang buhok at nakasuot ng makapal na make-up. Kung anu-anong alahas din ang suot niya at mahahalatang mamahalin ang damit na suot.
"Saan ka galing? At saan ka nakitulog, ha?!" Pagtaas niya ng boses sa 'kin. Hindi ko siya pinansin, nilagpasan ko lang siya.
"Puwede ba, ma? Ang aga-aga, 'yan ang ibubungad mo sa 'kin." Pumunta ako sa kuwarto ko at kumuha ng towel, underwear at uniform. Sinundan naman niya ako sa kuwarto.
"Good thing I have your unit's spare key. Pagdating ko rito ang kalat-kalat ng unit mo, wala ka? Where have you been?"
"It's none of your business, ma."
Akmang papasok na ako sa cr nang magsalita ulit siya.
"I can't bear with you anymore, Vien. Habang lumalaki ka, patapang ka nang patapang."
I just gave her a so-what-look.
"Look at you! Amoy alak! All you do is to drink, party, and smoke. Aanhin mo ang talino Vien kung hindi ka nagpapakatino? My God, you're eighteen and in legal age! You know what, kapag nagkamali ka at nakulong, hinding-hindi ka namin tutubusin o dadalawin."
My jaw clenched and I gritted my teeth. "Ginagawa ko lang yung gusto ko," sagot ko.
"Your dad is right. I should've not visit you here," sabi niya at saka lumabas ng kuwarto ko at umalis na. Nanikip naman ang dibdib ko sa sinabi niya.
I took a deep breath and immediately closed the door with all of my force. I turned on the shower and felt the water cascading down my skin.
"Walang ibang ginagawa 'yang anak natin kundi magbigay ng sakit sa ulo!"
"Lagi kana lang umuuwi ng lasing! I expect you to be the school top notcher but here you are, disappointing us!"
"Bakit ba kasi nagkakaganyan ka? Anong mapapala mo sa pagrerebelde?"
"Fine! I am going to leave this house! Give me money and I will live by myself. Ilalayo ko ang sarili ko sa inyong lahat tutal 'yon ang gusto niyo, diba?!"
Tinapos ko na ang pagligo ko at agad ng binalot ang katawan ko ng towel. Nagbihis na rin ako at nag-ayos ng sarili bago tuluyang umalis.
Isang linggo ang lumipas, naging maayos at normal naman ang pagpasok ko dahil minabuti kong babaan ang pasensiya ko sa mga bagay-bagay. Sa tuwing nakikita ko si Art ay dinededma ko na lang at pilit kinakalimutan ang mga ginawa niya sa 'kin.
Tapos na ang klase at pasakay na ako sa kotse ko. I started the engine and my brows furrowed when the car didn't move. Chineck ko ang measurement ng natitirang gasoline and realized na wala na ito.
"Damn," I cussed. Magbo-book na sana ako ng grab nang mapansin kong may lalaking gagamit ng sasakyan sa gilid ko. I looked at him and his face looks familiar. Katamtaman ang laki niya at tangkad. Maangas siya pumorma at may dating.
"Hey, you're the one who did the kiss-me scenario on the other night, right?"
Tama, siya yung lalaking nakasama ko sa bar at nagdala sa akin doon sa unit ni Art. I need to talk to him.
Nang makasakay siya sa sasakyan niya ay sumunod ako at sumakay din. I sat at the front seat beside him. Gulat siyang napalingon sa 'kin.
"Ihatid mo 'ko," sabi ko habang kinakabit ang seatbelt. Natawa naman siya at pinaandar na ang kotse.
"Feeling close, huh?" Sabi niya. I stared at him and rolled my eyes. "Good thing I'm a good guy. Kung hindi ka lang maganda, hindi kita pagbibigyan."
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. "Hoy, 'wag mong susubukang ma-inlove sa 'kin!"
Lalo namang lumakas ang pagtawa niya. "You're funny!"
"Psh! Ihatid mo nalang ako do'n sa building kung nasaan ang unit ni Art."
"You're visiting him? Haha! Kakaiba talaga si Art!"
"No way! Bakit ko naman gagawin 'yon? Magkapit-condo kami ni Art, okay?"
"Aahh," he said and nodded. Muli naman akong napalingon sa kaniya.
"Bakit mo pala ako dinala sa lalaking 'yon no'ng time na lasing ako? Paano nalang kung gumawa 'yon ng ikapapahamak ko, ha?!" I asked in a high tone.
"And where do you want me to bring you? Sa hotel? Or in my place? Baka kung anong magawa ko sa 'yo kung ginawa ko 'yon. Pfftt!" Sagot niya habang nagpipigil ng tawa. Nagsalubong naman ang kilay ko at hinampas siya sa braso.
"I'm just kidding!" He added. "You know what, Art is a good guy and full of respect. Dapat nga ay mas magtiwala ka sa kaniya kaysa sa 'kin."
"Good guy ka d'yan? Suplado no'n masyado," sabi ko naman. "I remember the first time he looked at me. Para bang pinagbagsakan ng langit at lupa. Kung simangutan at tignan ako, para akong isang napakawalang kuwentang bagay na nasa harap niya. He's not nice at all."
"That's his personality. Anyway, crush mo ba siya?" Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.
"No! Masyado siyang seryoso sa buhay. Siguro bagay sa kaniya maging nerd," sabi ko. He just chuckled again. Natatawa rin ako 'pag naiimagine ko yung mukha ni Art na may salamin, haha. Tapos magsusuot siya ng uniform na halos masakal siya, ang buhok niya ay parang dinilaan ng kalabaw at marami siyang tigyawat sa mukha!
Kaso, hindi naman gano'n si Art. Kahit papaano ay may dating siya, psh.
"By the way, I'm Jin."
"Vien," sabi ko naman.
Nang makarating na kami sa harap ng building ay bumaba na kami sa sasakyan.
"Bye!" Sabi ko kay Jin at akmang aalis na.
"Walang thank you?" He demanded. I just rolled my eyes and twisted my lips.
"Thank you's are baduy, Jin."
Tumalikod na ako at laking gulat ko nang makitang nasa harap ko si Papa.
"Papa?"
Napatingin siya kay Jin na nasa likod ko. Nakita kong sumama ang aura niya dahil sa tingin niya kay Jin.
"So this is what you're doing? Make-out?! Makipag-landian at magpahatid sa kung sinu-sino?!" Tumaas ang boses niya at nagulat ako sa mga lumabas sa bibig niya.
"Pa--" I wasn't able to continue what I'm going to say when he dragged me away. Napalingon naman ako kay Jin at tinignan niya ako na para bang tinatanong kung okay lang ako.
Nang makarating kami sa unit ko ay iniharap ako ni Papa sa kaniya.
"What do you think you're doing?! Nagpapakahirap kami magtrabaho ng mama mo to provide your needs tapos malalaman ko na umiinom at nakikipag-landian ka lang?! Kung kani-kanino nakikitulog?! What if mabuntis ka?! Nakakahiya!" Ramdam ko ang gigil ni Papa sa bawat salitang binabanggit niya.
"Ang tigas-tigas ng ulo mo, Vien! Wala ka ng ginawang matino! I regret being your father! Wala kang kuwenta!"
"Tama na, Pa!" Napasigaw ako dahil sa emosyon. I can't bear his words anymore. Masyadong masakit.
"Hindi mo ako tinatawagan o kinukumusta man lang tapos pupunta ka rito para lang sabihing wala akong kuwentang anak?! How could you?!" I wiped my tears that started to fall down from my eyes. "I wish I was gone. Sana namatay nalang ako no'ng naaksidente ako! Diba nga no'ng naaksidente ako, hindi ka rin pumunta?!" Ramdam na ramdam ko pa ang sakit no'ng naaksidente ako at hindi man lang siya dumalaw sa ospital.
"It's all your fault, Vien. Kung hindi ka nagpakalasing, hindi mangyayari 'yon. Buti nga at hindi ka namatay sa pagiging iresponsable mo," kalmadong sabi niya. Napa-nganga naman ako at hindi makapaniwala sa mga nasasabi niya. Tumingala ako at saka umiling. I again looked at him straightly in the eyes.
"I wish you're not my father. Wala kang kuwenta," kalmado ring sabi ko. Sobrang sakit ng dibdib ko at naiipon lahat ng galit ko sa papa ko. Para akong sinaksak nang ilang beses.
Mas lalo akong napadaing sa sakit nang dumapo ang kamay niya sa pisngi ko at sinampal ako.
"Simula ngayong araw na 'to, hindi na kita anak. Puputulin ko ang pagsusuporta sa 'yo. Bahala ka kung paano mo bubuhayin ang sarili mo." Muli kong inangat ang ulo ko nang sabihin niya iyon at gulat siyang tinignan.
"Do you think you can survive without us? Ni wala ka ngang alam, eh! You can't wash dishes, clothes, you can't cook! You can't live independently! I'm cutting my connection and relation with you!"
Umalis siya at lumabas ng unit. Naiwan akong tulala at hindi makagalaw. Napa-upo ako nang manghina ang tuhod ko.
My tears couldn't stop to fall from my eyes. My life really fucked up. I don't know what to do. Basta ang alam ko...gusto ko nalang mawala.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro