Chapter 4
"Hey Claud,"
Bati ko sa kanya ng sagutin niya ang tawag ko. Kailangan ko kasing ipaalam na hindi ako makakapasok dahil na rin sa nangyari.
"What do you need?" kahit sa kabilang linya ay masungit din siya. Pero sanay na ako sa gantong ugali ni Claud, he may seem cold outside but for me, he'll always be a soft older brother.
"Can I take an off, for a week? Something came up and--
"What happened? I'll go to your apartment now"
I knew that this will be his reaction. Ayaw ko sanang lumiban sa pagtatrabaho dahil magtataka si Claud, pero sinabihan ako nila Jaren na magiging delikado hindi lang para sa akin kundi para na din sa mga kaibigan ko.
"You dont have to worry Claud, everything's fine"
I want to believe what I just said to him. Pero hindi ganoon iyon. Someone wants me dead so I have to be very careful from now on.
"Are you sure? We can close the cafe today, I'll go to your apartment."
"Aww, you miss me that much? Dont worry you'll see my handsome face once I get back hahaha"
Dinaan ko nalang sa biro ang sinabi ko sa kanya. I dont want to worry him, I dont want him to get involved.
"Fucker. Get back here soon, Josh will really kill you"
Natawa ako sa huli niyang sinabi. Naiimagine ko palang ang mukha ni Josh habang tinatalakan ako ay nakakatawa na.
"Yeah baka ipasa pa sakin ang sumpa 'non hahaha, anyways, thanks Claud"
He went silent for a couple of second.
"Yeah. Call me if you need anything"
Yun lang at siya na din mismo ang pumutol sa tawag. I sighed when it ended. Hindi ko alam kung totoong isang linggo lang akong mawawala, but I hope things will get back to normal as soon as possible.
Alas otso palang ng umaga at tulog pa ang iba. Sanay naman akong gumising ng maaga dahil na rin sa may trabaho ako. Claud hates late, napakaseryoso ng lalaking iyon sa cafe niya. Minsan ay tinutukso namin siya ni Josh na iyon na ata ang girlfriend niya, but knowing Claud, he will just shrugged at our jokes.
Dumiretso nalang ako sa kusina ng mapagpasyahan kong magluto ng almusal. For sure, wala akong maaasahan kila Jaren dahil di naman marunong ang mga iyon, hindi ko naman din alam kung marunong ba si Kalen at isa pa, nagpapagaling pa ang isang 'yon.
Just like in the Philippines, I observed that Hongkong's breakfast are simple yet delicious. So I decided to make a seasoned noodles topped with egg and luncheon meat. I also prepared a congee, others called it rice porridge especially western countries, paired with fried dough stick and that's for Kalen. I remember Claud cooked this when I was sick, sabi niya makakatulong daw yon for fast recovery.
Malapit ng matapos ang mga niluluto ko ng may umupo sa silyang nakaharap sa counter table. When I looked at him, I saw Kalen.
"Oh, you're up. Okay ka na ba?" pabalik balik ang tingin sa niluluto at sa kaniya.
"Still weak, but my stomach wakes me up" seryoso na namang aniya.
Natawa ako ng mapansing nakahawak siya sa tiyan niya. Pinakain naman siya ni Jaren kagabi dahil kailangan niyang uminom ng gamot, mataas kasi ang lagnat niya epekto na rin siguro ng natamo niya sa balang may lason, pero hindi naman siya ganoon nakakain. Ngayon pa lang siguro umeepekto ang gutom niya hahaha.
Sumandok ako sa congee at isinalin sa may kalalimang mangkok.
"Here, it's congee, uhm, I dont know if you'll like it. But eat it anyways, it's for your fast recovery"
Unlike Jaren and Onyx, it gets a little awkward between us. Hindi ko pa naman siya nakakausap ng matagal, madalas ay si Jaren ang kausap ko at minsan ay si Onyx.
He started eating the congee and I felt relieved when he seems to like it. O baka dahil gutom lang siya?
Maya maya pa ay magkasunod na pumasok sa kusina sila Jaren at Onyx. Jaren is pouting again and Onyx just gave me a nod.
"You okay now?" tanong ni Onyx sa kaibigan. Kalen nodded and continued eating. Napansin kong paubos na ang kinakain niya kaya tinanong ko kung gusto pa niya.
"Ah, yes?"
Kinuha ko nalang ulit ang mangkok niya at sinalinan 'yon. Nagumpisa na ding kumuha ng pagkain ang dalawa na hindi nagpapansinan.
Ako man din ay nakisalo na sa kanila dahil nagugutom na din naman ako. Pero pansin ko talaga ang pananahimik ni Jaren at nakabusangot pa ito. Gusto ko sanang matawa sa itsura niya pero baka isipin niyang pinagtatawanan ko siya.
"Why are you smiling?" Kalen asked when our eyes met. Kibit balikat naman ang naging pagtugon ko sa tanong niya.
Nang matapos kami ay nakatitig lang kaming lahat sa lamesa. Nagpapakiramdam kung sino ang unang tatayo para magligpit. Im full, I dont think I can stand right away.
"Since you pissed me, you will do the dishes Onyx" iritableng sabi ni Jaren habang nakataas pa ang isang kilay. Nakaawang naman ang labi na tumingin sa kaniya si Onyx at parang hindi pa makapaniwala.
"When did I pissed you? Gumising kang may sama ng loob at hindi ko alam kung bakit" sa sinabi ni Onyx ay mas lalong nairita si Jaren. Inabot niya ang ulo nito at binigyan ng marahang kaltok sa ulo. Hahaha, what the hell is wrong with them? Lover's quarrel?
"Pano mo malalaman, humihilik kana kagabi! You s-said--"
"Oh you're talking about the love m--"
"Shut up! Do the dishes now, tangina ka" bigla namang tumayo si Jaren at nagwalk out.
"I said Im tired, what's wrong with that, huh? Kalen?" baling pa niya sa kaibigan na ngayon ay tahimik na umiinom ng tubig. Tinapunan lang siya ng tingin ni Kalen at nangibit balikat rin. Wala naman din akong maisagot dahil hindi ko alam ang pinagtatalunan nila.
Kahit naiinis siya ay ginawa pa din talaga niya ang pagliligpit ng mga pinagkainan namin. Nakakatawa lang at siya ang nakasimangot ngayon habang si Jaren ay nagkulong ata sa kwarto nila.
Hinayaan ko nalang muna si Onyx at dumiretso sa sala. Naabutan ko si Kalen don at mag-isang inaalis ang gasa na nakatakip sa sugat niya.
"Need help?" tumingin siya sakin at tumango, kaya naman lumapit na rin ako at umupo sa tabi niya.
Hindi katulad kahapon, mas nawawala na ang mga itim na parte sa sugat niya. Pero kailangan pa din itong linisan para hindi maimpeksiyon.
"Thank you." maikling sabi ko habang nililinis ang sugat niya.
"Hmm," napakaikli ng sagot niya pero alam kong kuha na niya ang sinabi ko.
Nilagyan ko ng panibagong gasa ang sugat niya at itinabi ang nagamit na niya. I was busy arranging the first aid kit when he ask me something.
"Where's your father?"
I was lost for words. I dont even know who and where he is. All my life, lumaki akong walang ama. Even pictures, walang naipakita si Mama.
"I-i dont know" utal kong sabi sa kaniya. Hindi ko alam kung buhay paba o patay na ang tatay ko.
"Hindi ko siya nakilala at hindi rin siya nakwento ni Mama"
Halos hindi ko mabanggit ang dapat sabihin kay Kalen dahil parang may bumabara sa lalamunan ko. Hindi ako naglakas ng loob na tanungin kay Mama kung nasaan ang tatay ko dahil ayokong maramdaman niyang kulang siya sa pag aalaga sakin. Hindi namin kailanman napagusapan. Masaya naman ng kaming dalawa lang, pero minsan ay hindi ko mapigilang isipin kung nasaan ba ang tatay ko o kung buhay paba siya.
"Im sorry" Kalen said with a comforting voice.
I met his deep brown eyes when I looked at him. Ngayon ko lang napagtuunan ng pansin ang mata niya. Para iyong nangungusap at kung titignan mong mabuti ay napakaraming emosyon ang gustong sabihin ng mata niya. I was amused by how his eyes gives comfort to me.
Naputol lang ang pagtitig ko sa kanya ng mag-ingay ang cellphone ko. When I saw Caly's name on the caller Id, agad ko iyong sinagot.
"Hey Caly"
"Hi Axl!" there she goes again. Napaka-energetic.
"Galing kasi akong cafe but you're not there"
"Ah yeah, I requested an off for a week"
Hindi naman sa naiirita ako kay Caly, she seems nice and all but she said she wont call often? Ano 'to?
"Why? Are you sick or something?"
Now she sounds like an asking girlfriend. O baka naman ganito lang talaga siya at ako lang ang nagiisip ng kung ano ano?
"Nope. Uhm--
Tumingin ako kay Kalen na para bang asa kaniya ang kadugtong ng mga sasabihin ko.
"I am with my girlfriend?"
Kumunot ang noo ni Kalen sa narinig at maging ako kay ay naweirduhan sa sinabi. Lalo pa at parang patanong ko iyong sinabi sa kanya.
"Oww I see. I thought-- nevermind. I'll hang up now then, see you around."
Nakonsensya ako dahil ramdam ko ang lungkot sa boses ni Caly matapos niyang patayin ang tawag. Stupid Axl. Hindi ko naman din kasi alam kung bakit ganoon ang sinabi ko. I could've said something but really? I am with my girlfriend? Eh wala nga ako non.
I look back at Kalen and saw him smirking. What now?
"You're really bad at reasoning. Girlfriend? Really? Mukha bang may babae dito?" pang-aasar niya.
Hindi ko siya sinagot at inis nalang na basta nilagay ang mga gamit sa first aid kit. Narinig ko pa siyang mahinang tumawa dahil sa ginagawa ko. Sige lang tumawa ka lang diyan, letse.
"I can be your girlfriend you know? Pero mas bagay ata ang boyfriend since we're both men" segunda na namang pangaasar niya.
"Shut up Kalen, you're not even funny" ako naman ay asar na asar sa katangahan ko. Oo sa sarili ko. Bakit ba kasi ganon ang sinabi ko kay Caly?!
"You said the word 'girlfriend' while staring at me. I guess you want me to be your lover?" he grinned at me. Wtf?
Hindi ko alam na may gantong side ang lalaking to. Seryoso naman kasi lagi ang mukha niya pag nakakaharap ko. Akala ko ay siya ang pinaka KJ sa kanilang tatlo.
"Will you be my lover then?"
Pang-aasar ko din sa kanya. I want to see his reaction pag pinatulan ko na siya sa ginagawa niya.
Pero mas nagulat ako ng mabilis at walang pag aalinlangang lumapit siya sakin at halos magdikit na ang mga mukha namin. Naduduling na ako kakatingin sa kaniya pero siya ay nakatingin lang sa ibabang bahagi ng mukha ko. My lips, i guess?
"If I say yes, can I kiss you?" he licked his lower lip after saying those.
Tangina. Nagbackfire pa sa'kin ang ginawa ko. I thought he will just laugh and said it was a joke but damn, sumakay pa siya sa sinabi ko!
Napatingin din ako sa labi niya at para akong nahihipnotismo doon. When I looked back at his eyes, wala na doon ang mapaglarong tingin niya but it was replaced by another emotion. Hindi ko mapangalanan kung ano.
Mabilis akong tumayo ng makabalik sa reyalidad.
"That wasn't funny!"
But instead of taking it seriously, he just lean back at the sofa and laughed at me. Dahil sa hiya ay iniwan ko siya doon at nagtungo sa binigay nilang silid. When I reached it, I immediately locked the door. But even when he was out of sight, alala ko pa din ang mga mata at labi niya.
What the hell did just happen? And why is my heart beating like crazy?!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro