Chapter 1
"Thank you, enjoy your coffee" I wink and smiled at the girl as she gets her order. I even laugh a little when I saw her blushed.
"Stop flirting with our customers, Cuizon. Get back to work" Claud said, owner of this cafe Im working at. He's my friend but he's too serious when it comes to work so I just shrugged and readied myself to take another order.
Another set of customers walked inside the cafe so I worked fast. Geez I dont want to get fired by my own friend plus I dont think I can find a job that easily.
Its Monday so the customers keep on coming. I guess, they are all tired from their work even if they've just started so they want to sip coffee to get some enery. People from Hongkong are known for their entrepreneurial spirit and desire to make money for living. They are all industrious and I admire them for that.
I was busy taking an order when this woman started to approach me and talk about something Im not comfortable to talk about.
"Axl? Axl Cuizon? Oh my god, is that you?" the woman shouted. She got the attention of the other customers inside the cafe so I just nod at them to simply say Im sorry.
"Im sorry Miss, but do I know you?" I asked her. She looks familiar yeah, but I really cant remember when and where did I met her.
"Of course you know me duh, Im Caly Aguilar, your mother wants us to date way back in the Philippines, remember?" so loud and cheerful.
Yumuko nalang ako ng mabanggit niya si mama. Memories of her keeps haunting me, especially when someone talks about her.
"Hey are you okay? Did I say something wrong Axl?" she innocently ask. Doon naman lumapit si Claud at tinanong kung anong problema, I said it was nothing but Caly introduce herself and she never stops blabbering about how my Mom ask her to be my date.
"Im sorry Miss but you're making my friend uncomfortable. Can i get your order now?"
Instead of me taking orders, Claud did that for me. He said that I can go rest but here I am, in the stock room remembering my Mom. My mom's death.
It wasn't that long, anim na buwan pa lang ang nakakaraan ng mamatay si Mama. I was in Tagaytay that time because Mom force me to pay a visit to her old friend. Pauwi palang ako noon ng makatanggap ako ng tawag galing kay Mama pero hindi na pala siya ang may hawak ng cellphone niya. When i went back to our house, nagkalat na ang mga pulis at may ambulansya na ding nandoon. Nagmadali akong makapunta sa kwarto niya pero huli na. She was already lifeless. She had cuts and bruises all over her face, ang sabi ng mga pulis ay posible daw na may nanloob sa bahay namin at marahil daw ay nanlaban si Mama dahil na din sa mga natamo niyang sugat. But aside from bruises, meron ding siya mga tama ng baril. Hindi lang iisa yon dahil sa pagkakaalala ko ay halos masira pa ang damit ni mama sa dami ng mga iyon. How could someone, who "possibly" just enter our house be that angry to mom? Bakit kailangang napakaraming tama ng baril?
Huminga nalang ako ng malalim sa naisip at naalala ko. I am now here in Hongkong, I have nowhere else to go. Kailangan kong buhayin ang sarili ko dahil wala na din naman akong kilalang kamag-anak namin na pwedeng tumulong sakin. I was lucky that I have Claud who helped me and let me stay with him here in Hongkong.
Bumukas ang pinto at pumasok doon ang kalmado pero nagaalalang si Claud. Palibhasa ay alam niya ang pinagdaanan ko, kaya alam niyang apektado pa rin ako sa tuwing may magbabanggit kay Mama.
"You can go home Axl, nandito naman na si Josh, he can take over" marahang sabi niya.
"C'mon bud, Im okay. I was just caught off guard when that lady approached me. But I can still work"
Tumango nalang siya dahil alam niyang hindi naman niya ako mapipigilan sa pagtatrabaho. Ayaw kong umuwi dahil nasasayangan din naman ako sa araw na pwede akong kumita. Isa pa, wala naman akong gagawin sa bahay maliban sa pagtulog.
"L-lumebes k-kana--fuck it, just go outside when youre ready." yon lang at tinalikuran na niya ako. Natawa naman ako dahil kahit kailan ay hindi siya natutong magtagalog. Tinuturuan ko naman siya dahil ang sabi niya ay gusto naman daw niyang matuto pero sa twing gagawin ko yun ay nauuwi sa tawanan dahil talagang nakakatawa ang pagbanggit niya sa mga salita. Lagi siyang nabubulol dahil don. Ewan ko ba sa isang yon at pinagpipilitan pa, hindi naman matuto.
Inayos ko nalang sa pagkakatali ang buhok kong may kahabaan na at maya maya pa lumabas na din. Totoo ngang andoon na si Joshua at magkasalubong na naman ang kilay niya. Lumapit ako sa kanya at sinundot ang tagiliran, napaatras naman siya at tumingin ng masama sa akin.
"Aga aga napakaasim ng mukhang binibigay mo Josh, ngumiti ka naman"
Malaya akong nakakapagtagalog dahil Pilipino din ang isang to. Siya ang kauna unahang tauhan ni Claud bago pa ako dumating dito.
"Pinaglihi ako sa sama ng loob kaya 'wag ka ng magtaka" ng dahil sa sinabi niyang iyon ay talaga namang napalakas ang tawa ko. Napakasarcastic kasi ng dating niya na kahit anong sabihin mo ay mababara ka.
"Hindi naman ata pinaglihi eh, sinumpa ka siguro Josh? Kita mo hanggang ngayon wala kang lovelife" mas lalo siyang nainis at inirapan nalang ako. Gumagawa siya ngayon ng isang bubble tea, wintermelon flavor I guess. At kahit sa paghalo halo niya ng mga iyon ay nakakunot ang noo niya kaya patawa tawa nalang ako.
"Hoy kigwa, bago kapa mautot sa kakatawa mo jan, heto ibigay mo sa table 14. Maganda yung babae, landiin mo na naman" umirap na naman siya sa akin na akala mo ay isang tunay na babae. Hindi naman ako nakikipaglandian sa mga customers naming babae pero madalas ay kinukuha ng iba ang pangalan at number ko kaya napagkakamalan niyang nilalandi ko sila. Well, minsan hahaha. Tumingin pa uli ako sa kaniya pero masamang tingin lang ang binigay niya pabalik. Napakasungit naman ng sinumpang lalaking yon.
Tatawa tawa ko nalang na kinuha ang order na bubble tea at tumungo sa table 14. Pero habang palapit ako doon ay napansin kong iyong babae kanina ang nakaupo doon kaya ng makita niya ako ay ngumiti agad siya. Tumuloy na lang ako dahil kailangan kong ibigay ang order niya.
"Hey about earlier, Im really sorry. Naexcite lang ako ng makita kita. Im sorry" she said while pouting. Joshua's right, she's pretty. She is wearing a beige off shoulder dress that hugs her body and her hair is styled in high bun.
"Its okay. Nagulat lang siguro ako? Haha im sorry about that too." I smiled at her and she just stared at me, and I find it really weird.
"Uhm is there anything you would like to order?" I asked her.
"Uhh, you?" before I could react, she came back to her senses that she even poke her face to remain focus. I laugh when I saw her doing that.
"Kung wala ka ng ibang oorder-in ay babalik na ako sa counter. Enjoy your bubble tea" kinuha ko ang tray na nakapatong sa mesa at akmang aalis na ng pigilan niya ako.
"U-uhm can I get your number? Promise I wont call often and j-just, I want to hangout with you? Hangout lang talaga" she's blushing. Natawa na naman ako sa itsura niya.
"Im sorry but I cant give you my number here, madaming tao. Kung gusto mo ay pumunta ka nalang ulit sa counter mamaya bago ka umalis, magkunwari ka nalang na may bibilhin pa ulit" mahinang sabi ko sa kanya. Tumango naman siya at umupo ulit at tuloy tuloy ang naging pagsipsip sa bubble tea niya.
Ako naman ay bumalik na sa counter at nagserve pa ulit ng orders sa ibang table. Bago nga umalis si Caly ay pumunta pa muna siya sa counter para magtake out ng bubble tea at para na din kunin ang number ko. I secretly put it inside the paperbag so that others wont see.
"Enjoy your bubble tea Maam" I wink at her. I can see her ears gets red and also her cheeks blushed too. She just nod at me and wave to Joshua before heading out.
"Sabi ni Boss Claud wag ka daw makipaglandian sa customers, nako talaga Axl" nanggigil na sabi niya sa akin.
"Hindi naman eh. Caly, happens to know me that's why Im nice to her"
Hindi ko nalang sinabi na gusto kaming ipagdate ni mama dahil mas magkakaroon siya ng dahilan at sasabihing nilalandi ko nga si Caly.
"Kwento mo sa pagong. Tumabi ka nga jan," masungit na namang sabi niya. Napakaattitude ng lalaking to. Hindi naman araw araw ganto ang ugali ni Joshua, kung ganto siyang may sumpong ay malamang may problema na naman sa mga kapatid at tatay niya sa Pinas. Minsan kasi ay naikwento niyang kaya siya napunta dito sa Hongkong dahil kailangan niyang magtrabaho para sa pamilya niya. Ang tatay niya noon ay nakulong at nasangkot sa ilegal na droga at nanay niya naman ay sumama sa ibang lalaki kaya siya ang tumayong nanay at tatay sa tatlo pa niyang kapatid. Hindi ako makarelate noon dahil wala naman akong kapatid pero pag nakikita ko siyang kausap ang mga kapatid niya ay minsan naaawa ako sa kanya. Marami kasing kailangan ang mga ito at minsan ay kinakapos na si Joshua.
Lumapit si Claud sa counter at inayos ang ibang gamit doon.
"Boss Claud--" tinatawag ko palang siya ay masama na ang tingin niya kaya naalala kong ayaw niya nga palang tinatawag ko siyang ganoon. Natawa ako at lumapit nalang sa kanya.
"May problema na naman si isinumpa, pwede mo bang ibigay sa kanya ang kalahati ng sweldo ko ngayon? Wala pa naman akong paggagamitan"
Nakakaintindi naman ng Tagalog to pero hindi niya gamay ang pananalita. Tumango lang siya sa akin kaya gets ko na yun. Isa pa ata to na wala sa mood. Ano bang meron at mainitin ang ulo ng mga tao ngayon? Hays.
Mabilis lang natapos ang araw na iyon at ngayon ay magsasara na kami. Naunang nagpaalam si Joshua dahil may gagawin pa daw siya sa apartment niya. Ako naman ang sunod na nagpaalam kay Claud, siya kasi ay may sariling kwarto dito sa cafe sa loob ng opisina niya kaya doon siya minsan natutulog. Pero may bahay din naman ang isang iyon. Hindi ko lang alam kung saan dahil di pa ako nakakapunta doon.
"Byeeee Claud! See you on Wednesday!" I waved at him and I laughed when he just gave me a middle finger. Off ko kasi bukas at silang dalawa lang ni Joshua ang magseserve. Ayaw naman niyang humanap ng ibang makakasama sa cafe dahil wala daw siyang tiwala sa iba.
Hindi naman kalayuan ang apartment ko dito kaya napagdesisyunan kong maglakad nalang pauwi. Tumingin ako sa relo ko at nakitang 7pm palang kaya dadaanan nalang muna ako sa Hongkong Skyline. Madalas akong pumunta doon dahil napakagandang tignan ang mga ilaw na nagmumula sa mga building at tila naging disenyo ng buong siyudad.
Umupo ako sa isang bench na naroon at tumitig lang sa mga ilaw. Hindi ko maiwasang malungkot. Namimiss ko si Mama. Siguro kung buhay siya ay nakikita niya din ang mga nakikita ko ngayon. Siguro ngayon, magkasama kami dito at masayang nagkwekwentuhan. Maraming sana at siguro sa isip ko pero lahat ng yun ay tungkol sa kaniya.
Ilang sandali pa akong nakaupo doon at nagisip nang pilitin ko na ang sariling umuwi at magpahinga. It's my off tomorrow but still, I dont have anything else to do. Ayokong lumalabas at gumagala dahil mabilis din naman akong mabagot. Naglalakad ako ng tumunog ang cellphone ko at nakita ang isang unknown caller.
"Hello?" ngunit imbes na may sumagot ay ilang segundo pa muna itong tahimik sa kabilang linya pero naririnig ko naman ang paghinga niya. Akmang ibababa ko na ang tawag ng makarinig ako ng boses ng babae.
"H-hello A-axl" naging pamilyar sa akin ang boses sa kabilang linya pero itinanong ko pa din kung sino siya.
"Caly?" pangungumpirmi ko.
"Hi yes its me, i was just calling, i mean Im just asking if -- Im sorry I know I said I wouldn't call often but I promise just this onc--"
"Caly relax haha. Sunod sunod na naman ang sinasabi mo" para kasi siyang nagrarap at paiba iba ang sinasabi kaya nahihirapan akong intindihin siya.
"Im sorry, Im just wondering if you had your dinner? If not, sabay nalang tayo" mas kalmadong sabi niya.
I really cant remember when I met her but she seems nice.
"Oh Im still full and Im kind of tired from work, Im sorry" i genuinely said to her. Hindi ko naman gustong iturn down siya agad especially this is first time na ayain ako, its just that, im tired.
"Oh, its okay Axl, i should've known that you're tired from work. Silly me hahaha, maybe next time?"
Kahit gabi na ay napakasigla pa din neto. I envy those energy haha.
"Yeah sure. Im really sorry Caly, next time I promise"
"Hmm I'll look forward to that. Byeee" and then she ended the call. That girl is really energetic, kahit hindi ako pumayag sa dinner na sinasabi niya ay parang hindi man lang ito nagtampo.
Maya maya pa ay nakarating na ako sa apartment ko at nakitang may mga nakaparadang sasakyan. Isang itim at isang pula. Mukhang mamahalin, minsan lang may maligaw na sasakyan sa lugar na to dahil may kasikipan ang daan. Inaalok naman ni Claud na doon nalang ako sa bahay niya pero tumanggi na ako, he had done so much for me. Nahihiya na nga ako sa mga bagay na ginagawa niya para sa akin.
Hindi ko nalang pinansin ang mga sasakyang yon at nagdiretso papasok sa apartment ko. Binuksan ko agad ang ilaw ng makapasok ako at basta nalang binagsak ang bag na dala. Kumuha muna ako ng tubig sa maliit na ref na meron ako, ultimo ang bagay na to ay bigay ni Claud. Madalas kasi ay napapanis ang mga pagkain ko dito kaya binilhan niya ako, hindi na ako nakatanggi dahil pinadeliver na mismo niya dito sa apartment ko.
"Can you also pass me one beer?"
"Yeah sure" saka ko lang napagtanto ang pagsagot kong yun ng maabot ko na ang beer. Bigla akong humarap at nakita ang isang lalaking nakapamulsa at nakangiti pa sakin. He even waved at me like we are friends and we're just chillin' here at my apartment.
"Who are you?" I asked the man. Bago pa siya makasagot ay meron na namang dumating na isa pang lalaki at ang mas ipinagtaka ko ay may duplicate siya ng susi ng apartment ko. What the fuck?!
"Oh hi there Axl, i bought groceries, wala ng laman yang mini ref mo kundi beer at tubig eh hahahaha, I hope you dont mind" natutuwang sabi pa niya. Again, what the fuck?
"Bukas pa dadating ang kuya ko pero for sure makakasundo mo yon, by the way, Im Jaren and this is my husband, Onyx" nakangiting pakilala niya. Gulong gulo ako dahil sa mga estrangherong nakapasok sa apartment ko.
"Dont freak out Axl, we're just here to protect you"
"To what?! What the fuck is going on?!"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro