Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter 5

A/N: Still available pa po ang SHE'S MINE, EXCLUSIVELY MINE sa Shopee at Lazada. Sana po makabili kayo ng book ko. Meron din po ito sa National Bookstore, Pandayan, Expressions and Booksale nationwide.

Happy weekend, guys! Enjoy reading :)

CHAPTER 5

MALUNGKOT na ibinaba ni Stella ang cellphone. Napahilamos siya sa sariling mukha dahil sa frustrasyon. Gustong-gusto na niyang bumalik sa Paris pero kailangan muna niyang tapusin ang lahat ng kailangan niyang tapusin.

Napabuntong-hininga na lang siya.

"Bakit ganyan ang itsura mo? Hindi ba dapat masaya ka na kasi nakausap mo na siya?" Tanong ni Martin na naka-kunot noo. Kasalukuyan silang naro'n sa loob ng opisina niya.

"Nagtatampo siya sa'kin, eh. Pinipilit na niya akong umuwi. I really miss him so bad." Hindi niya maitago ang pangungulilang nararamdaman. Lumapit ang binata saka ipinatong ang kamay sa balikat niya.

"Don't worry about him too much. Ilang linggo na lang, babalik ka na doon. Why don't you focus on your work for now? Ito naman ang gusto mo 'di ba, ang pagbigyan ang lola mo?" Napabuntong-hininga siya.

"Yes. But I've never thought that she would ask me to go home here in the Philippines for the sake of DLC." Napapailing niyang sagot. Martin chukled.

"'Wag mo na muna siyang isipin. Kumain na lang muna tayo. Gutom na ako." Natawa siya nang magsimula na itong kumain. Tumingin siya sa relo. Pasado alas-dose na pala. Habang kumakain sila, patuloy lamang sila sa pagku-kwentuhan.

Her mood lifted up a little bit because of him.

"Anyway, are you sure that it's okay for you to come here everyday?" Nababahalang tanong niya kapagkuwan. Kumunot ang noo nito.

"Ano bang klaseng tanong 'yan, darling? Of course, it's okay. Basta para sa'yo, gagawin ko. Alam mo namang malakas ka sa'kin." Napangiti siya sa sinabi nito. Mabuti na lang at naroon ito lagi para sa kanya.

"Thank you." She answered with a sweet smile.

"Don't mention it. Gusto ko itong ginagawa ko dahil gusto kong mapabuti ka." Tumabi siya ng upo rito saka isinandal ang gilid ng ulo sa balikat nito.

"You're really the best." Natawa ito.

"Well, of course, I am." Napailing na lang siya at natawa sa sagot nito.

****

ONE WEEK have passed and Stella has been obviously avoiding Gavril. Parang wala itong nakikita kapag nagkakasalubong sila at kung sinusubukan naman niya itong kausapin ay tila lagi itong nagmamadali.

Parang nawawalan na siya ng pasensya lalo na at palagi nitong kasama ang Martin na 'yon. Halos hindi na siya nakakalapit sa dalaga dahil lagi itong nakabantay.

Si Martin ay ang general manager ng Hotel de Luna pero lagi nitong pinupuntahan sa DLC ang dalaga kapag tanghali. Laging magkasamang kumakain ang mga ito kaya laging sira ang diskarte niya.

Napasabunot si Gavril sa sariling buhok. Hindi na niya alam ang gagawin. Para siyang may nakakahawang sakit kung iwasan nito.

Ayaw naman niyang pwersahin ang dalaga na kausapin siya baka lalo lamang lumayo ito sa kanya.

"Ano na, Gav? Ano pa ang pwede mong gawin? One week ka nang nandito pero wala ka pang nagagawa. Hanggang dito ka na lang ba? Sumusuko ka na ba?" Parang tangang kausap niya sa sarili pero agad rin siyang umiling.

Hindi siya pwedeng sumuko ng ganun na lang. Asawa niya iyon at kailangan niyang malaman kung bakit ito nagkakaganun. Alam naman niyang galit si Mishka sa kanya pero ganun na lamang ba ang galit nito para makalimutan siya nito?

He heaved a frustrated sigh. Nasa sariling opisina siya sa DLC pero wala sa trabaho ang isip. Well, wala naman talaga siyang balak magtrabaho do'n. Naroon lang siya dahil kay Mishka.

Napatingin siya sa pintuan ng opisina ni Mishka. As usual, sarado na naman iyon. Mapait siyang napangiti. Talagang iniiwasan siya nito.

He was pulled out of his reverie when his phone suddenly rang. Kunot-noo niyang sinagot iyon nang makitang ang PI niya ang tumatawag.

"It's been a week. Ano na'ng balita?" Bungad niya rito, umaasang may nalaman itong pwedeng makatulong sa sitwasyon nil ani Mishka ngayon.

"Pasensya na, sir. Wala akong makitang anumang nag-uugnay kay Ms. Stella De Luna sa asawa niyo maliban na lang sa pagiging magkamukha nila. Malayong-malayo ang pagkatao nila sa isa't-isa." Napatayo siya.

"Ano?! Did you confirm it? Sigurado ka ba sa sinasabi mo?!"

"Positive, sir. Lumaki si Ms. De Luna sa Paris. Apo siya ng may-ari ng De Luna Corporation. Matagal na siyang naninirahan doon at ngayon lang ulit siya nakabalik sa Pilipinas dahil sa pagbubukas ng De Luna Hotel." Parang nanghihinang napaupo ulit si Gavril.

Pakiramdam niya ay unti-unti siyang nawawalan ng lakas dahil sa mga naririnig. Mula nang makita niya si Stella ay sigurado na siyang ito ang asawa niya. Kahit pa ilang beses pa nitong inulit-ulit sa kanya na nagkakamali siya ay hindi niya ito pinakinggan.

Akala niya ay nagpapanggap lang ang dalaga pero sa mga naririnig niya ngayon mula sa PI niya ay mukhang nagkakamali lang talaga siya.

"Ise-send ko na lang through e-mail 'yong report tungkol sa kanya, sir, para mabasa niyo."

"S-Sige. Salamat." Pinatay na niya ang tawag. He felt like all his strength dissipated from his body. Para siyang kandilang unti-unting nauupos. Hindi matanggap ng puso niyang hindi si Mishka si Stella. Napahilamos siya sa mukha. Nanubig rin ang mga mata.

Akala pa naman niya ay tapos na ang paghahanap siya sa asawa niya. Nang malaman niyang hindi ito ang nilibing nila noon, bumangon ang pag-asa sa dibdib niya at umasang buhay pa ito at ang kanilang anak. Nang makita niya ito ay hindi maipaliwanag na saya ang naramdaman niya kahit pa itinaggi nitong ito ang pinakamamahal niyang asawa.

Pero kung hindi si Mishka si Stella, nasaan na kaya ang asawa niya? Kung buhay pa ito, bakit hindi ito nagpapakiya sa kanya? Bakit hinahayaan siya nitong ipagluksa niya ito ng mahabang panahon?

"Siguro naman ngayon, naniniwala ka na." Agad syang nag-angat ng mukha nang marinig ang boses na 'yon. Si Stella. She was standing at the doorway while gazing at him, void of any emotions. Nakabukas ang pintuan niya kaya naman malaya itong nakapasok.

Pinagmasdan niyang maigi ang dalaga. Mula ulo hanggang paa, talagang magkapareho sila ni Mishka. Paanong naging magka-mukha ang dalawa kung hindi naman magkamag-anak ang mga ito? Sigurado siyang walang kakambal ang asawa niya kaya imposibleng kambal ang dalawa.

"What do you mean?" Parang may bikig ang lalamunang tanong niya. She crossed her arms across her chest.

"Stop playing dumb, Mr. Caballero. Kahit hindi ko narinig lahat ng pinag-usapan niyo ng kausap mo, alam kong pina-imbestigahan mo ako. Ngayong nalaman mo nang hindi ako ang asawa mo, siguro naman, titigilan mo na ang paglapit-lapit sa'kin." Anito pero wala sa sinasabi nito ang atensyon niya.

Tila siya nahihipnotismo na nakatitig lamang rito. Tumayo siya. Bumaba ang tingin niya sa mapupula nitong mga labi. Parang may humihila sa kanya patungo rito.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kinatatayuan nito.

"N-Narinig mo ba nag sinabi ko?" Hindi niya ito sinagot. Ang mga mata niya ay nakatutok lamang sa mga labi nito. "W-Why the heck are you getting closer?" Nauutal na tanong nito nang mapansing lumapit pa siya lalo rito. Nang ilang dangkal na lamang ang pagitan nila, aatras sana ito pero pinigilan niya ito sa pamamagitan ng pagtukod ng mga kamay sa pintuan, trapping her in the process against the door.

Nanlaki ang mga mata nito dahil sa lapit nila sa isa't-isa.

"Mr. Caballero! W-What do you think y-you're doing?" Bakas ang panic sa maganda nitong mukha. Lalo siyang lumapit hanggang sa isang dangkal na lamang ang pagitan nila.

Napaawang ang mga labi niya nang maamoy niya ang gamit nitong pabango. Hindi niya napansin iyon nang yakapin niay ito noong opening the Hoel de Luna dahil sa halo-halong emosyon ang lumukob sa kanya noong panahong iyon. Masayang-masaya rin siya dahil nakita niya ito.

"You wear the same perfume." Anas niya. Kahit pa alam na niyang ibang tao ang nasa harap niya ay hindi pa rin iyon matanggap ng puso niya. Nagsusumigaw pa rin iyon na ang asawa si Stella.

"So what if we wear the same perfume? Sikat ang pabangong gamit ko kaya hindi nakapagtatakang marami ang gumagamit niyon aside from me. Now, let go of me!" Itinulak siya nito sa dibdib pero hindi niya ito pinakawalan.

Bagkus, lalo pa niyang inilapit ang mukha sa mukha nito hanggang sa halos magdikit na ang kanilang mga labi. Nasinghap ito.

"M-Mr. Caballero! I said, l-let go of me!" Angil nito na tuluyan nang nawala ang poise at tapang. Pero imbes na gawin iyon, inangat niya ang isang kamay saka hinaplos ang pisngi nito. Hinuli niya ang mga mata nito.

"Tama ka. Napatunayan ko nang hindi ikaw ang asawa ko pero bakit ayaw pa ring maniwala ng puso ko? Bakit sinasabi pa rin ng puso't isip ko na ikaw ang asawa ko? Kung nagkakamali lang ako, bakit ganito ang nararamdaman ko?"

"Dahil nababaliw ka na! Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na patay na ang asawa mo! You should accept that fact already!" Pigil ang galit na anito. Naging matapang ulit ang anyo. Natigilan siya.

"Patay na? This is the second time that you've said that. I've never told you that Mishka was already dead. Wala akong binabanggit tungkol sa nangyari sa kanya kaya paano mo nasabing patay na siya? Parang siguradong-sigurado ka pa sa sinasabi mo." Matiim ang titig na usisa niya.

Now, he's determined to hear any valid answer from her.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. I just assumed things, that's all!" She placed her palms against his chest. "Get away from me. Tama na ang kalokohang ito. Ngayong nalaman mo na ang totoo na ibang tao ako, siguro naman wala ka nang dahilan para manatili pa rito sa kumpanya. I don't have to explain anything to you either because I'm not whom you're looking for. I hope that's clear now."

Umiling siya. "No. Hndi ako aalis ng DLC lalo na ngayong nalaman kong parang may alam ka tungkol kay Mishka. Hindi kita titigilan hangga't hindi ka umaamin sa'kin. Kung ano man ang alam mo, sabihin mon a dahil hindi kita titigilan hangga't 'di mo sinasabi sa'kin ang alam mo." Determinadong sagot niya at nanlaki ang mga mata nito.

"Nababaliw ka na ba talaga?! Wala akong alam sa mga sinasabi mo! I don't even know your wife personally!" She spat but Gavril didn't buy it. Kitang-kita niya ang pagbabago sa mga mata nito. Parang may takot roon pero agad ding nawala nang mapansin pinagmamasdan niya ito ng maigi.

"Kung totoo 'yang sinasabi mo, then wala kang dapat ipag-alala kung manatili man ako dito sa DLC. Pero iba ang nakikita ko. You're hiding something." Akusa niya. She gritted her teeth. Naging matigas ang mukha nito.

"I don't care kung ano ang gusto mong isipin. Kung 'yan ang gusto mong paniwalaan, bahala ka. Now, let go of me before I scream." Banta nito. The corner of his lips twitched.

"Scream and I'll kiss you." Ganting banta niya. Nanlaki ang mga mata nito.

"Bastos!" Itinulak siya nito ng malakas. Hinayaan niya lang ito kaya nakawala ito sa kanya.

"Wala akong ginagawa, Ms. De Luna. You don't have to be so mad." He said amusedly and her eyes turned into slits.

"You're fired!" Sigaw nito pero hindi siya apektado.

"In case you forgot, Ms. De Luna; I signed a contract. I can sue you if you fired me without any valid reason." Kampanteng sagot niya kahit wala naman talaga siyang balak gawin iyon. He just needed to threaten her a bit. "Kapag nangyari iyon, DLC will be in hot seat. Madudungisan ang pangalan ng kumpanya niyo lalo na kung malalaman pa ng media."

"Damn you!" Galit na galit ito. Hindi niya alam kung bakit pero bigla siyang nataranta nang makitang halos umusok na ang ilong nito sa galit sa kanya.

"Don't be mad. Wala naman akong balak gawin 'yon. I was just kidding. Hinding-hindi ko magagawa sa'yo 'yon." He assured her. Hindi ito sumagot pero masama pa rin ang tingin sa kanya. Naalala na naman niya ang asawa. Ganun na ganun ito kapag nagagalit.

Before he could stop himself, he took a step forward and held her shoulders. "Honey baby, please don't be mad." Pakiusap niya. Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Alam naman na niyang hindi ito ang kanyang asawa.

"Sorry. I didn't mean—" Bago pa man niya masabi ang nais sabihin ay nagsalita ito.

"Don't ever call me that again, Mr. Caballero, or else makikita mo kung paano ako magalit." Banta nito sa walang emosyong mukha saka lumabas ng opisina niya. Naiwan siyang tulala at litong-lito. What just happened? Bakit ganun na lang ang muhi sa maganda nitong mukha nang marinig ang endearment niya para kay Mishka?

****

Ano ang masasabi niyo sa takbo ng story so far?

Totoo kayang hindi si Mishka si Stella?

Ano sa tingin niyo ang gagawin ni Gavril?

Sino nga ba talaga si Martin sa buhay ni Stella?

COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro