Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter 3

A/N: Medyo short ang update. Ayoko kasing masyadong pahabain para mas exciting. 

MAPAIT na napangiti si Gavril habang nakatitig sa kawalan at hawak ang bote ng alak. Lasing na siya at namamanhid na ang mukha niya pero ang bigat sa kanyang dibdib ay ganun pa rin. Hindi iyon mawala-wala bagkus ay tila tumitindi pa nga habang inaalala ang mga nangyari kanina sa Hotel de Luna.

Nasa isang bar siya na pag-aari ng isa sa mga kaibigan niya. He decided to drink in order to calm himself down. Pagkatapos ng mga nangyari kanina ay kailangan niya ang tulong ng alak, nagbabakasakali siyang tatalab iyon pero hindi.

Katawan lang niya ang natamaan pero ang utak at puso niya ay hindi.

Napakuyom siya ng kamao ng maalala kung paano akbayan ng lalaking 'yon ang asawa. Tinawag pa ng gag*ng 'yon na 'darling' ang dalaga at tila gusto niyang balikan ang lalaki para bugbugin hanggang sa mawalan ito ng hininga.

Ilang oras pa lamang mula nang makita niya ito pero gustong-gusto na niyang makita ulit si Mishka. Natatakot siyang baka mawala uli ito sa kanya kapag hindi siya gumawa agad ng paraan para makita ito.

Napailing siya. He doesn't buy what she said to him. Hindi siya naniniwala na hindi ito ang asawa niya. Kilala niya si Mishka dahil asawa niya ito. Mula ulo hanggang paa, kabisado niya ito kaya hindi siya naniniwala na ibang tao ito.

Sigurado siya. May eksplanasyon sa inaasta ng asawa. Tumungga ulit siya sa iniinom na alak.

"Why are you doing this, honey baby? Stella de Luna, huh? I don't believe you, Mishka. Alam na alam kong ikaw ang asawa ko. I know very well that beautiful face and body of yours. I know you. You're not good at lying. You even hate lying so why are you doing this to me now? Do you hate me that much that you even went as far as changing your name and pretended to be another person?" Napailing siya, hidni matanggap na baka galit sa kanya ang dalaga. "Mark my word, I'll take you back no matter what happens. Hinding-hindi na ako papayag na mawala ka pa sa'kin, kayo ng anak natin." Determinado niyang bulong sa sarili.

Oo, nasaktan siya sa ipinakita nito sa kanya na animo isa siyang estranghero pero pilit niya iyong tinanggal sa dibdib. Ang mahalaga ay nahanap na niya ito. Kailangan niyang malaman ang dahilan nito kung bakit nagpapanggap itong hindi siya kilala.

Akma siyang tutungga ulit ng alak nang may tumapik sa balikat niya saka naupo sa katabi niyang bar stool.

"Hindi ka man lang nagyaya. May plano ka palang magwalwal ngayon." The man said amusedly and then ordered a drink to the bartender.

"Ano'ng ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa Amerika ka?" Tanong niya na nakakunot-noo nang mapagsino ito.

"I just came back last night. Napaaga ang uwi ko. Ayokong magtagal do'n. Nakakabagot." Sagot ng kaibigan niyang si Cassius.

"Bakit? Sawa ka na ba sa mga babae mo do'n?"

"May mga babae ba ako do'n? Kailan pa?" Painosente nitong balik-tanong at muntik na niya itong batukan. Napailing na lang siya saka tumungga ulit ng alak. Balak niyang ubusin ang laman niyon bago siya umuwi.

"Hindi ka yata naiinis. Hindi mo ba ako babatukan? Himala, ah." Takang kantiyaw nito. Madalas kasing hindi niya gusto ang mga jokes nito kaya nababatukan niya o kaya ay nahahabol ng suntok. Hindi naman siya mainitin na tao pero 'pag wala siya sa mood ay nagiging maiksi ang pasensya niya.

"Shut up. I'm not in the mood for your lame jokes." Yamot niyang sagot. Napakunot-noo ito saka humarap ng upo sa kanya.

"You're not yourself, pare. Nakakapanibago ka, ah. Umalis lang ako ng ilang araw, naging mas masungit ka na." Tiningnan niya ito ng masama. Itinaas nito ang mga kamay na naimo sumusuko.

"Joke lang. Ang init na naman ng ulo mo. Nagiging ganyan lang naman ang mood mo kapag napag-uusapan si Mishka at ang anak niyo." Walang prenong anito. Hindi sumagot si Gavril kaya napailing si Cassius.

"Seriously speaking, pare. It's been 7 years. Ayoko mang sabihin 'to pero Mishka is gone. I think, you should start forgetting about her already. Marami pang mga ibang babae d'yan. Nand'yan naman si...Carla. Patay na patay naman sa'yo 'yon, 'di ba?" He glared at Cassius. That didn't sit right in him.

"Say that again and I swear, I'll break your neck." Seryoso niyang banta rito.

"Whoah! Grabe ka naman. Parang naramdaman ko na agad ang sakit dahil sa sama ng tingin mo." Anito na hinilot-hilot pa ang leeg.

"Then, don't ever say that again because that will never happen, especially now!"

"Ano'ng ibig mong sabihin?" Cassius inquired curiously.

"I finally found her, pare." Mahina ang boses na sagot niya. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat bago kumunot ang noo.

"You found her? Mishka? How come? She's already dead, right? I even attended the burial and interment 7 years ago." Bakas ang kalituhan sa mukha nito.

"Buhay siya at nakita ko siya sa opening ng Hotel de Luna kanina."

"Buhay siya at nasa Hotel de Luna?"

"Narinig mo ang sinabi ko." Inis niyang sagot. Napakamot ito sa ulo.

"Sabi ko nga. Pero pa'no nangyaring buhay siya?"

"Hindi ko rin alam pero wala na akong pakialam do'n. Ang mahalaga ay mabawi ko siya at ang anak namin." Determinadong sagot ni Gavril sa kaibigan. Hindi ito sumagot agad. Lumagok muna ito ng alak.

"I can't believe this. Ilang taon mo siyang ipinagluksa, pati anak niyo pero buhay pala sila? Unbelievable. Pero okay na rin 'yon. At last, bumalik na ang buhay mo. Sana naman, bumalik na rin ang dati naming kaibigan na si Gavril. Ilang taon na kasing parang naging ibang tao ka na dahil sa nangyari noon." Napailing-iling ito. "'Nga pala, ano'ng ginagawa niya sa opening ng Hotel de Luna? Pupunta sana ako doon para sa ribbon cutting pero hindi ako natuloy kasi nakatulog ako."

"You were invited?" Takang tanong niya rito.

"Actually, they invited my parents pero nasa Amerika sila kaya pinakiusapan nila akong dumalo on their stead. Isa kasing shareholder ang papa sa De Luna Corporation. Isa sa mga pag-aari ng corporasyon ay ang Hotel de Luna. Habang wala ang papa, ako muna ang pupunta sa DLC para sa mga meetings niya." That caught Gavril's attention.

"You mean, ikaw muna ang gagawa ng trabaho ng papa mo habang wala siya?" Kumpirma niya. Biglang may pumasok na idea sa isip niya.

"Oo, pare. Bakit? You look so interested. Mukhang may pinaplano ka, ah." Doon siya napangiti.

"Meron at kailangan ko ng tulong mo. I need to penetrate DLC." Sagot niya. Napanganga ang kaibigan. Kung kanina ay pinoproblema niya kung pa'no niya lalapitan ulit si Mishka, ngayon ay hindi na dahil may dumating na swerte sa kanya.

Now, he could finally get near her without appearing to a crazy stalker. Wait for me, honey baby. Magkikita na ulit tayo soon.

****

STELLA was staring at the city view but her mind wasn't there. Hindi niya maintindihan ang sarili. Maganda naman ang view mula penthouse niya pero hindi niya iyon ma-appreciate dahil sa dami ng iniisip niya. Gabi na at pagod siya pero aktibo pa rin ang utak niya. Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Pang-ilan na 'yan, ah." Nag-angat siya ng mukha upang tingnan ang nagsalita.

"Ha?"

He rolled his eyes and then sat on the chair across her. "Ang sabi ko, pang-ilan na 'yang buntong-hininga mo. Kanina pa kita tinitingnan. Mukhang may malalim kang iniisip. Tungkol ba 'to sa nangyari kanina sa Hotel de Luna?" Martin asked.

"Ano'ng ibig mong sabihin? 'Yon bang lalaki na nanggulo ang tinutukoy mo? Why would I think about him? Wala akong dahilan para pag-aksayahan ng panahon na isipin siya." Malamig niyang saad. Nagkibit ito ng balikat.

"Well, wala naman akong sinabing siya ang iniisip mo. I was referring to the event. Akala ko napagod ka kaya ka nagkakaganyan." He answered casually.

"Hindi ako pagod. Nami-miss ko lang si..."

"'Wag mo na muna siyang isipin. Isang buwan lang naman tayo dito sa Pilipinas pagkatapos niyon ay babalik na tayo sa Paris. Makikita mo na rin siya pagkatapos niyon. Don't worry, darling. Sigurado akong maiintindihan ka naman niya kung bakit kailangan mong umalis."

Tipid siyang ngumiti. "Thank you for being here with me, Martin. You don't know how much this means to me."

"You don't have to thank me. I'll always be here for you." Hinawakan nito ang kamay niya saka iyon hinagkan. Akma siyang magsasalita nang biglang tumunog ang cellphone nito.

"Wait. I'll just answer this call." Anito saka dumistansya sa kanya ng ilang metro. Ilang minuto rin itong nakipag-usap.

"Who was that?" She inquired when he finished.

"It was Mr. Velazquez. He just informed me that a new COO will come tomorrow." Kumunot ang noo niya.

"New COO? How come I didn't know about that?"

"Actually, nakuha na daw siya bago ka pa man bumalik dito from Paris. Mr. Velazquez was the one who assumed your position noong nag-leave ka kaya siya ang kumuha sa bagong COO. Sabi niya, magaling daw ang bagong COO kaya wala tayong dapat ipag-alala." Martin said and Stella sighed.

"Fine. Basta magaling siya at mapagkakatiwalaan, then I'm okay with it. Siyanga pala, hindi ka pa ba uuwi? Gabi na, ah." Puna niya rito.

Natawa ang binata. "Bakit, matutulog ka na ba? Want me to join you, darling?" He asked playfully and that made her beam.

"Why not? Let's go? Gusto ko na ring mahiga."

"Sige. Dito na ako matutulog. Tinatamad na rin naman akong umuwi sa tinutuluyan ko." Napailing na lang siya. Well, mas maganda na rin na dito ito matulog para may makakausap naman siya upang mawala ang mga iniisip niya.

Pero nagkamali siya. Kahit kasama niya si Martin ay nasa ibang lugar naman ang utak niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman at nalilito siya. Halos 'di siya nakatulog ng gabing iyon.

Kinabukasan, sabay silang pumasok ni Martin sa opisina. Naglalakad pa lamang siya papunta sa sariling opisina ay sinabi na ng secretary niyang naghihintay na ang bagong COO sa loob. Nagtaka siya kugn bakit ito naroon.

Nagpasalamat siya sa secretary niya saka pumasok na sa loob. Natigilan siya nang makita ang makisig na lalaking nakatalikod sa gawi niya. Her heart skipped a beat.

Nakatayo ito malapit sa table niya at kasalukuyang nakatingin sa view mula sa taas.

Transparent glass wall iyon kaya kita sa labas. She cleared her throat to get his attention. Agad itong humarap sa kanya at ganun na lamang ang gulat niya nang mapagsino ito. For some reason, her heart beat erratically upon seeing his handsome face. He's the new COO?

****

Ano sa tingin niyo ang relasyon nila Stella at Martin?

Si Stella nga ba ay si Mishka o hindi?

Sino kaya 'yong bagong COO?

COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro