chapter 29
HAPPY WEEKEND, GUYS! ENJOY READING:)
CHAPTER 29
MASAYANG pinapanuod ni Stella sina Gavril at Gavvy habang nakasakay sa jetski. Panay ang tili ni Gavvy dahil sa excitement at katuwaan habang mabilis na nagpaparoon-parito ang sinasakyan ng mga ito.
"Daddy, sige pa! Bilisan mo pa!" Rinig pa niyang hiling nito sa binata na agad namang pinagbigyan ng huli. Ngayon lamang nakasakay ang anak sa jetski kaya naman tuwang-tuwa ito. Daig pa ang nakatanggap ng maraming laruan.
Siya naman ay nakaupo lamang sa may lounge chair na may malaking payong sa may tabing-dagat. Tinanong siya kanina ng kasintahan kung gusto niya ring sumakay sa isang jetski pero umayaw siya.
Kasalukuyan pa kasi siyang kumakain ng agahan samantalang ang dalawa ay ayaw pang kumain dahil inun ang pagsakay sa jetsi kaya naman hindi pa niya inihain ang pagkain ng mga ito. Gutom na kasi siya kaya nauna na siya.
Tiningnan niya ang oras sa relong-pambisig. Malapit nang mag-alas-nueve ng umaga kaya naman ay inilabas na niya ang pagkain ng dalawa saka sinimulan nang ihain iyon sa maiit na beach table. Nang matapos ay tinawag na ang mga ito.
"Tama na 'yan! Kain muna kayo!" Malakas ang boses na aniya upang marinig siya ng mga ito. Ikinaway niya rin ang mga kamay upang mapansin siya ng mga ito. Ilang saglit pa nga ay bumalik na ang mga ito pampang.
"Daddy, balik tayo ulit mamaya, ah? Ang saya. Gusto ko ring matutong mag-drive ng jetski." Narinig niyang ungot ni Gavvy. Natawa siya. Mukhang nabitin pa ito.
"Sige, balik pa tayo ng isang beses mamaya pagkatapos nating kumain. Pagkatapos niyon, uwi na tayo kasi mataas na ang sikat ng araw. Okay ba 'yon?" Sagot naman ni Gavril.
Nagliwanag ang mukha ni Gavvy at nagtatalon pa. "Sige po, daddy!"
Sinalubong niya ang mga ito upang abutan ng twalya upang pamunas sa basang binti ng mga ito at saka bathrobe. Basa na kasi ang suot na shorts ng mga ito.
"Naku, mukhang nag-eenjoy ng husto ang anak ko, ah." Masayang salubong niya sa mga ito.
"Opo, mommy! Ang saya-saya dito. We should stay here longer together with daddy. I love it here!" Puno ng buhay na sagot ni Gavvy. Napangiti siya. Dalawang araw na sila doon sa Isla Blanca at talaga namang masayang-masaya ang anak.
Lagi itong nakadikit kay Gavril at kitang-kita naman niya ang pagkagiliw ng binata rito. Ngayong may kinikilala nang ama ang anak, parang lalong naging mas bibo at masayahin ito. Lahat ng ginagawa ni Gavril ay laging gustong tumulong at gayahin ni Gavvy. Napakataas ng tingin nito sa binata.
"I'm glad you like it here, son. Huwag kang mag-alala, lagi tayong magbabakasyon dito. Aayusin muna ni daddy ang sitwasyon natin, okay?"
"Okay, daddy." Para namang naiintindihan nito ang sinabi ng binata na tumango.
Tinulungan niya itong tanggalin ang life vest nito at ang mga damit nito dahil nabasa iyon ng kaunti saka ito pinasuot ng bathrobe upang hindi ito lamigin. Mahangin pa naman.
"Sige na, kumain ka na doon. Your breakfast is ready." Aniya pagkatapos niyang isuot rito ang bathrobe nito.
"Okay po, mommy." Tumakbo na ito papunta sa may lounge chair upang kumain.
"What about me, honey baby? 'Di mo ba ako tutulungang tanggalin ang damit ko? Medyo nabasa rin naman ako, ah." Pilyong sabi ni Gavril kapagkuwan saka siya hinapit sa baywang palapit sa katawan nito.
"Tse! Malaki ka na, no!" Natawa ito saka lalo siyang hinapit palapit sa katawan nito. Nanlaki ang mga mata niya nang bumaba ang mga kamay nito sa bandang pwet niya saka buong kapilyuhang hinimas iyon. He even grazed his hardness against her belly which made her cheeks redden.
Biglang nag-init ang katawan niya. "G-Gavril!" Saway niya saka napatingin sa gawi ng anak. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang busy ito sa pagkain at hindi nakatingin sa kanila.
"You're so sexy on your swimsuit and you're making me hot right now." Paos ang boses na anito. Kitang-kita niya ang bumabangong pagnanasa nito sa kanya. Nakasuot siya ng two-piece swimsuit na kulay pula.
Biglang nanuyo ang lalamunan niya pero hindi siya nagpadala. Gavvy was just a couple of meters away from them, for heaven's sake!
"Reign in your horse, mister! Nasa malapit lang ang anak mo!" She rebuked in an almost inaudible voice. Tila naman nagulat ang kasintahan sa lumabas sa bibig niya.
"Anak mo? Wow, I like the sound of it. Mabuti naman at tanggap mo na na ako ang ama ni Gavvy." His eyes were sparkling with total happiness.
"Tanggap na tanggap ko kasi sa isip at puso ko, ikaw lang ang lalaki sa buhay ko. Ikaw lang ang nakilalang ama ni Gavvy. Wala na akong dahilan pa para hindi ko tanggapin iyon. Besides, it looks like Gavvy is really enjoying your bonding moments together. Ngayon ko lang nakitang ganung kasaya ang anak ko. You're making me fall in love with you again." Lumuwang ang ngiti ng nobyo. He looked so pleased.
"Ako rin naman. Bawat araw na lumilipas na kasama kita, kayo ni Gavvy, lalo akong na-iinlove sa'yo. You're such a wonderful woman." He kissed her on the lips and her heart swelled with happiness. "Anyway, you mean it? Tanggap mo na talagang ako ang ama ni Gavvy?"
She rolled her eyes. "Ayaw mo ba?"
"Of course, gusto ko. Ikaw lang naman ang ayaw tanggapin ang katotohanan, eh."
"Hmp! Whatever. Sige na, palitan mo na 'yang damit mo para makakain na rin tayo." Hinalikan niya ang pisngi nito saka ibinigay ang twalya at bathrobe rito.
"Bilisan mo." Bulong niya rito saka buong kapilyahang kinagat ang sensitibong parte ng tenga nito. He grunted because of what she did. Mukhang naapektuhan ito ng ng husto sa ginawa niya.
He was about to cup her face and kiss her but she quickly distanced herself from him. Natawa siya nang makitang nakabusangot na ito.
"Oh, bakit nakasimangot ka yata, honey baby?" She asked, feigning ignorance. His eyes darkened in need.
"You'll pay for that tonight, honey baby. Mark my word." Kitang-kita ang pagnanasa sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Ngumisi siya.
"Let's see about that." Kinindatan niya ito saka tatawa-tawang iniwan ito roon.
"Mommy, bakit ang saya-saya mo po?" Takang tanong ni Gavvy nang makalapit siya rito at maupo sa tabi nito.
"Wala naman, mon cœur. Sige lang, kain ka lang d'yan. 'Wag mong pansinin si mommy."
Tumingin si Gavvy sa gawi ni Gavril habang nakakunot-noo. "Ano po'ng ginagawa ni daddy doon?"
"Hayaan mo muna ang daddy mo. Nagpapalit lang ng damit. Lalapit na rito 'yon mamaya pagkatapos niya doon." Sagot niya saka itinuloy na ang pagkain.
"Okay po." Ilang segundo nga ay lumapit na rin si Gavril sa kanya at masaya silang nagsalo sa pagkain. Syempre, si Gavvy na naman ang daldal ng daldal. Panay ang kwento nito ng kung anu-ano. Panay rin ang bida nito sa ama ng mga achievements nito sa Paris.
"Really, son? You're already a blue belter in karate?" Manghang-mangha na tanong ni Gavril.
"Yes, daddy. Sumali na rin ako sa competition before and I got the 2nd place." Pagbibida ni Gavvy. Tumingin sa kanya si Gavril.
"Wow! Ang galing naman ng anak natin, honey baby. Kaya pala ang kulit-kulit at punong-puno ng energy."
Natawa siya. "Oo naman. Pero kahit nagka-karate siya, hindi niya ginagamit ang kakayahan niya sa maling mga bagay. Malambing at mabait pa rin na bata that's why mommy loves him so much. I'm so proud of him."
"Talaga po, mommy?"
"Oo naman, baby." Dahil sa tuwa, tumayo ang anak saka yumakap sa kanya. Hinagkan niya ito sa noo.
"I love you so much, mommy."
Para namang nainggit si Gavril. "What about daddy, son?" Sabi nito sabay turo sa sarili. Natawa siya.
"Of course, I love you too, daddy. You and mommy are the best!" Ginulo ni Gavril ang ulo ng anak. Maya-maya pa ay nasa tubig na ulit ang dalawa at itinuloy ang pagje-jetski.
Napakagaan ng pakiramdam niya at parang nawala lahat sa isipan niya ang mga alalahanin habang pinapanuod niya ang dalawa. Wala nang mas sasaya pa sa kanya. Ngayon lamang niya naiparamdam sa anak ang isang kompletong pamilya.
Pero kinagabihan niyon, hindi siya dalawin ng antok. Umaalingawngaw sa isip niya ang banta ng ama at natatakot siyang totohanin nito ang sinabi nito. Ayaw na niyang mawalay pa sa nobyo. Nang makilala niya ito, pakiramdam niya ay doon pa lang ulit nagsimulang umikot ang mundo niya.
Before, she felt like she was living in a standstill. Ang anak lamang ang nagbibigay kasiyahan sa kanya. Kahit pa maganda ang buhay niya at sagana sa material na bagay, may hinahanap pa rin ang puso niya na hindi niya mawari.
Pero nang dumating sa buhay niya si Gavril, pakiramdam niya ay nagkaroon ng kulay ang paligid niya at natutunan niyang maging masaya sa piling ng isang lalaki.
Pinangako niya sa sarili noon na kay Gavvy na lang siya magfo-focus kahit pa may mga nanliligaw sa kanya dahil natatakot siyang baka masaktan ang anak. Ayaw niyang gawing komplikado ang buhay nilang mag-ina.
"You look down. What happened, huh?" Napasinghap siya sa gulat nang biglang magsalita ang kasintahan sabay yakap sa kanya mula sa likuran niya.
"You startled me!" Tumawa ang kumag saka siya pinatakan ng halik sa batok. Nakapusod ang buhok niya kaya malaya nitong gawin iyon. Kasalukuyang nasa terasa siya, nagpapahangin habang nag-iisip.
"Sorry. You just looked preoccupied kaya lumapit ako sa'yo. Besides, you look so sexy in your nightgown and I couldn't help but to get affected just by staring at you." Isinubsob nito ang mukha sa leeg niya. He inhaled. "Hmmm. You smell so good and addicting." Malambing na bulong nito.
Biglang nag-init ang katawan niya. Kahit kailan talaga, ang nobyo lang ang nakakaapekto sa kanya ng ganun. Napakagat-labi siya at napaungol nang nagsimula na nitong halikhalikan ang leeg niya, deliberately seducing her.
"Gavril..."
"Ano ba ang iniisip mo kanina?" Mahinang tanong nito pero hindi naman tumitigil sa paghalik-halik sa leeg niya. Biglang nawala ang init ng katawan niya dahil naalala niya ulit ang ama.
"Honey, wait." Aniya saka kinalas ang mga braso nitong nakayakap sa katawan niya saka humarap rito.
"Why? Ano'ng problema?" Kunot-noo nitong tanong. Natawa siya nang mahina dahil kitang-kita ang pagkabitin sa mukha nito. Ipinulupot niya ang mga braso sa leeg nito saka hinagkan sa pisngi.
"Nothing. May iniisip lang ako."
"About what? Is there any problem? Tell me." He coaxed her. Napabuntong-hininga siya saka nagbaba ng tingin. She untangled her arms around his neck and then sat on the chair.
"Tumawag si daddy noong isang araw." Simula niya.
"What? Ano'ng sinabi niya sa'yo? Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin?" Hindi siya nakasagot agad. She huffed.
"I'm sorry that I didn't tell you right away. Nawala sa isip ko." Bumuntong-hininga siya bago nagpatuloy.
"Sabi niya, binibigyan niya kami ni Gavvy ng tatlong araw upang umuwi dahil kapag hindi kami nakauwi after that, he would come and get us wherever we are. Kilala ko ang daddy. Gagawin niya talaga ang banta niya." Walang nagsalita sa loob ng ilang segundo. Gavril looked pissed. His jaw flexed tightly.
He released a breath before he took her hand and kissed it. "Ano'ng plano mo ngayon?"
"Honestly, hindi ko alam. Ang alam ko lang ay ayaw ko nang bumalik doon. Pakiramdam ko ay puro kasinungalingan ang buhay ko doon. Noon, akala ko, swerte ko kasi kahit wala akong maalala, nand'yan naman ang buong pamilya ko. Kahit pa pakiramdam ko ay sobrang nasasakal ako, mahal ko pa rin sila.
"Pero ngayon, na-realize kong malaki pala ang kulang sa buhay ko. Pakiramdam ko ay niloko ako ng sarili kong pamilya."
His eyebrows knitted together. "What do you mean?" Mapait siyang napangiti.
"Hindi ko alam kung tama ba ako o napa-paranoid lang ako. Pero pakiramdam ko, alam nila ang tunay na nangyari sa'kin noon pero inililihim lang nila. 'Yong gamot na ipinaiinom nila sa'kin noon, pakiramdam ko, iyon ang dahilan kung bakit hindi ako makaalala.
"I've undergone a therapy before and I thought, it would help me recover my memory but I was wrong. Mas lalo lang nawala ang lahat hanggang sa wala na pati 'yong mga kaunting napapanaginipan ko." Malungkot siyang tumingin sa mga mata ng nobyo. "Ayaw ko nang bumalik doon, honey. Gusto ko munang makaalala bago ko ulit sila harapin."
"Huwag kang mag-alala, honey baby. Hindi kita ibibigay sa kanila. Kahit mahanap pa nila ang Isla Blanca, hinding-hindi ko kayo ibibigay ni Gavvy sa kanila. You are my wife and Gavvy is my son. Period." Sumilay ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang sinabi nito. Gumaan ang pakiramdam niya.
Tumayo siya saka yumakap rito. Kanina ay punong-puno siya ng pangamba pero ngayong narinig ang sinabi ng nobyo, nawala ang lahat ng iyon.
"Thank you, honey baby, kasi pinagaan mo ang loob ko." Hinalikan nito ang noo niya.
"You don't have to thank me. Bukas, darating na ang hinihintay kong report ng kaibigan kong PI. Malalaman na natin ang lahat."
"Ang alin?"
"Ang katotohan." His arms tightened around her waist and then enveloped her into a tight embrace. Tumingala siya dito upang salubungin ang mga mata nito.
"Pa'no kung—" Bago pa man niya masabi ang mga nais sabihin, sinakop na ng mga labi nito ang kanyang mga labi para sa isang masarap at mainit na halik. Napaungol siya.
"Don't think about any negative things, baby, kasi kahit ano pa ang resulta ng imbestigasyon niya, mamahalin ko pa rin kayo ni Gavvy at walang makakapaghiwalay sa atin kahit kailan."
"Promise?"
"Promise." Her heart swelled with so much joy.
"I love you." Buong pagmamahal niyang bigkas. Pinagdikit nito ang kanilang mga noo.
"And I love you too, honey baby. You don't know how much." Pareho silang napangiti sa isa't-isa saka muling naglapat ang kanilang mga labi. Nang gabing iyon; just like usual, they made love in the other room bago sila matulog.
Kinabukasan, nagpunta sila sa Secret Lagoon upang mag-picnic na pamilya. Syempre, masayang-masaya ang anak niya. Pati sila ni Gavril ay talaga namang nag-enjoy. Kumuha sila ng mga larawan bilang isang pamilya sa napakagandang lugar na 'yon.
Nadagdagan ang mga magandang ala-ala nila nila Gavril sa paraisong 'yon dahil ngayon, kasama nila ang anak nila.
They spent the whole day there and it was such a happy day. Ngunit nang bumalik sila sa bahay kinahapunan ay may sumalubong sa kanilang balita. Dumating ang hinihintay na kaibigan ni Gavril na si Duke.
"Bud, ito na ang mga nakalap kong impormasyon. Pasensya na at medyo natagalan. Nahirapan ako dahil sa mga humaharang. Personal na akong pumunta rito dahil gusto kong makarating sa'yo ito nang ligtas." Anito saka ibinigay ang isang envelope.
Kunot-noong binuksan iyon ni Gavril saka binasa ang nakasulat sa mga papel doon. Stella's heartbeat was fast because of nervousness. She felt like her breath got stuck in her throat. Kinakabahan siya sa maaaring laman ng envelope na 'yon. Napalunok siya.
"A-Ano'ng nakasulat, honey?" Medyo nanginginig ang boses na tanong niya. Tumingin ang nobyo sa kanya at kitang-kita niya ang sakit na dumaan sa mga mata nito. Napa-upo ito sa upuan na parang nawalan ng lakas ang buong katawan.
Nalaglag ang mga luha niya. Sa itsura nito ay alam na niya kung ano ang laman na impormasyon ng mga papel na hawak nito.
"Gavril..." She began softly and was about to hold his hand when somebody spoke from behind her.
"Stella!" Nanlalaki ang mga matang napalingon siya at ganun na lamang ang gulat niya nang makita ang ama kasama ang mommy at lola niya. May kasama ring bodyguards ang mga ito. Hindi siya nakapagsalita agad.
Naroon sila sa patio ng bahay kaya naman agad nilang nakita ang mga bagong dating. Si Gavvy ay nasa taas, kasalukuyang naliligo.
"Didn't I tell you that I would find you, Stella? Where is Gavvy? Let's go home!" Akmang hahawakan ng ama ang kamay niya nang biglang humarang si Gavril sa pagitan nilang mag-ama. Napasinghap siya nang makita ang matinding galit sa mukha ng nobyo.
"What is the meaning of this?" He asked her father through gritted teeth. Parang sasabog na parang bomba ang itsura nito dahil sa matinding galit.
"I don't need to explain anything to the likes of you!" Sagot ng ama saka hinawakan siya sa kamay at hinila.
"Let's go home whether you like it or not!"
"Daddy, no! I don't like to go back home!" Pilit niyang hinila ang kama mula rito pero hindi siya nito binitawan.
"Let go of her." Mariin ang boses na sabi ni Gavril pero hindi ito pinakinggan ng ama at patuloy pa rin siyang hinila. Doon na sumabog ang galit ni Gavril.
Namalayan na lamang niyang nagpapambuno na ang ama at ang kasintahan.
"Stop it!" Tili niya pati na ang abuela at ng ina. Pilit silang umawat pero hindi pa rin tumigil ang mga ito. Galit na galit ang dalawa sa isa't-isa at para nang magpapatayan. Kahit may edad na ang ama, matikas pa rin ito dahil alaga ang katawan sa gym.
"I said stop it!" Pilit niyang pinaghiwalay ang dalawa. Pati si Duke ay tumulong na rin. Ngunit hindi sinasadyang matulak siya ng mga ito kaya nawalan siya ng balanse at natumba. Dahil doon ay bahagyang tumama ang ulo niya sa isang matigas na bagay.
Napadaing siya sa sakit pero nagdilim na ang pangin niya.
"G-Gavril..." 'Yon ang nanulas sa kanyang mga labi bago siya mawalan ng malay.
****
Ano kaya ang laman ng envelope na ibinigay ni Duke kay Gavril?
Makukuha kaya ng ama ni Gavril sina Stella at Gavvy mula kay Gavril?
Ano kaya ang mangyayari kay Stella pagkatapos nito?
Ano kaya ang mangyayari sa susunod na chapter?
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro