chapter 11
A/N: Tapos na ang TB & TP series 3 kaya ito muna ang iko-concentrate kong isulat. 'Nga pala guys. Available pa rin po ang book ko na 'She's Mine, Exclusively Mine' sa Lazada at Shopee. Pwede niyo rin po siyang bilhin sa National Bookstore, Expressions, Booksale at Pandayan nationwide. Sana po masuportahan niyo ako. Thank you:)
CHAPTER 11
SINIPAT ni Stella ang sarili sa salamin. She looked radiant and beautiful with her red skater dress and light make-up on. Ngunit ang shade ng lipstick niya ay dark red which accentuated her milky white skin. Ang mahaba niyang buhok ay nakapusod.
"Ano ba 'tong ginagawa mo, Stella?" Tanong niya sa sariling repleksyon sa salamin saka napakagat-labi. Akala niya ay napipilitan lamang siyang pumunta sa date nila ni Gavril pero bakit siya nagpaganda ng husto? Napailing siya.
"Get yourself together! 'Wag mong hayaang maapektuhan ka niya! This is not like you!" Parang tangang aniya. Inis niyang kinuha niya ang purse saka lumabas na ng suite niya. Pagbibigyan lang niya si Gavril sa gusto nitong dinner date bilang pasasalamat dahil sa pagligatas nito sa kanya pero pagkatapos niyon, iiwas na talaga siya rito.
Sumakay siya sa elevator papunta sa ground floor. Pagbukas ng elevator ay maglalakad sana siya papunta sa lounge area nang may magsalita sa bandang kanan niya.
"You look so stunning in that dress." Agad siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang baritonong boses na 'yon. She bit back a gasp when she saw Gavril, looking so dashing in his get-up. Naka-summer shirt ito na kulay pula at nakalilis hanggang siko ang mga manggas. Hindi iyon nakabutones kaya kita ang pang-ilalim nitong suot na putting sando.
Naka-casual pants ito na nakatupi ang laylayan. Pinaresan nito ang suot ng moccasin. He looked so manly yet stylish. Simple lang ang suot nito pero ang lakas ng dating sa kanya.
Biglang nanuyo ang lalamunan ni Stella. Hindi niya mapigilang magmasdan ang medyo wavy nitong buhok. His chiseled jaw looked so perfect with his one week old beard. Matangos ang ilong nito at ang itim na itim nitong mga mata ay tila nang-aakit kung tumitig.
Hindi sinasadyang dumako ang mga mata niya sa mga labi nito. Bigla niyang naalala ang mga halik na pinagsaluhan nila. His lips suddenly stretched for a lipsided grin upon noticing her staring at him. Doon siya natauhan sa ginagawa niyang pagtitig rito. What the heck do you think you're doing, Stella? Were you just gawking at him?!
Unti-unting lumapit ang binata sa kanya. Ang isa nitong kamay ay naka-pasok sa bulsa nito samantalang ang isa naman ay may hawak na bouquet. Kahit ayaw man niyang aminin sa sarili, gwapo ito at napakalakas ng dating at hindi niya maitatanggi iyon.
"For you, my lady." Anito sa swabeng tinig saka inabot sa kanya ang pumpon ng mga bulaklak na hawak nito. Napaka-pula ng mga roses na iyon at amoy na amoy niya ang halimuyak niyon.
She cleared her throat to pull herself together. "Thank you." Sagot niya saka tinanggap iyon.
"Shall we go?" Inabot nito ang kamay sa kanya na nagpataas ng isang kilay niya. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan.
"Saan mo ba ako dadalhin?" Curious na tanong niya rito kapagkuwan. Mahina itong natawa saka walang paalam na hinawakan ang isa niyang kamay.
"You'll see. Let's go." Bago pa man siya makapagreklamo sa paghawak nito sa kamay niya ay iginiya na siya nito palabas ng hotel. May naghihintay na sports car sa harap ng lobby at nagtaka siya nang sinalubong sila ng bellboy at inabot ang susi.
Nagpasalamat ang binata saka pinindot ang open button sa susi.
"Is this yours?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang magandang sasakyan. The sleek scarlet red car looked so stunning.
"Yup. Sakay na." Sagot nito saka siya pinagbuksan ng pintuan. Sumakay na lamang siya at hindi na nagtanong pa. Pagkatapos nitong isara ang pintuan ay sumakay na rin ito saka pinaandar ang sasakyan. Ilang sandali pa ay nasa kalsada na sila.
"Kailangan ba talagang lumayo tayo? I thought, sa resort lang tayo?" Hindi niya napigilang itanong.
"Well, you thought it wrong, Stella. When I asked you for a dinner date, alam ko na kung saan kita dadalhin."
"So, saan nga? You haven't answered my question yet." Natawa ito.
"Secret. Malapit lang 'yon. Don't worry, wala naman akong gagawin sa'yong hindi mo magugustuhan." Pilyo ang pagkakangiting saad nito. Nag-init ang mga pisngi niya. Parang may ibang nais ipahiwatig ang pagkakangiti nito na hindi niya mawari kung ano.
"Siguraduhin mo lang, kung hindi, lagot ka sa'kin." Banta niya na ikinatawa ulit nito. Napatitig siya sa masaya nitong mukha. Ngayon lamang niya nakita ito na ganun. Parang lahat ng problema nito sa buhay ay tila nawala. Ang aura nito ay hindi na kasing-dilim noong una silang nagkita sa opening ng Hotel de Luna.
Inalis niya ang tingin rito dahil dahil biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Pinanuod niya ang tanawin sa labas. Wala masyadong makita sa paligid dahil kaunti lang ang mga street lights.
Pagkatapos ng humigit-kumulang sampung minuto ay tumigil na rin ang sasakyan. Bumaba siya saka tiningnan ang buong paligid.
"C'mon, pretty lady. You should've waited for me to open the door for you. I was trying to be gentleman here." Pinaikutan niya ito ng mga mata.
"You're not even a gentleman." Bulong niya sa sarili.
"I am. Ikaw lang naman yata ang hindi naniniwala, eh." Sagot nito na ikinagulat niya.
"Narinig mo 'yon? Ang lakas naman yata ng pandinig mo. May lahi ka bang aso?"
"Ako, may lahing aso? Ang gwapo ko namang aso niyan." He said full of confidence and she couldn't control her laugh.
"Alam mo ikaw, feeling ka rin, no?"
"Feeling na ba ang pagiging honest ngayon?" Pilyong tanong nito na nakangisi. Napailing na lang siya.
"Whatever. Anyway, where are we?" Tumingin ulit siya sa paligid. Nasa harap sila ng isang restaurant. Allie's place. Iyon ang nakalagay na pangalan ng restaurant. Sa labas pa lang ay kita nang maganda at hindi basta-basta ang lugar.
"We're here at my favorite restaurant here in Pagudpud. Let's go?" Hinawakan nito ang isa niyang kamay saka pinagsalikop ang mga kamay nila.
"Hey! Nakakarami ka na, ah! Hindi naman tayo mag-nobyo para mag-holding hands." She tried to pull back her hand but he didn't let her. Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero nginisian lang siya ng kumag.
"Correction. Hindi pa." He emphasized the last word. Kumunot ang noo niya. Hindi niya agad na-gets ang gusto nitong iparating.
"W-What?"
"Narinig mo ako, Stella." He winked at her playfully. "Tara na. Gutom na ako." Yaya nito saka hinila na siya papasok sa loob. Gusto niyang itanong kung ano ang ibig sabihin nito sa sinabi nito pero nagdalawang-isip siya. Sa 'di malamang kadahilanan ay parang kinakabahan sa isasagot nito.
Kakapasok lamang nila sa loob nang may sumalubong sa kanila.
"Naimbag nga rabii yo, apo." Salubong sa kanila ng isang lalaki na may kahabaan ang buhok. Naka-polo shirt ito na bukas ang mga botones kaya kitang-kita ang maskulado nitong pangangatawan. He paired it with mesh shorts and slippers. Parang galing lang ito sa beach sa porma nito.
May medyo makapal na balahibo ito sa dibdib. Unang tingin pa lang ay alam na niyang hindi ito purong pinoy. Parang bad boy ang dating nito sa kanya.
"Pwede ba, 'wag mo nga akong kausapin sa salitang hindi ko maintindihan." Masungit na reklamo ni Gavril na ikinatawa ng lalaki. Hindi niya maalala pero parang nakita na niya ito. Nagtama ang mga mata nila at kitang-kita niyang tila nagulat ito pagkakita sa mukha niya.
"Magseselos na ba ako niyan?" Bulong ni Gavril sa kanya kapagkuwan. Kumunot ang noo niya saka napatingin rito.
"What the heck are you talking about?" Litong tanong niya.
"Titig na titig ka kasi sa mokong na 'yan. Mas gwapo naman ako sa kanya." Tila iritableng sagot nito.
"Hoy, mas gwapo kaya ako sa'yo, Caballero." Sabi naman ng lalaki na natatawa. His light brown eyes looked like glowing in some way.
"'Wag kang mangarap. 'Yong nanay mo lang ang naniniwala d'yan. Mas gwapo ako sa'yo and that's final." Sagot nit Gavril saka siya inakbayan na ikinagulat niya. "'Nga pala, brad. Siya si Ms. Stella De Luna. Siya 'yong sinasabi ko sa'yo kaninang hapon. Stella, siya naman si Mathias Juarez. One of my closest friends. Siya ang may-ari ng restaurant na 'to." Pagpapakilala sa kanila ng binata.
Tumitig ulit si Mathias sa kanya saka ngumiti. Wala na ang nakitang niyang pagkagulat sa mga nito kanina.
"It's nice to meet you, Stella." Inabot nito ang isang kamay upang makipagkamay sa kanya. Akma niya iyong tatanggapin nang biglang kinuha ni Gavril ang kanang kamay niya saka inangkla sa braso nito.
"Mr. Caballero!" Inis na sita niya rito. He was behaving like a jealous boyfriend, eh, wala naman silang relasyon!
"Call me Gavril, Stella." Tila nang-uutos na anito na lalong ikinainis niya.
"'Wag mo akong diktahan!"
"Hindi kita dinidiktahan. I'm just telling you. Wala tayo sa DLC so you don't have to address me so formally." Casual na sagot nito.
BIglang sumipol si Mathias. "Ano 'to, lover's quarrel?" Natatawang tanong nito.
"Of course, not! Wala kamig relasyon." Masungit niyang sagot. Bumaba naman ang tingin ng binata sa mga kamay nila ni Gavril na magkahawak. Gusto niyang bawiin ang kamay pero gaya kanina, hindi siya hinayaan ni Gavril.
Napabuntong-hininga na lamang siya.
Inihatid sila ni Mathias sa table nila saka ito na mismo ang kumuha ng order nila. Maluwang rin ang loob niyon at marami-rami rin ang tao. May live band na kumakanta sa stage ng love song kaya ang ibang mga customers ay sumasayaw ng sweet dance kasama ng mga partners nila sa dance floor.
She looked around. In fairness, maganda ang loob. Traditional ang concept niyon. May mga antique items na naka-display at welcoming ang ambiance. Mukhang karamihan ng mga tao roon ay mga turista rin gaya nila.
"Nagustuhan mo ba dito?" Tanong ni Gavril na nakangiti. Tumango siya.
"This place is amazing. Akala ko, dadalhin mo ako sa isang boring na lugar. I like this kind of ambiance. May live music pero hindi masyadong maingay ang mga tao. Tama lang para hindi ako antukin." Natawa ang binata.
"Well, that's surprising. The De Luna heiress actually likes this place." Tumaas ang kilay niya.
"Ano naman ang tingin mo sa'kin? Hindi marunong um-appreciate ng mga bagay-bagay?"
"Hindi naman sa ganun. Wala kasing ibang magandang restaurant dito na alam ko kaya dito kita dinala. To be honest, mas gusto ko talaga rito kaysa sa mga mamahaling restaurant. Simple pero masaya ang lahat. I'm glad that you like it here too." Nakangiting sagot nito.
"Madalas ka ba dito sa Pagudpud?" She then asked curiously.
"Actually, Pagudpud is my get-away haven. Kapag feeling ko masyado na akong stressed out, pumupunta lang ako dito. Taga dito kasi ang lola ko sa father side." Tumango-tango siya. Akma siyang magsasalita nang dumating na ang pagkain nila.
Mismong si Mathias ang nagdala niyon.
"Bakit ikaw ang gumagawa niyan? May mga waiters ka naman dito." Aniya. Natawa ito.
"Bisita ko kayo kaya ako ang mag-aasikaso sa inyo. Besides, I don't like just sitting there and command my employees." Tumango-tango siya.
"I'm hoping that you will like your food, Stella. 'Yan ang specialty namin dito." Sabi nito pagkatapos.
"We'll see."
He beamed. "You'll surely like it. Ako yata ang nagluto niyan." May pagmamalaking sagot nito.
"Pwede ba, umalis ka na. You're disturbing me and my girl." Gavril voiced out irritably. Biglang nag-init ang mga pisngi niya nang mapagtanto ang sinabi nito.
"Asus. Ang sungit. Pagkatapos kong pumunta rito para lang ipagluto ko kayo." Kunwaring nagtatampo na sagot ni Mathias.
"Ano? Pumunta ka rito para lang sa'min?" Gulat niyang tanong.
"'Wag kang maniwala d'yan." Singit ni Gavril.
"Actually, nasa Manila ako pero tinawagan ako nitong kumag na 'to para pauwiin rito. Gusto niyang ako mismo ang magluto para sa dinner date niyo. Syempre, masarap akong magluto kaya ako ang hinagilap." Pagmamayabang pa ng lalaki.
"Bakit mo ginawa 'yon? You didn't have to disturb him just for our donner." Nagkibit-balikat ito.
"Kahit ayaw kong aminin, masarap talagang magluto ang kumag na 'to. Tsaka, kahit naman pinauwi ko siya rito, bayad naman lahat kahit ang gasulina ng helicopter niya. Ni isang sentimo, walang pinalagpas." Nanlaki ang mga mata niya.
"Of course! I'm the best chef in the country." Si Mathias ulit na nakangisi.
"Ang sabihin mo, best mercenary in the Philippines."
"Hoy, hindi, ah! Pagkatapos kong ayusin ang—" Bago pa matapos ni Mathias ang sasabihin ay nagsalita na si Gavril.
"Lalamig na 'tong pagkain namin kaya umalis ka na." Nanlaki ang mga mata niya.
"Don't be rude!" Sita niya rito.
"Buti ka pa. Samantalang ang iba diyan, saksakan ng sungit. Ngayong nakuha na ang gusto, tinataboy na lang ako." Natatawang sabi ni Mathias. "See you later, Stella. Enjoy your food." Kumindat pa ito at nahuli ni Gavril.
"You—" Akmang tatayo si Gavril pero nakaalis na si Mathias. Napailing na lang siya. Parang mga bata!
"Alam mo ikaw, para kang matandang dalaga sa sungit. I didn't know that you were like this when pissed."
"I'm actually a patient man, Stella. But not everytime, especially when it comes to my woman."
"What are you talking about?" Umiling ito.
"Wala. Let's just eat. Gutom na ako." Maya-maya pa ay kumakain na sila.
"Hmm. This is so delicious." Puri niya sa pagkain.
"Well, like I've just said a while ago; kahit labag sa kalooban kong aminin, talagang masarap magluto si Mathias. Anyway, pagkatapos nating kumain, may pupuntahan pa tayo."
"Saan? Remember, dinner date lang ang usapan natin." Paalala niya rito.
"Sige na. Pagbigyan mo na ako." He asked with puppy dog eyes.
"Hindi ko alam na may pagkamakulit ka pala."
He chuckled. "So, is it a yes?"
"Sige na nga. Basta, babalik na tayo sa resort pagkatapos."
"Don't worry. Magugustuhan mo 'to. Promise."
"So, saan mo nga ako dadalhin?"
"You'll see." Sagot nitong nakangiti. Hindi na lang siya nagtanong ulit dahil alam niyang 'di rin naman nito sasabihin. Ipinagpatuloy nila ang dinner nila habang nag-uusap tungkol sa iba't-ibang mga bagay. She suddenly found herself enjoying his company. May sense itong kausap at hindi boring.
For a moment, kinalimutan niya ang sitwasyon nila.
Nang matapos silang kumain ay hindi agad sila umalis. Pinanuod nila ang banda sa pagkanta ngunit nang matapos ang huling awitin ng mga ito ay nagpaalam na ang mga ito. Akala niya ay wala nang magpe-perform pero may pumalit na ibang banda sa kanila. Lahat ng myembro niyon ay puro mga babae.
Everyone of them were gorgeous on their own.
"Hi, everyone. We are the 'Salvajes'. Sana magustuhan niyo po ang unang kanta namin. You're welcome to request a song if you want to." Anang lead singer ng banda. Napatingin siya sa drummer ng mga ito. She looked familiar.
"Anyway, our first song is dedicated to Ms. Stella De Luna, from your suitor." Nanlaki ang mga mata niya nang marinig ang pangalan.
"What? Me? Sino'ng suitor?" Litong-litong tanong niya. Nagsimula nang tumugtog ang banda and the song was one of her favorites. Heaven, version of Dj Sammy (Slow version). Maganda ang boses ng lead singer ng banda at bagay na bagay sa kanta.
Then, out of the blue; tumayo si Gavril at pumunta sa bandang kanan niya. "May I have the pleasure to have a dance with you?" Tanong nito na nakangiti. Napatingin siya sa kamay nito. Then, it dawned on her.
"I-Ikaw ang may pakana nito?"
"'Di pa ba obvious?" Pilyong balik-tanong nito. "Sana pagbigyan mo ako ng isang sayaw." Parang nangungusap ang mga mata nito at tinutunaw ang anumang pagtutol sa isip niya. Parang slow motion na tinanggap niya ang kamay nito saka sila pumagitna sa dance floor.
Inilagay nito ang mga kamay niya sa magkabilang balikat nito habang magkahinang ang mga mata nila. Hindi niya alam pero parang biglang naging tahimik ang lahat.
Bahagya siyang napaigtad nang ilagay ng binata ang mga kamay sa baywang niya. Ang init ng mga palad nito ay parang lumilipat sa balat niya.
"Stella..." He whispered. Ang kanta ay pumapailanlang pa rin sa paligid.
Baby, you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm finding it hard to believe
We're in heaven...
"Why?"
"Salamat at pinaunlakan mo ako."
"No need to thank me. Konting bagay lang naman 'to. Dalawang beses mo na akong niligtas kaya pumayag ako bilang pasasalamat."
Bumuntong-hininga ito. "Pwede ba akong humiling ng isang bagay?"
"Ano 'yon?"
"Pwede bang habang narito tayo sa Pagudpud, kalimutan muna natin ang lahat? Everything back home?"
"Mr. Caballero—"
"—Gavril, Stella. Call me Gavril." Hiling nito. Tumigil siya sa pag-indak.
"Gavril...Why are you asking me this? Akala ko ba pagkatapos ng dinner date na 'to, we'll go our separate ways?"
Tila nagulat ito. "Hindi ko maalalang sinabi ko 'yan, Stella. Actually, I've already made up my mind. Pagkatapos ng halik na pinagsaluhan natin kaninang tanghali, napagdesisyonan kong sumugal sa nararamdaman kong ito sa'yo." Her jaw dropped.
"Ano'ng sinasabi mo? Sinabi ko na sa'yo, 'di ba? I'm already engaged to be married to Martin!"
"Pero hindi pa kayo kasal. Pwede ko pang baguhin ang desisyon mo. Kahit itanggi mo pa. There's chemistry between us. I know it sounds bull but I can feel the spark between us." She was at loss for words. Hindi siya makapaniwala sa sinasabi nito. Umiling-iling siya.
"N-No! Naguguluhan ka lang. Kamukha ko kasi ang asawa mo kaya mo sinasabi 'yan." Tinanggal niya ang mga kamay sa balikat nito saka dali-daling tumakbo palabas ng restaurant.
****
May pagka-persistent din pala si Gavril...Lol
Ano ang masasabi niyo sa chapter na 'to?
Papayag kaya si Stella sa hiling ni Gavril?
Talagang nakalimutan na kaya ni Gavril si Mishka kaya liligawan na niya si Stella?
COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro