chapter 31
A/N: Hi, blazers! Malapit nang matapos ang story na 'to. Pagkatapos nito ay sisimulan ko na rin ang book 3 ng TB & TP series. Sana basahin niyo rin 'yon. Thank you!
NAPANGITI si Vince nang makita ang venue ng kasal nila ni Charlie. Napakaganda ng lugar at talagang sinigurado niyang magugustuhan lahat ng kasintahan ang mga ginamit na dekorasyon kahit pa rush ang kasal nila.
Nakatakda na silang ikasal ng dalaga sa makalawa at isang napakagandang beach wedding ang magiging kasal nila.
Abalang-abala na ang mga tao na kinuha niya upang asikasuhin lahat ng dapat gawin bago ang kasal. Ayaw niyang magkaroon ng problema. Gusto niyang maging masaya ang kasal nila ng dalaga kahit pa biglaan.
"Ang ganda-ganda po dito, papa." humahangang puri ng anak na si Chase habang pinagmamasdan ang buong lugar.
Isinama niya ang kambal sa pag-asikaso ng mga huling kailangang ayusin sa kasal dahil umuwi si Charlie sa Maynila. Gusto kasi nitong makausap ang mga magulang nito ng masinsinan bago sila ikasal. Gusto sana niyang samahan ang nobya pero tumutol ito. Baka raw magkagulo kapag nakita siya ng mga magulang nito.
"Really, buddy? Magugustuhan kaya ito ng mama niyo?"
Tumango ang kambal. "Opo, papa. Mama will surely love it." Chance answered with a sweet smile.
"Mabuti kung ganun. Anyway, nagustuhan niyo ba ang susuutin niyo bukas?" tanong niya sa mga anak. Isinukat na ng dalawa kanina ang mga susuutin ng mga ito sa kasal.
"Opo, papa. Ang ganda po ng dress ko."
"Ako din, papa. Nagustuhan ko rin po 'yong akin." Magkasunod na sagot ng kambal.
"Very good kung ganun. Your mama was the one who chose those for the both of you."
Ngumiti ang dalawa tsaka nagkatinginan na animo may gustong itanong sa kanya.
"May gusto ba kayong itanong kay papa?"
"Magiging Aragon na po ang apelyido namin?" napangiti siya sa tanong ng mga ito.
"Oo, anak. Sa wakas, dadalhin niyo na rin ang apelyido ni papa." Sagot niya sa hindi maikakailang tinig. Naayos na nila ng dalaga ang mga papeles para mapalitan na ang apelyido ng mga anak nila. Hinihintay na lang nila ang resulta pero siguradong mas mapapadali ang lahat ngayong ikakasal na sila ni Charlie.
"Yehey!" tuwang-tuwa ang kambal na animo narinig nila ang pinakamagandang balita. Natawa na lamang siya sa reaction ng mga ito. Maya-maya pa ay nagpaalam ang dalawa na maglalaro muna sa kasama ng mga batang naroon.
Pinayagan naman niya ang mga ito pero nasa 'di kalayuan siya at nagbabantay. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga ito na masayang nakikipaglaro sa dalampasigan. Basa na ang dalawa. Mabuti na lamang at nagdala siya ng extrang damit ng mga ito. Ilang minuto rin siyang nakaupo sa lounge chair bago may nagsalita na pumukaw sa kanyang attention.
"So, kamusta na ang malapit nang sakalin---I mean, ikasal pala?"
Nag-angat siya ng paningin at napakunot-noo ng mapagsino iyon. Si Duke. "Ano'ng ginagawa mo dito? Paano mo nalaman ang tungkol sa kasal?"
Duke chuckled. "Nakakamilutan mo yata kung sino ang kausap mo. Syempre, alam ko lahat ng tungkol sa'yo. Gaya nga ng sinabi ko noong una tayong nag-usap, I tend to know everything about my clients."
"Whatever. So, I assume na may ibabalita ka sa'kin kaya ka nandito."
Tumango ito. Bumilis ang tibok ng puso niya. Nakaramdam siya ng pananabik. Sana may dala itong magandang balita. "I'm all ears. Ano'ng nakuha mong balita?"
"Relax. Bayad muna bago impormasyon."
"Fùcker! You know that I will pay you so tell me already. Nahanap mo na ba ang mama?"
Duke smirked smugly. "Oo naman. Makapangyarihan ang mga bumura sa lahat ng records niya pero nagawan ko pa rin ng paraan." May inilabas ito sa backpack nito na folder saka inabot sa kanya. "Nandiyan lahat ng impormasyon na kailangan mong malaman. Nasa huling pahina ang address niya ngayon."
Napalunok siya saka dahan-dahang binuksan ang laman niyon at binasa. Ganun na lamang ang tuwa niya nang makita ang nasa unang pahina. Larawan iyon ng mama niya. Sa wakas. Nakita rin niya ang mukha nito.
Bata pa siya noong umalis ito kaya naman blurred ang mukha nito sa ala-ala niya. Natatandaan niya ang boses nito pero hanggang doon lang.
"'Yan ang latest na picture ni Victoria Von Arx Aragon." Ani Duke. Hindi mapigilang haplusin ni Vince ang larawan at maging emosyonal.
His mother looked so beautiful. Kamukhang-kamukha ito ni Venice. Hindi niya akalaing darating pa ang araw na ito. Akala niya ay hindi na niya ito makikita pang muli.
Vince pulled himself together and stared at Duke. "Salamat. Tama nga ang sinabi ni Ryder. Magaling ka nga talaga." kinuha niya ang tseke na nasa backpack niya saka pinirmahan iyon at inabot rito.
Ngumisi ito saka kinuha ang tseke. "Syempre, ako pa. Sige, mauna na ako. Kung kailangan mo ulit ng serbisyo ko, tawagan mo lang ako."
Tumango siya. They shook hands before Duke left. Nang mapag-isa, binasa niya lahat ng mga impormasyong nakasulat sa binigay nitong report. Sa wakas. Tapos na ang ilang taong paghahanap sa ina niya.
VINCE WAS pacing back and forth. Kanina pa siya hindi mapakali. Mag-aalas-siete na ng gabi pero wala pa rin si Charlie. Kanina pa niya ito tinatawagan pero hindi ito sumasagot. Nakailang texts na rin siya pero wala itong reply.
"Papa, bakit po wala pa si mama?" Napatingin siya sa mga anak. Kanina pa nag-aabang ang mga ito sa pagdating ng ina pero bigo ang mga ito. Ayaw ring kumain ng mga ito. Gusto raw kasabay ang dalaga.
"On-the-way na siguro siya, anak. Hintayin lang natin. Baka na-traffic lang kaya natagalan." Sagot niya upang pagaanin ang loob ng mga ito kahit sa totoo lang ay kinakabahan na siya. Hindi ugaling magpagabi ng dalaga o hindi sumagot sa mga tawag at texts kaya naman hindi niya maiwasang mag-alala.
Kanina pa dapat ito nakabalik sa rancho.
"Papa, gutom na po ako." Ani Chase kapagkuwan.
"Kumain na kayo kung ganun." Akma niyang sasamahan ang mga ito sa dining room nang tumanggi ang mga ito.
"Pero wala pa po si mama, papa."
"Parating na. Sige na, kumain na kayo. Ako na lang ang kasabay ni mama niyo pagdating niya. SIge kayo, baka magalit si mama kapag nalaman niyang nagpagutom kayo." pananakot niya sa mga ito.
Nagkatinginan ang magkapatid. "Okay po, papa. Kain na po kami."
Nakahinga ng maluwag ang binata. Kanina pa niya pinipilit ang mga itong kumain pero umaayaw. Sinamahan niya ang mga ito sa dining room. Habang kumakain ang mga ito, lumayo siya ng kaunti saka sinubukan niya ulit tawagan ang nobya pero ganun pa rin.
Hindi na siya nakatiis. Kailangan na niyang mahanap ang dalaga. Talagang alalang-alala na siya. Baka kung ano na ang nangyari rito.
Tinawagan niya si Duke.
"Hey, don't tell me, may ipapahanap ka ulit? Puro yata nawawala ang mga tao sa paligid mo, ah."
"Shut up. Just listen to me. Hanapin mo ngayon din ang girlfriend ko. Umuwi siya sa kanila sa Manila pero hanggang ngayon ay 'di pa rin bumabalik. Kailangan ko ng resulta ASAP." dire-diretso niyang sabi.
Duke chuckled. "Parang ang dali, ah. Kailangan talaga malaman mo ang resulta agad? Baka naman nag-oover react ka lang? Ilang oras pa lang naman siyang hindi umuuwi. Maybe, may pinuntahan lang 'yon."
Vince tsked in irritation. "Hindi ko siya makontak at hindi rin siya sumasagot sa mga texts ko. Handa akong magbayad kaya gawin mo na lang. I'll send you the details." Hindi na niya hinintay pa ang sagot nito. Pinatay na niya ang tawag saka isinend ang mga impormasyon na kailangan nito sa paghahanap.
Mabuti na lamang at nasa Maynila na si Duke. Mas magiging madali ang paghahanap nito.
Bumalik siya sa tabi ng mga anak.
"Papa, tapos na po kaming kumain." Imporma ni Chase pagkaupo niya sa tabi nito.
"Very good, sweethearts. Sige na, doon muna kayo sa sala. Huhugasan ko lang ang mga pinagkainan niyo." Agad namang tumalima ang dalawa.
Habang naghuhugas siya ay panay ang tingin siya sa cellphone niya pero wala pa ring tawag o text galing kay Charlie.
Eksaktong tapos na siya sa paghuhugas nang may marinig siyang nag-doorbell.
"Mahal?" Vince uttered excitedly. Halos patakbo siyang lumabas ng bahay papunta sa gate, umaasang dumating na ang kasintahan, pero ganun na lamang ang panlulumo niya nang hindi si Charlie ang makita niya bagkus ay ang ama nito ang naroon at may mga kasamang bodyguards.
Medyo nag-aalangan niyang binuksan ang gate.
"Papa, si mama na po ba 'yan?" tanong ng mga anak na tumatakbo palapit sa kanila. Pero gaya niya ay disappointed rin ang mga ito nang hindi ang ina ang nakita. Pero nang makita ang abuelo ay tuwang-tuwang yumakap ang dalawa rito rito.
"Lolo, where is mama? Bakit hindi pa po siya umuuwi?" tanong ni Chance rito kapagkuwan.
"Kaya nga po. Gabi na po pero wala pa siya." Segunda naman ni Chase.
"Don't worry, mga apo. Kaya ako nandito ay para sunduin ko kayo. Pinapasundo kayo ng mama niyo." Sagot nito na ikinagulat niya.
"Ano po ang ibig niyong sabihin? Bakit po hindi nakauwi si Charlie? Nasaan po siya?" hindi napigilang singit ni Vince habang nakakunot-noo.
"You heard me right, Mr. Aragon. Pinapasundo ng anak ko ang kambal." Bumalik ang tingin nito sa kambal. "Mga apo, sakay na kayo sa sasakyan at aalis na tayo."
Hindi alam ni Vince kung bakit pero parang may mali. Panic rose within him upon hearing what he said. "Teka lang, ho. Hindi niyo po pwedeng basta na lang dalhin ang mga anak ko. Kung totoong pinapasundo sila ni Charlie, sasama ako."
"Hindi ka kasama sa mga pinapasunod ni Charlie. Malinaw ang sinabi niya na ang mga anak lang niya ang isasama ko." Malamig ang boses nitong sagot sa kanya. "Sige na, mga apo. Hinihintay na kayo ng mama ninyo. Sakay na kayo."
Alanganing tumingin ang mga anak sa kanya. "Pero paano po si papa?"
Akmang sasagot ang don nang magsalita si Vince. "Nasaan po si Charlie? Ano po ang nangyari at hindi siya umuwi? Bakit niya pinapasundo ang mga bata?"
"Gusto mo nang sagot? Ayaw ka na niyang makita pa. Nag-desisyon na ang anak ko na layuan ka. Kung talagang mahal mo siya, pakawalan mo na siya. Nabuhay silang mag-iina nang ilang taon na wala ka sa buhay nila kaya walang magbabago ngayong nag-desisyon na siyang iwan ka." Don Arthur answered callously.
Hindi agad nakahuma si Vince sa narinig. Hindi matanggap ng isip niya ang sinabi nito. Imposible! Charlie would never do this!
Ilang segundo rin siyang hindi nakagalaw o nakapagsalita. Then the next thing he knew, isinakay na ng don ang mga anak sa sasakyan.
"Wait, lolo. Si papa po!" Rinig niyang sabi ni Chance na parang maiiyak. Doon na siya kumilos.
"Teka lang po, Mr. Azaria. Ibalik niyo po ang mga anak ko! Nakikiusap ako, sabihin niyo na po kung nasa'n ang girlfriend ko!" akma siyang papasok sa sasakyan upang bawiin ang mga anak nang harangin siya ng mga bodyguards nito.
"Tama na, Mr. Aragon. My daughter already made her decision." matigas na sabi ng don.
"Papa!" rinig niyang tawag ng mga anak pero isinara na ng isang kasama ng mga ito ang sasakyan bago umandar iyon.
"Chase, Chance!" Itinulak niya ang tatlong bodyguards para subukang harangin ang sasakyan bago ito makaalis pero hindi siya hinayaan ng mga ito.
"Damn you! Get out of my way!" sigaw niya saka sinuntok ang isa sa kanila. Doon na nagkagulo. Sinubukan niyang lumaban pero marami ang mga ito at mukhang trained martial artists pa.
Isang tama ng suntok sa sikmura ang nagpaluhod sa kanya. Dali-daling umalis ang mga ito at sumakay sa isa pang sasakyan. Kahit masakit ang sikmura niya ay dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay upang kunin ang susi ng sasakyan niya bago siya nagmamadaling lumabas papunta sa nakaparada niyang kotse sa garahe.
Sinubukan niyang habulin ang mga ito pero ang naabuutan niya ay ang sasakyan ng mga bodyguards. Wala na ang van na sinakyan ng mga anak.
"Damn it! What the hell is happening? Nasa'n ka na ba, Charlie?" tanong niya habang desperadong hinahabol ang kotse.
Pero habang hinahabol niya ang kotse ay napansin niyang bumagal ang pagpapatakbo ng mga ito na para bang sinasadya talaga ng mga ito na magpahabol sa kanya. That's when he realized na hindi sa direksyon na iyon nagpunta ang sinasakyan ng mga anak.
NIliligaw lang siya ng mga bodyguards na iyon. Then an idea came to his mind. Nang makarating sa may round point, nag-desisyon siyang mag-iba ng ruta at kunin ang daan papuntang Maynila.
HABANG nasa daan ay panay ang dasal niyang sana tama ang hinala niyang sa mansion ng mga Azaria dinala ang kambal at sana rin ay naro'n ang nobya.
Ilang beses niyang sinubukang tawagan ang dalaga pero nakapatay na ang cellphone nito. Lalo siyang nakaramdam ng pag-aalala. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari o kung tama ba ang ang sinabi ng papa nito sa kanya pero hindi siya maniniwala hangga't hindi niya iyon naririnig mula mismo sa bibig ng nobya.
Nang makarating sa mansion ng mga Azaria pagkatapos ng halos dalawang oras, agad siyang umibis ng sasakyan at pinindot ang doorbell.
Maya-maya pa ay lumapit ang isang gwardiya sa kanya.
"Sino po kayo? Ano ang kailangan niyo?" Tanong nito.
"Nandiyan ba si Charlie? Pwede ba siyang makausap? Boyfriend niya ako."
"Wala po siya dito." sagot nito at tumalikod na.
"Teka lang. Nandiyan ba ang mga anak namin ni Charlie?"
Lumingon ito at akmang sasagot nang tumunog ang hawak nitong walkie talkie. 'Ricky, paalisin mo na siya.'
Rinig niyang sabi ng isang babae. Malakas ang volume ng walkie twalkie nito kaya narinig niya. Parang boses ng mama ni Charlie iyon. Lumapit ulit ang gwardiya sa kanya.
"Pasensya na po, sir, pero wala po dito ang hinahanap niyo. Makakaalis na po kayo."
Napatiim-bangang siya sa narinig. Galit ang umiral sa kanya. Hinawakan niya ang iron gate saka malakas na niyugyog iyon, umaasang bubukas.
"Charlie, Charlie!" sigaw niya baka sakaling marinig siya nito.
"Tama na po 'yan, sir. Tatawag na ako ng pulis kapag hindi ka pa umalis." Banta ng gwardiya pero hindi siya tumigil.
"Charlie! Chase! Chance!" paulit-ulit niyang sigaw. May mga ilang tao nang tumitingin sa kanya pero wala siyang pakialam. Ang mahalaga lang sa kanya ay makita ang mag-iina niya.
"Talagang ayaw mong tumigil, ah." Anang guard saka nag-dial sa cellphone. "Hello, police station?" rinig niyang sabi nito pero wala siyang pakialam kung may mga police mang dumating. Akma niyang aakyatin ang gate nang may pumigil sa kanya.
"Tama na 'yan. Umalis na tayo dito bago pa dumating ang mga pulis." Nilingon niya ang umawat sa kanya at nagulat siya nang makita sina Ryder at Duke.
"Ano ang ginagawa niyo dito?" takang tanong niya.
"Nakita ko ang nangyari sa'yo sa rancho kaya sinundan kita hanggang dito. Pumunta ako doon kanina para sana kausapin kita pero sakto namang papaalis ka na nagmamadali. Kararating ko lang at nakita ko naman itong kumag na 'to doon sa 'di kalayuan. Tara na, alis na tayo dito." sagot ni Ryder.
Vince's jax flexed in anger. "Hindi ako aalis dito hangga't 'di ko nakikita ang mag-iina ko." Sagot niya saka akmang sisipain na ang gate nang magsalita si Duke.
"Alam ko na kung nasa'n ang girlfriend mo. Doon rin nila dinala ang mga anak mo. May mga tumulong sa'kin para i-trace sila kaya mas malaki ang babayaran mo ngayon sa'kin."
Bigla ang pagbangon ng katuwaan sa dibdib niya. "Talaga? Nasa'n sila? Wala ba sila dito?" turo niya sa mansion.
"Wala sila diyan kaya umalis na tayo dito." sumang-ayon siya. Sumakay sila sa kanya-kanya nilang sasakyan. Sinundan nila si Duke hanggang sa makalayo sila sa lugar na iyon. Wait for me, mahal. Parating na ako.
Halos 30 minutes rin silang bumiyahe hanggang sa makarating sila sa harap ng isang town house.
"Nandito ba ang mag-iina ko?" tanong niya kay Duke kapagkuwan. Gustong-gusto na niyang makita ang mga ito.
"Wala." Lumalim ang gatla sa noo niya.
"Wala? Bakit tayo pumunta dito kung ganun?" medyo tumaas ang boses na tanong niya.
"Gabing-gabi na. Bukas mo na sila punatahan." Sagot ni Ryder.
Agad siyang umiling. "No. hindi ako matatahimik hangga't hindi ko sila nakikita ngayon din." Akma siyang babalik sa loob ng sasakyan ng pigilan siya ng mga ito.
"Bud, bukas mo na sila puntahan. Hindi mo rin naman alam kung nasa'n sila ngayon. Mas makabubuti kung ipagpabukas mo na para makaipon ka ng lakas." Si Ryder.
"Hindi ko rin naman sasabihin sa'yo ang address kung magpupumilit kang pumunta ngayon. Delikado kung ngayon ka pupunta. Baka kung ano pa ang manyari. Mas mabuti kung maliwanag para maraming tao sa paligid." Singit naman ni Duke.
Kumuyom ang mga kamao niya. "Pa'no kung itakas sila ng mga magulang ni Charlie?"
"Wag kang mag-alala. May mga tauhan akong iniwan doon. I-rereport niya agad sa'kin kung may mapansin siyang kakaiba."
Napabuntong-hininga siya saka dahan-dahang tumango.
"Sige, pero maaga akong aalis bukas." He answered in resignation.
"Mabuti naman. SIge na, matulog na muna tayo. Napagod ako." Ani Duke.
Nang nasa kama na si Vince ay 'di siya dalawin ng antok. Ang isip ay nasa mag-iina niya. Ano na kaya ang nangyayari sa mga ito. Kung hindi lang papa ni Charlie ang kumuha sa mga ito ay baka makakapatay na siya ng tao.
Tumingin siya sa orasan. Malapit nang mag-alas dos ng madaling-araw. Kinuha niya ang cellphone at sinubukang tawagan ulit ang numero ng kasintahan pero talagang nakapatay na iyon.
Napahilamos siya sa mukha. Parang gusto niyang magwala. Hindi niya akalaing mangyayari ito bago ang kanilang kasal. Sana hindi na lamang niya ito hinayaang puntahan ang mga magulang nito nang mag-isa. Sana pala ay sinamahan niya ito. Sising-sisi siya.
Gustong-gusto niyang puntahan ang ina ngayong nahanap na ito pero hindi niya magawa. Kailangang unahin muna niya ang paghahanap sa mag-iina niya. Babawiin niya ang mga ito kahit ano pa ang mangyari.
Nakaidlip lamang siya ng halos tatlong oras bago magising ng alas seis ng umaga. Agad siyang bumangon at naghanda. Mabuti na lamang at may mga hindi nagamit na damit si Duke sa town house nito.
"Kumain muna tayo bago tayo lumakad." Ani Ryder.
"Kung gusto niyong kumain, go ahead. Pero aalis na ako." Humarap siya kay Duke. "Akin na 'yong address."
Agad naman nitong ibinigay sa kanya ang isang papel na naglalaman ng address. Tumalikod na siya at iniwan ang mga ito.
Akma siyang sasakay sa kotse niya nang humabol ang mga ito.
"Sasamahan ka na namin. Baka kung ano pa ang mangyari sa'yo." Ani Ryder.
"Akala ko ba kakain pa kayo?"
"Hindi na. Sige. Tayo na." Agad silang lumulan sa sasakyan upang punatahan ang address na 'yon. Dahil alam naman ni Duke ang lugar ay hindi na sila nahirapan sa paghahanap.
Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe ay nakarating rin sila. Sa harap ng isang two-story house sila huminto. Nagsalubong ang kilay niya nang parang may familiarity siyang naramdaman sa paligid. Hindi niya alam kung bakit pero parang nakarating na siya doon.
Sigurado naman siyang first time lang niyang pumunta roon. He shook the thought away.
"Dito na lang muna kami sasakyan para bantayan ang paligid mo. We'll rescue you if something happened." Ani Ryder.
"Sige." Sang-ayon niya at bumaba ng kotse. Lumapit siya sa gate. Hindi niya alam pero kumakabog ang dibdib niya.
Ilang segundo siyang tumitig sa bahay. Ano ba ang meron sa bahay na 'yon at ganun ang nararamdaman niya? Inangat niya ang kamay at akmang pipindutin ang doorbell nang biglang bumukas ang gate at lumabas ang isang may edad na babae.
Ang dala nitong aso ang una niyang napansin. Nag-angat siya ng tingin. Ganun na lamang ang panlalaki ng mga mata niya sa gulat nang mapagsino ito.
****
Mga revelations na ang susunod na eksena kaya stay tuned!
Totoo kayang iniwan na ni Charlie si Vince?
Saan kaya nila dinala ang kambal?
Matutuloy pa kaya ang kasal nila?
Sino ang nakita ni Vince na lumabas mula sa bahay?
COMMENT, VOTE, SHARE, FOLLOW
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro