Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter 29

Hi, Blazers! Sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. HAPPY READING!


"ANAK, dahan-dahan lang. Marami pa tayong oras kaya huwag kang magmadaling kumain." Sita ni Charlene kay Chase. Kasalukuyan silang nasa restaurant ni Mandy na mag-iina para kumain ng tanghalian. Hindi nila kasama si Vince dahil pumunta ito sa papa nito.

Gusto sana sila nitong isama pero mas mabuti na lang daw na 'wag muna. Hindi pa kasi nagkakaayos ang mag-ama. Natutuwa naman si Charlene dahil naisipan ng binata na puntahan ang ama nito. Sana lang ay mag-kaayos na ang mga ito.

"Pero maggo-grocery pa tayo, 'di po ba, mama?"

"Oo, anak, pero hindi ka dapat nagmamadali sa pagkain. Hindi maganda 'yan. Tingnan mo ang kapatid mo. She's chewing her food properly."

Ngumiti naman si Chance. "Very good ako. Right, mama?"

Charlie chuckled. "Of course, sweetie. Sige na. Kumain na kayo. Mamaya na ang kwentuhan." Tumayo siya. "Dito muna kayo, ha?. Kakausapin ko lang ang tita Mandy niyo." Paalam niya sa kambal.

Nasa terrace sila sa second floor ng restaurant at sila lamang ang naroon. Lahat ng customers ay mas piniling sa baba kumain.

"Okay po." Magkapanabay na sagot ng mga anak. Nilapitan niya si Mandy na nasa kabilang mesa. Sumabay ito sa pagkain sa kanila pero nauna na itong natapos dahil may kailangang tapusing trabaho. Ngayon ay busy ito sa pagtitipa sa laptop nito.

"Busy ka yata ngayon?" puna niya saka naupo sa tabi nito.

Tumigil ito sa ginagawa saka tumingin sa kanya. "May tina-type lang ako pero pwede ko naman itong gawin mamaya." sagot nito saka humarap sa kanya. "Syanga pala. May nakakalimutan ka yata, bruha."

Napakunot-noo siya. "Ha? Ano naman 'yon?"

"Nasa'n na 'yong pangako mong pasalubong?" inilahad pa nito ang kamay, hinihingi ang pasalubong nito.

Natawa siya. "Kaya nga ako nandito. I saw someone in Switzerland. Kaibigan ni Vince. Bagay kayo." Kinuha niya ang nasa bulsa na business card saka inabit rito. "Ito ang number niya." Pilya niyang saad.

"Gaga! Ano 'to?"

"'Di ba gusto mo ng Swiss? Ayan. Half Swiss daw siya." Pigil niya ang tawang sagot.

Pinaikutan siya nito ng mga mata. "Seryoso? I was just kidding! Paki ko naman sa half Swiss na 'yan." Umirap pa ito sa hangin. "Wala ka talagang pasalubong sa'kin? Ano ba 'yan. Hopia ako." Tila nangongonsensya na sabi nito.

"Loka! 'Wag ka ngang O.A. diyan! 'Di bagay sa'yo. Of course, meron. Ako pa!" binuksan niya ang bag saka kinuha ang isang maliit na white box. "Oh, eto. Baka sabihin mong kuripot ako."

"Wow! Ano 'to? Don't tell me, singsing? Naku, magpo-propose ka na ba sa'kin?" pilyang sabi nito.

"Tse! May love life ako no. 'Di gaya mo!"

Napahawak ito sa dibdib. "Ouch! Ang sakit mo namang magsalita. Porke't sagana ka lang sa dilig, ginaganyan mo na akong walang love life."

Pinanlakihan niya ito ng mga mata saka tumingin sa gawi ng mga anak. Buti na lang, hindi sila narinig ng mga ito. "I-filter mo nga 'yan bibig mo baka marinig ka ng mga bata!" she whisper-yelled to Mandy.

"Hayaan mo na. 'Di rin naman nila maiintindihan." Ganting bulong nito saka inumpisahan nang tanggalin ang balot ng box saka binuksan iyon. Dahan-dahan pa ang pagbukas nito na animo may nakakatakot na laman 'yon.

"OMG! Ang ganda! Akala ko kanina, baka ahas ang laman o kaya naman bugs." Anito pagkakita sa relo na laman ng box.

"At bakit ko naman lalagyan ng ahas o kaya bugs 'yan, aber?"

"Eh, malay ko ba kung pina-prank mo lang ako."

"Baliw. 'Di ako gaya mo 'no!" pinaikutan pa niya ito ng mga mata. Nag-peace sign naman ang bruha na nakangisi saka nito isinuot ang relo.

"Wow. I was actually joking no'ng sinabi kong pasalubungan mo ako pagbalik niyo galing Switzerland pero binilhan mo nga talaga ako. You didn't have to. Mukha pa namang mahal ito." Anito saka sinipat-sipat ang relo na suot.

"Kung ayaw mo, ibalik mo na. Binili ko pa naman 'yan sa S & T jewels sa branch nila sa Switzerland para sa'yo." Akma niyang babawiin ang relo mula rito nang agad na ilayo ng kaibigan iyon sa kanya.

"Really? You actually bought this from S & T jewels? Well, wala nang bawian. Akin na 'to."

Natawa siya sa sinabi nito. "Baliw. Syempre, hindi ko babawiin. Para sa'yo talaga 'yan."

Napangiti ito saka siya niyakap. "Thank you, bes. Ang ganda. Nagustuhan ko talaga."

"You're welcome. O, ayan. May relo ka na. Siguro naman, wala ka nang rason para ma-late sa mga lakad mo." Aniya. Ginagawa kasi nitong rason na wala itong relo kaya nale-late. Akala mo naman kung walang perang pambili ang bruha.

"Eh, syempre. Ganyan talaga ang mga magaganda. Laging late." Parang proud pa na sagot nito.

"Ha? Isn't it the opposite? Baka naman late kasi nagpapaganda gamit ang samo't-saring make-up."

"Heh! Maganda ako kahit walang make-up no!" agad na sagot nito na nakasimangot. Natawa siya. Well, niloloko lang naman niya ito. Maganda naman talaga ang kaibigan at 'di rin masyadong gumagamit ng make-up.

"Oo na. sige na. Maganda ka na." kunwari ay napipilitan niyang sagot. Mandy poke her side with her finger. Nakiliti siya. Nagkatawanan silang magkaibigan. Minsan talaga kapag silang dalawa ang magkasama ay para silang bumabalik sa pagiging teenagers.

"Mama, we're done po." Narinig niyang sabi ni Chase kapagkuwan.

"Naubos niyo ba lahat ang laman ng plato niyo?"

"Of course, mama. I was so hungry kaya naubos ko lahat." Sagot ni Chance saka ipinakita pa ang walang laman na plato sa kanya. Ginaya ito ni Chase.

"Very good. Sige, pwede na muna kayong maglaro ng nintendo niyo habang nag-uusap kami ni tita Mandy niyo."

"Yehey!" bumaba ang mga ito sa kanya-kanyang upuan saka lumapit sa kanya upang kunin sa bag niya ang laruan ng mga ito pagkatapos ay pumunta sa dalawang magkatabing lounge chairs saka naupo roon. Maya-maya pa ay naglalaro na ang mga ito.

"Mana talaga sa'kin ang mga inaanak ko. Ang babait." Mandy uttered out of the blue while watching the twins playing their nintendos.

Charlie gave her a deadpan look. "Seryoso ka? Ikaw, mabait? Kailan pa?"

"Ang harsh mo talaga." Mahaba ang ngusong sagot nito. "Pagdating sa'kin, nabubuhay ang dating Charlie."

"Heh! Hindi pa ako namamatay. Ewan ko sa'yo. Syanga pala; why don't you try dating that guy? I-message mo 'yang number na binigay ko sa'yo. Malay mo, siya na pala ang hinahanap mo."

Kumunot ang noo nito saka tiningnan ang business card na binigay niya. "Seryoso ka talaga?"

"Oo naman. He's expecting your call or text by the way."

Nanlaki ang mga mata nito. "Parang ang desperada naman ng dating ko no'n, Charlie." Kinuha nito ang kamay niya saka ibinalik ang card. "Ayoko ngang i-message 'yan. Baka isipin niyang matrona ako. And besides, I told you before. Hindi ako ang maghahanap ng prince charming ko. Gusto kong ako ang hanapin niya."

"Confident, ah. Pa'no kung natraffic tapos makakarating after 20 years? Matanda ka na no'n." Charlie teased.

"'Wag kang nega diyan. Basta. Darating din siya. 'Wag natin siyang madaliin." Ngumisi pa ang gaga. Napailing na lang siya. Patuloy silang nagkwentuhan. After about 15 minutes, Charlene decided to leave.

"Samahan ko na lang kaya kayo? Baka marami kang bibilhin. Wala pa naman ang jowa mo para tulungan ka sa pamimili tapos nandyan pa ang mga bata." Mandy offered.

"Pa'no naman ang restaurant mo?"

"Hayaan mo na. Nandiyan naman 'yong assistant manager ko."

"Sure ka? Baka nakakaistorbo kami sa trabaho mo." Aniya.

Umiling ito. "Hindi. Wala naman akong masyadong ginagawa. Besides, ako naman ang may-ari kaya pwede akong umalis anytime."

"Naks. Boss na boss ang dating, ah."

Mandy flipped her hair. "Syempre naman." Sakay nito sa biro. Natawa na lang siya.

CHARLENE couldn't help but to laugh because Mandy kept on complaining. Nasa loob sila ng grocery store sa isang mall. Dalawalang malalaking cart na kasi ang halos mapuno nilang mag-iina.

"Bakit parang bibilhin mo na yata ang buong grocery store sa dami ng mga binibili mo, bes?" tanong nito.

"Eh, syempre, halos wala nang stock sa bahay kasi matagal kaming nawala. Hindi kasi kami nakapamili bago kami umalis." Sagot niya habang pumipili ng mga bibilhin.

"Pa'no na lang kung hindi ko kayo sinamahan? Kaya mo ba lahat 'to? And to think that you're with Chase and Chance too. Nasa'n ba kasi si fafa Vince? Naku, minus points siya sa'kin. Hinahayaan ka niyang mamili mag-isa kasama ng mga bata." umiling-iling pa ito.

"Hindi naman sa ganun. May pinuntahan lang kasi siya. Besides, bukas pa sana ang pamimili namin para kasama namin siya kaso nangulit naman ang mga bata na mamasyal kami. Maaga naman kaming natapos kaya minabuti kong mamili na para minsanan ang lakad."

"Ah. Akala ko, sinadya niyang hindi sumama. Naku, sasamain siya sa'kin 'pag nagkataon." Mandy even crossed her arms across her chest.

Natawa siya sa narinig mula rito. Akma siyang sasagot nang marinig ang boses ng mga anak.

"Mama, can we please get jellyace?" medyo malakas ang boses ni Chance dahil ilang metro din ang layo ng mga ito sa kanila. Hawak na ng kambal ang tig-isang pakete.

"Sure, sweethearts."

Kumuha pa ng ibang sweets ang mga ito. "Anak, 'wag puro matamis ang kukunin niyo. Kumuha rin kayo doon sa mga biscuits." Paalala niya.

"Opo, mama." Sabay na sagot ng dalawa saka ibinalik ang ibang kinuha na matatamis at lumapit sa mga biscuits. Pumili ang mga ito. Nang makapili ay lalapit sana ang mga ito sa kanila nang madapa si Chance. May naapakan itong nakakalat na paninda.

Pumalahaw ito ng iyak. "Mama!"

Nag-aalalang humakbang siya palapit rito pero bago pa man siya tuluyang makalapit ay may isang ginang na lumapit sa anak.

"Are you okay, baby?" tanong nito saka tinulungang bumangon ang bata. Lalong lumakas ang iyak ng anak. Si Chase naman ay tahimik na nakamasid sa dalawa. Bakas ang pag-aalala para sa kapatid.

"'Wag ka nang umiyak. Dibale, hindi ka naman nasugatan. Next time, be careful, okay?" the older lady said gently. Humina ang iyak ni Chance pero humihikbi pa rin.

Lumapit si Charlene sa mga ito saka agad sinipat ang kabuuan ng anak. "Are you hurt, sweetheart? Saan ang masakit?" Nakahinga siya nang maluwag nang wala naman siyang makitang gasgas nito.

"Mama." Iyak nito saka yumakap sa kanya.

The lady chuckled. "She's such a cutie." Puri nito. "Next time, be careful, okay?" bilin nito kay Chance. Tumango lang ang bata.

"Anak, kinakausap ka." Sabi niya sa anak pero umiling ito. Napabuntong-hininga na lang siya. Mukhang nagpapa-baby na naman ito dahil ayaw nang bumitiw sa leeg niya. Binuhat na lang niya ang anak saka tumingin sa ginang.

"Salamat po at tinulungan niyo ang anak ko."

Ngumiti ito. "Walang anuman. I just did what anyone else would do. Sige na, hija. Kailangan ko nang umalis." Aalis na sana ito nang mapansin nito si Chase na nakatayo sa tabi niya.

"Anak mo rin ba siya, hija?"

"Opo." Sagot niya. Ilang segundo nitong pinakatitigan si Chase saka tumingin ulit kay Chance.

"Bakit po? May problema po ba?" Nagtataka niyang tanong.

Parang natauhan na umiling ito. "Wala naman. Parang may kamukha lang sila pero hindi ko alam kung sino." Ngumiti ito. "Sige, hija. Mauna na ako."

"Sige po. Salamat po ulit." Naglakad na ito palayo pero nakatitig pa rin siya rito. 'Di niya alam pero parang familiar ang ginang.

Kulay buhok ng mais ang buhok nito. Mestiza at maganda sa kabila ng edad nito. Hindi niya mawari kung bakit pero parang familiar talaga ito sa kanya lalo na nang tumingin siya kanina sa abuhin nitong mga mata.

"Sino 'yon, bes? Kilala mo?" tanong ni Mandy nang makalapit.

"Hindi. Ngayon ko lang siya nakita pero ewan ko ba. She looks familiar."

"Naku. Gutom lang 'yan. Pagkatapos natin dito, meryenda tayo. It's on me." She offered.

"Magdadalawang-oras pa lang mula nang kumain tayo ng lunch tapos kakain na naman tayo?"

"Asus! Kapag natapos tayo dito for sure, gutom na tayo. Sa dami ba naman ng mga 'to, ewan ko na lang kung 'di tayo matapos ng siyam-siyam. And take note; 'di ka pa tapos mamili." Napailing-iling pa ito na ikinatawa na lang niya.

Ipinagpatuloy nila ang pamimili.

"Anak, bumaba ka na. Nangangawit na si mama sa pagbubuhat sa'yo. Tingnan mo 'yong ibang bata, o. They're staring at you. Big girl ka na kasi pero nagpapabuhat ka pa."

"Kaya nga, Chance. Mama is tired already." segunda naman ni Chase. Nasa pila na sila sa counter.

"Gusto mo ba ng ice cream, Chance?" tanong naman ni Mandy.

"Opo."

"Good. Bumaba ka na kung ganun para bilhan ka ni tita Mandy." Nagliwanag ang mukha ng anak sa narinig.

"Talaga po?"

"Oo naman." Sagot ni Mandy. Agad namang nagpababa ang anak. Napailing na lang siya.

"Ikaw talaga. Nakarinig ka lang ng ice cream, eh." Aniya saka pinanggigilan ang mga pisngi ng anak. Chance giggled.

"Tita Mandy, what about me?" si Chase na salubong ang kilay.

"Syempre, bibilhan din kita."

"Yes!" tumalon pa ito. Napailing na lang siya sa mga anak.

While waiting for their turn, Charlie couldn't help but to think of the woman a while ago. Hindi niya alam kung bakit pero parang nakita na talaga niya ito.

Nang matapos silang magbayad, pumunta sila sa parking lot upang ilagay ang mga pinamili nila sa sasakyan. Sa outdoor parking area sila naka-park dahil mas malapit iyon sa grocery store. Kasalukuyan nilang inilalagay ni Mandy ang mga pinamili nila nang may mahagip ang mga mata niya.

Nakita niya 'yong may edad na babaeng nakausap niya kanina. Nakatayo ito ilang metro lang ang layo mula sa kanila at tila may hinihintay.

Ilang saglit pa ay may tumigil na familiar na itim na van sa harap nito. May nagbukas ng pintuan mula sa loob at ganun na lang ang gulat niya nang mapagsino iyon. Ang mama niya. Magkakilala sila?

Kaya pala familiar 'yong van ay dahil sasakyan ng mga magulang iyon. Akma siyang lalapit sa mga ito pero nakapasok na ang ginang at agad na umandar paalis ang sasakyan.

NAG-ANGAT ng mukha si Vince nang marinig ang mga papalapit na yabag sa kanya. It was his father. Nagtama ang mga mata nila.

Kasalukuyan siyang nasa sala ng bahay ng ama sa Pilipinas. Nasa pitong taong gulang lamang siya noong huli siyang pumunta roon. Nagbakasyon silang mag-aama noon.

"Mabuti naman at nakarating ka." Pormal na umpisa ng ama saka umupo sa single sofa sa harap niya.

"Marami akong gustong itanong sa'yo." Seryoso rin ang mukhang sagot niya.

"Ask away dahil marami rin akong sasabihin sa'yo at gusto kong makinig kang mabuti."

Napailing siya. "Sana hindi na naman kasinungalingan ang sasabihin niyo." Tinitigan niya ang ama. Parang malaki ang itinanda nito. Mukhang maraming iniisip.

"Try me."

Humugot siya ng malalim na hininga bago niya inumpisan. "Totoo ba na ikaw ang humaharang sa lahat ng mga PI na binabayaran ko para makahanap ng lead kung nasa'n si mama?"

"Oo." Diretsong sagot nito na ikinagulat niya. Hindi niya akalaing aamin agad ito.

"Magkasabwat kayo ni Mr. Azaria, ganun ba?" he said through gritted teeth.

"'Wag na 'wag mong babanggitin ang pangalan na 'yan sa harapan ko, Vince. I will never do that kahit 'yon na lang ang natitirang paraan para maharang ko ang paghahanap mo sa mama niyo!" Kita niya ang paniningkit ng mga mata ng ama.

"Kung ganun, bakit? Ganun na ba kalaki ang kasalanan ng mama na pati kami ay pinagkaitan niyo ng ina? Bakit niyo kami dinamay sa gulo niyo? Alam niyo ba kung gaano kahirap lumaking walang ina? Kahit ibinigay niyo lahat sa amin, meron pa ring kulang."

"Dahil iniwan niya tayo para sa ibang lalaki! Sapat na dahilan iyon para mawala lahat ng karapatan niya sa inyo! Why do you even think of seeing her? Tandaan mong ipinagpalit niya tayo!"

"Ikaw lang, papa, not us too. Hindi tama ang ginawa ni mama kung totoo man 'yon pero kung alam niyang buhay pa kami, sigurado akong babalikan niya kami. Mali ang ginawa niya pero mali rin na ipagkait mo sa amin na makasama ang mama." His father's jaw flexed but he didn't say anything.

Ilang segundo rin na walang nagsalita sa kanilang mag-ama. "Thank you for being there for us. Thank you kasi hindi mo kami pinabayaan pero sana naman, 'wag niyo namang hayaang habang-buhay na hindi namin makita ang mama. Lalo na ngayon na may mga anak na ako. Gusto kong makita niya rin ang mga apo niya at sana ay kilalanin mo rin sila."

Nagtaka siya sa reaction ng ama. Parang hindi man lang ito nagulat.

"Gusto ko silang makita pero hindi pa ito ang tamang panahon. Gusto kong mag-usap muna tayo."

"Alam niyo na ang tungkol sa kambal?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Of course. Who do you think you're talking to? Kahit wala ako dito sa Pilipinas, alam ko ang nangyayari."

"Kung ganun, sana naman ay sabihin mo na kung nasa'n ang mama. Gusto kong makilala rin niya sina Chase at Chance pati na si Charlie. Please, papa. Ngayon lang ako magmamakaawa sa'yo." Vince pleaded.

Nakita niya ang saglit na paglambot ng mukha ng ama pero agad ring naging matigas ang anyo nito. "You don't know what you're talking about. Listen to me, Vince. Kaya kita gustong makausap ay para sabihin sa'yong kunin mo na ang mga anak mo at umuwi na sa bahay natin sa Switzerland."

"What do you mean?" naguguluhang tanong niya.

"You heard me right. Take your children with you. Mas makakabuti kung doon mo sila palakihin, malayo sa anumang gulo rito."

"Wala sa plano namin ni Charlie na tumira doon, papa. This is ridiculous. Bakit ko naman dadalhin ang mag-iina ko doon? Charlie's family is here."

"Ang mga anak mo lang ang dapat mong pagtuunan ng pansin, Vince." Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig mula sa ama.

"Y-You're saying na iiwan ko dito ang girlfriend ko?"

"Yes. Gulo lang ang dala ng pamilya niya. That's precisely why I'm asking you to go back to Switzerland habang maaga pa."

Vince shook his head vigorously as anger started to rise within him. "At gusto niyong itulad ko ang mga anak ko sa amin ni Venice na lumaking walang ina, ganun ba? I can't believe this!" tumaas ang boses niya.

"Bakit hindi kung ito lang ang paraan para maiiwas sila sa pamilyang 'yon?" umiling-iling siya habang nakatingin sa papa niya. Masama ang loob niya. He's disappointed too. Akala pa naman niya ay may pag-asa pa silang magkaayos na mag-ama pero parang malabo na yata.

Tumayo siya. "This is not going anywhere. Aalis na lang ako bago pa ako makapagsalita ng mga bagay na pagsisisishan ko." Nilagpasan niya ang ama. Malapit na siya sa pintuan nang sumagot ito at pakiramdam niya ay namanhid ang buo niyang katawan dahil sa sinabi nito.

"I don't want my grandchildren near that family because Arthur Azaria was the reason why our family broke apart." Malakas na napasinghap si Vince dahil sa rebelasyon ng ama.

****

Sino kaya ang ginang na nakita nila Charlie sa mall? May connection kaya ito sa kanila?

Ano sa tingin niyo ang kinalaman ng papa ni Charlie sa paghihiwalay ng mga magulang ni Vince?

Maayos pa kaya ang gusot sa pagitan ng mga pamilya nila?

COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro