Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter 22

A/N: Sa wakas natapos ko rin ang update. Akala ko bukas pa ako matatapos sa sobrang busy ko. Malapit na kasi ang summer kaya busy na naman. Hayss. Anyway, sana magustuhan niyo ang chapter na 'to. Sumakit pa ang mga mata ko sa pagsusulat nito kaya 'wag kayong ano. 😆😆😆

NAPAKUNOT-noo si Charlene nang hindi niya makita si Vince sa kama paggising niya. Tulog na tulog pa sina Chase at Chance sa tabi niya. Napangiti siya pagkakita sa mga anak saka mabining kinintalahan ng halik ang mga pisngi.

Mukhang napasarap ang tulog ng mga ito. Napatingin siya sa orasan at nakita niyang pasado alas siete pa lang kaya hindi na muna niya ginising ang mga anak.

Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo upang tingnan kung naro'n si Vince pero hindi niya nakita ang binata roon. Nasa'n kaya ang mokong na 'yon? Tanong niya sa sarili.

Nagsipilyo na muna siya saka naligo upang gisingin ang inaantok pa niyang diwa. Nang matapos siya ay saka siya bumaba upang hanapin ang kasintahan.

Nasa hagdan na siya nang may marinig siyang sumisipol sa kusina. May naamoy din siyang parang niluluto.

Dali-dali siyang nagtungo roon at napatanga siya nang makita ang nobyo na abala sa pagluluto. Naka-shorts lang ito. Napalunok siya nang makita ang nakakatakam nitong katawan.

Damn! He looked so hot habang hawak-hawak ang sandok at hinahalo ang niluluto na sinangag. Ang bawat paggalaw ng mamasel nitong braso ay nakakaakit tingnan. His muscles were on the right places and he was indeed a sight worth seeing.

Napalunok siya. Hindi niya mapigilang titigan ang binata. Mas gumanda talaga ang pangangatawan nito. Mahilig kasi itong mag-exercise sa umaga. Well, pati sa gabi pero ibang klaseng exercise nga lamang iyon.

Hindi niya mapigilang mag-init nang maalala kung paano siya angkinin ng nobyo gabi-gabi. Wala silang kasawa-sawa sa isa't-isa. Mula nang angkinin siya nito sa terrace last week, wala na itong pinalampas na gabi na hindi sila nagtatalik.

Kapag tulog na ang mga anak nila, saka naman ito mangangalabit. Sa katunayan nga ay lumilipat sila sa kabilang kwarto upang magkaroon sila ng privacy.

"Loving the view, mahal?" napakurap-kurap siya nang marinig ang boses ni Vince. Nag-angat siya ng paningin at agad namula ang mga pisngi niya pati yata anit niya sa pagkapahiya nang mapagtantong nahuli pala siya nitong nakatingin sa katawan nito.

Gusto niyang mag-deny pero huling-huli na siya nito kaya umirap na lamang siya. Natawa naman ang binata.

"I already told you before. Alam kong gwapo ako pero hindi mo naman kailangang palihim pa akong pagnasaan. You can ogle at me anytime you want, mahal." He even wagged his eyebrows playfully. Aba't napaka-feeling talaga nito minsan.

"Ang yabang mo talaga."

"Talaga? Weh. Kung makatitig ka nga sa muscles ko kanina, kulang na lang palamanan mo 'yong abs ko tapos kainin mo, eh."

Hindi na niya napigilan ang sarili. Sinapok niya ang braso nito dahil sa kapreskohan. "No, I wasn't. feeling ka lang talaga. Tumingin lang ako, pinagnasaan na agad?" pilit pa rin siyang nag-deny kahit huling-huli na nga.

Syempre, nunca niyang aamining halos tumulo ang laway niya habang nagpi-piesta ang mga mata sa katawan nito kanina no! That would be embarrassing!

"Hindi nga ba? 'Di mo talaga pinagnasaan 'to?" nakangising-aso na tanong nito. He even flexed his arms to show his biceps. His eyes were dancing with mischief.

Pinaikot niya ang mga mata. "Marami na akong nakitang mga lalaking may pandesal diyan kaya sawa na ako diyan." Biglang nawala ang ngisi ng kumag.

"M-May nakita ka nang iba bukod sa'kin?"

Lihim siyang nagdiwang. Naapektuhan ang loko. She crossed her arms across her chest and lifted her chin. "Oo naman. Ano'ng akala mo, Ikaw pa lang ang nakita kong lalaki na may abs? Marami na akong nakitang ganyan no kaya wa epek na sa'kin 'yan."

Muntik na siyang natawa nang biglang dumilim ang mukha ng binata. "Sino ang mga lalaking 'yon? Dudukutin ko ang mga mata nila." May pagbabanta sa tinig nito. Ang abuhing mga mata ay tila naging mapanganib.

"At bakit mo naman gagawin 'yon, aber? Ako naman ang tumingin sa mga katawan nila, ah."

Lalong nagdilim ang mukha nito. Kita ang paggalaw ng panga sa inis na nararamdaman. "Kahit na! Wala silang karapatang dumihan ang mga mata mo! Sa'kin ka lang dapat tumingin! I'm going to kill whooever those b*stards are!" parang sira na anito.

Pinanlakihan niya ito nang mga mata. "Vince, watch your words!"

"Bakit? Concern ka rin ba sa kanila? Sabihin mo lang at malilintikan na talaga sila sa'kin." napahilamos siya sa mukha. Naku, nag-ooverreact na ang binata dahil sa 'di mapigilang pagseselos. Akma niyang babawiin ang sinabi pero napagtanto niyang gusto pa niyang inisin ang lalaki.

"Syempre naman. Bakit, masama bang mag-alala ako sa kanila?" she answered nonchalantly. "Sayang naman ang mga macho'ng katawan nila kung sasaktan mo lang." akma siyang tatalikod upang itago ang tinitimping tawa nang bigla na lamang siya nitong hapitin sa baywang.

Ang mga mata nito ay nagbabaga sa sobrang selos. "You're mine, Charlie. Mine!" Grabe! Napaka-possessive ng pagkakasabi. Sarap batukan.

"Bakit? Dahil ba nagkabalikan na tayo, bawal na rin akong tumingin sa katawan ng ibang lalaki?"

"Oo dahil makakapatay ako. Sa'kin ka lang dapat tumingin." Pinaikutan niya ito ng mga mata. Wala na. Nasobrahan na yata ang pang-aasar niya rito.

"Sa'yo lang talaga? Ang possessive mo."

"Of course. You're only mine, mahal. Sa'yo lang ako nakatingin kaya dapat ganun ka rin. Tsaka sino ba 'tong mga unggoy na lalaking 'to? Tingnan ko nga kung mas macho at gwapo sila sa'kin." He uttered full of confidence.

"Pa'no kung sabihin kong mas macho at gwapo sila sa'yo?" hindi na niya talaga napigil ang pag-alpas ng malakas na tawa dahil sa itsura nito. Ang cute lang nitong tingnan kahit nakabusangot. Parang ang sarap panggigilan ng mga pisngi nito.

"I was just kidding, mahal. Syempre, para sa'kin, ikaw ang pinaka-macho at gwapo na lalaki sa buong mundo kaya ngiti ka na diyan. Para ka nang si king-kong."

Akala niya lalo itong maiinis pero biglang nagliwanag ang mukha nito. "Ang gwapo ko namang king-kong niyan, mahal." Naging malambing na ang boses nito. "Pero seriously, may nakita ka na talagang katawan ng ibang mga lalaki na hinangaan mo?"

"Oo, meron. Marami." Nanigas ang katawan nito. "Mga kuya ko, 'wag kang oa." Paglilinaw niya bago na naman ito magselos.

Tila nakahinga naman ang nobyo nang maluwag. Doon na ito ngumiti. "Sana sinabi mo agad. Talagang pinag-selos mo pa talaga ako."

"Ang cute mo kasing tingnan magselos, eh. Ngayon lang kita nakitang ganun." Napahagikhik siya.

Napangiti naman ang kasintahan. "Lagi naman akong nagseselos kahit noong college pa tayo. 'Di ko nga lang pinapakita kasi baka mainis ka na naman. Ang sungit mo pa naman no'n. Pero ngayon, iba na kasi sigurado na akong mahal mo ako."

"Iba nga ngayon kasi naging oa ka na. Sinabi ko lang na mga nakita na akong katawan ng mga macho na lalaki, nagiging king-kong ka na. Buti na lang, wala sila dito kundi baka kung ano na ang nagawa mo." Napapailing na aniya.

Vince chuckled amusedly. "Syempre, hindi ko sila sasaktan dahil lang nakita mo ang mga katawan nila kasi mga kuya mo naman sila." Parang timang na anito.

Iirapan niya sana ang binata nang may maalala. "Meron pa palang isa."

"Sino?" sagot nito na napakunot-noo.

"Si Gavril." Nagtagis ang mga bagang ng lalaki. Kitang-kita ang matinding selos sa mga mata nito. Grabe! King-kong talaga! Gwapo nga lang na king-kong sagot ng pilyang bahagi ng isip niya.

"Pero 'wag ka nang magselos diyan, mahal. Nakita ko lang naman ang katawan niya nang maligo kami sa beach. At syempre, mas macho at mas gwapo ka pa rin kaya ngumiti ka na diyan. Konti na lang, magiging king-kong ka na talaga."

Imbes na sumagot ang binata ay sinapo nito ang kanyang mukha saka siya hinalikan ng mapusok. Halos pangapusan siya ng hininga bago ito tumigil. Kinurot niya ito sa tagiliran.

"Gusto mo ba akong mawalan ng hangin sa baga? Muntik na akong 'di makahinga!"

"That's your punshiment for making fun of me. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sa dibdib na isipin na may hinahangaan kang ibang lalaki bukod sa'kin?"

Natawa siya. "Ang corny mo. Tumigil ka nga! Para 'yon lang, kung anu-ano na ang iniisip mo." akma siyang kakawala mula sa yakap nito nang halikan siya ulit nito. This time, the kiss was passionate and teasing. Hindi niya napigilan ang sariling tugunin ang masarap na halik na iyon.

Bakit kaya hindi siya makatanggi at makapag-isip ng tama kapag niyayakap at hinahalikan na siya nito? Gosh! He's such a tease.

Ipinulupot niya ang mga braso sa batok ng nobyo at buong pusong tumugon sa masarap na halik nito.

"Tell me your mine, mahal." He breathed the words as their lips pulled away.

"Of course, I'm all yours. You don't have to be insecure and jealous." A satisfied smile broke across his face. Kinintalahan ulit siya nito ng isang halik. Ang saya-saya na ulit nito.

"That's more like it." inakbayan siya nito saka nagtanong. "So, aaminin mo nang pinagnanasaan mo ako kanina, mahal?"

"Hala, 'di ka pa rin naka-move on tungkol diyan?"

Agad na umiling ang kasintahan. "Syempre, hindi pa. I want to hear the truth from you." Nakanigising sagot nito.

Charlene rolled her eyes. "Sige na. Oo na. Happy?" Kunwari pa siyang napipilita na umamin. Pakiramdam niya ay kulay kamatis na ang buong mukha niya.

"I knew it." ang lakas ng tawa ng kumag. Kinurot niya ito sa tiyan.

"You're so full of yourself." Tuloy lang ito sa pagtawa pero natigil iyon nang bigla siyang maalarma.

"Naku, sunog na yata ang niluluto mo!" Tili niya.

Agad naman iyong pinatay ng binata. Napakamot ito nang makitang medyo sunog na nga ang sinangag nito.

"Ikaw kasi, mahal. Look, sunog na tuloy." Reklamo nito.

Charlene gave Vince a deadpan look. "Kasalanan ko talaga?"

"Eh, syempre pinagselos mo kasi ako. 'Yan tuloy. Lumabas si king-kong."

'Tse! Bakit mo ba kasi naisipang magluto?"

"Palagi na lang kasing ikaw ang nagluluto. Gusto naman kitang pagsilbihan ngayon, kayo ng mga anak natin." Sagot nito saka inilagay sa isang bowl ang sinangang. Nang matapos ito ay isinunod naman nitong lutuin ang itlog at hodog. Nag-toast rin ito ng loaf bread.

Naupo siya sa island counter stool habang pinapanuod ito sa ginagawa. "Wow, ang galing namang magluto ng mahal ko." Puri niya kapagkuwan.

"Syempre naman. Ako pa." kinindatan pa siya nito. Ang aliwalas ng mukha nito. Hindi maikakaila na masaya ito.

Nang matapos ito sa pagluluto, tutulungan niya sana ito sa paghahain sa lamesa pero pinigilan siya nito.

"Just stay there, mahal. Ako nang bahala." Syempre, kilig na kilig naman siya. Pakiramdam niya ay isa siyang prinsesa. Ang swerte niya talaga sa kasintahan. Bukod sa gwapo at macho na, pinapakilig pa siya sa pag-aasikaso sa kanya at sa mga anak nila.

"Ang sweet mo ngayon, ah." She teased. Well, lagi namang sweet ang nobyo.

"Syempre naman. Ako pa!" Ulit nito sa sinabi kanina saka binayo pa ng kamao ang dibdib.

She chuckled softly. Hindi niya napigilang yakapin ito mula sa likuran habang naglalagay ito ng mga pinggan at kubyertos sa lamesa. Natigilan ito saglit.

"Thank you, mahal. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya mula nang bumalik ka sa buhay ko, namin ng mga bata. Sana lagi na lang tayong ganito, masaya at walang iniisip na problema."

Humarap ito sa kanya saka sinapo ang kanyang mga pisngi. "Don't worry, mahal. Gagawin ko ang lahat para pasayahin ka at ng mga anak natin."

"Paano kung may dumating na problema?" Hindi niya mapigilang mag-alala.

"Normal lang naman 'yon, mahal, pero mangako ka sa'kin na hindi na tayo maghihiwalay kahit ano pang problema ang sumubok sa'tin."

Napangiti siya. "Oo, mahal. Pangako."

Ilang saglit silang nagyakap bago ipinagpatuloy ni Vince ang ginagawa. Siya naman ay umakyat sa itaas upang gisingin sina Chase at Chance.

Maya-maya pa ay masaya na silang kumakain na pamilya.

"I have a surprise for you, sweethearts." Anunsyo ni Vince habang kumakain sila.

Nagkatinginan ang kambal at nagliwanag ang mga mukha. "Ano po 'yon, papa?"

"Magbabakasyon tayo."

"Talaga po?!" excited na sagot ni Chase.

"Saan po tayo magbabakasyon, papa?" tanong naman ni Chance na malawak ang ngiti. Si Charlie naman ay masayang nakikinig sa usapan ng mag-aama niya.

"In Switzerland."

"Yehey!" masayang-masaya ang mga anak. Nag-apir pa ang dalawa.

"Narinig mo po ba 'yon, mama? We're going to Sitzeland?"

Natawa ang dalaga sa pagkakabigkas ni Chance sa pangalan ng bansa. "Switzerland, anak." Pagtatama niya.

Tumango-tango ito na parang matanda saka nagtanong. "Saan po 'yon, mama, papa?"

"Kaya nga po. Saan po 'yon?" segunda ni Chase na salubong ang mumunting mga kilay.

Nagkatinginan sila ni Vince saka parehong natawa. "Excited na kayo pero 'di niyo naman pala alam kung saan 'yon. Kayo talaga."

The twins giggled.

"Sa ibang bansa 'yon, mga anak. Doon tumira si papa ng anim na taon. Maganda doon. You will enjoy there for sure. Sasakay tayo sa yacht saka tayo magfi-fishing. Tuturuan kayo ni papa." Tumingin ang binata sa gawi niya. "At syempre, ikaw din, mahal."

Ngumiti lang siya.

"Kaya po ba ngayon ka lang umuwi sa amin, papa, kasi malayo doon? Sino po ang kasama mong tumira doon?" Chase asked curiously.

"Oo, anak. Malayo doon. Kasama ko ang lolo niyo at ang tita Venice niyo."

Nagkatinginan ang kambal. "May iba pa po kaming lolo tsaka tita?"

"Yes, sweethearts. You'll meet them after our vacation. Siguradong matutuwa silang makita kayo."

Tuwang-tuwa ang mga bata sa nalaman. Bukod sa excited ang mga ito sa bakasyon nila ay excited rin ang mga itong makilala ang pamilya ni Vince.

Maganang ipinagpatuloy ng mga ito ang pagkain.

Lumipas ang maghapon na bukang bibig ng kambal ang tungkol sa bakasyon nila sa Switzerland at sa pamilya ni Vince. Excited na excited na ang mga ito. Gusto man niyang maging masaya para sa mga ito pero hindi niya maiwasang makaramdam ng pagkabahala.

ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Charlie habang nakaupo siya sa outdoor lounge chair at pinapanuod ang mga anak nyang lumalangoy sa swimming pool. Tili ng tili ang dalawa habang naghahabulan sa paglangoy.

Bata pa lang ang mga ito pero marunong nang lumangoy. Pero kahit ganun, may suot pa rin ang mga itong life vests for safety purposes.

Wala si Vince dahil pumunta saglit sa opisina dahil tumawag ang sekretarya nito. Hindi pa niya nakikilala ang bago nitong sekretarya dahil nga nagbakasyon sila ng binata mula sa trabaho nila.

Pero kahit nakabakasyon sila ay nagtatrabaho pa rin sila sa bahay. Si Vince naman ay sumasaglit sa opisina minsan kung may importanteng kailangang gawin roon.

Hindi niya maiwasang maisip ang sinabi ng binata kaninang umaga. Bigla ay nakaramdam siya ng takot nang marinig ang tungkol sa pamilya ng kasintahan.

Pa'no kung galit pa rin ang mga ito sa kanya, lalo na si Venice? Hindi lang 'yon. Ilang araw na niyang pinag-iisipang ipakilala si Vince sa pamilya niya pero nagdadalawang isip siya. Pa'no kung imbes na tanggapin ito ng mga magulang niya ay magalit pa lalo ang mga ito sa kanya? Napakagat-labi siya saka ulit bumuntong-hininga.

"Ang lalim no'n ah, mahal. May problema ba?" Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran saka isiniksik ang mukha sa kanyang leeg.

"Ginulat mo na naman ako!" sita niya sa kasintahan. He chuckled. Akma itong sasagot nang makita ito ng kambal.

"Papa!" Masayang tili ng mga ito.

"Let's swim, papa, mama. Join us." ungot Chance.

"Later, sweetheart. May pag-uusapan lang muna kami ng mama niyo." Sagot ng binata saka tila naglalambing na hinagkan siya sa gilid ng leeg.

"Answer me, mahal. Bakit parang may problema ka yata? Tahimik ka mula kaninang umaga. Hindi mo ba nagustuhan ang plano ko? Pasensya na kung hindi ko nasabi ang tungkol sa bakasyon. Nakalimutan ko. Na-excite lang. Sorry, mahal. Next time, sasabihin ko muna ang plano ko sa'yo bago ko sabihin sa kambal." He said apologetically

Sumandal siya sa matipuno nitong katawan saka sumagot. "Hindi naman tungkol sa bakasyon natin ang iniisip ko."

"Tungkol saan kung ganun?"

"Sa pamilya mo." At sa pamilya ko, gusto niya sanang idugtong pero hindi niya nagawa. Siguro mas maganda kung sabihin niya iyon sa binata pagbalik nila mula sa plano nilang bakasyon.

Saglit na natigilan ang kasintahan. "What about them?"

Charlie chewed on her bottom lip tensely. "Pa'no kung galit pa rin sila sa'kin dahil sa nagawa ko sa'yo noon, lalo na si Venice ? Siguradong hindi na niya ako gusto pang makita. Hindi ko maiwasang mag-alala, mahal." pag-amin niya.

Mahina itong tumawa saka lalo pa siyang hinapit palapit sa katawan nito. Ang sarap lang sa pakiramdam na yakap-yakap siya nito. "'Wag mo nang isipin 'yon. Ipapaliwanag ko sa kanila ang lahat. Siguradong maiintindihan nila lalo na kung makikita nila ang kambal. Ngayon pa lang, alam ko nang matutuwa sina lolo at Venice."

"Sana nga."

"Sigurado 'yon. Kilala mo naman si V, 'di ba? Mabait at madaling kausap 'yon kaya 'wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano. Ang isipin mo na lang ay ang bakasyon natin. Humanda ka sa'kin kapag nasa Switzerland na tayo." Naging sensual ang tono nito saka siya hinalik-halikan sa pisngi.

Sa wakas ay napangiti siya. "At bakit naman ako maghahanda?" she asked, feigning innocence.

"Syempre, alam mo na."

Natawa siya. "Ikaw talaga. Ang hilig-hilig mo! Hindi ka ba nagsasawa?"

Agad itong umiling. "Hinding-hindi ako magsasawa sa'yo, mahal. Kahit pa siguro puti na ang buhok natin, I will still burn for you."

"Asus. Bola."

"Hindi kita binobola. Gusto mo bang patunayan ko sa'yo?"

Napasinghap siya nang bigla na lamang nitong ipasok ang kamay sa loob ng kanyang damit at damhin ang kanyang malulusog na dibdib. Kahit pa may suot siyang bra ay hindi naging hadlang iyon rito.

"Vince, ang pilyo mo! Nasa malapit lang ang mga anak mo pero kung anu-anong kamanyakan ang ginagawa mo."

Ang lakas ng tawa ng kumag. Akma niya itong kukurutin sa tagiliran nang marinig ang boses ni Chance.

"Mama, papa, sige na po. Join us here." She said impatiently.

Agad namang hinila ni Vince ang kamay mula sa loob ng kanyang blusa. "Bitin." Bulong nito at hindi niya napigilang pagkukurutin sa tiyan. Napakapilyo talaga nito.

Tawa lang ito ng tawa. Maya-maya pa ay napagdesisyonan nilang pagbigyan ang mga anak sa hiling ng mga ito.

Masaya nilang sinamahan ang kambal sa swimming pool at dahil doon ay nawala sa isipan niya ang tungkol sa mga alalahanin.

****

Ano kaya ang mga kaganapan sa bakasyon nila sa Switzerland?

Ano sa tingin niyo ang magiging hadlang sa relsayon nila Vince at Charlie? Any idea?

COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW

If you're looking for English stories, check mine: 

SHE'S MINE, EXCLUSIVELY MINE and its sequel MY POSSESSIVE EX-LOVER

BILLIONAIRE'S SWEET REVENGE

A BILLIONAIRE'S CHARADE (A Fake paradise)

MY LOVE, MY DESTINY

TAKING WHAT'S RIGHTFULLY HIS (Available in ENGLISH and TAGALOG)

OWNING THE WILD HEIRESS

THE BEAUTY & THE POSSESSIVE SERIES:

HIS DECEIT (TB & TP 1)

L'AMOUR FOU (TB & TP 2)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro