Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

chapter 14

A/N: Ginanahan akong magsulat dahil sa responses niyo so nag-update ako. Bukas pa sana pero inihabol ko. LOL. HAPPY READING, BLAZERS!!!


KASALUKUYANG nagluluto si Charlene ng kanilang hapunan nang marinig niyang tumunog ang door bell.

"Mama, someone is outside the gate. Can we open it?" narinig niyang tanong ni Chase mula sa sala. Dali-dali niyang pinatay ang apoy ng kalan saka pinuntahan ang mga anak. Nasa pintuan ang mga ito at nakatingin sa gate.

"Stay here, sweethearts. Titingnan lang ni mama kung sino 'yon."

"Opo." Sagot ng dalawa at binalikan ang pinapanood sa sala. Naglakad naman si Charlene palapit sa gate at napangiti siya nang makita kung sino 'yon. Excited niyang binuksan ang gate.

"Magandang gabi, Charlene." Nakangiting bati ni Darwin. Ito ang anak ng mayor sa kanilang lugar at matagal na rin niyang kaibigan. Binigyan siya nito ng bear hug.

"Oh, my God! Kailan ka pa dumating?" masaya niyang tanong sa binata. Limang buwan na rin kasi itong nawala dahil pumunta sa states.

"Kanina lang. Pinuntahan kita agad kasi na-miss kita." pinasadahan siya nito ng tingin. "Lalo ka yatang gumanda, ah." Puri nito kapagkuwan.

Charlene rolled her eyes. "Sus, bolero ka pa rin."

"Oy, 'di naman. I just know how to appreciate something so beatiful." sagot nito na malawak ang ngiti.

Inirapan niya ito. "Mabuti naman at pinapasok ka ng mga guards?" she asked curiously afterwards.

Darwin chuckled amusedly. "Actually, ayaw nila akong papasukin pero nakita ako ni tatay Larry. Sinabi niyang kakilala niya ako kaya pinapasok ako ng mga guards."

"Mabuti naman at nakita ka niya. Ay, oo nga pala, pasok ka." yaya niya at akmang papasok nang pinigilan siya nito sa kamay.

"'Wag na. Dumaan lang ako kasi gusto kitang makita at ibigay na rin ang mga 'to." Anito sabay abot sa kanya ng pumpon ng mga bulaklak at isang box ng mamahaling chocolate. Meron din itong dalang malaking bear na may hawak na heart.

"Naku. Nag-abala ka pa. Hindi mo naman ako kailangang bigyan pa ng pasalubong."

Agad itong umuling. "That's not pasalubong. Para sa'yo talaga 'yan. Alam mo na siguro kung para saan. Gusto ko'ng ituloy ang sinimulan ko bago ako umalis papuntang amerika." Muntik na siyang mapasinghap ng dinala ng lalaki ang kamay niya sa bibig nito at mabining hagkan iyon.

"D-Darwin..."

"Babalik ulit ako sa susunod na araw, Charlene. Gabi na kasi. Ayaw kong maka-istorbo." Akmang tatalikod na ito nang biglang may maalala. May kinuha ito sa backpack nito. "Siyanga pala, this is for Chase and Chance. Pasalubong ko sa kanila from states. Sana magustuhan nila." Anito at inabot sa kanya ang dalawang boxes ng laruan.

"Naku, Darwin. This is too much. Hindi ka na dapat nag-abala pa."

Umiling ito saka ngumiti. "No. Talagang sinadya kong bilhan ang kambal. Sana matuwa sila. Sige, alis na ako. See you again soon." Kinindatan pa siya nito saka sumakay sa sasakyan nito. Nang makaalis ito ay napabuntong hininga na lang siya.

Bago umalis ang binata limang buwan na ang nakakalipas ay nanliligaw na ito sa kanya. Akala niya ay nakalimutan na siya nito pero hindi pa rin pala. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman.

Pumasok siya at isinara ang gate saka naglakad pabalik ng bahay.

"Chase, Chance, someone wants to give you these." Charlene announced when she entered the house. Excited ang mga bata na lumapit nang makitang laruan ang hawak niya.

"Wow, robot!"

"Ang ganda po ng Barbie doll! Kanino po galing, mama?" tanong ni Chance habang masayang pinagmamasdan ang hawak na laruan.

"Kay tito Darwin niyo, sweethearts. Duamting na siya at pinapabigay niya 'yan sa inyo." Agad na nawala ang ngiti sa mukha ng kambal.

"Sa kanya rin po ba galing 'yang bear, chocolate at flowers, mama?" kunot-noong tanong ni Chase.

"Yes, sweetheart." Nagkatinginan ang dalawa saka parang napaso na agad binitawan ang mga laruan at inilagay sa ibabaw ng coffee table.

"Ayaw na po namin 'yang mga toys."

"Bakit naman, sweethearts? Akala ko ba gusto niyo?" nagtatakang tanong niya sa mga anak.

"Ayaw po namin kay tito Darwin."

"And why's that?"

"Kasi po he's courting you. Hmp! Ayaw namin siya kasi hindi naman siya ang papa namin." Umirap pa si Chance habang sinasabi iyon.

"Mga anak, mabait naman ang tito Darwin niyo."

"Kahit na po. Ayaw namin sa mga suitors mo, mama. Buti pa si tito Vince, he's not courting you kaya gusto namin siya. You're only for our papa, right, mama?" she almost choked with her own spit.

"Sweethearts. Ganito kasi 'yon..." ngunit hindi na niya naituloy ang nais sabihin dahil napansin niyang parang naiiyak na ang mga anak.

"Sige na nga. Oo na." sang-ayon na lamang niya. Their faces brightened up instantly.

"Talaga po, mama?"

Nakangiti siyang tumango. "Yes, sweethearts. Mama's only for your papa." tuwang-tuwa ang mga anak dahil sa sinabi niya. Pati siya ay masaya dahil napasaya niya ang mga anak kahit pa alam niyang komplikado ang sitwasyon nila ng papa ng mga ito. Bahala na...

TININGNAN ni Charlene ang pintuan saka napabuntong-hininga. Napatingin siya sa orasan. Malapit nang mag-alas siete pero wala pa si Vince. Ang sabi nito ay ihahatid lang nito ang kasama nitong babae kanina pero hanggang ngayon ay wala pa ito.

"Mama, bakit wala pa po si tito Vince?" tanong ng anak na si Chance. Nasa sala silang mag-iina. Katatapos lang niyang turuan ang mga anak ng assignment ng mga ito.

"Hindi ko alam, sweetheart. Siguro, may pinuntahan lang kaya hindi pa umuuwi." Pilit siyang ngumiti.

"Can we call him up, mama?" tanong naman ni Chase. Mukhang nag-aalala ang kambal sa binata.

"Naku, 'wag na, sweetheart. Baka may ginagawa siyang importante. Makakaistorbo lang tayo. Hayaan niyo, siguradong uuwi rin 'yon mamaya." Aniya sa pinasiglang tono kahit pa nagsisikip ang dibdib niya sa isiping iba ang ginagawa ng lalaki.

Kasama nito ang babaeng 'yon kanina. Ayaw man niyang isipin kung ano ang maaaring ginagawa ng mga ito sa kasalukuyan pero hindi niya maiwasan. Alam niyang wala siyang karapatang masaktan kung may relasyon man ang mga ito pero mahirap pigilan ang damdamin. She mentally shook the thought away.

Kinuha niya ang remote at binuksan ng TV. Inilagay niya sa cartoon network. "Ayan, manood na lang muna kayo. I'll just prepare our dinner, okay?" tahimik na tumango ang dalawa. Mukhang napapalapit na talaga ang mga sa binata.

Paano naman kasing hindi? Ito lagi ang kalaro ng mga ito kapag nasa bahay sila. Napansin rin niyang naging mas masayahin ang kambal simula nang tumira ang binata sa kanila.

Pumunta siya sa kusina upang maghain ng kanilang hapunan. Nang matapos ay bumalik siya sa sala upang tawagin ang mga anak. Napakunot-noo siya nang makita ang ginagawa ng mga ito. Hawak ng mga ito ang cellphone niya.

"What do you think you're doing with my phone, Chase, Chance?" she asked her children sternly. Nagulat ang mga ito at agad binitawan ang cellphone. Lumapit siya sa mga ito saka kinuha ang gadget.

Binuksan niya iyon at nakita niyang nasa contacts iyon. "Sweethearts, mama is asking you." she said.

"I'm sorry, mama. Gusto lang naman naming tawagan si tito Vince." Sagot ni Chase.

"Baka po kasi hindi na siya babalik dito." ani Chance. Lihim na napangiti si Charlene pero nanatili siyang seryoso.

"You know that what you did was not right, isn't? Dapat nagpaalam muna kayo kay mama bago niyo pinakialaman ang cellphone, 'di ba?" tumango ang mga ito.

"I'm sorry po, mama." Magkapanabay na sagot ng mga ito. Charlene released a breath and then smiled.

"Why didn't you tell me anyway?"

"Kasi po baka ayaw mo po, eh. Lagi naman po kasi kayong nag-aaway ni tito Vince."

Napakunot-noo siya. "Nag-aaway?"

"Opo, mama. We heard you before. Tapos po, hindi na kayo nag-uusap." Sagot ni Chance. Napakagat-labi si Charlene. Hindi siya aware na narinig pala sila ng mga anak at napapansin ang hindi nila pagkikibuan.

"Ayaw niyo po ba kay tito Vince?" Chase asked confusedly. Agad naman siyang umiling.

"No, sweetheart. Hindi naman kami nag-aaway ng tito Vince niyo. We were just discussing something about the ranch but everything's okay between us." sagot niya. Nagakatinginan ang kambal. Mukhang hindi masyadong kumbinsido.

"Really, mama?"

"Of course, sweetheart. Anyway, huwag niyo nang isipin ang tito Vince niyo kasi uuwi rin 'yon mamaya. For the meantime, kain na muna tayo ng dinner." Aniya saka kinuha ang kamay ng mga ito.

Habang naglalakad sila papunta sa dining area ay malungkot pa rin ang mga mukha ng kambal.

"Bakit malungkot pa rin kayo? Ayaw niyo bang makasama si mama? Nandito naman si mama, 'di ba?" tila nagtatampo ang boses niya. Agad namang umiling ang mga anak.

"No po, mama. Gusto po."

"Then smile na. I even cooked your favorite food." Sa wakas ay nagliwanag ang mukha ng dalawa.

"Talaga po, mama? Nagluto ka po ng fried chicken?" Malawak ang ngiting tumango siya.

"Yehey!" tuwang-tuwa ang mga ito.

"But of course, you need to eat your veggies as well, sweethearts." Paalala niya. Umasim ang mukha ni Chance.

"But, mama---"

"---You know he rules, sweetie."

"Sige na nga. I'll try po." She gently squeezed Chance's nose.

"Ikaw talaga." Her daughter giggled. Maya-maya pa ay nasa hapag-kainan na sila at kumakain. Walang bukang-bibig ang mga anak kundi si Vince.

"You know po, mama? Tito Vince said he would teach us how to ride a horse on Saturday." Excited na sabi ni Chase.

"He told you that?"

"Opo, mama. He promised us. Sabi pa niya, bibigyan niya kami ng ponies namin," wala pa man ay tuwang-tuwa na ang dalawa. Baka sang excitement.

"Sweethearts, you're too young to ride a horse." Biglang nawala ang excitement sa mga mukha ng kambal.

"Pero sabi ni po tito Vince, siya ang magtuturo sa amin and we'll be safe kasi nandun naman siya." Napabuntong-hininga siya. Hindi malaman ang tamang sasabihin. Ayaw naman niyang maging kontrabida sa mata ng mga anak.

"Okay, I'll think about it. Kakausapin ko muna ang tito Vince niyo." Sabi na lang niya kapagkuwan. Their faces brightened up.

"Talaga po, mama?"

"Yes, sweethearts. Sige na. Tapusin niyo na ang pagkain niyo." Maganang inubos ng mga ito ang laman ng kanya-kanyang plato.

Nang matapos sila ay nanuod muna saglit ang ito sa sala habang naghuhugas siya ng mga pinagkainan nila. Nang matapos siya ay umakyat na sila at tinulungan niya ang kambal na maglinis ng katawan.

Pagkatapos niyang asikasuhin ang mga ito ay ang sarili naman ang inasikaso. Nang matapos siya ay binasahan ang mga anak ng bedtime story.

"Mama, gabi na po. Bakit wala pa rin si tito Vince?" tanong ni Chase nang matapos niyang basahan ang mga ito ng story. Naku, naalala na naman ng mga ito ang binata.

"He's on his way home for sure, baby. Gusto niyo pa ba ng isang story?"

"Can you sing us a lullaby na lang po, mama?" hiling ni Chance. Napangiti siya.

"Sure, baby." Yumakap ang mga ito sa kanya. Nasa gitna siya ng mga ito.

Somewhere, over the rainbow, way up high

There's a land that I heard of once in a lullaby

Somewhere, over the rainbow, skies are blue

And the dreams that you dare to dream really do come true

Someday I'll wish upon a star

And wake up where the clouds are far behind me

Where troubles melt like lemon drops

Away above the chimney tops

That's where you'll find me...

Nakailang kanta rin siya bago niya napansing nakatulog na ang mga anak. Napatingin siya sa digital clock sa may bedside table. Alas dies pasado na pero wala pa rin si Vince. She bit her lower lip. Ayaw na niyang isipin pa kung ano ang kasalukuyang ginagawa ng binata dahil masasaktan lang siya.

Sinubukan niyang matulog pero hindi siya dalawin ng antok. Then, she decided to go downstairs to check if Vince already came home or not yet.

MUNTIK nang matumba si Vicente nang bigla siyang tumayo. Medyo lasing na siya. Sana lang ay kaya pa niyang mag-drive pauwi.

"Hey, saan ka pupunta?" tanong ni Wolf.

"Uwi na ako. Gabi na."

Natawa ang kaibigan. "At kailan ka pa nagkaroon ng pakialam kung gabi na kapag ganitong lumalabas tayo?" tila nakakalokong tanong nito.

"Shut up. Sige na. Aalis na ako. Ikaw na ang magbayad diyan."

"Teka, bakit ako? Ikaw itong nagyaya ng inuman nang malaman mong nandito ako sa Tagaytay, eh." Reklamo nito. Nakabusangot na ito. Akala mo naman kung hindi kayang bayaran ang bill nila.

"Whatever, man. Sige na. Mauna na ako."

"Teka lang. Ihahatid na kita. Baka mapano ka pa. Parang lasing ka na, eh." Akmang tatayo ito nang pigilan niya.

"Huwag na. Kaya ko pa naman. Malapit lang naman ang rancho dito."

"Sigurado ka?" tila nag-aalangan ito.

"Oo. Sige." Naglakad na siya palabas ng bar na iyon at dumiretso sa sasakyan niya. Akma siyang papasok sa loob nang may mapansing grupo ng mga kalalakihan na pumasok sa bar. One particular face caught Vince's attention. He gritted his teeth when he saw his face.

Biglang bumalik sa isip niya ang nakita kanina nang bumalik siya sa rancho pagkahatid kay Honey. Kitang-kita niya kung paano halikan ng lalaking 'yon ang likod ng kamay ni Charlene. Dahil sa nakita ay hindi na siya tumuloy na pumasok sa loob ng bahay.

Umalis siya ulit dahil baka kung ano pa ang magawa niya sa lalaking iyon. Hindi niya maipaliwanag na damdamin ang lumukob sa kanya nang makita kung paano nito yakapin ang dalaga. Parang gusto niyang magwala at pagsusuntukin ang lalaki hanggang sa mawalan ito ng hininga.

"Damn you, Charlie. You haven't changed!" he hissed and then hit his car in rage. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit siya.

Bumalik ang lahat ng mga nangyari sa nakaraan. Pati ang galit niya ay nabuhay ulit. Sumakay siya sa kotse at akmang papaharurutin iyon nang tumunog ang cellphone niya. Sinagot niya iyon.

"Bakit?" malamig niyang tanong.

"Handa na ang lahat, boss. Pwede na naming gawin anytime. Naghihintay lang kami ng signal." Napangisi siya.

"Sige. Gawin niyo na mamayang madaling araw. Siguraduhin niyong malinis ang trabaho." Hindi niya alam kung dahil lasing at galit siya kaya walang pag-aalinlangan siyang pumayag.

"Opo, boss." He ended the call then he smirked dangerously.

PINATAY ni Charlie ang TV at akmang aakyat na sa taas nang marinig niya ang pagparada ng sasakyan sa labas. Pamilyar ang tunog ng sasakyan. Sigurado siyang si Vince na iyon.

Sinadya niya talagang hintayin ang binata upang makapag-usap sila. Gusto niyang ituloy nila ang naudlot nilang pag-uusap kaninang hapon.

Nakapag-desisyon na siyang sabihin rito ang katotohanan. Ayaw na niyang may inililihim pa rito. Gusto na rin niyang malaman ng mga anak na nasa tabi lang ng mga ito ang totoong ama.

Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at pumasok si Vince. Narinig niya ang mga yabag nito papunta sa sala.

"Bakit gising ka pa?" tila yelo ang boses na tanong nito. Ni hindi man lang siya nito tiningnan.

Tumayo siya. "Gusto kitang makausap."

"I don't want to hear any of your nonsense. Inaantok na ako." Akmang lalampasan siya nito nang pinigilan niya ito sa kamay. Naamoy niya ang alak sa hininga nito nang humarap ito sa kanya.

"This is not about nonsense things, Vince. Importante ang sasabihin ko sa'yo."

Vince chuckled tauntingly. "Really? About what? Sasabihin mo na ba na may bago kang nilalandi ngayon?"

Napakunot-noo siya. Nasaktan siya sa sinabi nito. "Ano ang sinasabi mo?"

Napasinghap siya nang bigla siya nitong hapitin sa baywang hanggang sa maglapat ang mga katawan nila. Ang mga mata ng lalaki ay animo nagbabaga sa galit.

"Don't play games with me, Charlie." Agad siyang napailing. Naguguluhan sa pinagsasabi nito.

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo." Lalong naningkit ang mga mata nito.

"Hindi mo alam? So, namamalikmata pala ako sa nakita ko kanina? Bakit hindi mo pa aminin na may bago ka na namang lalaki? Dahil ba hindi mo na nakikita si Gavril kaya naghanap ka na ng iba? Ang bilis naman. Sabagay. Hindi na ako nagtaka." Bigla ang pagkulo ng dugo niya.

Pakiramdam niya ay umakyat lahat ng dugo niya sa ulo. Bago pa niya napigilan ang sarili ay umigkas ang palad niya sa mukha ng binata.

"Damn you! Wala kang karapatang insultuhin ako! Ni hindi ka man lang muna magtanong bago ka mambintang! Oo, alam kong nasaktan kita noon pero wala kang karapatang insultuhin ako ng ganito! Wala akong ginagawang masama!" she spat at him.

Kita niya ang pag-igtingan ng mga ugat nito sa leeg. "Hindi na kita maintindihan. Sinusubukan kong intindihin ka pero sumusobra ka na!" itinulak niya ito at akmang iiwan ito roon nang pumalibot ulit ang mga bisig nito sa baywang niya. Hinapit siya ulit lalo palapit sa matigas nitong katawan.

"V-Vince..." she tried to push him on the chest but she was like a pushing a wall.

"I won't let you to be happy with someone else, Charlie! Never!" asik nito saka biglang sinakop ng mainit nitong labi ang labi niya para sa isang mapagparusang halik. Nanigas ang katawan niya. Hindi siya agad nakahuma.

Galit at nagpaparusa ang halik nito. Nang matauhan siya ay sinubikan niya itong itulak pero hindi siya nagwagi. Ipinagpatuloy nito ang paghalik sa kanya. Walang pakialam kung nasasaktan siya.

Hindi niya napigilang mapaluha. Matagal na niyang inasam na mahalikan ulit ng binata pero pakiramdam niya ay hindi ito ang Vince na kilala niya. Walang pagdadahan-dahan sa halik na iyon. Bagkus ay nananakit at nag-aangkin.

Tumulo ang mga luha niya. Ibinaba niya ang mga kamay at hinayaan ito sa gusto nito. Pumikit siya habang tahimik na lumuluha.

Ngunit sa hindi malamang kadahilanan ay tumigil ang lalaki at inilayo ang mga labi mula sa kanya. Nanatili siyang nakapikit kahit alam niyang tinititigan siya nito.

Naramdaman niyan pinahid nito ang mga luha niya. "Stop crying and kiss me." he breathed after that.

"Nagmulat siya ng mga mata at sinalubong ang titig nito. Hindi niya alam kung namamalikmata lamang siya pero parang naging gentle ang mukha nito.

"C'mon, I want you to kiss me, Charlie." She felt like she got lost in those tantalizing eyes of his. Animo nawala siya sa katinuan. Namalayan na lamang niyang magkalapat na ulit ang mga labi nila. Ang mga braso niya ay nakapulupot na sa leeg ng binata habang nakakulong siya sa bisig nito.

Oh, gosh! It has been so long at pakiramdam niya ay lumulutang siya sa alapaap. Napakatamis ng halik na kanilang pinagsasaluhan. Walang anumang galit o anumang negatibong damdamin. Punong-puno iyon ng pagsuyo at pagkasabik sa isa't-isa.

Napaungol siya nang pumasok ang pangahas na dila ni Vince sa kanyang bibig. He expertly teased her tongue for a duel and she didn't disappoint him. Ibinigay niya ang klase ng pagtugon na alam niyang gusto nito.

Naramdaman na lamang niya ang mga pangahas na kamay ng binata na gumagalugad sa mga sensitibong parte ng kanyang katawan. She moaned deliriously.

****

Ano sa tingin niyo? Simula na kaya ito ng pagbabago?

Ano kaya ang ipinapagawa ni Vince sa mga tauhan?

Ano sa tingin niyo ang susunod na mangyayari?

COMMENT, VOTE, SHARE & FOLLOW

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro