Chapter 9: Don't be a Puppet
(Lels. I accidentally pressed the Publish Button again. And what's worse is, I accidentaly pressed the Publish Button TWICE! Sorry nanaman! 🙇🙇🙇 Ito na talaga ang real update. Bakit ba kasi ang clumsy ng author niyo? 😭😭)
•••••Sniper's POV continuation•••••
"What brings you here in this school Ms. Raven Saldoviana?", seryosong tanong ko kay Raven habang nakatutok parin sa akin ang kutsilyo na hawak niya. "Ano ba talagang pakay mo dito?"
After I learned about her name, tiningnan ko kaagad ang files niya. Inutosan niya kasi ako na bantayan ko ang kilos ni Raven.
And I don't know why.
"Nalaman ko kasi na galing ka sa Japan.", I started. "Sa Abeyara University diba? It's the second wealthiest school in the world since our school Blandon High is the first. I'm sure you know about that. Abeyara University is also considered as the most peaceful school that our world has ever had. So why then? Why did you transfer in here?" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinanong ko na sa kanya ang isa sa mga tanong na gusto kong masagot kaagad.
Sa university kasi na iyon, aaminin ko na maganda rin siya. Isa rin siyang assassin school na napakahirap pasukan. If you get enrolled in that school, it'll count as a blessing.
But it'll truly be a blessing if mabubuhay ka pa at kumpleto pa ang mga parte ng katawan mo until the school year ends.
Naramdaman ko naman ang hininga niya sa likod ng leeg ko at tila nag-iisip kung ano ang sasabihin. Minutes passed bago paman siya sumagot.
"First, drop the formalities. It's disgusting. Second, why do you want to know the reason why I transferred in here?", tanong naman niya. I let out a huge sigh at nagsalita.
"Just curious.", maikli kong sagot. Naramdaman ko naman na mas lalo niya pang diniinan ang pagkatutok nang kutsilyo sa leeg ko. Kulang nalang ay dugo.
"You know what Pres? Too much curiousity can kill you.", pagbabanta niya. I just formed a smile at hinintay ang susunod niyang sasabihin since nararamdaman ko na may sasabihin pa siya. "But I'll tell you anyway."
"I transferred in here because I've got a feeling that the person behind everything is in here. I don't know who that person is but I will definitely find a way to find that certain someone.", pagkukwento niya. Ramdam na ramdam ko ang galit sa mga salitang binitawan niya. " And that person has to pay." At mas lalo pa niyang diniinan ang pagkatutok ng kutsilyo sa leeg ko. And this time, may kaunting dugo na ang lumalabas.
Tch! Alam niya kaya na may parusa kang matatangap kapang sinasaktan mo ang kahit isang miyembro ng student council especially the president? Probably alam niya but she just doesn't care.
"That person murdered the person who means everything to me. And that person's in here somewhere. Papatayin ko siya kung makilala ko siya. That person will die in my own two hands. Wala siyang takas sa akin.", seryoso at malamig niya pang sabi. Base sa tono ng pananalita niya, mukhang hindi siya masyadong marunong mag-tagalog pero nakakaintindi naman.
"Malay natin, ikaw pala yung hinahanap ko."
Nagulat naman ako nang bigla niyang sinabi 'yon. Nakaramdam ako ng... kaba. Tila, mas lalong dumiin ang pagkatutok ng kutsilyo sa leeg ko.
"Just kidding. I'm not even sure if that person's really in here.", sabi niya. Nakahinga naman ako ng maluwag matapos nun. Ewan ko ba basta bigla nalang akong nakaramdam ng kaba sa boses niya.
Inalis na niya ang kutsilyo na nakatutok sa akin at naglakad papunta sa harapan ko. Napahawak naman ako sa leeg ko nang makita ko ang dugo na unti-unting tumutulo.
"Ang daming pakulo ng eskwelahan na 'to no? It really annoys me." Nakatingin lang ako sa kanya habang siya naman ay nakatingin lang sa mga achievements ko dito sa Blandon High. "By the way, correction, Abeyara University isn't a peaceful school. Oo, masasabi nilang peaceful ito kasi 'yon ang nakikita ng mga tao sa publiko at 'yon din ang pinapakita nila. But you're wrong. Everything's a fake. Yung mga ngiti na nakikita niyo has a very dark meaning."
She paused for a moment.
"Don't even think na malinis ang mga kamay nila doon kasi kasing dumi nila ang kamay ng isang demonyo.", pagpapatuloy niya. Hindi naman ako nakapagsalita. So totoo pala lahat ng iyon. May nagsabi sa akin niyan noon, pero hindi ako naniwala.
Nabalik ako sa realidad ng lumingon siya sa akin at seryoso akong tiningnan.
A-Ang mga mata niya...
"I answered your question. So back to my main business in here, open the school clinic now.", pag-uutos niya sa akin. Tumayo ako at lumakad papalapit sa kanya. Huminto naman ako sa harapan niya at mga 5 steps lang siguro ang layo namin sa isa't isa. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti.
"I'm afraid I can't do that. Oo kontrolado ko lahat ang nandito. Pero susundin ko parin ang utos ng principal.", sabi ko sa kanya. Napakunot naman ang noo niya at tiningnan ang isang litrato ko.
Tinuro niya ito na sinundan ko naman ng tingin. Ang picture na tinutukoy niya, I still remember that day when I was named as the new Assassin Student Council President.
When I was still living a normal life.
"You're a leader. Hindi madali kunin ang posisyon mo bilang isang president ng student council. It requires great skills of leadership diba? Pero heto ka ngayon. As far as I know, ikaw ang pinakabata na naging president ng student council dito sa Blandon High am I right? So you should make yourself worthy of your position." Tila, parang natauhan naman ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Napatingin naman ako sa kanya at sakto ding nakatingin na siya sa'kin.
Those eyes... I think I've seen them before...
"You're a president. Not a puppet of our beloved principal.", seryosong sabi niya and emphasized the word "beloved" at naglakad papuntang pinto.
Natigilan naman ako at natulala. Pero mas lalo akong natulala at natigilan sa susunod na sinabi niya. She looked at me by her shoulder na may malamig na mga tingin.
"Prove to them that you're worthy of your name, President Sniper Manigo. And don't worry, I'm ready to face any punishments nang dahil sa pananakot ko sa'yo." And she left me dumbfounded.
I admit, ngayon lang ulit ako natulala ng ganito. 'Siya' lang kasi ang makapagtulala sa akin noon.
And those eyes and the way she speaks, familiar lahat sakin yun.
Sino ka ba talaga Raven Saldoviana? Why are you so familiar to me?
•••••Raven's POV••••
Nandito kami ngayon sa clinic. 9:00 a.m na at walang kahit isa sa amin ang may balak na pumasok sa klase namin.
Nakatingin at nagbabantay lang kami kay Taylor ngayon na mahimbing na natutulog. Her wounds have also been treated. Buti nalang sinunod ako ng president na 'yon.
"Seryoso Raisin? Ano ba talaga ang pinakain mo sa taong 'yon? Why did he decided to break the rules?", Miyahara asked, breaking the silence. Nagbuntong hininga naman ako bago ko siya sinagot.
Kahit kailan talaga, he's so annoying.
"It doesn't matter. The important is, Taylor's wounds have been treated." Tumahimik na siya pagkatapos nun.
30 minutes passed and someone opened the door. It was Smith. May dala siyang pagkain para sa aming lahat. Teka? 9:30 pa naman ah? Baka snacks lang 'to.
"Here guys let's have some lunch.", he said while putting the tray of foods on the table near Taylor's bed. "For energy.", he added.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Miyahara habang nakakunot ang noo namin.
"It's still 9:30.", sabi ko. Bumuntong hininga naman si Miyahara at nagsalita.
"Ganyan talaga yan si Hades Raisin, masanay ka nalang. He's always advance at gusto niyang may energy tayo palagi. And I'm warning you, he's also a food critic. So watch out.", sabi ni Miyahara sa akin. Hindi lang kami pinansin ni Smith at nauna nang kumain. Wala kaming choice kaya kumain nalang din kami.
But I really hate it when he calls me "Raisin". Feel na feel niya talaga na okay lang sakin ang nickname na 'yon no?
After we ate the foods that Smith brought, nagdesisyon akong magtanong tungkol sa tunay na nangyari kay Taylor. I think it's better to ask them now while Taylor's still sleeping.
"Hey tell me, ano ba talaga ang nangyari?", seryoso kong tanong sa kanilang dalawa. Tumingin naman silang dalawa sa akin.
"We don't really know. May nagsabi lang kasi sa amin, si Cindee, yung kaklase at secretary natin sa classroom. Sinabi niya na nakita niya raw si Maura dun sa Girls' Locker Room na nakahiga sa sahig at walang malay.", pagkukwento ni Miyahara.
"That's why we went to the locker room immediately to check her out at dun namin siya nakita. Sabi naman ni Cindee, nakita niya raw si Elizabeth with her group na lumabas ng Girls' Locker Room bago paman siya pumasok at nakita si Maura sa sahig. When we brought Maura here in the clinic bago ka paman dumating, nagkaroon siya ng malay pero hindi siya sumagot sa mga tanong namin. She didn't even talk.", Smith continued.
I clenched my fists after they said that. Tumingin ulit ako sa wrist watch ko.
10:00 a.m na. 2 more hours at lunch break na.
I never thought na magagalit ako ng ganito. Ilang days pa nga lang ako dito at akala ko si Miyahara lang ang nagpapainit ng ulo ko kaso may isa pa palang mas worse na nilalang.
~2 hours and 30 minutes later~
"Oh? San ka pupunta Raisin? Papasok kana ba?", tanong ni Miyahara sa akin nang bigla akong tumayo si kinaupuan ko and headed straight for the door.
I looked at the both of them, nakatingin rin si Smith sa akin na tila, alam na niya ang balak kong gawin.
"It's time to teach some lessons.", seryoso at malamig kong sabi. Narinig ko naman na tinawag ni Miyahara ang pangalan ko but I just ignored him and tuluyan nang lumabas sa clinic.
They will pay for what they did to her.
*~*~*~*~*~*
So since we don't have a class today, I decided to update. 😊😊 Nasa mood eh. I started editing this chap yesterday and dahil clumsy ako ay na-press ko yung Publish Button accidentally. 😅😅 Hindi kasi ako tinatamad ngayon eh. Pero tinatamad akong mag-edit. 😂😂😎😎
So when I last checked this story's current rank which was mga 5:00 na ata this afternoon ay #731 in Mystery/Thriller palang siya. But when I checked it now, woaahh I can't believe na Rank #678 na siya in Mystery/Thriller! Proud ako sobra! 👏👏😍😍
Watashi wa totemo shiawaseda 😹😹💟💟😻😻 Search niyo nalang ang meaning. Happy Reading minna! 😘😘 Sobrang happy talaga ng author niyo ngayon! ✌✌
Btw, sino nga pala mga Linkin Park (LP) fans dito? Nalulungkot talaga ako kapag naaalala ko ang death ni Chester. 😭😭 It really breaks my heart. Hindi ko talaga maiwasan eh. 💔💔
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro