Chapter 8: Raven's Determination
•••••Blade's POV•••••
Nang makarating ako sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko at humiga sa kama. Wala sina mom and dad ngayon, nasa America sila. I don't know when they will come back. They always call me everynight especially si mom. Kung mag-alala sakin yun wagas. But I understand her. Tanging ako lang, mga katulong at ang mga guards namin ang nandito ngayon sa bahay.
Hindi ko parin maalis sa isipan ko ang nangyari kanina. Yung mga sinabi ni Raven. It was the first time I heard her speaking in tagalog. I know it's not really a big thing but, unusual lang talaga eh.
Pero yun nga lang, galit siya. I know na ang babaw ng rason ko para magalit but hindi ko lang kasi talaga maiwasang mainis eh. Napapikit nalang ako sa aking mga mata.
'You have no idea what I can do Miyahara.'
I still remember everything she said at ang mga mata niya. Bakit ba ang sobrang familiar nun sakin? At kapag sinasabi rin niya ang last name ko, ang sobrang familiar rin sakin.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok dito.
"Sir? May naghahanap po sa inyo sa labas.", sabi nung isa naming katulong sa bahay.
Tsk! Ano ba naman yan! It's already 9:00 p.m kaya sino ba naman talaga ang gustong kumausap sakin? It's very impossible for Maura and Hades kasi hindi naman sila ganun.
"Sino po?", I curiously asked.
"Eh hindi po nagpakilala sir eh. Naka hood po siya at hindi ko rin masyadong makita yung mukha."
Nakahood? Hmm there's only one person na alam kong nakasuot ng hood. But it's impossible. Hindi naman kami magkasundo. Galit pa nga yun sakin eh. Tss.
Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang entrance door namin.
Binuksan ko iyon at nakita ko ang isa sa mga taong kinamumuhian ko na nakatayo sa labas ng gate namin. Kahit naka-hood siya, kilalang-kilala ko parin siya.
"Akala ko hindi ka lalabas.", wika niya pero binalewala ko lang iyon. Lumapit pa ako sa kanya.
"Just what are you doing in here?", I asked nang makalapit na ako sa kanya pero hindi ko binuksan yung gate namin.
"Hindi ka parin nagbabago noh?" I can still see his smirk even if he's still wearing his hood. "Wala ba sila tita at tito?"
"Just stop asking questions and tell me what you're doing in here. Kung nandito ka lang para magsayang ng oras, pwes wala akong oras para sa mga ganyan." Ano pa ba kasing ginagawa niya dito?
He smirked again before answering my question.
"Chill. I'm not staying in here for long anyway. Nandito lang ako para ipaalam sa'yo na hinding-hindi ako magpapatalo sa'yo this year. Mananalo at mananalo parin ang team namin. We will do everything just to win.", sabi niya at aalis na sana nang pigilan ko.
This time, ako naman ang napatawa ng mahina.
"Ginagago mo ba ako? Hindi ako tanga. Kilala kita. Alam kong hindi talaga yan ang pinunta mo dito. Hindi ka basta-bastang pupunta dito kapag hindi importante ang sasabihin mo." Ano ba talagang pakay niya? Alam kong nagsisinungaling lang siya. I know he's lying.
Huminto siya sa paglalakad at and the next thing he said made me shocked.
"Nararamdaman ko na siya. Nararamdam kong nagbalik na siya." Lumingon siya sakin. "Nandito na siya Blade." At bigla nalang siyang nawala.
I hardly clenched my fists matapos kong marinig 'yon.
Hanggang ngayon parin ba? Hanggang ngayon ay naniniwala parin siya na buhay pa siya?
•••••Raven's POV•••••
I woke up by the sound of my alarm. Bumangon ako kaagad at naghanda na.
Another boring day.
MAAGA akong nakarating sa paaralan. I'm doing great now since effective naman talaga 'yong gamot na pinainom sakin ni Ethan last night.
Habang naglalakad ako, naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko sa loob ng bag. So I quickly get it and checked kung sino ang tumatawag sa akin. Laking gulat ko nang makita ko na si Miyahara pala ang tumatawag sa akin.
Tsk! First thing in the morning at mabwibwisit na naman ang araw ko.
"What do you---", tatanongin ko na sana siya kung ano ang kailangan niya when he suddenly cut me off.
"Raven! Pumunta ka dito ngayon sa clinic! Maura's in trouble." Hindi ko alam pero bigla nalang akong napatakbo pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon.
B-Bakit? Anong nangyare?
Nang makarating na ako sa clinic na may nakalagay na "Closed" sign sa pinto, nakita ko kaagad silang tatlo. Si Miyahara ay abala sa pakikipag-usap sa nurse outside the clinic na halatang naiinis na. Napatingin ako sa relo ko at nakitang 7:30 na. Biglang napakunot ang noo ko. Bakit sarado ang clinic? It's supposed to be opened by now.
Agad akong napatakbo sa kinaroroonan nina Taylor at Smith. Napatigil ako ng marating ko sila.
"W-What happened?" Damn it. Ngayon lang ulit ako nag-aalala ng ganito.
Nakaupo lang si Taylor sa bench habang pinupunasan ni Smith ang mga sugat niya. Punong puno ng pasa ang katawan ni Taylor. May mga dugo paring tumutulo galing sa mga sugat niya. Sirang-sira na rin ang uniform at buhok niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita ko.
She doesn't look like the Taylor that I see everyday.
Kita rin sa mga mata niya ang panghihina.
"Si Elizabeth. She did this to Maura. Siya ang gumawa nito kasama ang grupo niya." Hindi man halata pero alam kong galit na galit ngayon si Smith dahil sa kalagayan ngayon ni Taylor. Nakayuko lang si Taylor and can't seem to look at me in the eyes.
"Ano ba! Papasukin mo na kami! Can't you see it?! Our best friend needs to be treated! Urgh! Bakit ba kasi ganito ang eskwelahan na 'to!" Naiinis na sabi ni Miyahara. Mukhang kanina pa siya nakikipagtalo habang ang nurse naman ay abala sa pagpapakalma sa kanya.
Nilapitan ko sila at nagsimulang kausapin ang nurse. Tumahimik naman si Miyahara nang makita niya ako.
"Let us in.", maikli but malamig kong sabi. Halata naman sa mukha ng nurse na nagsimula na siyang matakot.
"S-S-Sorry po ms. H-Hindi po talaga p-pwede.", pautal-utal niyang sabi at nilingon ang cctv camera sa itaas. I followed her gaze. Nilingon ko ulit sina Miyahara, Taylor at Smith. I think I know what I should do now.
"Stay here and wait for me.", utos ko at tumakbo palayo. I heard Miyahara calling out my name but I just ignored it.
I have to talk to him. He's the only one who can help us right now.
-----
PAGKARATING ko sa harap ng Student Council Office, tumigil muna ako and placed my hands on my knees. Hingal na hingal parin ako dahil sa kakatakbo and still catching my breath.
Pagkatapos ay binuksan ko kaagad ang pinto. Hindi na ako kumatok pa. I mean, what for? This is a demon school anyway. Wala sa vocabulary nila ang salitang "respeto/respect".
When I opened the door, I saw a girl na nasa desk ng secretary at may ginagawa, pero alam ko na hindi siya ang secretary dito. I looked at her I.D sling at nalaman na isa pala siyang Assassin 3th Rank. I wonder where the secretary is at parang hindi niya alam na nandito ako.
I walked towards her habang patuloy parin siya sa ginagawa niya.
"Where's the president?", deretso kong tanong sa kanya. Hindi niya parin ako nilingon at nagpatuloy parin sa ginagawa niya.
"The president is busy at th---", Tsk! Here we go again.
Hinampas ko ang right hand ko sa lamesa niya na naging dahilan ng pagtingin niya sa akin at pagkasira ng lamesa.
Tsk! I really hate liars.
Nagulat naman siya sa ginawa ko at naramdaman ko ang takot niya. May takot naman pala to eh.
"Don't make me repeat myself. Where is he?" This time, obvious na talaga na nanginginig na siya sa takot. Assassin 3th Rank pa naman siya tapos may takot sa isang Assassin 1st Rank na katulad ko.
"N-N-Nasa o-office p-po s-siya s-sa t-third f-f-floor.", pautal-utal niyang sabi at napaupo nalang sa sahig. Hindi ko nalang siya pinansin at agad na tinungo ang third floor.
I'll let her go this time. Hindi naman siya ang pakay ko dito. Besides, I don't wanna waste my time.
Pagkalabas ko ng elevator, agad ko nakita ang third floor na may nag-iisang pinto sa gitna. The place is also looks like a living room. May sofa, table at kung ano-ano pa.
I walked towards the door in the middle. Hindi na ako nagdalawang isip na buksan ito. Pero aaminin ko, may nararamdaman akong itim na aura.
Pagkabukas ko ng pinto, gaya nung una, I didn't knock on the door. Nakita ko ang presidente at... who's this guy again? I don't know his name but I'm sure na siya yung lalaki na nagdala nung babae na first student raw na nakapasok sa DRJ this year.
Tumingin silang dalawa sa akin at halatang nagulat sila sa pagdating ko. Looks like they're having a serious conversation.
"You didn't tell me na may bisita pala tayo ngayon pres. Akala ko ba inutosan mo ang weakling na 'yon sa baba na wala tayong appointments ngayon?", nagugulohan niyang tanong habang nakatingin sa akin at ngumiti. Tininingnan ko ang I.D niya.
Max Park, Assassin 3rd Rank?
Hindi lang nagsalita ang presidente at nakatitig lang sa akin ng seryoso.
"How can I help you sweetie?", tanong niya sa akin habang naka-smirk pa. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
"I'm here to talk to him. Not to you.", sabi ko sabay turo sa presidente. Tinaasan ko ulit siya ng kilay nang tumawa siya.
Anong problema nito? Its raining jerks these days.
Tumingin na sa kanya ang presidente at nagsalita.
"Makakaalis kana Max. Mag-uusap muna kami.", sabi niya. Nakita ko naman na nagulat si Max sa sinabi ng presidente. But he didn't complain at ngumiti lang sa akin.
"Fine I'll leave. But don't forget to let your guard down Ms. Saldoviana." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Arrivederci" At bigla nalang siyang nawala.
H-He's also fast. And how did he know my last name?
A moment of silence ate us. Nawala narin ang itim na aura na nararamdaman ko kanina. I came back to reality nang magsalita na ang presidente.
"What do you want Ms. Saldoviana at kailangan mo pang sirain ang lamesa ng secretary ko?", tanong niya.
"I hate your eyes." Alam ko naman talaga na tinitingnan na niya ang mga kilos namin kahit saan kami magpunta. Ngumisi lang siya at nagsalita.
"It's part of my skills.", sabi niya. Tiningnan ko naman siya ng masama. "Anyway, back to my question. What are you doing in here?" Naging seryoso na siya.
I seriously looked at him straight in the eyes at nagsalita.
"Open the school clinic now."
•••••Sniper's POV•••••
"Open the school clinic now." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nakatingin lang siya sa akin ng seryoso. Hindi mo makikita sa mga mata niya ang takot, galit o saya. Wala itong kahit isang emosyon.
"Hindi ko yan magagawa kas---", hindi na ako nakapagtapos sa aking sasabihin nang may naramdaman akong matulis na bagay sa leeg ko.
"I don't have time for games President.", malamig niyang sabi. Napangiti naman ako. Ang bilis niya. Just a minute ago, nakatayo lang siya sa harapan ko, pero ngayon, nandito na siya sa likuran ko at tinutukan na ako ng kutsilyo.
Besides, nagawa naman niyang sirain ang lamesa ng secretary ko na yari sa bakal gamit lang nang isang kamay niya.
"Before that, let me ask you something.", sabi ko sa kanya.
"Make it fast.", sabi naman niya. Ngumisi lang ako.
"What brings you here in this school Ms. Raven Saldoviana? Ano ba talagang pakay mo dito?"
*~*~*~*~*~*
So ayan! 2 chapters has been updated. Ayiieee 😍😍 So this story's current rank is now #866 in Mystery/Thriller! Yepeeey sabog mga red, pink & blue confetti! 👏👏🎊🎊🎉🎉
So, ano kayang alam ni Sniper tungkol kay Raven? At sino kaya yung kausap ni Blade sa labas ng bahay nila? ❓❓❓❓❓
Feel free to guess and comment. 😉😉
Note: May iniba lang ako. Yung sa girl part yung nasa secretary's table, I changed her rank into Assassin 3rd Rank. Supposed to be ay 3rd Rank yan but due to typo ay naging 4th. Gommen! But I already changed it so don't worry. 😉😉
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro