Chapter 5: Half Sisters
•••••Maura's POV•••••
Hayy! Ang saklap naman! Yung feeling na Monday na naman bukas? Grabeh! Kulang na kulang talaga ang weekends.
I definitely need a 6 month vacation twice a year.
Yan ang palagi kong sinasabi sa sarili ko. Sayang hindi sumama si Raven sa amin kahapon nina Hades at Blade na pumunta sa mall. Busy raw kasi siya eh. Naalala ko tuloy yung sinabi niya nung tinawagan ko siya.
- Short Flashback -
Excited na talaga ako ngayon because it's shopping time! Saturday narin ngayon sa wakas! I'm really stressed up. Ang hirap maging estudyante.
Naku correction! Mahirap maging isang assassin.
Anyway, habang nagbibihis ako, I thought of a very great plan.
*Picks up my phone*
*Dial Raven's number*
At yun ay isama si Raven sa mall. For sure magiging masaya kami,
Sana.
^What??^
Bigla akong napalunok. Paano naman kasi? Ang cold ng voice niya and it looks like she's in a bad mood.
"Good Morning Raven! Gusto ko lang sanang imbitahan ka na sumama saamin sa mall to---"
^I don't have time for that shit.^
Toooooooooot...
- End of Short Flashback -
I gulped when I remembered it. Nakakatakot talaga siya. Plus, first time kong marinig siyang magmura. So I guess she wasn't really in the mood.
Nandito lang ako ngayon sa kwarto. Ang boooring! Wala kasi sina mommy at daddy eh. Busy. Always naman. Ako lang at siya ang palaging naiiwan dito sa bahay. Ang kapatid ko. Indeed, malaki ang bahay namin. Almost everything ay meron kami. But still, kulang na kulang parin.
Naisipan kong tumayo at lumabas sa kwarto ko para uminom sana ng tubig. Although mabigat sa kalooban ko na lumabas ay lumabas parin ako. Baka kasi mag-aaway na naman kami. Bumaba ako and as expected, nakita ko siya kaagad sa living room. Nanonood ng t.v. Hindi ko lang siya pinansin at dumiretso sa kusina. Papalapit na sana ako sa kusina nang magsalita siya sa akin.
"Hi half sister! Kumusta? Ngayon lang kita nakita. Don't you wanna see me?", tanong niya sa akin na halata naman talagang peke. "Sa bagay, ayaw naman din kitang makita. Nabwebwesit kasi ang araw ko.", she added. Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso nalang sa kusina. Mabilis kong ininom ang ininom kong tubig para makabalik na ako sa kwarto ko. Ayaw ko ng gulo.
After drinking water, umalis na ako sa kusina at pumunta sa kwarto ko. Hahakbang na sana ako sa stairs nang biglang may humawak sa braso ko ng napakahigpit.
"Don't you dare ignore me you witch.", madiing sabi niya. Ang sakit ng pagkahawak niya sa braso ko. Plus she also has these nails of hers na napakatalim. Kayang-kayang makapatay ng isang tao. Feeling ko nga, mababali na ang mga buto ko. "Kahit kailan Maura, ang boring mo talaga.", she added. Emphasizing the word "boring."
"No wonder palagi kang binubully noon. Sana hindi nalang kita niligtas sa mga araw na 'yon. I took many years to realize that you aren't worth saving.", sabi niya at tsaka binitawan ang braso ko. Namumula na ang braso ko at may mga bakas na ng mga kuko niya.
"K-Kailan mo ba t-talaga ako m-matatanggap?", pautal-utal kong tanong sa kanya. Nakita ko naman na nangigigil siya at feeling ko ay gustong-gusto na niya akong sampalin or worse, patayin.
But instead, she calmed herself and formed a smile. Kung hindi mo talaga siya kilala, you can really say that it's an angel smile. Pero sa totoo, it's actually her devil smile.
"I will never accept you as my sister Maura. To tell you the truth, I always wish na sana hindi nalang ikaw yung babae na inintroduce ni daddy sa akin 9 years ago. Na sana iba nalang. Na sana...", she stopped at yumuko. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang lungkot at galit. "...hindi nalang yung best friend ko." Matapos niyang sabihin iyon ay dumiretso na siya sa kwarto niya. Naiwan naman ako dito sa baba.
Nagsimula narin akong umakyat papunta sa kwarto ko habang wala pang nakakakita sa amin na katulong dito sa bahay at habang makakaya ko pang tiisin itong mga luha ko.
Nang makarating na ako sa kwarto, humiga kaagad ako sa kama at doon umiyak. Sanay naman kasi akong umiyak eh. Everytime na mag-aaway kaming dalawa, I'm always the first one to cry. The last time I saw her crying was the time when we were still close. When we were still best friends. Tumingin ako sa picture na nasa lamesa ko.
A picture of me and her.
Kinuha ko 'yon at tinitigan. Tumulo na naman ang mga luha ko. Masayang masaya kami sa picture na 'to. I still remember that day...
When dad introduced me to my sister. To her.
•~•Flashback•~•
Hindi parin ako makapaniwala na nandito ako ngayon sa bahay ng mga "Mayne".
Na ngayon ay magiging bahay ko narin.
When we entered the big and beautiful house, a good-looking man welcomed me and my mom. When he saw me, he hugged me very tightly.
"Maura? Are you Maura, my daughter?", tanong niya. Hindi parin ako makapaniwala.
"Yes. Yes she is. She's our daughter Leo.", mom said happily. Dad let go of me and hugged mom. Hindi parin ako makapaniwala. I still can't believe that one of the five richest assassin in the world is my dad.
Si Leo Mayne...
Napatingin ako sa isang batang babae na kasing edad ko lang na nakatayo sa hagdanan. I formed a smile. Hindi ko rin inakala na tunay ko talaga siyang kapatid.
Lumingon si mom and dad sa kanya. "Sweetie come here.", tawag sa kanya ni dad. Sinunod naman niya ito at pumunta sa amin. "Sweetie you already knew her right? She's Maura, your best friend. And now, she's your sister.", masayang sabi ni daddy.
Tumingin ako sa kanya. Akala ko matutuwa siya. Akala ko bibigyan niya ako ng isang napakagandang ngiti. Pero akala ko lang pala 'yon.
Bakit parang hindi siya masaya sa nakikita niya? Bakit hindi niya ako binabati?
Lumapit ako sa kanya at binati siya. "Hi Eli! I didn't really expect this. Alam mo ba kung gaano ako kasaya ngayon? I'm so happy that my best friend is my---", but I stopped when I felt something on my left cheek. Nakaramdam ako ng init at sakit. Hindi na naman ako nakapaniwala.
B-Bakit niya ako s-sinampal?
Nakita ko naman na lumapit si mommy sa akin and asked kung ok lang ba ako.
"Beth! What do you think you're doing?! Is that how you treat your sister? Your best friend? Aren't you happy that your best friend is now your real sis---", pero hindi na nakapagpatuloy si daddy dahil nagsalita na si Eli.
"Sister? Psh. Don't make me laugh dad. Fine. I don't care if you'll scold me everyday. I don't have a best friend. And I don't have...", tumigil siya at lumingon sa akin. "...a sister.", sabi niya at umakyat pabalik sa kwarto niya.
Hindi na siya hinabol pa ni daddy at siya nalang mismo ang humingi ng sorry sa akin.
•~•End of Flashback•~•
Fresh na fresh parin sa memory ko ang mga pangyayaring 'yon. Since that day, naging cold na siya sa akin. Hindi na siya yung dating Eli na kilala ko. Yung dating Eli na best friend ko. Pero hindi parin ako nawawalan ng pag-asa. I still believe na matatanggap niya ako at magiging okay narin ang relasyon namin.
Tiningnan ko ulit yung picture naming dalawa. My tears stopped from falling and I formed a weak smile on my lips. I looked at the back of the picture frame. Doon ko nakita ang aking sinulat noong mga bata pa kami.
Maura Hart Taylor and Elizabeth Mayne. Best Friends Forever.
-----
I woke up by the sound of my alarm. Hindi ko namalayan na na straight na pala ang pagkatulog ko kagabi dahil sa kakaiyak.
Urghh! Leshe! Masarap na sana 'yong tulog ko eh! Urghh! Lesheng Monday!
Tumayo na ako and started my daily routine.
Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Pagbaba ko ay nakita ko kaagad si Elizabeth na naga-apply ng make up.
"What are you looking at?", mataray niyang tanong sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin at dumiretso sa kusina para kumain. Nang makatapos na ako sa pagkain ng breakfast ko, tinungo ko na ang pintuan para makapunta na ako sa school.
Bubuksan ko na sana ito nang bigla akong inunahan ni Elizabeth na naging dahilan upang muntik na akong ma-out of balance.
"Opps! Germs blocking my way! Mauna na ako ha? Queen kasi ako eh. Plus, I don't want to go to school with a loser.", sabi niya while emphasizing the word "loser". Umalis na siya at iniwan akong mag-isa. I calmed myself and just let out a huge sigh.
"Ok lang po ba kayo ma'am?", my driver asked me. Tumango lang ako at sumakay na sa isa pa naming sasakyan. Tahimik lang ako sa biyahe. Thinking of what might happen today.
•••••Elizabeth's POV•••••
(AhaHa oo! Nilagyan ko talaga ng POV ang malditang ito. Trip ko kasi eh. 😂😂)
I went to school early. Buti nalang naunahan ko 'yong loser kong kapatid. Eww! Pumunta kaagad ako sa school cafeteria. Dito kasi kami nagkikita ng mga kabarkada ko.
Habang naglalakad ay iniisip ko kung ano na naman ang trip namin ngayon. Pagdating ko sa cafeteria, nakita ko kaagad sina Daisy and Chloe. They waved at me.
"Hey girl. Kumustang araw mo?", tanong ni Daisy sa akin.
"Duh! Of course she's okay. Stop asking silly questions. She's a Queen. She can get rid of everything. Diba sis?", tanong naman ni Chloe sa akin. I'm so lucky to have these girls. They may not look like it, but they can really keep a secret. Sila lang ang nakakaalam na kapatid ko si Maura.
"You're damn right.", sabi ko kay Chloe at binigyan ko sila ng isang nakakalokong ngiti dahil may naisip na akong kalokohan na gagawin namin. They looked at each other and laughed.
"Looks like our Queen has a plan.", sabi ni Chloe na halatang ready'ng ready sa gagawin namin.
"Yeah. Spill it girl.", sabi naman ni Daisy na halatang ready'ng ready din.
Sasabihin ko na sana sa kanila ang plano nang bigla kong nakita ang isa sa mga taong sumira sa imahe ko. Daisy and Chloe followed my gaze at nagulat din sila sa nakita ko. Napangiti na naman ako when I thought of a new plan.
"Girls, change of P-L-A-N-S." Tumingin ulit sila sa akin at nakita ang ngiti ko.
"Uh-Uh-Uhmm D-D-Don't t-tell m-me s-she's o-our n-new p-plan??", pautal-utal na tanong ni Daisy. Me and Chloe rolled our eyes on her. Kahit kailan talaga, si Daisy talaga ang pinakamahina sa grupo namin.
"Come on girl! I also want to teach that b*tch a lesson. I still remember what she did to us. Ang feelingera niya akala mo naman kung sino!", Chloe exclaimed. "Come on sis, tell us what you're thinking." That's the spirit. Daisy let out a sigh at tumango nalang.
Tumingin ulit kami sa babaeng 'yon habang naglalakad siya at hinahabol ng loser kong kapatid. I let out my smile again aka devil smile at nagsalita ulit sa kanilang dalawa.
"We'll use my dear loser sister."
~*~*~*~*~*~
Do you still remember Elizabeth? She was the one who bullied Maura at na-encounter ni Raven sa chapter 2. Wala munang POV si Raven ngayon. 😂😂 Tiisin niyo nalang si Elizabeth okay??
I hope you liked this chapter. 💝💝
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro