Chapter 4: Sniper Manigo
•••••Raven's POV•••••
I'm reading a book here in my room. As always, ang mga libro lang ang mga tunay na kaibigan ko dito sa mundo. I don't trust anyone kahit siya na matagal ko nang nakasama.
I stopped reading when someone knocked on my door. "Ma'am Raven, dinner's ready." Nagtaka ako kung bakit hindi siya ang kumatok sa akin. I went out of my room and went to the kitchen.
I looked around at napansin ko na wala talaga siya. So I asked one of our helpers out of curiousity. "Where's he?" Tumingin naman sa akin ang katulong namin na tinanong ko and answered my question.
"May pinuntahan lang daw ma'am. Tawagan niyo nalang daw po siya if may problema kayo." Okay, so wala nga siya. Hindi na ako sumagot sa kanya at kumain nalang.
Teka, since when ba ako nag-alala sa taong 'yun? He can take care of himself.
Pagkatapos kong kumain ay dumiretso nalang ako sa kwarto ko. I continued reading my book pero habang nagbabasa ako, hindi ko maiwasang maisip yung sinabi ni Miyahara sakin kanina.
'In this school, everyone is a monster. Even the assassin student council president na akala namin ay mabait.'
Sino na naman ba 'tong assassin student council president nato? Ang dami namang pakulo ng eskwelahang pinasukan ko. Tch!
Hindi ko rin napigilan na pumasok pa sa isip ko yung isa pang babala ni Miyahara sakin. Tungkol sa mentor namin.
'Hindi magdadalawang isip si Ms. Angel na ikulong sa Death Room Jail ang mga estudyanteng lumalabag sa mga rules niya. Nasa kanya lang kung ikukulong ba niya o... papatayin niya mismo.'
Sa pagkakatanda ko, wala sa rules kung allowed ba ang mga mentors na pumatay ng student nila. O kung allowed ba ang student na patayin ang mentors nila.
I closed my book at humiga nalang sa kama ko habang iniisip ko parin lahat ng mga sinasabi ni Miyahara.
There's really something off about that school. Hindi ko alam kung ano basta feeling ko talaga, may mali sa paaralang iyon.
Nang dahil sa kakaisip, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
*****
When I entered our classroom, I immediately headed straight to my seat. Hindi ko nalang pinansin si Taylor na kanina pa ako binabati. Nakatingin lang ako sa bintana habang may malalim na iniisip.
Nang dahil sa kakaisip ko, hindi ko namalayan na 30 minutes na pala ang nakalipas at wala pa ang mentor namin. Hanggang sa may biglang nagsalita sa speaker.
^All students must go to the gymnasium now. Our Assassin Student Council President would like to discuss something with all of you. Attendance is a must. If you value your life more than anything, you'll attend this meeting. Thank You and see you at the gym.^
Pagkatapos magsalita nung nasa speaker ay nagsimula na ang mga kaklase ko sa pag-uusap na parang mga palaka kung umuulan. Ang sobrang ingay. Bakas rin sa mga mukha nila ang takot at kaba.
"Ano na naman kaya ang sasabihin ng president natin?"
"Gwapo naman sana ang president natin. Kaso lang, ang sobrang scary niya!"
"Gosh! I don't wanna die. Tara na baka ma late pa tayo."
"Natatakot talaga ako sa president natin. Iisipin ko palang siya ay natatakot na ako."
These frogs are irritating me! What's with this president jerk anyway at bakit parang halos lahat ng mga palakang ito ay takot sa kanya?
"Raven tara na. Baka ma late tayo." Tumingin ako kay Taylor na hinihintay pala ako.
"Hayaan mo na nga yan Maura. Kung ayaw niyang sumama satin edi wag. Hindi naman siguro iiyak ang mundo kapag hindi natin siya kasama." Isa pa 'tong tao nato. Wala talaga siyang ibang ginagawa kundi painit ang ulo ko.
"Tsk!", at tumayo na ako para pumunta sa gym.
Pagkarating namin sa gym ay nadatnan ko kaagad ang napakaraming estudyante. The gym's so big that's enough for us students kaya walang problema. They also prepared chairs for us. Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Makikita mo talaga sa mga mukha nila ang takot at kaba. Now I'm getting more curious.
Who are you, Assassin Student Council President? At bakit may parang may kakaiba?
•••••Blade's POV•••••
Nang makarating ako sa gym kasama sina Hades at Maura, nilibot ko kaagad ang mga mata ko sa palagid. Napakalaki talaga ng gymnasium na 'to kaya kasya lang kaming lahat. Kita ko rin sa mga estudyante ang takot at kaba.
Wala rin ang mga Assassin 4th Ranks.
"Blade, dun lang ako sa unahan ha. I left my eyeglass sa bahay kasi eh. Medjo malabo din yung paningin ko kapag nasa likod na ako.", pagpapaalam sakin ni Maura. I just nodded to her.
"I'll go with her." Tumango nalang din ako kay Hades.
Umupo lang ako dito sa may likuran. Habang nagmamasid ako sa paligid, bigla kong naramdaman na may umupo sa tabi ko.
"What's with this president guy anyway? Why is everyone so afraid of him?"
"T-Teka, ano bang ginagawa mo ha? Pwede ka namang tumabi dun sa iba ah. There are a lot of vacant se---"
"Just answer my goddamn question." Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. Kay Raven. Hindi man niya ako nilingon ay ramdam na ramdam ko ang nakakatakot niyang mga titig.
Plus, this is the first time I heard her cursing kaya alam ko talaga na medjo napipikon na siya.
I just let out a huge sigh bago ko sinagot ang tanong niya.
"Gaya ng sabi ko sa'yo, masama siyang tao Raven. Akala ng marami ay isa siyang anghel na kayang iligtas lahat. But all of it was just an act. He's a demon." I paused for a minute. "I know him better than anyone else."
Hindi parin umimik si Raven na nakaupo lang sa gilid ko. She's looking at the front pero alam ko wala dun naka focus ang isipan niya.
A minute later ay dumating na ang secretary ng assassin student council president na si Sunny Park. She's not just an ordinary staff in here but she's also the secretary.
"Good Morning Everyone!", she started. "Maraming salamat at umattend kayo sa meeting nato. I assume everyone's here?" Mabilis namang tumango ang iba't ibang mga estudyante habang nakatingin sa mala-anghel na mukha ng secretary.
Tsk! Akala mo naman inosente pagdating na sa patayan.
"Everyone, let us all welcome our Assassin Student Council President!", at nagpalakpakan naman ang mga estudyante maliban lang siguro samin.
"And? Who's he?", tanong ni Raven habang nakatingin sa lalaking umaakyat sa stage.
Kung nasa labas lang siguro kami ngayon, for sure maraming mga babae ang kikiligin sa kanya. But in here, marami parin naman ang naa-attract pero mostly talaga ay takot sa kanya.
Napakuyom ako sa aking kamao bago ko sagutin ulit ang tanong ni Raven.
"Ang isa sa mga taong kintatakutan dito." I gave a death glare to the person who is now standing on the stage and is ready to say anything he has to say. "Sniper Manigo."
"Good Morning everyone!", panimula niya. "I'm sure almost all of you ay kilala na ako. Pwera lang siguro sa mga transferees diba?" Ngumti siya na akala ng iba ay ngiti ng isang mabuting tao.
"But anyway, let me introduce myself. I'm Sniper Manigo, the Assassin Student Council President." Nagsimula namang magbulongan ang ibang mga estudyante dito.
I took a quick glance on Raven beside me. Seryoso parin siyang nakatingin kay Sniper.
"I summoned you here to tell you about the rules of our beloved school, Blandon High. You know how important the rules are." Tsk! Akala mo naman kung sinong mabait.
"Sa totoo lang, wala naman talaga akong binago sa mga current rules. I just added something new." I took a quick glance on Raven again. Nakikinig na talaga siya ng mabuti. I think she's getting curious. "As you all know, mentors aren't allowed to kill students. Hindi namin nilagay iyon sa inyong guidebook kasi may karapatan ang mga mentors na magsabi nun sa inyo. Sila mismo ang dapat na magsabi sa inyo.", diniin pa niya ang huli niyang sinabi.
Napatingin ulit ako kay Raven at nakita ko ang pagkunot ng noo niya. I can't blame her. Hindi kasi sinabi ng mabuting mentor namin yan.
Mukhang ang section lang ata namin ang hindi sinabihan tungkol sa rule na bawal pumatay ang mga mentors ng estudyante.
"And para sa bagong rule. This is exactly for all of you my fellow students. This time, you're only allowed to kill if you are told to or if yun ang nakalagay sa mission niyo." The others started to whisper to each other. Nagulat sila. Even me, nagulat din ako sa bago niyang rule.
Kung noon ay pwede kaming pumatay kahit sino anytime, ngayon ay hindi na.
Biglang may mala-demonyong ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Sniper. "Pwera nalang siguro if mangyayari na ang pinakagusto nating activity. Ang Death's Party."
The others started to whisper to each other again. Ang iba ay kinakabahan habang ang iba naman ay nakangisi.
The atmosphere has suddenly changed.
"Sa hindi pa nakakalam kung ano ang Death's Party, well it is an occasion where all of us, including the mentors are free to kill whoever they want. No rules. No guards. No one will ever stop you. We're free to do whatever we want. At syempre, sasali din kaming mga Assasin 4th ranks sa kasiyahan.", he explained while still wearing that annoying smirk of his. "And I have a feeling na magiging masaya ang Death's Party this year."
This is so strange. I didn't expect that he would change the rule and the headmaster would approve it. Kilala ko si Sniper. Hindi naman niya sasabihin sa amin ito without the headmaster's permission.
"And that's all. Yun lang ang gusto kong sabihin sa inyo. Keep in mind that you always have to follow the rules. Kasi kapag lalabag kayo,", he paused and flashed a smile again like a demon. "Ako ang makakaharap niyo.", at binigay na niya ang mic kay Sunny at umalis na sa gym.
This time, kita ko ulit ang takot at kaba sa mga mukha ng iba.
"Wow! What a boring speech.", this girl beside me said sarcastically.
"Thank You president. You may now go back to your respective classrooms.", Sunny said and followed Sniper. Tumayo nalang din kami ni Raven and waited for Maura and Hades na doon nakaupo sa front.
"Let's go.", sabi ni Hades ng makarating na silang dalawa at pumunta na kami sa classroom.
Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang isipin yung mga sinabi ni Sniper kanina. I clenched my fists again.
Kahit kailan talaga, napakademoyo talaga ng Sniper na 'yon! Nagbago na talaga siya. Ang sobrang layo na niya sa Sniper na kilala ko dati.
~*~*~*~*~*~
Hayyssstt! This chapter is so lame... 😩😩 Diba? Anyway, may binago ako, kung hindi niyo pa nakalimutan, "Student Council President" ang nilagay ko sa Chapter 3 but now, I changed it into "Assassin Student Council President." I just added the word "Assassin" before the "Student". So yun lang. 😂😂
Anyway, about sa "Death's Party", I got the idea of its name from the anime series "Corpse Party". 😻😻 So ayun, naging "Death's Party". 😂😂
SPECIAL THANKS to BBemotiface. Yiieee 💖💖 I dedicated this story to you. Sana supportahan mo ang story ko until the end. Mwahh 😘
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro