Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 28: The Bird's Tears

•••••Maura's POV•••••

Speechless? No. It's beyond that. If there's a word that might go beyond it, then that would probably be it.

Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatingin sa babae sa aming harapan ngayon. Her uniform and hands are shrouded in blood; Her eyes are so cold; Its color speaks death though I could see sadness and pain.

"I don't have the book. I hid it in the kitchen inside the cabinet." Her voice is much more colder than usual. "I managed to hide it without him noticing when he was chasing me."

Wala pa ring nagsasalita kahit isa sa amin, even sensei. Tinapon ni Raven ang patalim na hawak niya pagkatapos ay bigla nalang siyang tumakbo palabas.

Hindi ko alam kung imagination ko lang ba 'yon or what but I think nasasaktan siya. I looked at Blade and he was shaking as well. Nakakuyom rin ang mga kamao niya at may tumutulong dugo mula rito kaya hindi ko maiwasang mag-alala.

"Blade—" Natahimik ako nang sinundan niya si Raven palabas.

Masakit. Masakit maalala ang mga masasakit na alaala nung mga bata pa kami. Siya. Pero alam kong mas grabe ang epekto nun kay Blade kaya hindi ko masisi kung ganun nalang ang mararamdaman niya.

The next thing I knew, sumunod rin ako sa kanila. 'Di ko alam kung sino ang kumuha ng libro o kung sumunod ba si sensei at si Hades sakin. Parang bang nakalimutan na namin ang mission namin. Basta ang alam ko lang ay sumunod ako kay Raven at Blade.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko kaagad silang dalawa. Since may lumang cabinet sa labas mismo ng bahay ay nagtago ako sa likod nun. Nakatalikod si Blade sa akin habang si Raven naman ay nakaupo sa gilid ng kalsada. Nakayuko siya kaya 'di ko makita ang mukha niya at kung ano ang ginagawa niya.

"N-Non cambiare... Non c-cambiare..."

Don't Change?

I can clearly hear Raven from here pero hindi ko maintindihan kung ano ang nais niyang iparating.

"C-Controllo... Controllo!"

Control?

Napahawak siya sa ulo niya at pauli-ulit na binibigkas ang mga salitang iyon sa wikang Italian. I couldn't help not to feel sad again. Oo, nakakaintindi ako ng Italian but I don't know how to speak it. Only Blade and Hades knows.

Si Hades, since bata pa siya ay alam naman talaga niya kung paano magsalita ng Italian since madalas na pumupunta ang ama niya doon. Si Blade naman, natuto siya kung paano mag-Italian dahil siya ang nagturo sa kanya.

Tinuruan rin niya ako noon but I just can't speak it no matter how hard I try. Pero buti nalang at least, nakakaintindi ako.

Dahan-dahang lumapit si Blade kay Raven.

"Don't come any closer Miyahara." Tumayo siya at lumingon kay Blade. Magenta Purple pa rin ang kulay ng mga mata niya.

"Is that the true color of your eyes Raven?" tanong ni Blade. "Ba't hindi mo sinabi sa amin?"

Kinuyom niya ulit ang mga kamao niya. His hands are starting to turn red, it's bleeding.

"Bakit? Sino ba kayo para sabihan ko?" Para akong pinatay ng libo-libong kutsilyo sa puso ko.

'Kaibigan ko kayo!'

Gusto kong sabihin niya 'yan sa amin. Pero... parang napakalabong mangyari.

"Anong..." Kita ko ang pamumula ni Blade dahil sa galit. "WALA KANG KWENTANG TAO!"

Nanlaki ang mga mata ko nang pagtaasan niya ng boses si Raven. Hindi na 'to isang friendly na away. Seryoso na ito.

"I know."

"Goddamit Raven! Ganyan ka nalang ba talaga ka walang puso?! Ang hirap mong intindihin eh! 'Di mo alam kung ano ang ginawa ko—namin para lang intindihin ka!" Blade exclaimed. "Kahit bwesit na bwesit na ang araw ko sa'yo ay pilit ko pa ring intindihin ka hindi dahil isang babae ka kundi dahil..."

Hindi pa rin kumikibo si Raven. Walang emosyon lang siyang nakatingin kay Blade. Her eyes... maganda sila ngunit, nagdudulot ito ng hindi magandang alaala sa amin.

"...kasi kaibigan ka na—"

"I don't need to be your friend. You don't need me."

"Hindi ko talaga maintindihan kung ano ba talaga ang laman ng puso't isip mo o kung bakit ka nagkakaganyan eh. Masyado ka kasing komplikado."

"It's alright, I don't understand myself either." Nagulat ako sa sagot ni Raven. Hindi ko inakalang ganun yung magiging sagot niya.

"That's why we're helping you! I understand that you're not the type of person who has a lot of friends pero sana naman ma-appreciate mo rin ang ginawa namin para sa'yo." Halos hindi na ako makahinga sa bigat ng aura nilang dalawa ngayon. "Ang unfair mo kasi naging open kami sa'yo pero ikaw hindi. Uulitin ko, naintindihan ko naman 'yon. But sana ma-appreciate mo rin ang existence at feelings namin."

Napatingin ako kay Raven. Para talaga siyang nahihirapan sa sitwasyon niya ngayon. Tingin ko ay nasasaktan siya but she's just hiding it. Hindi ko lang talaga alam kung bakit. Did Blade notice it?

"Ang hirap kasi sa'yo, ang sobrang cold mo na parang hindi ka isang tao!"

"People are cruel, Miyahara. They're not worth saving for. And yes, maybe I'm not a human. Bakit? Alam mo ba kung ano sila?" Mas lalo akong nanginginig dahil parang mas lalong tumapang ang aura ng kanyang mga mata. "They are monsters. Fake. Tinutulungan nila ang iba pero higit pa nun ang kapalit. Kapag hindi na nila mapapakinabangan ang isang tao ay pinapatay nila. Humans vs. Humans, how pathetic. Humans only fight for themselves so why should we fight for them?"

"Tama nga ang mga narinig ko patungkol sa'yo. Wala kang puso. Masyado mong hinuhusgahan ang mga tao." Narinig ko ang pag-'tsk' niya. "I shouldn't have compared you to Rin."

Mas lalong tumigil ang mundo ko nang marinig ko na naman ang pangalan na 'yon. Tears suddenly came streaming down my face. Nauubusan na ako ng lakas. Masyado ng mabilis ang mga pangyayari. Ramdam na ramdam ko na rin ang galit ni Raven.

"I was wrong nang sinabi ko na naaalala ko siya sa'yo. Mabait si Rin at may puso. Hindi kagaya ng puso mo na mas matigas pa sa bato." sabi ni Blade.

This is getting too much. Masyado nang nagpapadala si Blade sa galit niya.

"Rin? Your weak friend who died?" malamig na sambit ni Raven.

Nakaramdaman ako ng galit. Hindi mahina si Rin! Gusto kong isigaw 'yan kay Raven pero hindi ko kaya. Masyado akong mahina para gawin 'yon. Gusto kong pumagitna sa kanilang dalawa ni Blade para pigilan sila pero hindi ko magawa. I'm frozen to where I am right now. And I hate myself for that.

"SHUT UP! HINDI MO KILALA SI RIN!"

"THEN WHAT ABOUT ME?! STOP SAYING THINGS LIKE YOU KNOW ME VERY WELL TOO!"

Nagulat ako ng biglang lumakas ang hangin at nasira ang mga ilaw dito sa bahay. Buti nalang napigilan kong sumigaw. Ayos lang kaya sina sensei at Hades sa loob?

"Edi 'wag mong sabihan si Rin na mahina dahil hindi siya mahina! She's stronger than you think Raven!" galit pa rin na sambit ni Blade.

Napabuntong-hininga ako. Buti nalang medjo low na ang boses nila. But still, nagsisigawan pa rin sila.

"Then why the fuck did she die then?! Hindi namamatay ang isang tao Miyahara kung hindi sila mahina!"

"What the hell?! Ano ba ang mga pinapaniwalaan mo?"

"Nothing but the reality. I decided to open my eyes and focus on the reality. Fantasy is nothing than a nuisance. Fiction is nothing more than just a waste of time!"

"Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi mo alam ang nararamdaman ng mga tao! How can you even say that? Is that really what you've believed in after all these years? Sino ba nagturo sa iyo niyan? Mga magulang mo ba? Kung ganun, edi wala rin silang mga kwenta kagaya m—"

I gasped in surprise. I looked at Raven with horror in my eyes. S-Sinampal niya si Blade. And not just that, mas lalong naging malamig at nakakatakot ang mga mata niya. Hindi pa rin nag-iiba ang kulay ng mga mata niya.

Napabaling ang tingin ni Blade sa left dahil sa lakas ng pagsampal ni Raven. Nagulat rin siya. I didn't even hear anything but the sound of a person getting slapped.

"D-Don't you dare talk about my pa-parents."

"Oh my God!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

I can't believe this! Hindi ko aakalain itong nakikita ko ngayon.

Umiiyak si Raven.

Tama nga ang sinabi nila na kahit gaano pa ka-cold o ka-tapang ang isang tao, may weakness pa rin ito. Darating na darating yung araw na iiyak rin sila; Yung araw na ilalabas talaga nila ang kanilang tunay na nararamdaman.

"'W-Wag mong isali ang m-mga parents ko sa away n-natin na parang alam mo l-lahat. Non sai nulla (You know nothing) Blade." Nagulat ulit ako. This is the first time I heard her calling Blade's first name. "Y-You don't know them. H-Hindi ko nga sila nakilala o k-kahit nakita man lang, ikaw pa k-kaya na hindi ko kaano-ano? That's absurd."

She wiped the tears on her face but still, tumutulo pa rin ang mga ito.

"Maaari mo na silang tawaging 'walang kwenta' kapag nakilala mo na talaga sila. Keep my parents out of this because I'm the one who decided to be the person I am right now." Napakaseryoso pa rin ni Raven kahit na umiiyak na siya. Hindi pa rin kumikibo si Blade. "And even if you're not telling me, I know you're blaming me for the death of your friend."

Sumasakit tuloy ulo ko. Napakabilis talaga kasi ng mga pangyayari eh. Hindi ko naman talaga inexpect 'to. We came here to accomplish the mission but how did it end up like this?

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang napaupo sa sahig at napahawak sa ulo niya. Hindi. Sa mga mata niya.

"I don't k-know what happened to your f-friend at mas lalong hindi ko rin siya kilala." So inakala talaga ni Blade na may kinalaman si Raven sa pagkamatay ni Rin dahil sa kanyang mga mata?

I never thought of that exactly pero... Napaka-imposible kasi.

Tumayo na siya at tumalikod kay Blade upang umalis na though alam ko na nasasaktan pa rin siya. Tuloy pa rin siya pag-iiyak at nakahawak pa rin ang isang kamay niya sa kanyang mata.

But before she left, nagulat na naman ako sa susunod niyang sinabi.

"S-Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. Just don't you fucking dare blame your friend's death on me. Kasalanan niyo ang pagkamatay niya kasi naging pabaya kayo sa kanya."

It felt like a million sword was thrown at me. Kung pwede lang sigurong mamatay ng isang minuto tapos mabuhay ulit ay siguro nangyayari na 'yan sakin ngayon.

Umalis na siya at iniwan si Blade mag-isa. Tiningnan ko siya hanggang siya'y nawala. First time kong makita siyang umiyak.

Minsan talaga napaisip ako, may point naman si Raven eh. What if hindi namin pinabayaan si Rin noon? What if sinamahan namin siya hanggang sa huli? What if natulongan namin siya kaagad noon? What if naging matatag at malakas kami noon? Siguro nakapiling pa namin si Rin ngayon.

"Well that was a tough argument." Halos mapasigaw ako ng biglang nagsalita si Hades dito sa gilid ko.

"H-Hades?"

"I agree. Akala ko nga magpapatayan sila eh." Gulat na napatingin rin ako sa right side ko.

"S-Sensei?"

"Oh hi Maura! Kanina pa nga pala kami dito. Hindi mo lang kami napansin kasi ang sobrang seryoso mo." saad ni sensei.

Tumingin ulit ako kay Hades. "I-Is that true?" Hades just nodded as an answer.

"Enough of the surprise Maura. Look at Blade now." Sinunod ko ang sinabi niya.

Nanlaki ulit ang mga mata ko nang makita ko rin si Blade na umiiyak.

"M-Mi dispiace... Mi d-dispiace... Mi dispiace R-Rin!" Matapos kong marinig si Blade ay hindi ko rin napigilang umiyak.

Naaawa ako sa kanya. Sinisisi niya pa rin ang sarili niya sa nangyari kaya hanggang ngayon ay humingi pa rin siya ng tawad kay Rin.

I feel so helpless. Napakahina ko. After all this time, I should've known and realized what Blade and Raven felt.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Hades sa balikat ko. "Everything will be fine. Magkaayos rin siguro sila sa tamang panahon."

"Hi-Hindi naman sa may ki-kinakampihan ako sa kanilang dalawa. K-Kaibigan ko kasi sila eh! Hindi dapat ito umabot sa ganito!" Mas lalong bumagsak ang mga luha ko.

"Magkaibigan, magkapamilya, magkasintahan man o hindi Maura, mag-aaway pa rin ang mga tao." Napatingin ako kay sensei.

"P-Pero..."

"We were born that way Maura. Walang taong hindi nakikipag-away sa kapwa tao. Raven and Blade has their own perspectives about humans. Kahit sino sa kanila ay maaaring tama, maaari ring mali. We'll just have to unravel reality by our own two eyes. Kahit masakit, kailangan natin itong tanggapin." Seryoso si sensei sa sinasabi niya ngayon.

Tumingin ulit ako kay Blade na umiiyak pa rin kagaya ko.

Sana mapatawad mo kami... Rin.

*****

Nagising ako na sobrang bigat ng aking mga mata. Seems like nakatulog ako kagabi habang umiiyak. Hindi sumama si Blade sa aming umuwi kagabi, masama raw ang pakiramdam niya. Hindi nalang namin inabala pa, baka mas lalo pa siyang ma-bad mood.

It's a good thing it's Saturday today because I don't wanna go outside. I just wanna stay here in my room. I'm not in the mood.

'Lalabas ba ako ng kwarto para kumain?'

'What if magpapahatid nalang ako?'

'Tubig nalang kaya iinumin ko ngayong umaga?'

Thoughts like that keeps on running in my mind. Aish, bahala na! 'Di nalang ako lalabas dito sa kwarto.

Kamusta na kaya sina Blade at Raven? Jusko! Paano nalang kaya ang team namin? Malakas talaga feeling ko na 'di kami makakapasa kay sensei.

I just sighed. Mag-e-expect nalang ako na babagsak kami. Maghahanda nalang ako para next year.

Nalipat ang atensyon ko sa pinto nang may kumatok dito.

"Hoy Maura! Buhay ka pa ba jan?" Elizabeth? Kailan pa siya naging concern sakin?

"Bakit? Concern ka ba?" tanong ko naman sa kanya pabalik.

"Tch. Over my dead body." So ganun? Nakakatulong talaga siya sa nararamdaman ko ngayon.

I stood up and opened the door. "So mambwebwesit ka lang ng araw? Kung ganun, wala ako sa mood. So might as well save your saliva for necessary uses to avoid pollution at para mapakinabangan naman 'yan." bungad ko sa kanya pagkabukas ko talaga ng pinto.

Bumagsak ang panga niya at nagsimulang mamula sa inis. "How dare you!"

"Ano ba kasing gusto mo?" I decided to fight now. Ayoko nang inaapi pa. Raven faught for me, ayokong masaktan pa siya dahil sakin.

She calmed herself and took a deep breath. Kinakabahan ba siya?

"K-Kamusta misyon niyo?"

Eh? Concern talaga siya? Anong nakain niya? Hinawakan ko ang noo niya. "W-What are you doing?"

"Nothing. Just checking if you have a fever." Tinanggal niya ang kamay ko sa noo niya.

"Wala akong lagnat!"

"Then why are you curious then?"

"Dahil gusto ko lang malaman kung nakita mo ba ang nakita ko!"

Napatigil ako sa sinabi niya. Anong nakita? Anong ibig niyang sabihin? 'Di kaya...

"You knew?" I clenched my fists. "You knew about Raven's eyes?"

"I didn't know either until that day came. Yung sinugod niya ako sa locker room dahil sinaktan kita, dun ko nakita ang mga mata niya." Napahawak siya sa sarili niya. I can see fear in her eyes.

I was out of words kaya sinara ko kaagad ang pinto at bumalik sa kama ko. Pero kahit isara ko man ang pinto, narinig ko pa rin ang huling sinabi ng kapatid ko...

"Don't you think it's strange? She has eyes like Rin's, Maura. She's a demon."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro