Chapter 27: How Is This Happening?
Tanjoubi Omedetou my precious Blandon High: The Devil's Heir!!! 🎂🍰 Happy 1 year old. Hihi. I'm so proud of you. Char. Cheers to more more years! Enjoy reading this chappy UniqueKorns and let's celebrate the birthday of this story together. Daisuki! Stay red, be unique. 😘💝
*~*~*~*~*~*
•••••Blade's POV•••••
Hingal na hingal akong nakarating sa labas ng bahay ng target namin. Lumilingon-lingon ako sa paligid, nagbabakasakaling makita si Raven pero wala. For sure nauna na yung pumasok.
I was confused of the way she acted. Bakit parang nagulat siya at nataranta? Reo-sensei's gonna be mad at us when he knows we disobeyed his orders.
Walang pasabing pumasok ako sa loob ng bahay. I switched on the flashlight as well. Buti nalang may flashlight dun sa kotse.
"Psst Raven!" I whispered her name, hoping she would hear it. But to no avail.
Patuloy pa rin ako sa pagtawag sa kanyang pangalan pero wala pa rin eh. Hindi ko naman sinigaw ang pangalan niya kasi mas lalo kaming mapapahamak sa sitwasyon.
Not just that, idagdag mo pa itong bahay na parang walang badget dahil wala kang kahit isang ilaw na makikita. Maski mga kandila wala. Takot ba siya sa ilaw? O baka naman hindi uso sa kanya ang ilaw?
Nasaan rin kaya sina sensei, Maura at Hades? Hindi ko rin sila nakita dun sa labas kaya there is no doubt na nandito sila. Pero ang tanong, nasaan?
It feels like I've been walking for more than an hour but I still haven't reached any corner. Lakad lang ako ng lakad. How is this possible? Hindi lang ganun kalaki itong bahay.
Napahinto ako ng may ma-realize ako. Isang tauhan ng mga Kuroda itong target namin kaya hindi malabo na may mga something dito sa bahay.
At hindi rin malabo na may madidiskubre ako dito.
Napatingin ako sa gilid ko nang may marinig ako. Mas hinigpitan ko pa ang kapit ko sa flashlight. There's a door, an old one. I walked towards it.
The flashlight's on my right hand while my left is holding a knife. I don't know what's behind the door kaya buti nang makasiguro ako.
Dahan-dahan akong lumapit dito. Nang makalapit na ako ay nagbuntong-hininga muna ako. I admit, kinakabahan ako. But for now, I have to find the others. They might need my help.
Bubuksan ko na sana ito nang biglang—
"Miyahara get down!"
Awtomatikong napadapa ako kasabay nang pagkahulog ng isang bagay na hindi ko mapagtanto kung ano.
Pero mas nagulat ako sa taong tumawag ng pangalan ko. "R-Raven?!"
Itinapat ko sa kanya ang flashlight at sumalubong sa akin ang malalamig niyang mga mata.
"S-Sa'n ka nanggaling? H-Hinanap kita!"
Instead of answering me, she ignored me at tumingin dun sa bagay na bigla nalang bumagsak.
“T-Teka 'di ba isang—”
"A bat. It's his pet." Napatingin-tingin siya sa paligid.
Tinapat ko ang flashlight and took a closer look of the dead bat. May patalim ito sa dibdib na obviously dahil sa ginawa ni Raven kani-kanina lang.
Nagulat ako nang bigla niya akong hinila at pumasok dun sa pinto na papasukin ko na sana kanina.
"Turn your flashlight off."
“R-Raven anong—”
"Shh." Tinakpan niya ang bibig ko. "It's here." bulong niya.
I don't know why I became so nervous all of a sudden. I was fine a few minutes ago but it suddenly changed.
Shit! Bakit ba ako kinakabahan ng ganito?
We were silent, listening carefully. Unti-unti kaming nakarinig ng mga paniki na lumilipad. Luckily I listened to Raven when she said to turn the flashlight off. Tinanggal na rin niya ang kanyang kamay na nakatakip sa bibig ko. But the bats aren't the only ones that bothers me.
Ewan ko ba kung sa'n ako kinakabahan. Sa mga paniki ba na paniguradong naghahanap sa amin? O sa babaeng kasama ko ngayon na daig pa ng kung sinong nilalang kung magalit?
Even in darkness, I can feel her anger. I can feel her clenching her fists na parang ilang minuto na lang ay dudugo na ito.
Nagtataka rin ako kung bakit hindi kami lumalaban ngayon. She can't be afraid. There must be a reason.
Ilang minuto pa ang lumipas bago nawala ang ingay ng mga paniki. I couldn't see anything but I can still feel Raven's anger.
Naramdaman kong tumayo siya. "Let's go Miyahara. Let's find the others." saad niya.
I stood up and was about to turn the flashlight on when she suddenly stopped me.
"It's better to keep the lights off. Baka makita niya tayo." Napakunot ang noo ko dahil sa kanyang sinabi.
"Paano tayo makakita kung walang ilaw?" This is what is also bothering me.
Kanina pa kami hindi gumagamit ng flashlight but how the hell did Raven manage to walk confidently?
I felt her gaze on me.
"I know you can feel. It's better if we train ourselves to feel even more dahil hindi everytime na nakabukas ang mga mata natin sa lahat ng bagay." sabi niya. Hindi ko na naramdaman ang mga titig niya sa akin kaya siguro ay nakatingin na siya ngayon sa daan. "Even if our eyes are closed, we must learn how to feel."
Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napakalamig ng mga kamay niya.
"So you won't get lost." aniya.
"O-Okay but this is so unlike you Raisin. Naninibago lang ako." sabi ko naman.
Hindi lang siya kumibo hanggang sa nagsimula na siyang maglakad. Hinihila niya pa rin ako. I don't know where we are or where we are going. Pero alam ko na tama yung sinabi niya.
"It's better if we train ourselves to feel even more dahil hindi everytime na nakabukas ang mga mata natin sa lahat ng bagay."
She's so cold and mysterious. Pero inaamin ko na kaibigan na ang turing ko sa kanya. But I'm still wondering what's going on. Kung paano niya ako natunton kanina; Kung bakit iba ang reaksyon niya kanina; Kung bakit hindi kami lumaban sa mga paniki; Kung bakit hindi ko sila maramdaman; Kung bakit parang napakalaki ng bahay na ito at kung bakit galit na galit siya kanina.
"I know all of these are bothering you Miyahara. First of, this house is big because he, which is the target used some kind of magic." pag-e-explain niya. Kaya pala. The Kurodas are known for literally almost everything including magic kaya hindi na ako nagtaka about nun. "Second, I found you because I was running away from the target."
Nanlaki ang mga mata ko. Kahit madilim, alam kong alam niya na nagulat ako.
"Nakita mo ang target?!"
Naramdaman ko ang pagtango niya. "He was after me but I managed to get away." sagot niya.
"Bakit hindi ko naramdaman na paparating yung mga paniki?"
"He casted a spell on the bats para hindi ito maramdaman ng kahit sino." Dami niyang alam. Napa-'ah' nalang ako sa sinagot niya.
We were silent for a moment until I decided to ask her the questions that's been bothering me the whole time.
"Raisin, may mga tanong ako sa'yo." I inhaled and exhaled deeply. Hinihila niya pa rin ako. "Bakit ka nagulat kanina? Bakit nagmamadali kang makapasok dito? Bakit hindi tayo lumaban sa mga paniki kanina? Bakit parang napakagalit mo kanina? And lastly," Malalim na napabuga ulit ako ng hangin bago pinagpatuloy ang aking tanong. "Paano ka nakapaglakad ng maayos na kahit walang ilaw?"
Napatigil kami bigla sa paglalakad. Biglang bumigat ang paligid. Nagbago nalang bigla ang aura ni Raven. But there's nothing wrong about my questions. I'm just curious.
May napansin rin akong kakaiba sa kanya. Her hand is shaking.
"So hindi niya pa rin talaga sinabi sa inyo?"
Nanlaki bigla ang mga mata ko. Wala akong makitang tao at tanging boses lang ang naririnig ko. And I'm sure, siya yung target namin. Bibitawan ko na sana ang kamay ni Raven ng bigla niya akong sinigawan.
"Don't let go Miyahara!" Naramdaman ko ulit ang mga titig niya sa akin. "He'll get you kapag bibitawan mo ang kamay ko."
Sinunod ko nalang ang sinabi niya kahit nagugulohan pa rin ako sa mga nangyayari.
Narinig ko ang pagtawa ng aming target. "You really think you can outsmart me Raven?"
"Miyahara get behind me. Now." She squeezed my hand. "You're blocking my way."
“Pero Ra—”
"Just do as I say!"
Nagulat ako sa sigaw niya kaya wala akong nagawa kundi sumunod nalang.
"What are really your intensions?" rinig kong tanong ni Raven.
"My intentions?" Tumawa yung target namin. "Why don't you ask that to yourself?"
"Shut up."
Tumawa ulit siya na parang isang baliw. "How about you tell them the truth? Ayaw mo nun? Para 'di na sila maghihinala sa'yo?"
Naramdaman ko na mas lalong lumamig ang kamay ni Raven. They're talking as if they can see each other in the dark.
"You're starting to piss me off." She squeezed my hand again kaya nalaman kong may sasabihin siya.
"Are we allowed to kill our target?" bulong niya.
"No." bulong ko naman sa kanya pabalik.
“You sure?”
I nodded. “Sabi ni sensei na hindi raw natin papatayin ang target. He even said to leave this job to him, Maura and Hades. This isn't supposed to be our job you know.”
“Damn this shit!”
"Hey, what are you two talking about? Isali niyo naman ako jan."
Alam kong nagiging sarcastic lang siya. But more importanly, naririnig ko na ang mga alaga niyang paniki. Parami na sila ng parami.
"Raven, ano bang iniisip mo?" I asked her. "May plano ka ba?" Hindi ko pa rin kasi naiintindihan ang mga nangyayari eh. Idagdag mo pa ang dilim ng paligid.
"Hoy bata!" Nagulat ako kaya hindi ko maiwasang sagutin siya kaagad pabalik.
"Kung tawagin mo akong bata parang nakakita ka ng isang batang nagnanakaw ng tinapay sa isang bakery shop." Humalakhak siya. Baliw.
Nagulat ako ng biglang may umatakeng paniki sa aming dalawa ni Raven. Buti nalang nahila niya ako kaaga—teka, paano niya nagawa 'yon?
"You alright Miyahara?"
"P-Paano ka n-nakailag?" There's totally wrong in here. Arghh nalilito na talaga ako!
Tumawa ulit yung target namin na mas lalong nakakairita sa akin. "Raven tell me. Ano ba talagang nangyayari dito? Alam kong kakaiba yung mga galaw mo. It's not just a 'feel' Raven!"
Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya kaya hindi ko na talagang maiwasang magalit at pagtaasan siya ng boses.
"Sagutin mo ako Raven!"
"Dahil takot siyang malaman ninyo ang kanyang sekreto!"
Biglang nanlamig ang buong katawan ko. "A-Anong sekreto?"
Tumawa ulit siya. "Mukhang walang balak magsalita itong kaibigan mo kaya ako nalang ang magsasabi." I think I could feel a smirk on his face. "Habang natutulog siya dun sa loob ng kotse niyo ay binangungot siya na nagbago ang kulay ng kanyang mga mata."
Mas lalong nanlamig ang buong katawan ko. I couldn't speak and my hands are shaking.
B-Bakit? Bakit naaalala ko na naman siya? Ang tagal na nun nung nawala siya pero bakit...bakit palagi ko siyang nakikita kay Raven?
“Oh? Bakit natahimik kayo? Ang kawawa niyo na—”
Raven threw something at our target that made him stop. Probably a knife. I can't really say, I just felt it. Dahil na rin siguro sa dami ng iniisip ko. Ang daming 'ano' at 'bakit' ang bumabagabag sa isipan ko.
"You've said enough you bastard!"
“Bakit? May mali ba sa sina—” He wasn't able to finish what he was going to say again when I think someone attacked him from the back.
"Raven, Blade, ayos lang ba kayo?" Lumapit si Maura sa amin na may dalang flashlight.
Sumunod naman si Hades na may dala ring flashlight. "Are you two hurt?" Hindi ko magawang sagutin ang mga tanong nila.
Biglang bumukas ang ilaw at nakikita ko na ngayon ang target namin at si Reo-sensei. Nakahood ito at hindi kita ang mukha. Nag-aaway sila pero hindi malabong mas malakas si sensei. I should be happy right now pero hindi eh. Hindi ko maintindihan kung ano ang nararamdaman ko.
I can't feel Raven's hand on mime anymore so I looked at it. "You should be safe by now." she said.
"Akala mo hindi kami makakatakas sa mga alaga mo? You're dead wrong, Manuel." rinig kong sabi ni sensei.
Magkakilala sila?
"Nagkita ulit tayo Reo." Tumawa siya. "Pero hindi niyo ko matatalo ng basta-basta lang." Nanlaki ang mga mata namin ng biglang naging mga paniki ang target namin na tinawag ni sensei na Manuel.
Pinatay niya ang mga ito. "Shit! A bat clone!"
"RAVEN!" Napatingin kami kay Raven nang marinig namin si Maura na sumigaw.
We couldn't help not to cuss. He's taking Raven as a hostage! Nakayuko siya but I can feel her anger.
Tinutukan ni Manuel si Raven ng patalim sa leeg. "'Wag kayong gumalaw kung ayaw ninyong masaktan itong babaeng 'to." Tumawa na naman ito. Baliw talaga. "Sa bagay, hindi rin naman kayo makakalabas ng buhay sa loob ng bahay na ito. My pets are so hungry for human flesh and strength."
I nearly forgot that there are still a lot of bats waiting for us. Shit! Nakayuko pa rin si Raven.
"Let her go Manuel." ani ni sensei.
"Why would I? I don't take orders from you." Ngumisi siya. "I only take orders from my master at hindi kayo 'yon."
"Why do you want to have my student so bad?" kalmadong tanong ni sensei.
Mas lalo niyang diniinan ang pagtutok niya ng patalim sa leeg ni Raven kaya unti-unting lumalabas ang dugo.
The bats suddenly went wild. "Shh. Kumalma kayo. I know you want this girl's blood so bad."
"S-Sensei nasasaktan na po si Raven. Tulungan natin siya." Hades tapped Maura's shoulders and shook his head.
Seryoso itong tumingin sa akin pero hindi ko muna pinansin iyon. I noticed how Raven clenched her fists. Tumingin ulit ako kay Hades at tumango ito sa akin. I also looked at sensei pero nakatingin pa rin siya kay Raven at sa target. I'm sure he noticed it as well.
“Dahil may kinuha siya sakin.” I looked at him in confusion. Until I realized something.
“Raven has the book.” Tumingin ako kay sensei. “Hasn't she?”
Dinilaan niya ang patalim na may bahid ng dugo ni Raven.
"Il tuo sangue è gustoso milady. Il tuo sangue non è normale." rinig kong sabi niya sa salitang...Italian. “Ibalik mo sakin ang libro.”
Napatingin kami kay sensei ng bigla itong tumawa. "You're making a big mistake Manuel. Nagkakamali ka sa pagpili ng laruan mo."
Nanlaki ang mga mata namin at saka si Manuel nang biglang binawi ni Raven ang patalim at pinutol ang dila ng target namin.
"Arghh!" Napasigaw ito sa sakit. Nakatalikod si Raven samin habang hawak na hawak pa rin ang patalim na may bahid ng dugo.
"Hungry for fucking blood? Then drink your own." Mas lalong lumamig ang boses niya. Manuel flashed Raven a death glare. He was about to attack her but Raven was even more faster. "Troppo lento." She stabbed Manuel right to his heart.
Umubo ito ng dugo pagkatapos ay bumagsak ito sa sahig. Patay. The bats disappeared as well and turned into ashes. We just stood there, frozen. We were shocked.
"R-Raven...?" Maura called out for her. Halata rin ang takot sa boses niya.
Napalunok ako ng unti-unti siyang lumingon. Kinakabahan ako. Naaalala ko rin ang sinabi ni Manuel kanina tungkol sa mga mata niya.
Nang tuluyan na siyang makalingon ay doon na ako nakaramdam na parang nawala lahat ng dugo ko sa katawan. Not just me, but all of us. We couldn't move an inch. Fuck!
"You wanted to know my secret right? You wanted to know me? Then your questions have been answered now. You should be thankful."
"A-Ang mga m-mata mo..." How can I ever believe this? Imposible lahat ng ito. How is this happening? "P-Paano...?"
Akala ko hindi totoo lahat ng sinabi ng Manuel na iyon; I thought it was just a lie; Akala ko hindi ko na ulit makikita ang mga taong nag-iiba ang kulay ng mga mata.
But I was wrong. I'm right here...
Right here standing in front of a girl with her magenta eyes.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro