Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 25: Headmaster

•••••Maura's POV•••••

Maingat akong naglakad pababa ng hagdan. Ayoko kasing mapansin ni Elizabeth para iwas gulo.

“Hindi mo ba ako babatiin?” Napapikit ako nang marinig ko siyang magsalita. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Di bale nalang. Ano bang misyon niyo ngayon?” tanong niya.

Napakunot ang noo ko. Ba't mo naitanong?”

Tinaasan niya ako ng kilay. “Duh. Don't I have the right to know?”

Ngayon ka lang kasi nagtatanong sakin eh patungkol sa misyon ko.” matapang kong sagot. “May S Rank mission kami ngayon.”

Napatigil siya sa pagkagat ng apple na hawak niya at tumingin sakin.

“S Rank?” Tumango ako. “Paano?”

“The headmaster assigned it to us. Ewan ko nga kung bakit napili niya ka–Teka nga, bakit ba curious ka ata? Nakakapanibago ah.” She took a bite from the apple she's holding.

“Whatever. Wala naman akong pakialam sa'yo eh kung sakaling may mangyari. Anak ka lang naman sa labas.” diniinan pa niya ang panghuling salita kaya hindi ko maiwasang ikuyom ang aking mga kamao.

“Don't start with me Elizabeth.” Tumawa siya.

“Just kidding Maura. Affected ka naman masyado. However, since mabait ako, I'll give you a tip. Good luck ha? Nabalitaan ko kasi na si Reo-sensei ang team mentor niyo. Ikaw naman, hindi mo sinabi sakin.” Nag-pout pa siya sa harap ko na kunwari'y nalulungkot. “Sayang. Ang gwapo niya kaso lang, wala pa kasing nakakapasa sa kanya eh. Gustuhin ko man siyang makasama, baka hindi ako pumasa.”

“Papasa ka naman kung determinado ka talagang pumasa. At ano ba 'yang tip na sinasabi mo?” Ano bang gusto niyang sabihin? Ang maldita niya talaga. Akala niya naman madadala niya pa rin ako sa acting niya.

Do you know of a saying ‘Never look a demon in the eye’?” I don't know why she became so serious all of a sudden.

“What's your point?”

“You're smart half sister. Bakit di mo nalang hulaan kung ano ang ibig kong sabihin?” Kinuha niya ang kanyang bag at tinungo ang pintoan. “Goodbye. Be careful around with snakes.”

Naiwan akong mag-isa dito sa living room. Inayos ko nalang ang bag na hawak ko at nagbuntong hininga.

Bored lang siguro siya.

-----

“He's late. Again.” cold na sabi ni Raven habang nakatingin sa wrist watch niya.

“He'll probably say the same reason again.” sabi naman ni Hades.

Tumango lang ako. “Ayos ka lang Maura?” tanong ni Blade na tinanguan ko lang ulit.

Hindi pa rin nag-uusap sina Blade at Raven. There's still a huge tension between them. Grabe. Ako ang kinakabahan sa kanilang dalawa. Ayokong umabot sa point na... magpatayan na sila.

“Jusko! 'Wag naman sana!” wala sa sariling sigaw ko kaya napatingin silang lahat sakin.

“‘'Wag naman sana’? Sigurado ka bang ayos ka lang Maura?” nag-aalalang tanong ni Blade.

Hades and Raven didn't say a word. They're just waiting for me to answer the question.

Mabilis na tumango ako. “A-Ayos lang ako. N-Naisip ko lang kasi kapag magsasalita ang isang sunflower sa personal.” pagsisinungaling ko at tumawa ng mahina.

“Tsk.” Napabuntong-hininga nalang ako sa inasal ni Raven. Sanay na kasi ako.

“Sunflower? Weird ng iniisip mo ah.” Tumawa ng mahina si Blade.

“A sunflower paired up with a zombie.” Napatingin kami sa taong nagsalita. “Plant vs. Zombies ba iniisip mo?”

Walang pasabing napatango ako sa kanya. Sheyt! Tama nga si Eli. Ba't ba ang gwapo niya?

Kumaway ito sa amin habang nakasuot pa rin ng black na mask na parang si Kakashi Hatake.

“Pasensya kung na-late ako. May ina–”

“Asikaso lang. Yeah, we know.” Napatawa kami ng dugtungan ni Blade ang kanyang sinabi.

“Well, pasensya na talaga. Our mission today will not be easy that's why we have to finish it together.” He emphasized the last word.

“I doubt that.” Rinig kong bulong ni Raven ngunit hindi ko nalang 'yon pinansin.

“Bago ta'yo pumunta sa lugar kung nasaan ang ating target ay sasabihin ko muna sa inyo kung ano ang dapat gawin.” he said with full of authority in his voice. “Hindi ito kumikilos sa umaga kaya malabo itong lumabas ng bahay. Magbabantay tayo sa labas ng kanyang bahay pero dapat hindi tayo magpapahalata.”

“Do you have a picture for us to identify the target?” Umiling si Reo-sensei sa tanong ni Raven.

“Target's identity is unknown.”

“Then how are we supposed to find him?” tanong ni Hades.

“There's a mark imprinted on the target's body. Isa siyang kawal sa isa sa mga pinakamakapangyarihan at napakadelikadong royal blood sa buong mundo.Nanginig kaming lahat dahil sa kanyang sinabi.

I can feel the cold air on my skin. Ang init ng panahon but not for me.

“'W-Wag niyo pong s-sabihin na...” Nauutal ako habang nagsasalita at hindi ko maiwasang kabahan.

Tumango si sensei. “Walang iba kundi ang mga Kuroda.

Napalunok ako. Naramdaman ko ang nararamdaman nina Blade at Hades. Yumuko ako para hindi nila makita ang lungkot sa aking mga mata.

Kahit anong gawin namin... Unti-unti pa rin kaming pinapatay ng nakaraan. Hindi kami matatakasan nito.

“Reo.” Napatingin kami kay Sir Yamato na nasa itaas ng puno. “Pinapatawag kayo ng headmaster.”

Napakunot ang noo ni sensei. “Bakit daw? Akala ko ba pupunta na kami kung nasaan ang target ngayon?” tanong niya.

Nagkibit-balikat si Sir Yamato. “Ewan. Basta puntahan niyo nalang. May misyon pa kami ng mga estudyante ko.” sabi nito at bigla nalang nawala.

Bakit ba ang hilig nilang mawala agad?

Siya ang mentor ng Team 11-A. Mga classmates din namin sila. I hope they will be fine.

Nagbuntong-hininga si Reo-sensei. “You heard that. Puntahan na natin ang headmaster. Hindi niyo pa siya nakikilala diba?” Umiling kaming apat. “Then let's go.”

Nagsimula na kaming tahakin ang daan papunta sa headmaster's office. There's a part of me na sobrang excited dahil finally ay makikilala ko na ang headmaster. On the other side, kinakabahan rin ako. I don't know kung bakit pero parang sobrang napakabigat ata ng mga paa ko?

Since sensei mentioned the Kurodas, naaalala ko na naman lahat. It's like, everything's slowly coming back to me again. I slowly clenched my fists. Bakit ba ang sobrang hirap kalimutan ng nakaraan?

“Taylor.” Napatingin ako kay Raven nang bigla niya akong tawagin.

“B-Bakit?” Okay! Halata talagang kinakabahan ako.

“Nandito na tayo.” Napatingin ako kung saan sila nakatingin ngayon.

Nakatayo kami sa harap ng isang malaking pintoan na kulay itim. All black lang except sa doorknob na kulay gold. Hindi ko ito napansin dahil sa dami ng mga iniisip ko. Napansin ko rin ang initials na nasa doorknob.

AK?

“You must be the Team 7-A.” Gulat na napatingin kami sa babae sa aming likuran.

Biglang tumindig ang mga balhibo ko. Lahat kami ay nagulat sa biglaang pagsulpot niya.

“P-Paano—”

“It's simple. Sanayin mo lang ang iyong sarili sa mga kakayahan mo at magiging malakas ka na.” sabi nito at ngumiti sa amin. Tumingin siya kay Raven. “You must be Raven Saldoviana right?”

Mas lalo pa itong ngumiti. “Kumustang maging kasama sina Blade, Hades at Maura?” Nanlaki ang aming mga mata.

Sino ba itong babaeng 'to? Bakit kilala niya kami lahat? Di kaya...

“You're an assassin 4th rank aren't you?” Tumawa ito. Kinakabahan ako sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng kanyang aura.

“So it's true then? The rumors? Ang lamig nga ng boses mo.” sabi nito. I knew it! Isa nga siyang assassin 4th rank.

“What do you want?” Naglakad ito palapit kay Raven ngunit napatigil rin ito nang humarang si Blade.

Nagulat kami ngunit binalewala lang muna namin iyon. Nagkatinginan kami saglit ni Hades pagkatapos ay tinuon ulit ang atensyon sa babaeng may kakaibang aura.

“You got yourself a boyfriend Raven? How sweet.” She gave Blade a smile. “Sayang. Taken ka na pala? Type pa naman sana kita.”

“Wala ka na bang sasabihin miss? Kasi kung wala na, we will be more than thankful kung aalis ka na.” seryosong sabi ni Blade.

The girl was surprised though she laughed later on. “How sweet.”

Who the hell are you?” cold na tanong ni Hades.

Tumigil ito sa pagtawa at tumingin sa kanya. Pagkatapos ay sa akin. “You're familiar. Have we met?”

I was surprised by her sudden question. But I managed to answer it. “No.” Totoo naman eh. Hindi ko pa talaga siya nakilala. Baka naman feeling close lang ang babaeng 'to or baka may saltik sa ulo?

She shurgged her shoulders. “More importantly,” Tumingin ulit ito kay Raven but this time, iba na ang mga titig niya. Nakakatakot. “May kapatid ka ba?”

Raven raised a brow. “No. Why?”

“Sigurado k—”

“Do you think I'm lying?” Napatitig ako sa mga magagandang mata ni Raven. Her eyes are so strong and flawless and I can see that she's not lying.

“Naniniguro lang.” sabi ng babae.

May saltik nga.

“Nicka!” Napatingin kami sa lalaki na tumawag sa kanya. “Hinahanap ka na niya.

So ‘Nicka’ pala ang pangalan ng babae. Lumakad ito palapit sa amin.

“Bakit ka ba nandito? Anong gina—” Napatigil ito nang makita si Raven. “I-Ikaw si Raven diba?”

Raven didn't say a word and just looked at him with her bored look. Tumingin ito sa babaeng nagngangalang ‘Nicka’.

“Wala ka namang ginawang hindi maganda diba?”

She rolled her eyes. “Wala naman talaga tayong ginawang tama sa simula pa lang eh. And don't give me that look, it's so annoying.” sabi niya. “I didn't do anything okay? Happy?”

Napabuntong-hininga ang lalaki. “Ako nga pala si John, John Padilla.” He bowed to us pagkatapos ay tumingin kay Reo-sensei. “Nice to see you again sensei.”

“Likewise John.” sagot naman ni sensei pabalik.

“This is Nicka, Nickalaine Sagurano.”

“Why do you have to introduce me?” Tsk. Ang epal naman ng babaeng 'to. Gwapo naman sana si John eh, kaso umepal pa siya.

Pero instead na sumagot pa ito ay nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

“Pasensya na kayo kay Nicka. May saltik lang siya sa ulo.” sabi niya kaya inis na napatingin si Nicka sa kanya.

“Buti alam mo.” sabi ko. Tumingin sila saakin at tumawa ng mahina si John.

“Anyway, nice to meet you all. Ingat sa misyon niyo. Hope to see you guys again soon.” Tumalikod na siya at hinila si Nicka. “Halika na. May gagawin pa tayo.”

“Oo na! Bitawan mo nga ako.” Before they disappeared, Nicka stopped for a second and took a quick glance on Raven.

“I want to fight you.” Parang nagbago ang boses niya at napakaseryoso rin ng kanyang aura.

“Challenge accepted.” Nagulat ako sa sinagot ni Raven.

Nicka nodded and disappeared. We were silent for a second.

“‘Challenge accepted’? Hindi mo ba alam iniisip mo?” Inis na tumingin si Blade kay Raven.

Inis rin siyang tiningnan ni Raven pabalik. “Ano bang paki mo? I accepted the challenge and it's none of your business.”

“You might put the team into trouble!”

I saw how Raven clenched her fists. “Did I say you should fight for me?! I accepted the challenge FOR MY OWN kaya kung maglaban man kami, you're out of it! The team is out of it! Nakuha mo ba ha?!” I'm so speechless when Raven raised her voice back to Blade.

“Oo nakuha ko! Pero paano kung mapahamak ka ha?! Isa siyang assassin 4th rank at si Sniper ang leader ng grupo nila!” Napatigil kami.

That's why she looked so familiar. Isa pala siya sa mga kinakatakutang grupo dito sa Blandon High.

“I know jerk! As if I care if many students are afraid of them! You don't have any idea so never underestimate me!”

“TAMA NA!” Napahawak ako kay Hades dahil sa biglaang pagsigaw ni Reo-sensei. First time ko siyang narinig sumigaw. “Mga walang respeto! Nasa labas tayo ng headmaster's office at hindi pa umabot ng buwan ang pagsasama natin tapos ito na ang ipinakita niyo sa mentor niyo?

All of us were silent. We didn't move. First time kong nakita si sensei na nagalit samin. Kinakabahan ako sa mga posibleng mangyari.

“Raven, Blade.” Tawag niya sa dalawa.

“Sensei.” sabay nilang sagot.

“If you continue this, hindi ako magdadalawang isip na ibagsak kayo.” Biglang natauhan ang dalawa. Well, in fact, si Blade lang ang mas na surprise sa sinabi ni sensei. Raven was surprised but not as much as Blade is.

“Patawad.” sabi ni Blade ngunit si Raven ay nanatili lang tahimik.

“Halina kayo. Papasok na tayo sa headmaster's office.” Tinalikuran niya kami at lumakad palapit sa pinto.

He knocked twice before entering. We followed him. Pagpasok namin ay naramdaman ko na naman ang mabigat na aura. Malaki ang office ng headmaster. May sofa and table ito na parang isang living room. May malaking chandelier rin. There are abstract paintings on the walls. I must say, he's fond of abstracts.

“Headmaster.” I diverted my attention to the man sitting on a swivel chair. Though nakatalikod ito samin.

Nag-bow si sensei kaya ginawa rin namin ang kanyang ginawa.

“Reo.” Humarap ito saamin. Akala ko makikilala ko na pala ang headmaster pero naka-mask rin pala siya gaya ni sensei. I looked at the headmaster and to sensei.

Hindi naman siguro sila magkapatid o mag-ama no?

“Anong nangyari? Bakit parang nag-aaway kayo sa labas kanina?” Napakaseryoso ng boses niya. Hindi ko alam ngunit napakabilis ng tibok ng puso ko.

“It was just a misunderstanding. Pinagsabihan ko lang po ang mga bata.” kalmadong sagot ni sensei.

Tumingin ang headmaster sa amin but he stopped his gaze on Raven.

“Raven Saldoviana right?” Tanging tango lang ang sinagot ni Raven. “Kakaiba ata ang mga estudyante mo ngayon Reo. Sa tingin mo, makakapasa kaya sila sa iyong pagsubok?” tanong ng headmaster.

Nagkibit-balikat lang si sensei. “Kung magagawa nila.” Napalunok ako. To be honest, until now ay hindi pa rin talaga namin alam kung ano ang gustong gawin ni sensei namin.

“Now, I know that you are aware about the mission you are going to accomplish right?”

“Yes sir.”

“Hindi ito isang basta-bastang misyon lang. Kailangan ninyong mag-ingat. Your target serves the most dangerous and strongest assassin of the royal bloods, the Kurodas.” pagpapaliwanag niya. “Of course, this target works for them that's why he or she is well-trained. You shouldn't underestimate the target.”

Napalunok ako. Alam kong kaya namin ito pero hindi ko maiwasang mag-alala.

“Like I said to Reo, the target's identity is unknown. The only clue we have is the place where you might see him or her.” dagdag pa niya.

“Why do you want us to catch this person?” Gulat na napatingin ako kay Raven. “And why us?” Binalik namin ang aming mga tingin sa headmaster. Hinihintay rin namin ang sagot niya.

Raven's right. Why us? Sa dinami raming team dito sa Blandon High, bakit kami? Bakit kami na mga 1st rank assassins lang?

Reo-sensei sighed. “The target has something that belongs to us. Isang libro. Isang pinagbabawalang libro.” sagot niya. Nanlaki ang aming mga mata.

“San niya po nakuha? Sa special library? Paano?” sunod-sunod na tanong ni Blade.

“Sa ngayon ay hindi pa namin alam. Masyadong magaling ang target. Not even a single trace was found.” kalmadong sagot ni sensei.

This time, ang headmaster naman ang sumagot. “Kayo ang napili ko dahil kayo lang ang nararapat sa misyon na iyon.”

“Anong ibig niyo pong sabihin?” nagugulohan kong tanong.

Tumingin siya kay Raven at alam kong kahit nakasuot siya ng maskara ay nakangisi siya.

“You will find out.”

*~*~*~*~*~*

Ciao! Ogenkidesuka UniqueKorns? 'Yan itatawag ko sa inyo ha? I'm very sorry for the long wait. Sa lahat ng nagcomment for update, I appreciate it guys and you inspired me. Pasensya na talaga if matagal akong makapag-update. Sobrang busy eh. Some announcements will be posted on my social media accs. or in my random book. Happy Reading and I Love You UniqueKorns! 😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro