Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 23: Reo Velasquez

[K-chan's Note] Before reading this story, I'd like to inform you something regarding the edited parts. I decided to totally revise the chaps once this story's already completed. Honestly guys, I tried to edit but I don't really have the time. So all I can say for now is, see you until the epilogue of this book. I love you guys! 😘

Ps. Reo Velasquez-sensei on the multimedia section. 👆

*~*~*~*~*~*

•••••Hades' POV•••••

Nandito kaming apat ngayon sa canteen. Lunch break na at sa tingin ko ay wala pa kaming masyadong gagawin ngayon. I mean, sabi kasi ni sensei na may sasabihin pa siya samin mamaya. Probably he has his own rules na gusto niyang iapply namin.

"Mukhang wala pa tayong masyadong gagawin ngayon." sabi ko.

Magkatabi kami ni Maura habang si Blade at Raven naman ang magkatabi.

"Oo nga eh. Akala ko pa naman may misyon na tayo. Introducing lang ang ginawa natin buong umaga kanina tapos ang late pa niyang pumasok." sabi naman ni Blade habang may hawak na burger ang kamay.

Indeed. Wala kaming ibang ginawa kanina kundi mag-introduce lang sa mga sarili namin. Names, age, hobbies, goals in life etc. lang ang gusto niyang malaman tungkol samin. Mukha tuloy kaming nasa elementary.

For me and Raven naman, well, I shared some of my goals while Raven just stated her name. Hate niya raw kasi ang introducing. Kita ko pa nga kung paano niya sinamaan ng tingin si sensei kanina.

Napaisip tuloy ako kung ano ba talaga ang totoong pagkatao ni Raven. Gustuhin ko mang tanungin, pinipigilan naman ako ng loob ko. Ngunit, hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako minsan. Hindi ko alam kung takot ba ako na magalit siya o... takot ako malaman ang totoo niyang pagkatao.

"Have you heard of the royal bloods?" I suddenly came back in reality when I heard Raven's question.

Nanlaki ang mga mata naming tatlo ng marinig ang tanong niya. Maura's hands started to shake so I held her hand to stop this from shaking. Naramdaman ko ang pagtingin niya sa aming kamay but she chose not to look at me. Parang namumula siya.

"What? Is there something wrong about my question?" Nakataas ang kilay ni Raven habang nagtatanong. "Is there something bad about it?"

Tumikhim ako. "San mo narinig 'yan Raven?"

"I just heard it." sagot niya. "Sagutin niyo nalang ako okay? What's wrong with you guys? Bakit ba parang namumutla kayo?"

Narinig ko ang paglunok ni Maura. I squeezed her hand. Tumingin ako sa kanya at tumango. Napatingin ako kay Blade na nakayuko lang. Biglang lumungkot ang pakiramdam ko.

"I-Ikaw na ang magsabi Hades." I just nodded to Maura.

I don't know if I can actually tell her. I don't have the strength. Hindi ko rin alam kung tama ba na sagutin namin ang tanong niya. She's our friend and we trusted her. Pero bakit may part sakin na against sa desisyon namin na sabihin sa kanya?

Malalim na napabuga ako ng hangin. "Just like us, royal bloods are also an assassin. The only difference is galing sila sa isang napakayamang pamilya at ang sobrang lakas nila. Ibang level ang kanilang lakas at yaman. If you compare them to us ordinary assassins, may-kaya man o hindi ay walang-wala pa rin tayo."

Hindi ko maiwasang ikuyom ang aking kamao and I'm sure Raven noticed it. "Walang masyadong nakakita sa kanila because they isolated themselves from us."

"If so, how do we know kung royal blood ang isang tao?" she curiously asked.

"There's a mark according to their special abilities imprinted on any part of their body. Kung wala silang special ability ay marka lang ng kanilang clan. Tanging ang mga royal blood lang ang may mga marka sa kanilang katawan." sagot ko naman. "We ordinary assassins serve the royal bloods. Lumalaban tayo para sa kanila. They only think about their reputation, not the others."

Tumango lang si Raven sa mga sinabi ko. Silence ate us for a minute. Raven noticed it at nakita ko kung paano kumunot ang noo niya.

"Is there anything else I should know?" Nagkatinginan kami ni Maura. "You're acting strange."

Nagkatinginan ulit kami ni Maura. She nodded to me as a sign that I should be the one to tell her. I built up some strength to answer her question.

"Raven, I know this may sound crazy but you have to believe us."

"Say it." matapang na sagot niya.

"Hades..."

"It's alright Maura. She has the right to know." I squeezed Maura's hand again tightly.

Tumingin ulit ako kay Raven para sabihin sa kanya ang dapat niyang malaman.

"May ka-"

"Tama na!" Napatingin kami kay Blade ng bigla niyang hampasin ang mesa. Not just us but also the other students.

"What the hell is your problem?" nagugulohang tanong ni Raven sa kanya pero instead na sagutin ay hindi niya ito pinansin.

"Magpapahangin lang ako." he said and started walking away from our table.

Kita ko pa rin ang pagkalito sa mukha ni Raven habang si Maura naman ay bakas sa mukha ang lungkot.

"Excuse me. Kakausapin ko lang siya." Tumayo ako at mabilis na sinundan si Blade.

"You don't want her to know the truth?" tanong ko kaagad sa kanya matapos ko siyang sundan dito sa library.

Of course, we lowered our voice down. Umupo siya sa isang bakanteng upuan at sinubsob ang sarili sa lamesa. I leaned on the bookshelf, staring at the students passing by.

"She has to know Blade." sabi ko.

"Hades alam ko na alam mo kung paano sinira ng mga royal bloods ang buhay natin!" inis na sabi niya at tiningnan ako kaya napatingin ang ibang mga estudyante sa amin.

"Kumalma ka nga. Baka nakalimutan mong nasa library tayo." I threw him a death glare. "Matalino siya Blade. Malalaman at malalaman rin niya ang totoo tungkol sa royal blood including our secret."

"I don't want to remember that Hades. And besides, sapat na ang mga taong nakakaalam ng sekreto nating tatlo. I don't want Raisin to get involve in this." sabi niya. "Ayokong maalala muli ang nakaraan."

I could see the sadness but most of all, anger in his eyes. It's burning with fire.

I deeply sighed. "There are no secrets that can be hidden forever."

"Then I'll tell her myself." seryosong sabi niya. "Ako na mismo ang magsasabi sa kanya ng totoo when the right time comes."

I sighed. "It's your choice but I suggest you should start telling her. The fact na nagtanong na siya tungkol sa mga royal bloods ay siguro may nakapagsabi na sa kanya." sabi ko.

Tumalikod na ako para umalis pero bago 'yon ay may pahabol pa akong sinabi.

"We don't know what might happen Blade. Someone could've already told her the next time we open our eyes.

-----

"Sensei, wala pa ba tayong misyon?" Blade asked for the nth time.

Kanina pa siya tanong ng tanong kung may mission na ba kami. Bakit ba ang sobrang excited niya?

Hindi na rin ako tinanong ni Raven tungkol sa mga royal bloods. I'm starting to think that she already conducted a research about them.

"Maghintay ka nga Miyahara. You're starting to annoy me." sabi ni Raven kay Blade.

"Sungit mo naman Raisin. Hindi naman ikaw ang kinakausap ko eh." Sinamaan siya ng tingin ni Raven.

"Kahit na. Learn to wait moron." Hindi nalang sumagot si Blade. Kapag sumagot pa siya ay siguradong mag-aaway na naman sila.

Tumikhim muna si sensei at inayos ang kanyang suot na all black. "Sa ngayon ay wala pa. Pero bukas meron na. May sasabihin lang muna ako sa inyo ngayon pagkatapos ay pwede na kayong umuwi." sagot ni sensei. "Alam niyo naman ang lahat ng rules dito sa Blandon High at bilang isang assassin diba?"

We all nodded as an answer.

"Well in my case, may idadagdag lang ako. Kapag nasa isang misyon na tayo, gusto kong ipakita niyo sakin ang isang bagay na mahirap gawin ng kahit sinong estudyante dito sa Blandon High." seryosong sabi niya. "This is a school where trusting others is considered as a suicide. Kaya walang kahit sinong estudyante ang nakakapasa sakin dahil hindi nila naibigay ang nais ko."

Biglang umihip ng malakas ang hangin. The atmosphere became so serious. And yes, wala pang kahit isang estudyante ang nakakapasa kay Reo Velasquez. I thought it was all a lie at first but now it's proven. The last time I checked the record, hindi tumagal ng ilang araw ang mga estudyante niya. Lahat ng mga naging estudyante niya ay bumagsak.

No one ever passed him.

"Always remember that this is your chance to get a higher rank. Kapag pumasa kayo sakin ay pwede na kayong maging isang 2nd rank assassin." Seryoso niya kaming tiningnan.

"If we pass, will you still be our mentor?" tanong ni Raven.

"Yes, ako parin ang magiging mentor niyo hanggang sa maging 4th rank assassin kayo." sagot niya.

"Maaari niyo ho bang sabihin samin kung ano ang nais niyo?" Maura asked.

Umiling siya. "It's for you to find out. Kasali 'yan sa mga pagsubok ko sa inyo kung gusto niyo talagang maging isang professional assassin at makuha ang assassin license niyo."

Mas sineryoso ko pa ang pakikinig sa mga sinasabi ni sensei nang bigla niyang banggitin ang assassin license.

"Assassin License is received upon someone completing an S Rank mission. There are four classifications of missions namely: S Rank, A Rank, B Rank and E Rank. Alam niyo naman siguro 'yon diba?" Tumango kami.

Maura was the first one to answer. "E Rank ay 'yong mga sobrang easy lang like maghahanap ng missing na pusa, aso o alaga hindi ba?"

"B Rank is slightly above easy missions. Like, guarding a house against thieves or some sort." tipid ko namang sabi.

Blade was the next to answer. "A Rank is also called an average mission. Dito nabibilang ang mga misyon gaya ng pagpoprotekta o pagbabantay ng isang mayaman na business tycoon at marami pang iba."

"S Rank is the most treacherous mission only given to 4th Rank Assassins, Master Assassins or Mentors like you. This includes missions like assassinating a wanted assassin, a well-known person and the like." cold na sabi naman ni Raven.

Pumalakpak naman si Sensei sa amin. "Magaling!" bati niya. "So your Assassin License is an invaluable card, selling for a fortune at least a billion or trillion. In case of loss or theft of the card, it will not be replaced; those who have already accomplished a very extreme S Rank mission will never be able to take a hazardous mission for the same reason again."

Tumigil siya saglit at tiningnan kami isa-isa. "You may, however, have a license again five years after the loss of it."

All we could do for now is nod. To sum it all up, our assassin license can also be used like a credit card. And if you have this, you can do whatever you want freely including killing someone even if you're not given a task to do it.

Napatingin ako kay Raven at Blade. I have an idea of what sensei's talking about pero ang iniisip ko ay parang imposible samin na makapasa dahil palagi silang nag-aaway. They always have their opposite ideas. Kahit isang beses ay hindi ko sila nakitang nagkakasundo sa isang bagay.

Napabuntong-hininga nalang ako.

"May problema ba Hades? Do you have an idea kung ano ang nais ni sensei na gawin natin?" Napatingin ako kay Maura na nasa tabi ko na pala.

Tumango ako. "But I'm not sure."

Tumango lang naman siya bilang sagot.

"Did you understand everything I said?" Napatingin kami kay sensei ng bigla ulit siyang magsalita.

"Yes sensei!" we answered in unison.

"Maaari na kayong umuwi. Let's meet up again here in the garden tomorrow at 9. We have a mission to accomplish." sabi niya at bigla nalang nawala.

Naiwan kaming apat dito sa garden. We just let the silence ate us.

"I don't trust that guy." Raven broke the silence.

"That doesn't surprise me. Lahat naman siguro ay hindi mo pinagkakatiwalaan eh." sabi naman ni Blade.

"Blade." pagbabanta ko sa kanya.

"Mag-aaway na naman sila." As expected. I just sighed to what Maura said.

"Shut up Miyahara. Ang dami ko ng iniisip, 'wag mo ng dagdagan." Lumakad si Blade papalapit kay Raven.

"Edi 'wag mo akong isipin." Tumigil siya sa paglalakad ng isang hakbang nalang ang lapit niya kay Raven.

"Are you testing me Miyahara?" Biglang bumigat ang paligid.

"What if I say yes?" Raven raised her head because Blade's taller than her.

"Blade tama na." Tinapik ko ang balikat niya habang lumapit naman si Maura kay Raven at hinawakan ang kamay nito.

"Raven, ang lamig ng mga kamay mo." kunot noong sabi ni Maura.

Pero imbis na sagutin ni Raven si Maura ay hindi niya ito pinansin. "You don't know me even a single bit Miyahara and you'll die being a trying hard freak."

Biglang nanggigil si Blade kaya mas hinigpitan ko pa ang hawak sa balikat niya.

"Calm down Blade!"

"Bitawan mo ako Hades! Sumusobra na ang babaeng 'to!" Mas lalo ko pang hinigpitan ang hawak ko sa balikat niya.

"He's watching us." Nakahinga ako ng maluwag ng kumalma si Blade.

"Sino Raven?" Maura asked while still holding Raven's hand.

"Let go Taylor." walang emosyong sabi ni Raven na agad namang sinunod ni Maura. She looked at Miyahara with her emotionless eyes.

We all stood here in the garden, frozen. It's like we were hypnotized by just staring at her eyes.

"That Reo Velasquez is observing our every move. And because I have plans of my own, hindi muna ako lalaban sa'yo Miyahara. Wala sa aking plano ang ma-kick out dito until I'm finished with my plan." Tumalikod siya samin at hinakbang ang mga paa para umalis. But before she can get away, she said something to Blade without facing us. "Buy me a red velvet cake tomorrow."

*~*~*~*~*~*

Enjoy Reading! 😘

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro