Chapter IV: Lewis University
Hindi niya mapigilan ang pangungunot ng noo habang papasok ng university. May mga kumpol kasi ng estudyante sa isang side ng parking lot, para bang may pinagkakaguluhan ang mga ito. Napailing na lang siya. Minsan lang manyari ang mga ganung eksena. It's either there's a showbiz personality na bagong enroll or just another day kung saan may mga nagsasapakang mga estudyante. Either or she doesn't give a damn about it.
Sa opposite side siya nag-park ng sasakyan para iwas na rin siya sa gulo. Ayaw niyang magasgasan ang sasakyan niya at baka kung ano pang magawa niya sa may sala. Dire-direto siyang pumasok ng building nila, not bothering another glance at the commotion.
Paliko na sana siya sa corridor kung nasaan ang classroom niya para sa first subject ngayong araw, nang bigla siyang makarinig ng isang malakas na tili kasunod ang pangalan niya. Kahit pa siguro sa panaginip ay siguradong makikilala niya ang boses na 'yon at hindi nga siya nagkamali.
"Kevine!" Naramdaman niya ang pagpulupot ng braso ni Yttrium sa braso niya. Paglingon niya dito ay nakita niya ang mukha ng kaibigan na para bang kilig na kilig. She's even giggling like a freaking baby. "Gosh Kevine, you won't believe what I saw!"
She gave Yttrium a deadpan look pero walang epekto ito sa kaibigan. Nakainom yata ito ng isang galong ng asukal dahil sobrang hyper na naman nito. "OMG! There's a super cute slash super hot and so yummy looking guy out there! He looks like a freaking demigod!"Kinikilig na turan ng kaibigan niya.
Tinaasan lang niya ng kilay ang kaibigan saka patuloy na naglakad. Akala naman niya kung ano na ang sasabihin nito sa kanya at kailangan pa nitong isigaw ang pangalan niya sa hallway. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya.
"Kevine Demnise Montgomery! Will you please listen to me?!"Humarang ang kaibigan sa dinaraanan niya kaya naman napahinto siya sa paglalakad. Nasaan ba si Thallium kapag kailangan niya ito? Thalli knows how to calm Yttrium when she's on her hyper mode. "I just saw a god personified, Kevi! Parang bumaba ang Greek god na si Eros sa katauhan niya!"
She flinched when Yttrium said the name Eros. Ang una kasing pumasok sa isip niya ay ang kapwa niyang agent sa Shadow. She side-stepped para sana lampasan ang kaibigan pero humarang lang ulit ito sa daraanan niya. Tinitigan niya si Yttrium sa mata at hindi niya mapigilang mapailing nang makita ang pagkislap ng mga mata nito.
"Don't tell me kasama ka doon sa mga babaeng nagkukumpulan sa harap ng campus, Yttri?" Kunot-noo'ng tanong niya sa kaibigan. Hindi siya agad nito sinagot. Sumimangot lang ito at nanghaba ang nguso na akala mo 'y isang batang inagawan ng candy. Buti na lang at cute ang kaibigan dahil kung ibang tao ito ay baka pinitik na niya ang nguso.
"Sumilip lang naman ako kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Curiousity got me, Kevi!" Naghahaba pa rin ang nguso nito pero bigla ding nagliwanag ang mukha nito na para bang may biglang naalala. "But then I saw him, Kevi! Those eyes of him that sparkle. His hair na para bang bagong gising lang pero bumagay sa kanya. And his lips--- OMG! There like pink cotton candies na para bang ang tamis at ang sarap tikman." Napahawak pa ang kaibigan sa dibdib na para bang inaatake sa puso. Malala ang tama ng kaibigan sa kung sinomang nakita nito.
Napailing na lang siya saka patuloy na naglakad. Masyadong busy si Yttrium kaya hindi siya nito naharangang muli. Pagdating nila sa classroom ay nakita nila si Thallium na tahimik na nagbabasa ng libro. H'wag kayong magpapalinlang, may hyper moments din 'yan. Mababaliw ka kapag nag-tandem ang hyper moments ng dalawang 'yan.
Tahimik siyang umupo sa desk niya na katabi lang ng kay Thallium. Napa-angat ng tingin si Thallium nang biglang hinampas ni Yttrium ang kamay niya sa desk ng kakambal. Napailing na lang siya dahil alam na niya kung ano ang susunod na mangyayari. At hindi nga siya nagkamali.
"Thalli!" Napailing na lang siya sa itsura ni Yttrium, prang batang nagsusumbong sa nanay.
"What now, Yttri?" Nasa libro pa rin ang atensyon ni Thallium.
"Si Kevi kasi, e!" Nag-angat ng tingin si Thallium sa kapatid at tinaasan ito ng kilay. 'Di niya mapigilang tumawa ng mahina dahil sa napapanood. Lumingon naman sa kanya si Thallium at tinaasan din siya ng kilay. What the hell? Ano na namang ginawa niya?
"What did you do to Yttri, Kevi?" Seryosong tanong ni Thallium sa kanya. Nagkibit-balikat lamang siya bilang sagot dito.
"That's the problem, Thalli! Kevi didn't do anything!" Nagtatakang napatingin si Thallium sa kakambal. Bakas sa mukha nito ang pagkalito kung bakit ganun ang inaakto ng kakambal. Bago pa man makapag-tanong si Thallium ay muling nagsalita si Yttrium. "Can you imagine, twinny? May isang super cute slash super hot and yummy guy sa may parking lot kanina and when I told Kevi about him, deadma. Dead air. As in no reaction at all. Do you think she's normal?"
Muntik na niyang batukan ang kaibigan kung hindi lang siya nagulat sa biglaang pagtili ni Thallium na para bang nakakita ng gagamba na siyang kinatatakutan nito.
"Oh my God, Yttri! Why didn't you tell me agad! OMG, do I look okay?" Inayos ni Thallium ang buhok na akala mo'y nagulo samantalang maayos naman ito. Kinuha pa nito ang salamin mula sa bag. "Okay, I look amazing. Let's go, Yttri. I have to see him, now na!" Tumayo si Thalli mula sa pagkaka-upo saka hinila ang kakambal.
"Ano na?" Nagtatakang tanong ni Thallium sa kakambal nang nanatili itong nakaupo.
"I'm sure umalis na 'yon. Bakit kasi bigla kang nawala kanina? Hindi mo tuloy nakita si Yummy." Nanghahaba ang ngusong sagot ni Yttrium sa kakambal.
"Yummy?" 'Di niya mapigilang sabat sa usapan ng kambal. She can't believe that Yttrium has a name for that unknown guy and of all adjectives, yummy pa talaga?
"Yep!" Yttrium smiled at me like she's so proud of herself for thinking about that code name. "I didn't catch his name so I'm calling him, Yummy, since he's so yummy looking naman." And there goes the dreamy look on her eyes again.
"You're so nakakainis naman, Yttri!" She rolled her eyes. Mukhang magsisimula na naman ang pagiging conyo ni Thallium. "Dapat you still called me kanina. Hmp! Kainis ka!" Pumadyak pa ito na parang naiinis talaga.
"Mainggit ka!" Yttrium stick her tongue out at Thalli. "Umalis ka kasi agad, e. He look like a Greek god, Thalli."
"Sige, mang-inggit ka pa lalo." Umupo nang muli sa tabi niya. Kung kanina ay si Yttrium ang nanghahaba ang nguso, ngayon naman si Thallium na.
Napangiti na lang siya. Minsan napapaisip siya kung paano niya naging kaibigan ang dalawang 'to samantalang polar opposites ang ugali nilang tatlo. But she's very thankful since the twins are the only reason why she feels like a normal teenager.
Kidding aside, she's starting to feel curious towards Yttrium's mystery guy. Gaano ba 'to ka-gwapo at na-trigger ang hormones ng kaibigan niya? Though lagi naman natri-trigger ito dahil maraming may itsura sa university nila, but still she's curious. Ngayon lang kasi ulit naging ganyan ka-OA si Yttri.
Dumukmo muna siya sa desk niya. Hindi pa naman dumarating ang professor nila. She might as well rest for a while since medyo kulang pa siya sa tulog kakaisip sa misyong sinabi ng Daddy niya. Mabuti na lang at hindi ito tulad ng mga ibang misyon nila na kailangan ng agarang pag-responde. Sabi ng Daddy niya, habang wala pang ibinibigay na GO signal ang nakakataas ay mag-focus muna raw siya sa pag-aaral niya. Pabor naman 'yon sa kanya lalo na at nag-cut class siya nang ipatawag siya nito sa meeting ng Shadow nung isang araw. Higit sa lahat, it means hindi niya muna makikita ang nakakairitang pagmumukha ni Agent Storm.
Narinig niya ang biglang pananahimik ng mga kaklase niya which only means ay dumating na ang professor nila.
"Good morning, class." Sumagot naman ang ibang kaklase niya. Nanatili siya sa pagkakadukmo sa lamesa niya. "We have a new transfer student. Hijo, please come in." Nagsimulang magbulungan ang mga kaklase niya. Whoever he is siguradong mahihirapan siyang humabol sa mga lessons nila. Narinig niya ang pagsara ng pinto at biglang pananahimik ng mga kaklase ko.
Narinig niya ang pagtikhim ng transferee. "Hello classmates. I'm Linux Thaine Alcantara. Kung masyadong mahaba ang pangalan ko para sa inyo, you can just call me yours and I can call you mine." Kasabay ng pag-irit sa kilig ng mga kaklase niyang babae, ang dagling pag-angat niya sa ulo. Nahilo pa siya ng kaunti dahil sa biglaang galaw na ginawa pero agad din 'yong nawala ng makumpirma kung sino ang nasa harapan.
Crap! This can't be happening. Anong ginagawa ng bagyong 'to sa klase niya? He couldn't be here! He shouldn't be here! Tuloy-tuloy ang pag-daloy ng mga kung ano-anong bagay sa isip niya nang maramdaman ang biglang pagsipa ni Yttrium sa upuan niya.
"What?!" She mouthed at Yttrium while glaring.
"Si Yummy!" Kinikilig na bulong nito sa kanya sabay turo kay Storm. Her jaw literally dropped. Hindi siya makapaniwala na si Storm ang tinutukoy ni Yttrium na 'Yummy'. Of all people!
"Is he really the yummy that you're talking about?" Rinig niyang bulong naman ni Thallium. "OMG, Yttri! He looks so yummy. I wonder if I could taste him." 'Di niya napigilan ang sariling batukan si Thallium sa narinig. Masama ang tinging napalingon naman ang kaibigan sa kanya.
"What was that for, Kevi?! That hurts!" Galit na bulong nito sa kanya but she ignored her. Dapat niyang malaman kung bakit nandito ngayon ang lalaking 'to. She doesn't want him here. Magiging balakid lang ito sa pagiging normal ng school life niya. She couldn't afford to lose the only thing that made her feel normal.
"Settle down, class." Muling nabaling ang tingin niya sa harapan at hindi inaasahang nagtama ang mata nila ni Storm. Siya ang unang nagbawi ng tingin, hindi niya alam kung bakit 'di niya kayang makipagtitigan sa lalaki. He makes her feel uncomfortable and she doesn't like it. "You may sit down anywhere you want, Mr. Alcantara." Rinig niyang saad ng professor nila bago magsimulang iset-up ang laptop at projector sa table nito, not minding the giggles and whispers from her classmates.
Dumukmo na lang ulit siya sa lamesa niya para maiwasang mapatingin sa lalaki. She needs to talk to him after this period para malaman na niya agad ang pakay nito. She's not comfortable at the thought na may isang agent ng Shadow ang nakakaalam sa pribadong parte ng buhay niya. Narinig niya na mas parang lumakas ang bulungan ng mga kaklase niyang malapit sa kaniya. And she could definitely hear some camera shutters.
"Kevi!" Napaangat siya ng tingin nang maramdaman ang pagsipa ng isa sa kambal sa upuan niya. Lumingon siya sa direksyon ni Thallium para sana pagalitan ito pero mukha ni Storm ang bumungad sa kanya.
"Hi Baby. I told you, fate is bringing us together and destiny can't help but give a helping hand." Kinindatan siya nito saka umupo sa upuan na nasa likuran niya. Hindi niya alam kung anong gagawin bigla. Pakiramdam niya ay bigla na lang tumigil ang oras.
She doesn't care if her dad will get mad at her. She'll definitely kill this guy.
🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸
Euphemia🌸
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro