Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter III: Regnum Mortem

Inilapag ng Daddy niya ang dala nitong manipis na tablet saka ito ilinagay sa gitna ng lamesa. Lahat ng tingin namin ay napunta doon. Mukhang walang nakakalam ni isa sa amin kung tungkol saan ang meeting na 'to.

"Maybe you're all wondering why I called you all." Inilibot ng Daddy niya ang tingin sa amin. "I don't usually make it mandatory that you attend our meetings, since I know that most of you were out for your missions. But our topic for today is very important that even the top agents were here to attend." Her Daddy's eyes landed on her and she can't help but scoffed. She prefers to attend her classes rather than attend the meetings of Shadow, lalo na kung katulad ng scenario kanina ang madadatnan niya.

"Regnum Mortem." Sumulpot ang hologram crest ng Philippine Empire mula sa linapag ng Daddy niyang tablet. Dalawang agila na magkatalikuran ang nasa gitna ng crest, habang nakatapak naman ang mga ito sa isang ahas.  "Any one who have heard of them?"

Nang walang sumagot sa kanila ay nagpatuloy sa pagsasalita ang Daddy niya. "Regnum Mortem is a mafia organization who is considered as the king of the Underground World today. Kadalasan ng mga transaction na kasabwat ang mga nababalitang mafia ngayon ay sa kanila dumadaan. They're considered as the most dangerous and deadly mafia organization right now." Pumindot muli sa lamesa ang Daddy niya at lumabas naman ang isang crest na sa hula niya ay ang crest ng Regnum Mortem.

"They're not making any move against the government kaya naman wala pang ginagawang hakbang para burahin sila. But the government is alarmed since the organization is getting bigger. We've been informed that they're extending in some parts of Europe and USA." Pinatay ng Daddy niya ang hologram saka matamang tinignan kami isa-isa. She could feel the shift in the air. Mukhang naging tense ang mga kasama niyang agents. Well, it's nothing new to her since her Dad used to give her that look ever since she's little.

"But apparently, that's not what this meeting is all about." Patuloy ng Daddy niya. Imbes na pagtuunan ng pansin ang sinasabi ng Daddy niya ay sinilip niya ang hawak na paper bag kung may natitira pa bang S'mores cookie dito. The meeting is making her hungry, idagdag pa ang maya't-mayang pangungulit sa kanya ni Storm.

Kakagat na sana siya sa cookies niya nang biglang may inilapag sa lamesa ang Daddy niya. Nabaling tuloy ang atensyon niya dito. A black book? Napataas ang kilay niya. That's the reason why all the agents of Shadow is called?

"Itinipon ko kayong lahat para sa isang misyon." Nagsimulang magbulung-bulungan ang mga kasama niyang agents samantalang napabuntong-hininga na lang siya. "Listen," Bumaling muli ang atensyon ng mga agents sa Daddy niya. "This is called the 'Black Book of Regnus'. This little book contains informations about the mafia organization and their connections."

Napakunot-noo siya sa sinabi ng Daddy niya. How the empire took hold of that book? Siguradong isa ito sa pinakaiingatan ng mafia at sigurado siyang hindi ito basta-bastang makukuha. Napakaraming tanong sa isip niya kaya naman walang pag-aalinlangan niyang itinaas ang kamay. Tinanguan naman siya ng ama tanda na pwede siyang magtanong.

"You informed us that this Mafia group isn't making any moves against the government. So what's the connection of this little diary looking book and the mission that you're saying?" Diretso lang ang tingin niya sa ama habang nagsasalita. Kita niya sa mga mata nito ang amusement at pride para sa kanya.

"Good question." Her father leaned on the table and stared at each one of them pero sa kanya napako ang tingin nito. She saw a ghost of a smile on her father's lips habang nagkakatitigan sila. "Just like what I've said, the government is alarmed since this group is extending its networks internationally. Meaning, they're becoming stronger and more of a threat to our government." Bakas pa rin ang pagtataka sa mukha ng mga kapwa agents niya, but not to her. It's already clear that the government wants this Mafia Organization down and that's where their role will come up. Napailing siya sa naisip.

"Your mission is to track down the names in that black book." Itinuro ng Daddy niya ang libro na hanggang ngayon ay nasa gitna. Sinapa niya ang paa ni Storm nang akmang aabutin sana nito ang libro. Narinig naman niya ang mahinang pag-aray nito. She ignored him and continued listening to his father. "Keep an eye on them. We have orders from the higher ups to kill, if ever you find out that they're conspiring something against the government."

Muling pinindot ng Daddy niya ang button sa may mesa. Makalipas ang ilang segundo ay lumitaw muli ang hologram ng P.E. crest kasunod nito ang 3D pictures ng mga mukha ng tao. May mga pangalan sa ibaba ng bawat mukha at karamihan dito ay mga foreigner.

"They are your targets. They are all from different countries and according to my research, they're all insanely rich and either on the upperclass society or have a position in the government." Di na siya na nagulat sa narinig. Tanging mga nasa matataas na posisyon lang naman ang nagkakaroon ng mga koneksyon sa mga organisasyon na katulad ng Regnum Mortem na sinasabi ng Daddy niya.

Itataas sana niya ang kamay niya pero bigla na lang nagsalita si Storm. She gave him a death glare but Storm isn't looking at her. Tumaas ang isang kilay niya nang makita ang seryosong mukha nito. Hindi niya inaasahan na kaya palang mag-seryoso ng isang 'to.

"Are we suppose to do the mission in groups or alone?" Napangiti ang Daddy niya sa tanong ni Storm. Akalain mo 'yun may matino pa palang hibla sa katawan. Napailing na lang siya.

"I'm glad you asked, Agent Storm." Tinanguhan niya si Storm saka muling ibinaling ang tingin sa amin. "This mission is supposed to be top secret, that's why I'm only choosing two of the best agents to do this mission. The others may or may not help, it's their choice. But if worse comes to worst, I will be expecting teamwork from all of you." Matamang tinignan ng daddy niya ang mga agents. Nakita naman niya ang pagtango ng iba dito, nang dumako ang tingin nito sa kanya ay nakita niya ang gumuhit ang isang tipid na ngiti sa mga labi nito.

"Agent Chaos," Hindi niya mapigilan ang pag-ikot ng mga mata. What's new? Hindi na kailangan sabihin pa ng Daddy niya na siya ang isa sa dalawang agent para sa mission na 'to.

Tahimik naman ang iba pang agents. Wala ni isa man sa mga ito ang nag-react sa pagtawag sa kanya. What's new again? Halos lahat ay kilala ang codename niya. She earned it anyway, spreading chaos wherever she goes. Ilinibot niya ang paningin sa ibang agents na nasa mesa. Sino naman kaya ang magiging partner niya? Sana lang talaga at hindi magiging sagabal ang kung sino mang magiging partner niya.

"Agent Storm." Muntik na niyang maibuga ang iniinom na smoothie. What the hell?! Of all people, bakit si Storm pa?! Akmang tututol na sana siya nang biglang umingay ang conference room. Kanya-kanyang protesta ang mga kasama niyang agents, halatang tutol sa naging desisyon ng Daddy niya. Pero ngiting-ngiti naman si Storm na para bang nanalo sa lotto.

"Chief, bakit si Storm pa ang napili niyo?" Saad ni Agent Eros. Nag-second the motion naman 'yung ibang agents. Napailing na lang siya. Wala na rin magagawa pa ang mga ito. Once her Dad made a decision, it's final. There is no use for arguments.

"Wag na kayong kumontra. Eros, ang mabuti pa humiga ka na lang sa crib kasama ng baby mo." Ani Storm saka tumawa ng nakakaloko. Hindi siya makapaniwalang ito ang pinili ng Daddy niya para maging ka-partner. Tumayo na lang siya pagkatapos inumin ang natitirang smoothie niya. Wala rin namang magbabago kahit pa magbug-bugan ang mga 'yan.

Parang wala namang nakikitang bangayan ang Daddy niya, pinulot nito ang nakalapag na itim na libro sa lamesa pati na rin ang tablet na ginamit kanina saka tumikhim. "If you don't have any more questions, then this meeting is adjourned."

Parang wala namang narinig ang mga agents at nagpatuloy lang sila sa bangayan. Napailing na lang siya. Hindi na siya nagulat at ganun ang naging scenario pagkatapos ng sinabi ng Daddy niya. Sumunod siya sa amang nakalabas na ng Conference Room.

"Why him, Dad?" Tanong niya ng maabutan ito. Binuksan niya ang lollipop na kinuha niya mula sa bulsa.

"He's a superb agent, Demnise. Trust me on this. You'll make a good team." Umikot ang mata niya sa narinig. Her Dad has too much trust on the guy.

"He can't even dodge an almost fatal move, Dad. I almost killed him at our school this morning." Narinig niya ang mahinang pagtawa ng Daddy niya kaya naman napatingin siya dito, puno ng pagtataka ang mga mata niya.

"Sorry, anak." Tumikhim ito saka ulit nagsalita. "You're really not aware how deadly you are?" Napaismid siya sa sinabi ng Daddy niya. Minsan masyadong OA ang pagpuri sa kanya ng Daddy niya. "Of all the agents, ikaw ang pinakamalinis mag-trabaho at ang pinakamatagal na nag-training, kaya naman mapa-bago man o mapa-luma sa kanila ay kilala ang code mo. You're not called the best of Shadow for nothing."

Hindi na lang siya sumagot sa sinabi ng ama. She won't win against him though. Nang makarating sila sa tapat ng elevator ay hinalikan siya nito sa noo. Ibang elevator kasi ang gagamitin nito papunta sa opisina nitong nasa last floor ng building.

"Ingat ka sa pag-uwi, hija. See you later." Paalam nito sa kanya. Bago pa man maglakad papunta sa executive elevator ang ama ay yinakap niya ito.

"You take care too, Dad. If only, you'll allow me to be your personal bodyguard—" 'Di na niya natapos ang sasabihin dahil biglang nagsalita ang Daddy niya.

"I can take care of myself, Demnise, more than what you think." Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. "You may be the best agent of Shadow but don't forget that I'm still your superior." Napanguso na lang siya sa tinuran ng ama.

She worries about him because of his position. Pinagmasdan niya ito habang naglalakad palayo. She's pretty much aware of the death threats that her Dad receives. Minsan kasi nakikita niya itong nakadikit sa gate nila o kaya naisasama sa mga mails nila.

'You just need to trust him, Kevine. He knows what he's doing.' Saad niya sa isip.

Nasa tapat na siya ng elevator nang biglang may umakbay sa kanya. Upon instinct ay agad niyang hinawakan ito at pinilipit, saka itinulak ang kung sinomang umakbay sa kanya sa pader. She heard him grunt dahil sa impact ng pagkakatama nito sa pader.

"Grabe ka namang mag-mahal, Baby, talagang damang-dama ko." Mas hinigpitan niya ang pagkakapilipit niya sa kamay ni Storm, napadaing naman ulit ito. Geez, this guy is impossible. First time niyang maka-engkwentro ng lalaking katulad ni Storm.

"Don't you ever sneak up on me again, fucktard." Bulong niya sa tainga nito saka niya ito pinakawalan. Kumunot ang noo niya nang biglang magstretching si Storm saka siya tinabihan sa paghihintay ng elevator. Anong drama na naman ng lalaking 'to?

"'Di pa rin ako makapaniwala na makaka-partner kita sa isang misson." Diretso lang ang tingin niya sa nakasaradong pintuan ng elevator. "Damn! This must be fate bringing us together." Kitang-kita niya ang nakangising mukha ni Storm mula sa pintuan ng elevator, na mas lalong kinairita niya.

"Don't be too confident. " Saktong bumukas naman ang pinto ng elevator. Dire-diretsong pumasok siya dito, not minding kung sumunod ba si Storm o hindi. To her frustration, sumunod nga ito at hindi pa rin nawawala ang ngisi nito sa mukha.

'He's so freaking annoying.' Saad niya sa isip.

Buti na lang hindi naulit ang pangyayari kaninang paakyat sila sa 15th floor kundi baka kung anong nagawa niya kay Storm. Diretso siyang naglakad palabas ng building pero bigla siyang napatigil sa paglalakad ng marinig ang sigaw ni Storm.

"Hatid na kita, Baby!" Napapikit siya. Wala na bang mas bwi-bwiset pa sa lalaking 'to?

"Leave me alone if you still want to live."She glared at him from the distance. Mukhang 'di naman natakot ang lalaki at nakangiti pa itong lumapit sa kanya.

"You need to loosen up, Baby. You're so tight. Sige ka, baka tumandang dalaga ka niyan."Bago pa man dumapo ang suntok niya kay Storm ay nakaiwas na ito. Isang nakakalokong ngiti ang nasa labi nito habang naglalakad ito palayo sa kanya.

May araw din ang lalaking 'to sa kanya. Nagpatuloy na siya sa paglalakad papunta sa motorsiklo niya nang marinig na naman niya ang biglang pagsigaw ni Storm.

"Hey Baby! I think this mission is going to be so exciting!" 'Di na lang niya ito pinansin at tuluyan na lang siyang umangkas sa motorsiklo niya at umalis dun bago pa niya tuluyan si Storm.

🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸 🌸

Euphemia🌸 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro