Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 1

Ngayon ang unang araw sa bago kong paaralan. I am the newly transferee here at Athena University. Galing ako sa Public school pero na kick out ako kasabay ng barkada ko pero nagkanya-kanya na kami ng landas kaya wala na akong balita sa kanila. Nagpasya akong bumalik sa school ko dati. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin ngayon.

"Welcome back, Jazz."

"Salamat po, Miss Jo," siya yung masungit na teacher dito.

"May schedule ka na ba?"

"Ah. Eh. Wala pa po."

"Go to the Registar Office."

"Salamat Ms. Jo."

Naglalakad ako ngayon papunta sa office. Ang laki na ng pinagbago ng school. Triple ang laki kumpara sa dati.

"Aray!" Nabigla ako sa lalaking bumunggo sa akin.

Tiningnan ko siya ng masama at nag smirk lang siya. Unang araw ganito na agad ang bubungad sa akin. Hindi ko siya kilala kaya hinayaan ko na lang. Huwag lang siya magpapakita sa akin. Bwiset!

Pagdating ko sa harap ng Registar Office, nilakasan ko na lang ang loob ko saka kumatok at binuksan yung pinto.

"Good Morning, Miss Norin," tiningnan ako simula ulo hanggang paa.

"Ikaw na ba 'yan Jazz? Itinawag ka na sa amin ng mga magulang mo kaya nakaready na ang lahat. Ito na yung schedule.

"Salamat po Miss Norin," umalis na rin agad ako.

Hinanap ko ang classroom namin pero nakakasira ng araw talaga. Nasa dulo ng walang hanggan ang classroom, sobrang layo sana man lang na inform ako para nadala ko man lang yung bike ko.

Hingal na hingal akong tumakbo makarating lang dito sa classroom namin. Diretso akong pumasok sa pintuan at sa gulat ko napatingin din sila sa akin.

"Ah. Eh. Hello!"

Imbis na batiin din ako. May lumipad na ginusot na papel papunta sa akin.

"Ay, syete!"  Nagtawanan silang lahat at sabay-sabay silang nagbato ng papel. Wala akong nagawa kundi ang yumuko.

"Hey!" Natigil naman sila at saka lang ako napaangat ng ulo. May teacher na dumating. Tumayo ako ng maayos. Nagsibalikan sila sa kani-kanilang upuan. Doon ko lang napagtanto na puro lalaki silang lahat at ang iba ay naging dati ko ring kaklase.

"You are?"

"Transferee po Sir."

"Are you sure? Baka nagkakamali ka ng pinasukan."

"Ito po talaga yung nakalagay sa schedule, Black section," tumango-tango si Sir.

"Hindi ka welcome sa section namin, alis!" Sabi nung isang estudyante.

"Get out kung ayaw mong masira buhay mo," napakunot noo na lamang ako.

"Baka nagkamali ka lang ng section. Sasamahan kita sa office." Hindi na ako tumanggi, sumunod na lang ako kay Sir. Maya-maya lang may dumating na school cab. Napanga-nga ako. Sa hinaba-haba ng tinakbo ko, may sasakyan pala. Nyemas!

Sumakay na lang kami at dinala kami sa pinanggalingan ko kanina na Registar Office. Kumatok muna si Sir at saka nagpatuloy sa pagpasok.

"Miss Norin, parang nagkamali po kayo ng binigay na schedule kay Jazz," tiningnan naman ako ni Miss Norin sabay ngiti sa amin.

"No, i'm not wrong. Doon talaga siya sa black section na 'yon."

"Pero babae siya."

"Mas maganda na rin siguro ang magkaroon ulit ng babae sa black section."

"Pero-"

"Ayon Sir sa past record niya sa dating school, tingin ko naman bagay siya doon," napakunot noo na naman ako. Anong ibig sabihin niya?

Napapailing lang si Sir at sumunod lang ako sa paglalakad pabalik sa classroom. Huminga muna ako ng malalim at saka humakbang papasok sa loob.

"Miss Jazz, please introduce yourself," gulat naman ang mga lalaki kong kaklase at nagkatinginan sila sa isa't isa. Nang maging okay na ang lahat saka lang ako nagsalita.

"Hi, my name is Jazz Smith. Transferee."

"Hindi ka namin kailangan sa room namin," sabi nung isa.

"Umalis ka na," sabi naman ni... nalimutan ko name basta ang alam ko dati ko rin siyang naging kaklase.

Habang isa-isa silang pinagtatabuyan ako. May isang lalaki ang umagaw ng atensyon ko. Nasa likod lang siya at tahimik na masama makatingin. Who the hell are you? Kanina ka pa nung binunggo mo ako tapos ngayon magiging kaklase kita.

"Please take your sit," umupo ako sa bakanteng upuan sa unahan nung lalaking kanina pa masama ang tingin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Lentek enmen!

Nagsimula na magturo si Sir pero nasa akin pa rin ang atemsyon ng karamihan, kulang na lang kainin nila ako ng buhay. Tapos itong lalaking nasa likuran ko kanina pa sinisipa ang bangko ko. Narinig na ni sir yung upuan ko pero parang wala siyang pakialam. Paano ako makakapagfocus?

Natapos ang klase ni Sir ng wala man lang ako naintindihan. Kaya nang umalis si Sir Francis, hindi na ako nakapagpigil kaya tumayo ako at hinarap ang lalaki.

"Ano bang problema mo?" Nanggigigil ako.

Hindi pa siya nakakasagot nang may naghagis ng itlog sa ulo ko, nagtawanan na naman sila. Hindi pa nagtagal may dalawa pang bumato ng itlog. Sobrang dumi na ng suot ko.

Imbis na sumagot yung lalaking nasa likod ko, tinawanan pa ako.

"Anong nakakatawa?"

"Ikaw!" Mabilis niyang sagot na nagpataas ng kilay ko.

Konting-konti na lang ang pasensya ko. Gusto ko siyang saktan pero pinipigilan ko lang dahil sigurado papanget na naman record ko pag pinatulan ko ang mga tulad niya.

Nagpasya na lang akong umalis paputang cr. Pero kakalabas ko lang ng pinto nang may nagbuhos sa akin ng isang baldeng harina. Malalakas na tawanan pa ang narinig ko.

Ohemgi! Nalulungkot ako. Hindi dahil sa sarili ko. Nalulungkot ako sa perang ginastos nila para sa itlog at harina. Pagkain na 'to, magkano rin yan. Pang hot cake na 'yan.

Imbis na magalit. Hindi ko na lang sila pinansin. Tumakbo na lang ako pauwi sa bahay.

Dito lang ako sa bahay nakahinga ng maluwag. Nagpalit na rin ako ng damit. Humiga ako sa kama habang nakatingin sa kisame. What happened? Hindi sila ganon dati.

"Jazz, kakain na."

"Opo, bababa na po."

Hindi kalakihan ang bahay namin. Nakikitira lang din ako kila tita ana.

"Kamusta ang first day of school mo Jazz?" Kadarating ko lang, ganyan agad ang tanong sa akin. Nagkatinginan kami ng pinsan kong wala namang pake sa akin.

"Ayos naman po tita. Challenging," napangiti si tita. Akala yata niya challenging sa activities ng mga subjects, di nila alam yung hirap na pinagdaanan ko sa mga kaklase ko.

"Challenging," ulit ng pinsan kong walang pake na parang nang-aasar pa.

"Nagkita ba kayong dalawa sa school?" Parehas kami nagulat kaya sabay din kaming umiling. Muntik na akong mapasamid 'don.

Kumain na lang kami ng walang tahimik. Ako na rin ang naghugas ng plato.

"Ay, puke ng kabayo!"

"Bastos," sabi ng pinsan ko. Malay ko ba, e sumusulpot lagi siya.

"Bakit ba kasi nanggugulat ka?"

"Nakita kita kanina para kang lulutuing hot cake," hindi na ako nagsalita dahil naiinis lang ako.

"Sinasabihan kita. Ayaw kong mapahiya kaya kung maaari umiwas ka sa akin."

"Grabe ka sa akin kuya Pedro," napakunot ang noo siya.

"Pedro?"

"Tagalog sa pangalan mong Peter," gusto kong tumawa sa kanyang reaksyon pero pinipigilan ko lang.

"Wag na wag mo akong tinatawag sa school ng Pedro," at saka siya umalis papunta sa hagdan pataas.

Sinilip ko muna siya at nang makalayo siya, saka lang ako tumawa ng malakas. Ayaw mo palang tinatawag na Pedro. Subukan mong sungitan ako sa school.

Nang makarating ako sa kwarto ko. May naalala ako, yung scrapbook ko. Hinanap ko sa mga box na nasa ilalim ng kwarto ko. Nasan na ba yun?

"Yes, nakita ko rin," binuklat ko yung scrapbook. Nakita ko yung class picture namin nung elementary.

Si Sam, Kevin, Jay, Patrick, Joseph, Von. Sila yung kaklase ko dati na nakita ko kanina sa classroom. Pero bakit sila naging ganon sa akin? Sino yung maliit na lalaking naghagis ng itlog kanina? Sino din yung mayabang na akala mo hari sa room? Makikilala ko rin kayo. Binigyan nyo pa ako ng challenge sa buhay, pwes hindi ko kayo susukuan.

"Fight! Fight! Fight!"

"Hoy! Matulog ka na," sigaw ni kuya pedro na nasa kabilang kwarto lang.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro