Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Epilogue

Epilogue


Maraming buhay ang nasawi sa rebelyong nais lamang ay pabagsakin ang monarkiya. Ngunit sa huli, bigo ang oposisyong kunin ang kapangyarihan sa monarkiya.

Naalarma ang buong bansa sa ginawang pag-atake ng Black Knights sa palasyo. Ang mataas na seguridad na siyang inakala ng lahat na hindi mapapasok ng kung sino-sino man lang ay nagawang pasukin ng mga bandidong oposisyon.

Tatlong araw matapos ang kaguluhan sa palasyo ay tila nanahimik ang buong paligid. Ang mga royal ay nanatili sa isang pribadong lugar kung saan ay matututukan ang kanilang mga sarili sa anumang panganib na dumating. Hindi iyon ipinaalam sa publiko gayundin sa utos ng hari upang hindi maisaalang-alang ang kanilang kaligtasan.

Sa loob ng tatlong araw ay patuloy na nililinis ang mga naging pinsala ng kauguluhan sa palasyo. Ang pagkumpuni sa mga bangkay ng oposisyon at pagbibigay bugay sa mga kasamang Gold at Silver Knights na siyang nasawi sa rebelyon.

Maraming buhay ang nawala. Maraming buhay ang nasayang. Dahil lang iyon sa hangarin ng Black Knights na agawin ang pwesto ng monarkiya upang sila ang mamuno sa bansa. Ang tilang inaasam nilang kapangyarihan ay nauwi sa wala.

Steve's death was worthless after all.

Matapos ilibing ang mga bangkay ng Black Knights ay sinunod ang paglibing sa mga kapwa nilang Gold at Silver Knights na dinaluhan ng kanilang mga mahal sa buhay. Wala sa libing ang hari. Walang presensya ang mga royal doon. Alam ng hari na ang ibinuwis ng mga ito ang kanilang buhay upang ipagtanggol at protektahan ang monarkiya kahit buhay pa ang maging kapalit no'n kaya malaking utang na loob ang nakaakibat nito kay King Medeval maging sa pamilya nito.

Bukod sa mga nasawi ay may mga naaresto rin ang mga ito. Kabilang na ro'n ang kaibigan ni Steve na si Haji. He was about to be killed, but the Silver Knight whom he encountered spare his life and arrested him and put him on jail... maybe for the rest of his life.

Makalipas ang tatlong araw ay bumalik ang hari at ang pamilya nito sa palasyo. Isang anunsyo ang ipinaalam sa publiko na magbibigay ito ng mensahe sa bayan na ilang araw na hinihintay ng kanyang sinasakupan. 

Ang lahat ay nag-aabang sa mensahe ng hari at nang makita nila ito sa harap ng kanilang telebisyon ay hindi nila alam kung anong mararamdaman nila.

"Lubos akong nakikidalamhati sa ating mga kasamahan. Sa ating mga minamahal na Silver at Gold Knights na nagbuwis ng kanilang mga buhay para sa ating bansa. Hindi matatawaran ng aking mga salitan ang buhay na kanilang inialay. Ating alalahanin ang kanilang katapangan at paninindigan sa tama. At sa mag susunod na araw nating tatahakin ay maging leksyon ito sa ating lahat. Maging mapanuri at mapagmatyag dahil hindi natin sigurado na ang ating mga taong nakasasalamuha ay siyang pina-plano na ang ating pagbagsak..."

Huminga nang malalim si King Medeval.

"Ngayon ay hawak namin si Obdam na siyang naging tauhan ng mga Black Knight sa loob ng palasyo. Pinagkatiwalaan ko ang taong ito mamuno at manilbihan para sa monarkiya. Makakaasa kayo na makukuha natin ang hustisya at gagawin natin ito sa tama at naaayon na proseso."

Saglit na nilingon ni King Medeval ang kanyang pamilya na nakatayo ilang metro mula sa kanya. Ibinalik nito ang tingin sa harapan.

"Ngayon ay magpapatuloy tayo sa anumang haharapin natin bukas. Makakaasa kayo na gagawin namin ang lahat na maibalik ang kaligtasan ng ating bayan at bansa. Ako si King Medeval, hindi lang ako ang inyong hari kung hindi ako ay naninilbihang marangal sa inyo."

Nang matapos ang mensahe ng hari, ang mga nanonood sa kanilang mga tahanan ay hindi pa rin alam kung anong gagawin. Hindi nila sigurado kung ang bukas na haharapin nila ay may kaginhawaan at hindi nila iisipin na may mangyayaring masama sa kanila.

Maraming bagay ang dapat nilang ayusin upang maibalik sa dati ang lahat. Ang kailangan lamang gawin ng monarkiya ay hanapin ang lungga ng mga Black Knight at alamin ang bawat naging plano nila sa simula pa lamang.

Sa kabilang banda ay muling nakasama nina Nate at Ken ang kanilang mga pamilya. Hindi nila lubos maisip na mawawala sa piling ang kanilang pamilya kaya ngayon ay gagawin nila ang lahat ng makakaya upang maprotektahan ang pamilya.

Dahil para sa kanila, hindi ito ang magiging huling rebelyon at kung maulit man ito sa susunod ay handa na sila at alam na nila ang gagawin. Sa puntong ito, pipilitin nilang maibalik sa normal ang lahat kahit na marami pa ring takot at may pangamba na sa susunod ay hindi lang monarkiya ang target ng mga ito. Hindi rin nila sigurado kung kailan magbubukas ang pinto para sa mga ninanais na mapabilang sa grupo ng mga Silver at Gold Knight dahil sa sitwaysong ito, hindi nila sigurado kung sino ang kakampi o kalaban.

Magkasamang tinungo ni Nate at Ken ang silid kung saan nakasilid ang bilanggo. Kanilang binuksan ang pinto at tumuloy sa loob kung saan nakita nilang nakaabang ito.

"Kumusta, Haji? Handa ka na ba?" tanong ni Nathan.

"Kami naman," dagdag ni Ken. "Kami naman ang susundin mo. So... saan tayo magsisimula? Ah... okay. Kailan at paano ka naging miyembro ng Black Knight?"

- THE END -

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro