Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7

Chapter 7

Today is the day.

That has been going on Steve's head all throughout the day.  He's been wanting to be part of something that he knew he will be proud of. Matagal na niya ito inaasam kaya nang dumating na ang panahon na matutupad na niya ang kanyang pangarap.

Maagang pumila si Steve sa labas ng assembly hall kung nasaan ang registration sa new batch of Gold Knights. Buong lakas ng loob niyang tatahakin ang landas na ito kahit wala mang kasiguraduhan. Kakatungtong pa lamang siya ng 18 at isa ito sa magiging malaki at bagong hakbang na gusto niyang tahakin.

Maaaring sumali ang mga lalaking nasa edad 17. Nitong nakalipas na anim na buwan ay sinubukan din ni Steve ang kanyang swerte kung papalarin siyang makapasok sa grupong ito ngunit hindi agad siya nakapasa sa first screening pa lamang. Nawalan man siya ng gana no'ng panahong iyon, pero hindi iyon naging hadlang upang bitawan niya ang pangarap niya na ipagpatuloy ang nasimulang adhikain at iyon ang mapabilang sa mga natatanging miyembro ng Gold Knights.

Nang magsimula ang registration ay nakakita naman ng mga pamilyar na mukha si Steve. Kinamusta niya ang mga iyon. Lahat ay nagbabakasakaling makapasok sa new batch ng Gold Knights.

Ngunit pagkatapos ng ilang screening ay hindi pa roon natatapos ang lahat. Maraming proseso pa ang pagdadaanan upang maging isang ganap na Gold Knight.

When he finally filed for his registration, pumila naman siya sa first screening dala-dala ang kanyang registration form kung saan magdidikta ng kanilang kapalaran ngayon.

Malakas ang kabog ng dibdib ni Steve habang papalapit nang papalapit sa officer na nagpo-proseso sa first screening. Huminga na lamang siya nang malalim at humugot ng lakas ng loob bago harapin ang officer na siyang kinilatis ang tindig nito.

"I do remember you, young man. Steven Nickelson, am I right?"

"Yes, sir," diretsyong sagot nito.

"Why are you here again? Do you believe you have the chance to be part of our glorious-expendable Gold Knights. Do you think you've got what it takes to be part of us?"

Determinadong tumango siya sa officer. "Yes, sir."

Mariin siyang tiningnan ng officer na para bang ito na ang magiging katapusan ng pangarap ni Steve. Saglit lang nang alisin ng officer ang tingin sa kanya at ibinaba ito sa form na hawak niya. Tinatakan naman ito ng officer saka ito pinirmahan.

"Here's your form," officer said. "You may proceed to the second screening."

Nanlaki na lamang ang mga mata ni Steve dahil hindi niya inaakala na makakapasok siya sa first screening. Nanginginig ang kamay niyang tinanggap iyong form. Pinigilan lamang niyang maglabas ng reaksyon sa harap ng officer at nagpasalamat na lamang ito.

Nang umalis ito sa first screening area at habang patungo sa susunod na screening ay hindi na niya mapigilan ang paglawak ng ngiti sa labi niya. Dahil sa naririnig niya no'n, madali na lang daw makapasok sa second and final screening at ang pinakamahirap na proseso ang six month training kung saan hindi lahat ng nakapasa ay nagtatagal dahil kalaunan ang karamihan sa kanila ay sumusuko along the way.

Ngunit wala sa isipan ni Steve ang sumuko. Gagawin niya ang bagay na ito para sa pamilya niya at maging sa komunidad kung saan maaari niyang ibahagi ang sariling kaalaman.

Kahit alam niyang may posibilidad pa na ma-jinx ang kanyang aplikasyon ay nanatiling positibo na lamang si Steve. Ayaw niyang umasa dahil masasaktan lamang siya sa dulo.

Ngunit sa hindi inaasahan, madaling nakapasa si Steve sa second training hanggang sa final training. Hindi ipinagsabi ni Steve ang naging aplikasyon niya sa Gold Knights dahil ayaw niya munang sabihin ito sa karamihan dahil ayaw niyang mapurnada pa ito.

Buong loob niyang tinanggap ang kontrata na pumasok sa training ng Gold Knights. Sa punto na tumapak sila ng training ay bawal na sila lumabas ng kampo sa anumang kagustuhan nila at kung walang permission mula sa mga nakatataas. Sa isang pagkakataon na lumabas sila ng kampo ay hindi na nila maaaring maipagpatuloy ang training at hindi sila makaka-graduate biglang isang Gold Knight.

Nang ipaalam ni Steve ang kanyang training ay kanyang pamilya sa bisperas ng pag-alis nito, ikinagulat ng lahat ito. Hindi nila inaasahan na iyon ang balitang inililihim ni Steve sa kanila, pero sa puntong iyon ay suportada nila ito at hindi nila maipaliwanag ang nararamdamang tuwa, kaba, at excitement para sa kanilang anak.

Nang iniwan ni Steve ang kanyang pamilya upang tuparin ang pangarap, buong loob niyang tinanggap ang hamon upang sa kanyang kinakabukasan.

Nang pasukin niya ang kampo at makilala ang ilan sa mga makakasama niya sa loob ng anim na buwan na training. Madaling nagkaroon ng kaibigan si Steve at hindi ito nahirapang makisalamuha sa mga kasamahan sa loob.

Sa dami ng mga taong pumila upang subukan hamunin ang sarili sa abot ng makakaya at para sa pangarap. Mula sa higit isang daang lalaking pumila sa screening ay halos trenta lamang ang pinalad na makapasa at sa mga susunod na buwan ay maaari pang mabawasan ang kanilang bilang.

Nakatakda na sa isipin ni Steve na gagawin niya ang lahat upang maging isang ganap na Gold Knight. Mahaba-habang panahon ang anim na buwan at maraming hamon ang kanilang pagdadaanan at hanggang saan nga ba aabutin si Steve sa lahat ng ito?

Para sa pangarap.

Para sa bayan.

Para sa pamilya.

Lahat iyon ay gagawin ni Steve.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro