Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 14

Chapter 14

The two knights weren't sure if things would go down the way the Black Knights wanted to. Maraming bagay ang nakasasalay pero nandito na sila para gampanan iyon. Naniniwala sila ang pagsunod sa utos ng mga ito ay mareresulta sa hinahangad nilang kalayaan—iyon ay para sa sarili at kanilang pamilya, hindi para sa kahihinatnan ng monarkiya.

"Ken, hindi mo naman sinabi sa akin na may namamagitan pala sa inyong dalawa ni Princess Kalia, ha?" Ngisi pang tanong ni Nate.

Bahagya namang natawa ang binata. "Sa totoo lang, wala talagang nakakaalam no'n. Nangyari na lang na naging malapit ang loob namin sa isa't isa. Ako kasi iyong naging tagabantay niya noong umusbong ang balitang aatakihin ng Black Knights and royals kaya bawat isa sila ay may sariling mga Gold Knight."

"I see... mabuti na rin at naging malapit kayo," ani Nate. "Sa tingin ko mas mapapadali ang trabaho natin dito."

Napakunot naman ng noo si Kennan. "Anong ibigsabihin mo ro'n?"

Napakibit balikat si Nathan. "Kung may koneksyon ka na sa prinsesa, mas mapapadali ang trabaho natin. May mga bagay na alam ang mga royal na sila lamang ang mga nakakaalam. Ang mga impormasyon na iyon ay hindi hindi ibinahagi kanino man, tama ako, 'di ba?"

Tumango si Kenna sa tanong nito.

"Ang plano na nilahad sa atin ay una ay alamin kung anong unang aksyon ang gagawin nila."

Bumagsak ang balikat ni Kennan saka ito napailing. "Hindi ko sigurado riyan, Nate. Alam kong malapit kami sa isa't isa ng ng prinsesa, pero alam kong hindi niya rin babaliin ang tiwala na ibinigay niya sa kanyang pamilya lalo na sa hari. Sino ba naman ako para ipaalam niya ang mga bagay na 'yon?"

Napangisi si Nathan. "Kung napansin mo lang kanina kung paano ka niya hagkan at salubungin ng yakap, doon pa lang ay mahahalata mo ng importante ka sa kanya. Hindi naman gano'n ang magiging reaksyon ng isang tao kung isang kakilala lamang, 'di ba?"

Walang komento si Ken at hindi alam kung anong isasagot dito.

"Hindi ko talaga alam. May iba pa tayong paraan, Nate. Ayokong gamitin ang prinsesa rito. Gusto ko siyang ilayo sa magiging resulta nito."

"Alam kong natatakot ka na baka masira ang tiwala niya sa 'yo, pero iyon naman talaga ang ipinunta natin dito, 'di ba? Nakabalik tayo dahil iyon ang utos na susundin natin. Buhay ng pamilya natin ang kapalit. It's now or never, Ken. Kung pipiliin mo ang ibang tao o ang pamilya mo, nasa sa iyo na 'yan."

Napabitaw na lamang nang malalim na hininga si Ken at napaisip-isip sa sinabi ng kasamahan.

"Ayoko mang humantong sa desisyong iyon, pero bigyan mo muna ako ng kaunting oras para pag-isipan iyon."

"Oo naman," tugon ni Nate.

"Ngayon, kung ano man iyong sinabi ni Sir Obdam sa atin kanina... at kung siya ba ang taong tinutukoy ng lider ng Black Knights. Damn, that kind of betrayal will break a lot of trust to everyone. Matagal na si Sir Obdam dito at kung siya nga ang tauhan na 'yon... sa tingin ko, hindi na natin kailangan ang prinsesa ro'n."

"Tingnan na lang natin kung anong mangyayari...."

Nang makapag-ayos ang dalawa ay hinintay na lamang nila kung anong susunod nilang gagawin. Ang daming tumatakbo sa isipan nila, pero kailangan nilang mag-focus at hindi mawaglit sa kanilang isipan kung bakit nila ginagawa ito.

Saglit lamang nang maramdaman ni Nathan ng telepono na itinago niya sa kanyang isinilid sa underwear dahil pagdating din nila kanina ay kinapkapan sila at hindi ito nahuli. Kinuha ito ni Nathan at nakitang tumatawag ang hindi rehistradong numero.

"Hello..." bungad ni Nathan.

"Hello?" Nakilala agad ng binata kung sino ang nasa kabilang linya. "Nate at Ken? Nakikinig ba kayong dalawa?"

Inilagay ni Nathan sa speaker ang lumang model ng telepono. 

"Nakausap niyo na ba?" tanong ni Steve.

"Sino?" tanong ni Ken. "Marami na kaming nakausap. Sino 'yang tinutukoy mo?"

"Ang tauhan ng Black Knights sa loob ng palasyo," sagot ni Steve. 

Nagkatinginan ang dalawa at napaisip kungn sino ang tinutukoy nito. Hindi man sila sigurado sa naiisip nila ay baka iyon ang sasagot sa kuryusidad nila.

"Si Sir Obdam ba?" panghuhula pa ni Nathan.

Ilang segundong katahimikan ang nakuha nila kay Steve hangga't sa sumagot ito, "siya nga..." pagpapatunay na ang taong nakasasalamuha nila sa loob ng ilang taon ay siyang gumagawa na pala ng tulay upang maisakatuparan ang mithiing rebelyon ng Black Knights.

"Hindi pa kami tuluyang nagkakausap," sagot ni Kennan. "Kanina, nagpakita siya sa amin dahil sinamahan niya si Princess Kalia sa kwarto kung nasaan kami ngayon. Wala siyang ibang binanggit sa amin kung hindi ang sabi lang ay magkikita kami mamaya."

"Iyon na 'yon," ani Steve. "Nagbigay na siya ng senyales at hintayin niyo na lamang siya. Hindi pa ito ang huling magiging tawag ko sa inyo. Magbantay lamang kayo at hintayin ang susunod na utos ni Sir Obdam para sa gagawin niyong aksyon. Maliwanag ba?"

"Maliwanag," sagot ng dalawa.

Wala namang hinabol itong babala kung hindi ay ibinaba na agad ang tawag. Muli namang isinuksok ni Nathan ang telepono sa loob ng kanyang underwear. Sa tingin niya kasi mas safe iyon do'n kaysa ilagay niya ito sa mismong bulsa at huhulma pa ang porma nito.

Sa ilang oras nang paghihintay ay dumating si Sir Obdam sa kanilang kwarto ngunit hindi ito nag-iisa. May kasama itong ilang tauhan na ikipinagtaka ng dalawa.

"Sumunod kayong dalawa sa akin. May pagpupulong na gaganapin ang hari at kailangan kayo ro'n," anunsyo nito.

Bahagyang lumapit si Obdam sa kanila at may ibinulong ito.

"Mamayang gabi tayo mag-uusap..." aniya at pasimpleng tumango ang dalawa.

Ang ginawa na lamang nila ay sumunod sa utos ni Sir Obdam. Hindi man nila alam kung anong sunod na gagawin dahil parang umiikot lamang ang sitwasyon... pero iyon ang ikinatatakot nila. Wala silang alam sa mga mangyayari dahil baka sa susunod na mga oras o araw ay mangyayari na ang madugong rebelyon.

Dahil alam nila kung anong intensyon ng Black Knights at iyon ay pabagsakin ang monarkiya. At silang dalawa ang magiging instrumento sa gawaing ito... gustuhin man nila o hindi, maraming bagay ang nakasalalay.


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro