Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Chapter 13

They were being served and protected. All that they do was done to them now. Isa sila sa mga importanteng tao ngayon na hinding-hindi pwedeng pakawalan ng monarkiya dahil sa tingin nila ngayon ay isa silang malaking asset upang matunton ang kampo ng oposisyon.

Ngunit kakanta nga ba ang dalawa? Ibubunyag ba nito ang plano sa mga taong kanilang pinaninilbihan o magiging loyal sa mga taong taliwas sa kanilang gawain.

Na kay Nathan at Kennan nakasasalay ang unang aksyon ng rebelyon at kung hindi man nila sundin ang utos ng Black Knights ay tiyak na mas malaki pa sa inaasahang rebelyon ang mangyayari.

"Kailan natin gagawin iyong inuutos nila? Hihintayin pa ba natin 'yong tauhan sinasabi nila sa atin?" tanong ni Nathan.

Tumango naman si Kennan. "Kailangan nating hintayin 'yong sinasabi nilang tauhan na 'yon. Hindi tayo pwedeng kumilos na lang bigla."

"E, paano natin makikilala 'yong tauhan na tinutukoy nila? Wala naman kasing binanggit sa atin na pangalan, e. May ideya ka ba kung sino?" dagdag na tanong ni Nathan.

Napailing na lamang ito. "Wala akong ideya kung sino man 'yon. Kung meron nga ba talaga ay matagal na pala tayong napasok ng kampo nila at wala lang tayong ideya ro'n. Nakakalungkot lang talaga na umabot tayo sa ganitong sitwayson. Ayaw ko mang—"

Natigil sa pagsasalita si Kennan nang biglang may kumatok sa pinto. Muling nanahimik ang dalawa hangga't sa bumukas ito at bumungad sa kanila si Princess Kalia. Nanlaki naman ang mata ni Kennan nang makita ang prinsesa. Agad na tumakbo ang dalaga sa Gold Knight at niyakap ito nang mahigpit.

"Sa wakas..." halos bulong na pagkasabi ni Princess Kalia nang mahagkan ito.

"Marumi ako..." natatawang tugon naman ng binata. Mas lalo pang humigpit ang yakap ng dalaga kaya agad na sinuklian iyon ni Kennan. Nakatingin lamang si Nathan sa kanila na bakas pa ang gulat sa mukha dahil hindi niya inaasahan na makikitang sabik ang prinsesa sa isang Gold Knight na makita ito. 

"I've missed you..." bulong pa nito.

Napangiti na lamang ang binata. Nang lumuwag ang pagkakayakap nito at saka magtinginan ang dalawa ay napansin naman ni Kennan na maluha-luha ang dalaga kaya naman pinunasan nito ang luhang nangingilid sa gilid ng mata niya.

"Ayos ka lang ba? Anong ginawa nila sa inyo?"

"I'm alright," sagot ni Kennan. "What was important that I'm still alive. Both of us." Pagtukoy nito sa kasamahan.

Doon lang napagtanto ni Princess Kalia na kanina pa sila pinapanood nito kaya mabilis siyang napabitaw sa pagkakahawak ng kamay kay Kennan.

"'Wag kang mag-alala, princess. Wala naman akong pagsasabihan," ani Nathan. "Masaya akong maayos kaming nakabalik dito."

"That was what we were all hoping for," she said. "And I'm so happy that you are all okay... pero may mga sugat at pasa kayo. Ayos lang ba talaga kayo?"

Tumango ang dalawa bilang sagot.

"Parang no'ng training lamang ito," sagot ni Kennan. "Mga galos lang ito. Malayo sa bituka."

"Dapat maligo muna kayo. Magpalit ng damit. Binigyan ba nila kayo ng pampalit?" tanong ng prinsesa.

Tumango ang dalawa at pinakita ang mga damit at ilang bathroom necessity na ibinigay sa kanila kanina. Hindi pa rin mapigilan ni Princess Kalia na muling yakapin ang binata. 

Hindi alam ni Kennan ang mararamdaman niya. Halo-halo ang excitement, kaba, at takot. Hindi niya maipaliwanag dahil hindi niya maaaring sabihin sa prinsesa ang nakatakdang rebelyon. Kaya niyang bitawan ang prinsesa para sa kanyang pamilya sa anumang pagkakataon.

"Paano ka nga pala nakapunta rito? Mabuti at pinayagan ka?" takang tanong ni Kenna sa prinsesa.

Humugot ito nang malalim na hininga. "Nagpaalam ako sa ama ko. I just really need to make sure how are you and I've never felt so relief when I was able to hug you like this. I'm not sure what would they will react if they find out that we have something..."

Kennan give Nathan a side look. With that kind of look, he knew what he was telling to him.

"Oh, before I forgot!" Hinarap ng dalaga si Nathan. "Moira and I have been keeping in touch with each other since the day we all found out that both of you are missing. My father told me not to say anything to anyone yet, but I wouldn't forgive myself if I wouldn't share the good news with her."

"I see... but for real, was she looking for me?"

Princess Kalia nodded. "She did and she was so scared about what will happen to you. If they would let her see you, you might as well be able to talk to her. But I'll let her know you're doing fine if they wouldn't let her come in."

"Thank you for that... I really appreciate the gesture, my princess."

"No worries," she said.

Just a moment later, they've heard a knock on the door. All their heads shifted on that direction as someone announced their presence. Nagulat naman si Kennan nang makita na si Sir Obdam ang pumasok. Siya pala ang sumama kay Princess Kalia na makarating sa kwarto nila ngayon.

"Princess, it's time to head back," anunsyo nito.

Nagpaalam naman ang dalaga sa dalawa at bago man tuluyang sumunod si Sir Obdam sa kanya ay hinarap niya ang dalawang knight.

"Welcome back," tipid nitong sagot. "See you later..."

Nagkatingnan ang dalawang knight nang tumalikod at umalis na si Sir Obdam. Sa puntong iyon ay nagkaroon na ng haka-haka ang dalawa na ang tinutukoy na tauhan ng Black Knights ay maaaring si Sir Obdam... ngunit paano?

Puno man ng kuryusidad ang kanilang pag-iisip ay nagsimula na rin silang maligo at magpalit ng bagong damit. Hindi sila babalik sa kanilang trabaho. Hindi sila hahayaang madakip muli kaya iyon ang magandang estrahiyang inihanda ng oposisyon para sa kanila.

At kung saan man hahantong ang lahat ng ito... iniisip na lamang nila na hindi nila pagsisihan ang bagay na kanilang gagawin.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro