Chapter 10
Chapter 10
All those things that happened in Steve's Gold Knight career journey led him into becoming one of the rebellions who are fighting for freedom and rights.
It was a long time ago since he left the palace and be in no service for the royals after a scandal occurred inside the premises that no one talked about. Steve was having a good time back then—fulfilling his own dream, for his family, and his friends... all those things he did went to nothing.
But now, it's time for him to get what was lost to him and make the royals pay for what they have done to him.
And today is the day for them to strike back.
Maagang nagising si Steve upang maghanda sa pagbabantay kay Nate—ang Silver Knight. Ang araw na ito ay hindi normal katulad ng mga nakaraang araw kung hindi ang kanilang araw na hinihintay ay dumating na.
Sa mga nagdaang taon, alam ni Steve na ang gawaing ito ay hindi isang masamang partisipasyon bagkus ito pa ang magtutuwid sa mga baluktot na panunungkulan ng monarkiya at iyon ang inaasama ni Steve na maabot.
Nang matapos itong mag-ayos ay hinanda na niya ang kanyang sarili. Lumabas ito ng kanyang kwarto at tumungo papunta sa tower kung nasaan ang bihag.
Nakita naman niyang nauna nang makapasok si Dobber sa tower kaya naglakad ito nang mabilis upang mahabol ang kasamahan. Nang maabutan niya ito ay sabay na sila tumungo paitaas sa selda ng mga bihag.
"Sana maging matagumpay ang gagawing rebelyon," ani Dobber.
Tumango naman Steve at saka ito humugot nang malalim na hininga. Tinapik na lamang ni Steve sa balikat ang kasamahan. Malaki ang paniniwala nito na ang magiging rebelyon ay siyang maglulutas ng kaginhawaan ng lahat. Hindi man ito ang ninanais ng ibang mamamyan, ngunit ito lamang ang nakikitang paraan ng Black Knights upang solusyonan ang baluktot na pamamahala ng monarkiya.
Nang marating nilang dalawa ang selda ng mga bihag ay inihanda nila ang kanilang sarili. Hindi umalis si Haji sa kanyang pwesto dahil sa mangyayari. Tumapat ito sa pinto ng selda at kinatok ito. Saglit lang naman ay nakarinig na si Steve ng kaluskos mula sa loob ng selda.
"Nandito na ba ang agahan ko?" tanong ni Nathan.
Hindi naman sinagot ni Steve ang tanong nito. "Tumayo ka sa dulo ng kwarto mo at humarap ka sa dingding."
Napuno naman ng pagtataka si Nate kung anong gagawin sa kanya. May pag-aalinlangan man ito ay sinunod niya ang utos ng Black Knight. Nang masigurado ni Steve na maayos na nakapwesto si Nate ay pumaosk ito sa loob ng selda saka tumayo sa likod ni Nate kung saan ay kanyang pinosasan ang magkabilang kamay.
Mabilis na nagtanong si Nate kung anong gagawin sa kanya, pero nanatiling tikom ang bibig ni Steve. Ang sunod na lamang na ginawa niya ay ang paglagay ng piring sa mata ng bihag. Nang walang palag si Nate sa kung anong mangyayari ay inalalayan itong makalakad ni Steve palabas ng selda. Hawak nito ang kabilang braso habang ang kaibigang si Haji naman ay hawak din ito.
Mariin nilang hinawakan ang bihag upang hindi ito makatakas. Patuloy pa rin naman sa pagtatanong si Nate kung anong gagawin nila. Tahimik lamang ang dalawa dahil hindi nila maaaring sabihin nang gano'n-gano'n na lamang ang impormasyon na iyon.
Nakita ng dalawa na nauna na sina Dobber at kasamahan nito na pumunta sa Great Hall. Hindi na sila sumabay sa kanila dahil ayaw nila magkaroon ng komosyon lalo na't mga mahahalagang bihag ang hawak nila ngayon.
Kapag nakikita ni Steve si Ken na isang Gold Knight ay hindi nito maalis sa isipan ang mga panahon na naging parte ng siya grupong iyon. Masasabi niyang may magandang pangyayari iyon sa buhay niya, ngunit iyon din ang naging daan upang mamulat siya sa katotohanan dahilan upang dalhin siya sa sitwasyon niya ngayon. At hindi niya iyon ikinakahiya dahil ang isang pagiging Black Knight ay hindi isang biro.
Nang tuluyang marating ang Great Hall kung saan naghihintay na rin sina Dobber ay pinapasok na sila sa loob ng Meeting Room. Una nilang natanaw ang mga royal na nakaupo sa kanilang kinalulugaran. Malaki ang espasyo ng Throne Room at halos bilang lamang ang mga tao sa loob.
Nang marinig ni Nate at Kennan na magkasama sila sa iisang silid ngayon ay gustong-gusto na nilang makawala ngunit wala silang laban. Armado ang mga Black Knight. Ngunit kahit armado ang mga ito ay mahigpit na ipinagbabawal na saktan o patayin ang mga bihag na ito. Kung hindi ay isang malaking punishment ang nakaakibat dito.
Nanatiling pinaghiwalay ang dalawa dahil sa huling nagkasama sila ay hindi naging maganda ang resulta nito. Pero sa puntong iyon ay tinanggal na rin ang mga piring nila sa mukha dahilan upang masilaw sa liwanag. Saglit na nag-adjust ang kanilang mga paningin hangga't sa iikot nila ang ulo sa paligid kung nasaan nila nasilayan ang mga miyembro ng Black Knights.
"Anong gagawin niyo sa amin?" tanong ni Nathan.
"Kahit anong gagawin niyo, hindi kayo mananalo laban sa mga royal," dagdag pa ni Ken.
Natawa naman ang ilan sa paligid. Napakunot na lamang sila ng noo. Ang lider ng Black Knights na siyang nanatiling naka-maskara upang hindi ito makilala ay tumayo sa kanyang kinauupuan.
"Tama ka riyan, Gold Knight," anito. "Alam namin na iyan ang tatakbo sa isip niyo at inaasahan niyong hindi kami magwawagi dahil sino nga ba naman kami? Pero sino nga ba ang Black Knights, 'di ba? Kilala niyo lamang kami sa aming tawag ngunit hindi sa kung anong kaya naming gawin."
"Alam namin kung anong kaya niyong gawin," ani Nathan. "Mga walang habas at awa sa pagpatay ng mga inosenteng tao."
"Pababagsakin kayo ng monarkiya," dagdag pa ni Kennan.
Nabato na lamang si Steve sa mga pinagsasabi ng mga bihag dahil isa si Steve sa mga biktima noon ng Black Knights. Namatay ang kaibigan niya sa aktibidad na isinagawa ng mga Black Knights... at ngayon na kabilang na siya ng grupong ito ay inalis na lamang niya sa kanyang isipan ang mga bagay na 'yon. Siya ay itinakwil at hindi pinahalagahan at ang pagiging kasapi niya bilang Black Knight ay walang katulad.
"Masasabi niyo pa 'yan sa ngayon... pero sa puntong ito... masabi niyo pa kaya 'yan?" ani ng lider.
Ang sunod na lamang na nangyari ay bumukas ang dalawang malaking TV kung saan ang dalawang screen ay ipinapakita ang mga pamilya ng dalawang bihag. Natulala na lamang ang dalawa ng makita ang kanilang pamilya na hawak ng Black Knights.
Sa oras na 'yon... maraming tumatakbo sa isipan ng mga bihag at sa nakikita ng mga Black Knights ay isang matalinong plano na kanilang ipagpapatuloy.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro