Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter I: Euphoria Realm

I woke up when I feel I was being carried by someone who I don't know, which creeps me out. Then, I've decided to open my eyes to see what's happening.

I saw myself being carried in the shoulder by a big bulk man who is wearing a weird outfit. He is wearing a white cloak which cover his leather outfit inside.

I tried to recall on how the heck I've been kidnap. And from what I've remembered, kakauwi ko lang galing sa school when I have decided na bumili ng libro para sa research namin.

Naglalakad ako papunta sa book shop nang may humarang sa akin sa daanan. Inakala ko na nang tritrip lang kaya lumihis ako ng daan para iwasan siya, nang may inilabas siyang powder na nakapag pawala ng aking ulirat.

Then, that's it. I've been kidnap.

I glanced on my surroundings, then I noticed na nasa niyebe kami?

Doon ko lang narealize na nakabalot ang buong katawan ko sa isang tela at parang shawarma ako, kaya pala hindi ko naramdaman ang lamig kanina. Mayroon ring nakaharang sa aking bibig kaya hindi ako makapagsalita. Sinubukan kong gumalaw ngunit nabigo ako dahil sa mahigpit ang pagkakatali sa tela.

Sinubukan kong pumalag at tila naramdaman ng lalaki ang kilos ko pero nagpatuloy parin ito sa paglalakad na parang walang nangyari.

Hinayaan ko nalang dahil sa una, nakabalot ako. Pangalawa, mas mabuting ireserve ko ang lakas ko ngunit kahit na wala akong magawa, ay nanatili akong alerto sa aking paligid.

Ilang oras naming binagtas ang paligid na puno ng niyebe nang napansin ko na nasa dulo na kami ng yelo.

Tinignan ko ang nasa dulo ng yelong aming inaapakan at napansin ang isang malawak na tubig sa kasunod. Hindi ko rin matanaw kung hanggang saan ang dulo ang tubig na ito. Wala ni isa ang pwedeng apakan pa rito. Dead end na ang yelong aming tinatapakan.

Nagtataka ako kung bakit nandito kami at ano ang gagawin namin dito. May kinuha ang lalaki sa kaniyang cloak at inihagis sa malawak na tubig.

Hindi ko natignan kung ano ang kaniyang hinagis at napakunot ang aking noo.

Ilang minuto ay dumilim ang kapaligiran at lumakas ang alon sa tubig. Lumakas ito nang lumakas hanggang sa nabasa na ako dahil sa alon. Kinakabahan akong nagpupumalag at sinubukang magsalita.

Is he insane? Gusto niya bang magpakamatay?

"Ieabahana majig akgioo!" sigaw ko na hindi ko rin maintindihan.
(translation: ibaba mo ako!)

Ngunit hindi man lang ito kumibo na parang walang narinig. Nanatili itong nakatayo nang may umilaw sa tubig na may kakaibang disenyo.

Nang makita niya ang seal sa tubig ay binuhat niya akong mabuti at sabay tumalon sa napakalamig na tubig.

I'm so scared. I don't want to die.

When the water started to touch my skin, I didn't feel cold which is weird but instead, it makes me warm. Pinagmasdan ko ang kailaliman ng tubig nang naramdaman kong parang hinihigop ang buo kong katawan dahil sa kakaibang pwersa.

Is this the end? I've been kidnap by someone who I don't know and I don't know why is this happening to me.

I closed my eyes when I feel the burning pain all over my body. I can't do it. It freaking hurts! It feels na kinakalas kalas ang lahat ng aking buto.

I gritted my teeth and clenched my fist to lessen the pain that I'm experiencing.

Ilang minuto ng maramdaman ko na unti-unting nawala ang sakit sa aking katawan. Binuksan ko ang aking mata at napansin na kami ay nasa isang gubat.

Nagtataka ako kung paano kami nakapunta rito at sinubukang pumalag. Binaba rin ako ng lalaki sa damo at tinanggal ang telang nakapa libot sa akin.

Nang tuluyang nawala ang tela sa akin ay kaagad akong lumayo sa lalaki. "Bakit ako nandito? Nasaan ako? At, ano ang kailangan mo sa akin?" sunod sunod kong tanong sa lalaking nasa aking harapan.

Doon ko lang napagmasdan ang lalaking may kaedaran na, na nanatiling walang emosyon. He slightly bends and coldly said. "Please, forgive me for my outrageous behavior miss but I've to complete my mission given by Elder June. If I have completely offended you, please punish this servant".

"What are you talking about? Where am I? Who is Elder June are you talking about? I don't even know him"

"You are here in Euphoria realm, miss. And, I can't tell about the details on why you are here. Mas mabuting si master ang magsabi sa iyo"

Tumahimik ako nang mapansin na hindi niya talaga sasabihin kung bakit ako nandito. Napansin niya ang pagtahimik ko kaya siya ay nagsalita. "Don't worry miss, I will not hurt you. Let me accompany you to elder master"

Tumango nalang ako pero nanatili parin ang aking distansiya sa kaniya. Nagsimula kaming maglakad sa kakahuyan nang matanaw ko ang isang carriage sa hindi kalayuan.

Naglakad kami papalapit doon. Kumatok ang isa sa mga lalaki sa pinto ng carriage at nagsalita ng mahinahon.

"Master, nandito na po siya"

Tinignan ko ang pintuan ng carriage nang may bumabang isang matandang lalaki na nakasuot rin ng katulad na cloak ng lalaki.

Sinalubong niya ako ng isang malaking ngiti at lumapit sa aming pwesto.

"Apo ko, mabuti ay ligtas ka. Ilang taon ka ring nawalay sa aking piling at lubha akong nag alala sa iyong kalagayan. Huwag kang mag alala at pupunan ko rin ang lahat ng aking pagkukulang sa iyo." naluluha niyang sabi at sinubukang lumapit sa akin na aking nilayuan.

Naguguluhan ako sa nangyayari sa aking harap na napansin ng matanda na nasa harap ko. Nanatili akong tahimik ngunit nandoon parin ang pagiging maingat ko.

"I don't know who you are and please ibalik niyo ako. I don't belong to this place"

Napabuntong hininga ang matanda nang mapansin ang aking inaasal. "Please, don't be afraid of me. Hindi kita sasaktan apo. Patawarin mo ako kung ngayon lang ako nagpakita sa iyo kung hindi lang dahil sa kanila ay hindi ka maghihirap nang ganito. If your parents is still alive, sigurado akong matutuwa sila sa iyo"

Naluluha niyang kwento at tumungo. My heart aches when I saw him crying. I don't know why, but I don't like him crying.

Did he said that he knows my parents? If so, then is he my grandfather?

I gasped for breath as I watched my 'grandfather' crying. Lumapit ako sa kaniya para patigilin ang kaniyang pag iyak.

"Huwag na po kayong umiyak. Tiyak na kung makikita kayo ng iyong anak ay hindi siya matutuwa na makita kayong umiiyak" pag aalo sa kaniya.

"Tama, tama. Hahaha, ang mahalaga ay ngayon magkasama na ulit tayo. Hinding hindi kita pababayaan kailanman. Huwag kang mag alala apo" he smiled at me.

"If you need anything, ask Butler Jan kapag wala ako" he added and I nodded. He smiled when he saw my actions and suddenly remembered something.

"Apo, ano pala ang iyong pangalan?" tanong nito at lumakad papalapit sa karwahe.

"Aeria, aeria ang aking pangalan" magalang tugon ko.

"Aeria, napakagandang pangalan katulad mo. Ako nga pala ang iyong lolo June, isa sa mga namamahala sa White Kingdom. Tiyak na magugustuhan mo roon" nakangiti niyang sabi.

"White Kingdom?"tanong ko.

"Tama apo, White Kingdom. Ang kasalukuyang nanungkulan sa kaharian ay si Haring Arcis. Pinamumunaan niya ang buong light users ng marangal at maayos" pagkukwento niya na ikinatango ko.

Napaisip ako nang saglit at nagtanong sa aking tanong sa aking isipan.

"Hindi sa aking intensyong saktan kayo, pero paano niyo po pala nasabi na ako ang iyong apo?"

"Hinding hindi ako magkakamali apo dahil sigurado akong ikaw ang aking apo. Alam kong noong bata ka palang ay nakakaranas ka ng mga iba't ibang kakaibang karanasan. Hindi ba't nakakapag labas ka ng apoy sa iyong kamay?" tanong nito.

Ikinagulat ko ang sinabi niya dahil tama ang kaniyang sinabi.

Noong sampung taon gulang ako, umiiyak ako dahil sa pagkamatay ng aking alagang pusa. Humagulhol ako noong araw na iyon hanggang sa hindi makahinga dahil sa aking pag iyak.

Sinubukan kong huminga nang nakaramdam ako nang pananakit ng dibdib. Lumapit ako sa katawan ng pusa at marahang binuhat ito nang matupok ang katawan ng pusa ng apoy dahil sa aking kamay.

Hinding hindi ako makapaniwala noon at nakita ito nang aking mga kaibigan. Dahil doon, sinubukan nila akong layuan at sinabihan na ako'y maligno at iba pang masasakit na salita.

Sa pangyayaring iyon ay naisipan kong lumipat ng bahay para makaiwas ng gulo. Dahil narin itinakwil ako ng aking nanay, naging mahirap ang paglipat ko ng bahay. Mahirap man ngunit kinakailangan.

Napangiti nalang ako nang mapait nang maalala ang pangyayaring iyon. Tumango nalang ako nang dahan dahan sa sinabi nito.

"Pero paano kung iba pala ang iyong apo? Paano kung nagkamali lang kayo?" tanong ko sa kaniya. Dahil masakit na umaasa na, hindi pala ako ang kaniyang apo. I don't want to destroy my rays of hope kapag nalaman kong nagkamali sila.

Ever since when I was a child, I have been badly mistreated by my adopted mother but I still love her despite of her shortcomings. I love her because she is the only parent that I have.

Until she got married to another man, I was nearly molested by my step father but I have escaped. Sinubukan kong ipaalam sa mama ko but she didn't believe my words. I was an 8 years old small fragile child when I left home.

"Huwag ka ngang magsinungaling. Alam kong ikaw ang naglandi sa asawa ko. Aeria, ayoko makita pagmumukha mo. Lumayas ka, hindi ko kailangan ng malanding anak na katulad mo!"

The only person na sandalan ko ay nawala ng mga sandaling iyon. I'm all alone.

He smiled and pat my head. "Hinding hindi ako magkakamali dahil alam ko ang birthmark sa iyong likod na hugis rosas"

Nagulat ako sa sinabi nito dahil paano niya nalaman ang birthmark sa aking likod.

Nahalata niya ang aking pagtataka at tumawa ito. "Huwag kang mag alala. Nalaman ko ito dahil kay Misty na iyong kaibigan"

"Misty? Isa rin siyang light users? Kung isa nga siya, bakit siya nandoon?"

"Apo, naroon siya dahil sa misyon at iyon ay para hanapin ka. Isa siya sa mga tauhan natin" sabi nito at tuluyan na kaming nakalapit sa karwaheng nakaparada. Doon ko lang napansin ang disenyo nito.

Ang bawat gilid ng karwahe ay may gintong disenyo. Ang pintuan at maliit na bandila ay may disenyong rosas. Doon ko lang napagtanto na parehas ito sa birthmark sa likod ko.

Napansin niya ang aking tinitignan. "Ang rosas na ito ay nagsisimbolo ng ating pamilya. Tayo lamang ang gumagamit ng disenyo na ito. Ang lahat ng malalaking pamilya na katulad natin, ay kinakailangan ng mga simbolismo para maipakita ito ng ating katayuan sa kaharian" pagpapaliwanag nito.

Tumango nalang ako sa kaniya at inalalayaan akong umakyat sa karwahe ng isa sa mga lalaking nakatayo sa gilid.

Susunod narin sana si lolo nang may dumating na nakasakay sa kabayo at lumapit sa kaniya. Bahagyang lumapit ang lalaki sa kaniya at may ibinulong sa kaniya.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha niya at lumingon kay Butler Jan na ikinatango nito. Tila ay nagkaintindihan silang dalawa at nagsimula nang umandar ang karwahe.

Nagtataka kong nilingon si lolo na nanatiling nakatayo sa kaniyang pwesto. Ilang minuto ay sumakay ito sa kabayo at tumakbo paalis papasok sa kalooban ng kagubatan.

Binuksan ko ang bintana sa harap at tinanong si Butler Jan na kasalukuyang nagpapatakbo ng kabayo.

"Bakit hindi natin kasama si lolo?"tanong ko ngunit hindi ito umimik. Sinilip ko ang bintana at narinig siyang nagsalita.

"Huwag kayong mag alala. May inaasikaso lamang siya at babalik rin pagkatapos"

Tumango ako at bumalik sa aking inuupuan para pagmasdan ang loob ng karwahe. Mayroon isang maliit na lamesa na may dalawang maliit na tasa na may lamang tsaa.

I picked up the cup and tried to smell the tea. It's fragrant it smells like flowers. I took a sip on the tea and I was shocked by its taste. It's bitterly sweet and yet, refreshing.

I smiled as I finished drinking the tea, when the carriage suddenly stop and someone knocked on the door. I opened the small window beside me and glanced outside.

Nakita ko ang isang malaking bahay na may rosas na disenyo sa malaking gate na ito. Mahahalata na malaki at maimpluwensiya ang nakatita sa bahay na ito.

Napansin ni Butler Jan ang pagsilip ko sa bintana at tumikhim ito bago magsalita. "Lady Aeria, nandito na po tayo"

Lumingon ako sa pintuan at nakita kong nakabukas na ito. May isang batang babae na nakatayo sa pintuan. Nakangiti ito at bahagyang nagbow bago nagsalita.

"Lady Aeria, maligayang pagbababalik" sabi nito at inilahad ang kaniyang kamay para ako ay alalayan bumaba.

Tinignan ko ang kamay niya at nagsalita.

"Ikaw ay si...." tanong ko sa babae. Doon ko lang namalayan na mayroon itong brown na buhok. Ang kaniyang asul na mata ang nagbigay buhay sa kaniyang edad. Ang tanging accessories na kaniyang suot ay isang pilak na bracelet sa kaniyang kanang kamay.

Ngumiti ang bata at nagsalita. "Lady Aeria, ang aking ngalan ay Feb. Ikinagagalak ko kayong makilala. Kung may kailangan lang kayo ay sabihin niyo lang sa akin at malugod ko kayong tutulungan"

Ngumiti ako sa kaniya at tinanggap ang kaniyang kamay. Tinulungan akong bumaba ni Feb sa karwahe at doon ko lang napansin ang apat na babaeng nasa likod ni Feb.

Nilingon ko si Butler Jan sa gilid na nananatiling nakatayo. Tumikhim ito at nagsalita. "Here is Lady Aeria, you must serve her well. Kapag may narinig akong pagsuway ninyo sa kaniya ay paparusahan kayo ayon sa batas ng Ry" madiin at baritanong boses nito.

Tumango ang mga batang babae at nagsalita bilang pagtugon. "Opo"

Lumapit sa akin si Feb at ginabayan ako papasok sa gate. Sumunod ang apat na babae sa likod ni Feb sa amin. Nakasunod rin sa amin si Butler Jan.

Bumukas ang napakalaking gate at sumalubong ang dalawang gwardiya sa gilid bahagya silang yumuko at bumati. "Welcome back, my lady". Tipid rin akong yumuko pabalik sa kanila.

Naglakad kami sa hardin at lumiko pakanan sa isang bahay. It looks like a compound in an extravagant way. Tinignan ko ang bahay na aming nilikuan at napansin ang malawak na bahay na ito.

Napansin naman ata ni Feb ang aking tinignan at nagsalita ito. "Dito po nakatira si Master June". Tumango ako at lumingon pabalik sa aking dinaraanan.

Dumiretso kami naglakad matapos malagpasan ang isa pang bahay bago kami huminto. Tinignan ko ang bahay sa aking harapan at napansin na nasa dulong bahagi na ito ng lugar.

Mayroon rin itong maliit na paskil sa taas ng gate na ang nakalagay ay 'Roses Courtyard'. Binuksan ni Feb ang maliit na gate at pumasok sa loob na aking sinundan.

Iginala ko ang aking paningin at pumasok sa loob ng bahay. Everything is organized and clean. Simple lang ang disensyo ng loob ng bahay.

It suits my taste.

Lumingon ako sa mga kasama namin at napansin ang apat na babae. Nakangiti akong nagtanong sa kanila. "Ako nga pala si Aeria. Kayo ay si..?"

Nagpakilala ang isang babae sa dulo. "Lady Aeria, ako pala si Mon"nakangiti siyang nagsalita. Halata sa kaniyang mukha na bright ang personality niya

Sunod na nagpakilala ang mga babae. "Ako nga pala si Tue"

"Ako nga pala si Wed"

"Ako nga pala si Thu"

Tumango ako sa kanila at nagtanong. "Ah, may kilala pala kayong Misty?"

Lumapit si Thu at nagsalita. "Si Ms. Misty ay isa sa mga guardian dito sa Ry. Kung nasaan siya ay may kinakailangan siyang asikasuhin, pero babalik rin siya bukas dito"

"Guardian? Anong ibig sabihin non?" tanong ko at umupo sa upuan malapit sa akin. Lumapit naman sa akin si Thu at kinuha ang maliit na tasa lamesa at inabot sa akin.

"Replying to Lady Aeria, ang mga guardian ang mga nagproprotekta sa inyo. Mas mataas ang kanilang posisyon sa estado kaysa sa ordinaryong tao. Bihisa sila sa mahika at martial arts kaya wala ka dapat ikabahala"

Kinuha ko ang tasang inabot sa akin at ininom ito. "Mahika? Ang lahat ba ng tao dito ay marunong gumamit ng mahika?" tanong ko. Hindi ako makapaniwalang may mahika sa lugar na ito. It feels like I'm in a fantasy world.

"Sa buong Euphoria realm ay binubuo ng light at dark users. Sa White Kingdom ay hindi lahat may kakayanang gumamit ng mahika. Ang paggamit ng mahika ay binabase kung ikaw ay may spirit essence kaya hindi lahat ay pwedeng gumamit ng mahika. Kapag naawaken ang spirit essence mo ay mag cultivate para lumakas ang iyong mahika. Ang spirit essence ay binubuo ng low, middle and high spirit essence. Iilan lang ang nakapagkamit ng high spirit essence sa buong Euphoria, sa aking pagkakaalam ay ang hari ng Black Kingdom at White Kingdom lang ang nakaabot sa ganoon level" pagpapaliwanag nito.

"Maraming class ang spirit essence. Pwedeng magician, medical practioneer, archery, swordsman at black sorcery" pagbanggit niya ng mga ito at napangiwi ng banggitin ang black sorcery.

Napatango ako at nagtanong sa kaniya. "Saan kabilang si lolo?"

"Swordsman, Lady Aeria. Isa siya sa pinakakilalang at pinakamagaling sa buong White Kingdom. He is one of the top masters in the entire kingdom"

She then handed me a piece of big map which is kinda old but, it's in the good condition. "This is the map of the Euphoria realm, lady. This is where we are currently located, the White Kingdom" she said and pointed a big piece of land.

The map consists of two big parts of land and I glanced on the another land. "This is...?" I asked at Thu and pointed the land in the west.

She paused for a minute before she answered. "This is the Black Kingdom, Lady Aeria. It is where the dark users lived and ruled by -".

Thu was interrupted when Mon came running inside of the house. She was heavily panting as she took a deep breath as she came near to us, she faintly whispered to my ears. "Lady, Master has been badly wounded and he's in critical condition"

↔↔↔↔↔↔↔

Author's note:

Sorry for the grammatical error. Thank you for reading my first work and I hope you enjoy this story.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro